Chapter 47

961 31 88
                                    

Enjoy Reading, Sweeties:)







Isabella Cloud

Hindi na ako nakatulog kagabi. Sigurado ako kapag nalaman 'yon ni Cyrus ay sesermunan na naman niya ako.

Para akong lantang gulay na bumaba lalo't nasa sala ko na si Cyrus at kanina pa naghihintay sa akin.

"Did you not sleep well last night?" he asked seriously.

Kahit yata hindi na ako sumagot sa mga texts niya sa akin kagabi ay alam pa rin niya na hindi talaga ako nakatulog.

Tulala lang ako magdamag sa kisame ko. Patingi-tingin sa cellphone ko at hindi ko alam ang dapat kong gawin.

"Nakatulog naman," mahinang sabi ko na lang nang kunin niya sa akin lahat ng bitbit kong gamit since gusto niyang siya ang maghahawak.

"Alam kong hindi," sabi niya habang lumabas kami.

Kaso hindi ko inaasahan na naghihintay si Keith sa labas ng condo ko kaya naman nagsalubong ang mga paningin naming dalawa.

Nagulat pa ako pero nakita kong kalmado lang si Cyrus kahit na nalipat sa kan'ya ang tingin ni Keith.

Napatitig naman ako sa red tulips na dala ni Keith. Nakita kong pasimple niya 'yon itinago sa likod niya ang dala niyang bulaklak.

Para ba sa akin 'yon?

"G-Good morning," mahinang sabi ni Keith at muli ko na namang nasilayan ang ngiti sa mga labi ni Keith.

Hindi ko alam ang sasabihin ko kaya tumingin na lang ako kay Cyrus na tahimik lang din.

"Para ba 'yan kay Cloud? Akin na, tamad siyang magbuhat ng gamit niya. Ako na lang ang hahawak," sabi ni Cyrus kay Keith kaya naman nanlaki ang mga mata ko.

Hindi ko inaasahan ang sinabi ni Cyrus kaya nang tignan ko si Keith ay nakita kong gulat din siya sa sinabi ni Cyrus pero maya-maya lang ay dahan-dahan na lumapit si Keith at iniabot 'yon kay Cyrus.

Tumingin siya sa akin bago ngumiti.

"Can I ask kung ano'ng oras ang out mo mamaya sa trabaho?" tanong sa akin ni Keith naman naman napakagat ako sa ibabang labi ko.

"5 pm since hindi siya pwedeng mag-over time," sagot ni Cyrus kaya naman natigilan si Keith.

"Are you Cloud's personal katulong? I'm not even asking you," Keith said seriously.

"No, I'm not... I'm her manliligaw," sagot ni Cyrus dahilan kung bakit napapikit naman ako.

Bakit ang bilis naman?

Bakit ganito agad ang nasasaksihan ko?

"If you don't mind... mahuhuli na sa trabaho si Cloud," dagdag pa ni Cyrus at ngumiti sa akin na para bang proud na proud siya sa ginawa niya.

Attaining His Broken Cloud - COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon