20

597 32 0
                                    

THE RICH SLAVE

by: sha_sha0808 Ash Simon

CHAPTER 20

[Jael POV]

"Ugh!" sigaw ko at napasabunot sa ulo habang naglalakad sa loob ng kuwarto ko.
"Jael? Anak, babalik din siya."
"What if hindi, mom?" tanong ko saka napaupo sa kama at napahilamos sa mukha. "It's my fault. Kung sana naging extra careful lang ako, e di sana okay pa kami."
"Wala kang kasalanan kaya huwag mong sisihin ang sarili mo. Aksidente ang nangyari," malumanay na sabi niya saka naupo sa tabi ko at hinimas ang likod ko. "May purpose ang lakad. She has the right to know the truth."
"It's not the right time, mom," ani ko.
"Jael, huwag na natin siyang lokohin. Isa pa, kailangan natin siyang makita para malaman ang katotohanan."
"Wala akong pakialam kung hindi ko na malalaman kung sino sina Lila at Jelai sa present time. Ang mahalaga, mahanap ko si Kylie," sising-sisi na sabi ko. Kung ako na lang sana ang nagluto, e di hindi sana siya nasugatan. E di sana masaya pa kaming nagsasama sa nakaraan.
"Jael, alam mong iyon ang gusto ng maskara at ng Lola Patch mo," sabi ni Mommy.
"Mahalaga sa akin si Kylie lalo na't buntis siya," nag-aalalang sabi ko.
"What?" tanong niya kaya iniwas ko ang mga mata ko.
Namayani ang katahimikan sa silid ng kuwarto at si Mommy naman ang mukhang problemado.
"H-How could you--ugh! Jael naman!"
"Hindi ko sinasadya," depensa ko.
"Hindi mo sinasadya?" bulalas ni Mommy saka tumayo at hinarap ako. "Jael, hindi kayo ako. Kung ano ang nangyayari sa katawan ninyo sa past time, nadadala ninyo sa present! Wala kayong ginagampanan sa nakaraan kundi mga bisita kayo! Ikaw si Jael at siya pa rin si Kylie! Nandoon kayo para saksihan ang nangyayari kaya buhay ninyo ang nakataya rito!"
Napabuntonghininga ako. When I was young, nanaginip akong nakausap at nakalaro ko si Lola Patch noong bata pa sila. It seems so real. I told it kay Mommy. At first, nagulat siya pero nang biglang lumiwanag ang maskara sa dingding sa loob ng silid, napatitig siya sa akin at nakiusap na huwag kong ipaalam kahit kanino. Hindi ako naniniwalang totoo ang time travel dahil hindi na rin naman naulit pa iyon--until Kylie came in our family. Doon na rin nagpatuloy ang pag-time travel ko kasama siya. Kapag nasa kuwarto siya, sa sportscar ako natutulog. Sportscar ni Lola Patch ang nagdadala sa amin sa ibayong mundo at itong kuwarto since nandito ang maskara.
"We need to find her bago pa siya mapahamak," determinadong sabi ni Mommy. "But please, huwag na huwag mong ipaalam sa daddy mo."
"O-Okay," pagpayag ko saka tumayo. "Papasok ako, baka masa school siya."
"Bumalik ka sa nakaraan, baka nandoon siya. Ako na ang tatawag sa school kung nandoon siya. Bumalik ka kapag hindi mo siya roon nahanap."
"Yes, Mom."
"Please be careful, son," bilin ni Mommy saka niyakap ako.
"I will, Mom. I love you."
---------------
"Saan ka pupunta, Jael?" tanong ni Baron.
"Hahanapin ko si Kylie," sagot ko at sumakay sa ducati. Wala siya rito sa Tagaytay kaya baka nasa unit ko kung bumalik man siya rito. Who knows? Kayang mag-magic ng maskara. Si Mommy nga, kahit saan basta ipikit niya ang mga mata, nakabalik siya sa nakaraan.
"Baka kay Lee," nakangising sabi nito. "Alam mo naman 'yon, mahilig mang-angkin ng pagmamay-ari ng iba," makahulugang sabi niya.
"Alam kong hindi na kayo magbabati ni Lee pero gusto ko lang sabihin na--" malungkot na tinitigan ko si Lolo Baron. Badboy image siya lalo na sa magkabilang hikaw niya pero nangingibabaw ang kaguwapuhan. "Mabait kang tao at alam kong may mabuti kang puso. Kung darating man ang araw na sa tingin mo ay nag-iisa ka na lang, palagi mong isipin na mahal ka ng mga pamilya mo at proud ang magiging apo mo sa 'yo."
"Pinagsasabi mo?" salubong ang kilay na tanong niya. Ngumiti ako.
"Wala," sagot ko. "Pogi mo at huwag kang mag-alala, hindi lahat ng tao ay kalaban mo."
"Ulol! Hindi kita maintindihan!"
Isinuot ko ang helmet at pinaharurot ang ducati. Gusto ko man makipag-bonding sa kaniya pero wala na akong oras.
Pagdating sa unit, sinalubong ako ni Jelai. Niyakap niya ako nang sobrang higpit.
"Mommy Kylie mo?" tanong ko at dumiretso sa kuwarto.
"Hindi ko po alam," inosente niyang tanong habang nakabuntot sa akin. Tumungo ako sa CR pero wala rin. Kahit sa kabilang silid, wala rin si Kylie.
"Kay Lila," usal ko at lumapit sa pinto pero hinila ni Jelai ang laylayan ng damit ko.
"Iiwan mo 'ko, daddy?"
Hinarap ko siya. "Nawawala si Kylie at hindi ko alam kung saan siya hahanapin, Jelai. Hindi ko na alam ang gagawin ko. Alam mo namang buntis siya, 'di ba? Mahal ko siya at ayaw ko silang mapahamak ng anak namin. Hindi ko alam kung ano ang gagawin ko," naguguluhang sabi ko.
"Love ko rin po si Mommy at ang kapatid ko," sabi niya kaya binuhat ko siya. Niyakap niya ako.
"Don't worry, dad. Aalagaan ko po sina Mommy at baby brother ko."
"I want a girl," sabi ko. "Promise, Jelai ang ipapangalan ko."
"I want a boy," nakalabing sabi nito.
"Jelai? Sino ba talaga ang parents mo? Sino ka?" naguguluhang tanong ko.
"Kayo po," sagot niya.
Okay, ang hirap makipag-usap sa bata.
"Maiwan ka muna, kailangan kong hanapin ang mag-ina ko."
Palabas na ako ng pinto nang magsalita siya. "I love you, Dad."
"I love you too," sagot ko saka dumiretso sa garahe at nagmaneho papunta sa bahay nina Lila.
"Bakit maraming tao?" tanong ko nang lumabas siya sa gate. May tatlong mamahaling sasakyan sa loob ng gate nila.
"New investors," sagot niya.
"Really?"
"Yes. Magaling si Dad sa business and well, nangunguna ang collab business nila ng father-in-law ko," sagot nito.
Napasulyap ako sa pavilion. Nandoon ang mga ninuno ko. Ang ama nina Lola Patch at Lolo Lee kasama ang ama ni Lila with their bodyguards na nakipag-usap sa limang Japanese investors.
"Ibig sabihin, magsasanib silang tatlo sa iisang company?"
"Yes," nakangiting sagot ni Lila. Napasulyap ako sa necklace niya. It is. Hindi ako puwedeng magkamali. Ang mga diyamante at perlas ay siyang pinakamamahaling desinyo sa maskara ng sorority queen.
"Are you okay, Jael? Parang natulala ka?" tanong niya kaya natauhan ako.
"Wala. Nagandahan lang ako sa necklace mo. It's expensive," puri ko.
Hinawakan niya at ngumiti. "Ibinibigay ko nga sa inyo ni Kylie as a present sa new baby ninyo, ayaw mo naman."
"Thank you but alam kong mahalaga rin iyan sa 'yo," pasalamat ko at napatitig sa maganda niyang mukha.
"Well? Saan kaya nagpunta si Kylie?" tanong niya.
"Oh shit!" bulalas ko. "I have to go, hahanapin ko lang siya." Paalam ko saka muling pinaandar ang ducati.
----------------------
"Mom? Wala siya sa past," tawag ko nang makita siyang makakasalubong ko sa hallway.
"Jael? Nasa kuwarto niya siya, nahanap ko siya."
"Ha? Talaga, mom?" excited na sabi ko.
"Tinitingnan na siya ng doctor."
"D-Doctor?"
"Bumalik siya sa bahay ng parents niya pero walang tao roon. Nang pumasok kami, nakita namin siyang nakahiga sa kama at inaapoy ng lagnat," nag-aalalang sagot nito.
"Damn!" sambit ko at tumakbo papunta sa silid niya.
"She's fine," sabi ni Tito Zero nang pumasok ako. "Kailangan lang niyang magpahinga. Magpatawag na lang kayo ng OB para sa vitamins at kailangan nila ng baby. Congrats," bati ni Tito Zero.
"Painumin na lang muna natin siya ng paracetamol hanggang sa bumaba ang lagnat niya and water therapy na lang siya kapag bumaba na sa thirty seven point eight ang body temperature niya. Safe naman ang para for pregnant women at iyon ang advice ng OB niya," sabi ni Tita Nathalie na nag-assist kay Tito Zero.
"Thank you," pasalamat ko.
"Congrats. Hayaan muna natin siyang magpahinga," sabi ni Tita Nathalie at lumabas na sila. Naiwan ako para magbantay kay Kylie.
Lumapit ako sa kaniya saka naupo sa tabi niya at hinaplos ang maamo niyang mukha. Ang itim ng gilid ng mga mata niya.
"J-Jael," usal niya pero nakapikit ang mga mata.
"I'm here," mahinang sagot ko at ipinatong ang kamay sa kanang kamay niya. "Don't worry, I'm here, Kyle. I will never leave you."
"I h-hate you," usal niya.
Pinisil ko ang mga kamay niya. It hurts. Pero wala akong magagawa kung iyon ang nararamdaman niya para sa akin. Kasalanan ko naman.
"I love you," bulong ko saka yumuko at hinalikan siya sa noo. "Kayo ng baby natin."
Ang init ng katawan niya kaya kumuha ako ng basang towel at pinunasan siya. Hanggat maaari, ayaw ko siyanh painumin ng gamot.
"Magpagaling ka, Kyl. Kailangan mong maging malakas."
Nakapikit pa rin siya at halatang walang lakas.
Hinaplos ko ang tummy niya. "Kumapit ka lang kay Mommy," pakiusap ko sa munting anghel namin sa loob ng tiyan niya.
Kinuha ko ang kamay ni Jael at hinalikan ang may sugat niyang daliri.
"Sana ako na lang ang nasugatan," malungkot na wika ko habang nasa mukha niya ang mga mata ko.
Isa sa mga rason kung bakit dinala ko siya rito sa bahay ay dahil ayaw kong mapahamak siya at mapagbintangan ng bagay na hindi naman niya ginawa. Ayaw ko siyang masangkot sa droga. Marami ang gustong magpapatahimik sa parents niya dahil bago pa man magpakamatay ang Kuya ni Kylie, nag-iwan na ito ng listahan ng sangkot sa kaso.
Isa pa, sobra na ang sakit na naranasan niya lalo na nang ipagpalit siya ni Preenz kay Epok. Mabait siyang tao at hindi niya deserve ang husgahan at maging malungkot. Ne hindi siya lumaban nang makita niyang nahuhulog na si Preenz sa ibang babae. Kusa siyang nagparay kahit na masakit at noong nakita ko siyang umiiyak habang nakatingin kay Preenz na kasama si Epok, nadudurog ang puso ko. She's cute.
"J-Jael," usal na naman niya.
"Pangako, hindi kita iiwan, Kylie."
Nasa tabi lang niya ako nakaupo at nagbabantay.
"I hate you," mahinang usal niya..
"Puro ka I hate you! Kapag awayin kita, nagagalit ka. Kapag mahalin kita, nagagalit ka rin. Doon na lang tayo manirahan sa past kasama ang mga ninuno natin para masaya pa tayo. Doon mo lang kasi ako mahal!" mahabang sumbat ko. Kung wala lang siyang sakit, kanina ko pa 'to sininghalan.
Narinig ko ang sobrang hinang paghilik niya. Obviously, sobrang pagod siya. Sinuklay ko ang malambot niyang buhok gamit ang mga daliri ko.
"May misyon pa tayo, Kylie," pabulong na sabi ko at pinagmasdan ang maamo niyang mukha. Alam kong gustong ipakita ng maskara kung ano ang tunay na nangyari sa isa sa mga nagmamay-ari ng disenyo niya; ang Lola ni Kylie, si Lila.




The Rich SlaveWhere stories live. Discover now