prologue

3.7K 66 4
                                    

THE RICH SLAVE

by: sha_sha0808 Ash Simon

PROLOGUE

Unedited...

Malungkot na pinagmasdan ko ang larawang 'kay tagal kong tinatago.

"Mahal pa rin kita," bulong ko at niyakap ang wallet size na litrato. Alam kong masaya na siya ngayon pero hindi ko lang mapigilan ang sariling huwag siyang isipin.

Siya ang first love ko at siya na rin siguro ang panghuli.

"Masaya ako para sa 'yo," wika ko na para bang nasa harapan ko lang siya.

Ang bait niya. Minahal niya ako nang sobra pero pinabayaan ko siya at pinaniwalang wala na ako hanggang sa nagmahal na siya ng iba. Pagbalik ko, hindi na niya kayang ibalik ang nararamdaman niya para sa akin. If only I could turn back time.

Noong naging kami, that was the happiest moment of my life na habambuhay kong aalagaan.

"Kumusta ka na kaya? Sana inaalagaan ka niya," sabi ko habang titig na titig sa mukha niya.

Nakangiti ako sa litrato. Totoong ngiti pero hindi ko na iyon magagawa ngayon.
"Ano ba!" daing ko saka napatayo nang may humablot sa larawang hawak ko.

"Hanggang ngayon, umaasa ka pa rin bang babalik siya?" tanong ng halimaw sa akin.
"Bakit ba?" naiinis na tanong ko at inagaw ang litrato pero mabilis na tinago niya sa bulsa. "Akin na 'yan!"

Lumapit siya sa akin na nakangisi. "Ibabalik ko lang 'to kung gagawin mo ang gusto ko."
"Bakit mo ginagawa ito?" tanong ko.
"Kasi alipin kita," sagot niya.

"Hindi--"

"Ako ang nagsalba sa 'yo at sa pamilya mo," paalala niya.
"G-Gagawin ko ang gusto mo pero akin na ang larawan--"

"Oh!" Patulak na inabot niya sa dibdib ko kaya nahulog sa sahig. Yumuko ako para pulutin at galit na tiningala siya.

"Ano? Iiyak ka ba?" hamon niya. "Alam mo, hindi ka na mahal ni Preenz dahil may mahal na siyang--"

"Alam ko! At lamang siya sa lahat ng bagay sa akin, happy ka na?" naiinis na tanong ko na ikinasaya niya.

"Gawan mo 'ko ng death note." Utos niya.
Isa siya sa mga apo ng may-ari ng paaralang pinapasukan ko ngayon.

"Oo na," pagpayag ko. Wala naman akong choice e.

" Feeling guwapo, mukhang butiki naman," bulong ko. Ang payat kasi nito na mukhang natipos.

"What did you say?" tanong niya na nakataas ang kaliwang kilay na parang naghahamon ng suntukan.

"Wala. Ang sabi ko, gagawin ko na," sagot ko.
"Psh! Gumawa ka na. Baka gusto mo, ikaw ang bigyan ko ng death note e!" sabi niya saka sinamaan ako ng tingin bago lumabas.

This is my life now. Isa na akong alipin ng mga Lacson at kahit anong gawin ko, hindi na ako makakatakas sa kanila dahil makukulong ang mga magulang ko sa kasalanang hindi naman nila ginawa.

A/N:

1. Slow update.

2. Maraming mali lalo na sa grammar, punctuations, etc.

3. Naglilipat ang mga pangalan ng charac.

4. Kapag ayaw ng story, umalis nang tahimik dahil hindi mo ako binabayaran.

5. Walang pilitan sa pag-vote. May vote o wala, as long na nasa mood ako, mag-aupdate ako.

6. Bawal ikumpara ang story ko sa ibang story ng ibang author.

7. Respeto sa opinyon ng ibang readers.

8. Huwag umasa na maganda ito dahil cliche at sinusulat ko lang to pampalipas oras.

9. Hindi to realted pero pakyu si Ex.

"Kapag may problema ka, isulat mo. Iisa lang ang buhay ng tao kaya say NO to suicide!"

Bobong Author
Sha_sha0808

The Rich SlaveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon