Chapter 19

1.1K 42 163
                                    

Enjoy Reading, Sweeties:)


Isabella Cloud


Kunwari ay abala ako sa pagtingin sa mga paintings na nakakabit sa dingding. Hindi na ako hinayaan ni Baste na makaalis. Nag-book pala siya ng kwarto rito sa hotel. Bakit? Aba malay ko baka natunugan niyang nandito si Bea kaya nandito rin siya.


Bea is always the reason.



"Can you stop that? Why did you left?" he asked seriously dahilan kung bakit ako madiin na napapikit. Napahawak ako sa noo ko nang magsalita siya.


Hindi ako lumingon sa kan'ya lalo't natatakot akong salubungin ang galit niya. Alam kong galit siya base sa pagkakatanong niya sa akin.


"You have seen me, why are you still angry?" I whispered.





"What?"


"Watawat," bulong ko.


Halos malaglag ang panga ko nang bigla niya akong hinawakan sa braso ko at hinarap sa kan'ya nang sapilitan.


Napadaing naman ako lalo't ang higpit nang pagkakahawak niya sa akin.


"Nagtatanong ako ng maayos dito, Cloud! Huwag mong gawing biro ang ginawa mo!" malakas na sabi niya. Kitang-kita ko ang galit sa mga mata niya habang nakatingin sa akin kaya naman humawak ako sa kamay niyang nakahawak sa braso ko at pilit na tinanggal 'yon.


Nagsisimula akong lamunin ng tampo na nararamdaman ko sa kan'ya. Alam ko namang wala siyang alam sa pinagbubuntis ko pero para para gawin akong pamimilian niya na pwede niyang balikan kung kailan niya gusto ang hindi ko matanggap.

Nananakit na siya ngayon?


"Baste! Nasasaktan ako," mahinang sabi ko kaya naman binitawan niya ako at nakita ko siyang napasabunot sa buhok niya.


This is not what I expected the two of us to meet.



Hindi ako handa na makita siya lalo't may kalakihan naman na ang t'yan ko.


"Cloud, a-anak ko 'yan e," mahinang sabi niya at napaupo sa dulo ng kama.



Napaiwas naman ako ng tingin sa kan'ya dahil uminit ang ilalim ng mga mata ko at alam kong nagbabadya ang mga luha sa mga mata ko.


"Sinabi ko nang sabihan mo ako ku---"


"Busy ka e... hanggang ngayon mukhang busy ka pa ring habulin 'yong babaeng gusto mo," nakaiwas ang tingin na sabi ko kaya naman hindi siya nakapagsalita.


Natawa naman ako.


"Buntis ako... and? Ano'ng gagawin natin?" tumatawang tanong ko. Ramdam ko na titig na titig sa akin si Baste.


Napabuntong hininga ako bago ako humarap sa kan'ya ng tuluyan.


"Ano? Ano'ng plano mo? Maghihintay akong manganak tapos ikaw naman hahabulin si Bea? Sure, sige 'yon na lang ang gawin natin. Ngayon na alam mo na magkakaanak tayo. Okay na 'yon, tsaka na lang tayo mag-usap kapag nanganak na ako, tapos kung bumalik na sabi si Bea," sabi ko habang nakatingin sa mga mata niya.


Napanganga siya dahil sa sinabi ko at hindi makapaniwalang nakatitig sa akin.


Tumalikod ako ulit at hahakbang na sana para umalis nang magsalita si Baste.


"I was drunk that night while you were in your right mind. Why are you still mad at me now? What did I forget that night that is the reason for your anger?"


Attaining His Broken Cloud - COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon