14

541 31 0
                                    


THE RICH SLAVE

by: sha_sha0808 Ash Simon

CHAPTER 14

Unedited...

"Sumabay ka na kay Jael," sabi ni Tito Jacob nang lumabas ako sa bahay.
"Huwag na po," magalang na sagot ko.
"Huwag na raw!" sabat ng mokong at naunang maglakad patungo sa parking lot.
"Sumabay ka na dahil walang driver," giit ni Tito Jacob.
"Jeep na lang po," sagot ko.
"Huwag na, Dad. Hindi ako makahinga kapag nandiyan siya," sabat nito na hindi lumilingon.
"Isabay mo si Kylie at sumabay ka kay Jael kung ayaw ninyong pagbuhulin ko kayo!" pagbabanta ni Tito.
"Fine!" pagpayag ni Jael. "Hindi naman ako takot sa babaeng 'yan!"
"Oo na po," pagpayag ko saka mabibigat ang hakbang na lumapit sa kotse niya. Nakasakay na ito kaya binuksan ko ang kotse at pumasok.
"Sana tumanggi ka pa," sabi niya nang palabas na kami sa gate.
"Kung puwede lang. Ayaw talaga kitang makasama kasi may pagkademonyo ka," prangkang sagot ko pero hindi man lang natinag.
Napasulyap ako sa braso niyang may bandage. Naalala ko tuloy si Jael, nasugatan din 'yon dahil sa pagligtas sa akin.
"Gagaling ba ang sugat ko sa mga titig mo, Kylie?" tanong niya kaya iniwas ko ang mga mata ko.
"May naalala lang ako," sagot ko at sa labas na tumingin.
"Sino?"
"Wala ka na roon," sagot ko.
"Pinipilit kitang aminin kung sino," sabi niya.
"Mind your own business!" sabi ko at ipinikit ang mga mata. How I wish na makabalik ako sa mundo nina Lee. Labis akong nag-aalala kay Jael at Jelai. Paano kung napahamak sila? Kagabi pa akong walang tulog dahil sa kakaisip. Para akong dinuduyan ng antok habang nasa biyahe kaya tinatamad akong dumilat.
Naramdaman ko ang mainit na hangin sa pisngi ko kaya napamulat ako pero nanlaki ang mga mata ko nang makitang nakatunghay si Jael sa akin.
"H-Hahalikan mo ba ako?" tanong ko nang lumayo siya sa akin.
"Kapal mo!" pagsisinuplado niya. "Gigisingin lang kita dahil nasa CTU na tayo."
Tumingin ako sa labas, nasa parking lot na nga kami ng Cresantemum University.
"Hahalikan mo lang ako e," pang-aasar ko.
"Hindi ah," tanggi niya.
"Hindi pa pero--uhmp!"
Namilog ang mga mata ko nang angkinin niya ang mga labi ko kaya hindi ako makakilos.
"Ayan, hinalikan na kita, satisfied?" nakangising tanong niya nang lumayo sa akin.
"Hayop ka!" singhal ko saka pinaghahampas siya sa braso.
"Hey! Masakit, Kylie. Aw! Ang sugat ko!" daing niya kaya tumigil ako.
"Ikaw kasi!"
"Psh! Nahalikan na kita dati. Mukhang ako nga ang first kiss mo," pang-aasar niya.
"You wish!" sabi ko. Hindi siya kundi si Preenz ang first kiss ko.
Tumawa siya. "Siya pero sa akin mo naramdaman?" pang-aasar pa niya.
"Hindi ikaw. At siya ang first love ko," giit ko. Mahal ko si Preenz pero ngayon, hindi ko na alam. Isa pa, matagal na kaming hindi nagkikita at kasal na sila.
"Wala akong pakialam. As if na gusto kita. Bumaba ka na nga!" pagtataboy niya.
"Bababa naman talaga ako dahil ayaw na kitang makita!" Bumaba ako at pabagsak na isinara ang pinto ng sasakyan niya pero sa pagkamalas, ang dami na namang nakakita sa amin.
"Magkasama na naman sila? Hindi ba't kahapon lang, binigyan siya ng death note?"
"Oo nga. Grabe, hindi ko na alam kung ano ang iisipin ko," pagsang-ayon ng isa.
"Me too."
"Puwede bang manahimik kayo?" singhal ko. "Bubulong kayo tapos naririnig ko naman!"
"Hey, huwag nga ninyong awayin si Kylie," sabi ni Jael nang lumapit sa akin. "Baka mapano ang dinadala niya."
Pumintig ang tainga ko sa narinig.
"What? Buntis siya?"
"Oh my! Don't tell us, ikaw ang ama, Jael?"
"Just kidding," natatawang sabi ni Jael. "Pumunta na nga kayo sa klase ninyo, baka sumpungin ako at bigyan ko kayo ng death note."
Nanlaki ang mga mata nila saka tumakbo palayo sa amin.
"Ang bilis ng takbo e," natatawang sabi ni Jael saka nilagpasan ako at hindi pinansin ang pandidilat na ginawa ko.
Nang hapon, maaga pa akong sinundo ng driver dahil wala kaming klase sa last period. Akala ko, hahabulin na naman nila ako sa school pero wala naman. Medyo tahimik ang buhay ko ngayon maliban sa mga parinig na dinededma ko na lang.
"Ate? Magpapahinga muna ako sa kuwarto," paalam ko dahil sinisingil na ako ng antok ko.
"Sige lang."
"Ate? Wala pa bang bisita?" tanong ko. Ilang araw na pero wala akong nakikitang bisita na natutulog sa dating kuwarto ko.
"Wala naman po," sagot niya.
"Sige, akyat na muna ako. Ate? Kapag natutulog pa rin ako, huwag mo na po akong gisingin para mag-dinner ha. Na-insomia ako kagabi e," bilin ko.
"Okay po."
Umakyat na ako at nang makapasok ay dumiretso sa bathroom saka naligo pagkatapos matuyo ang buhok, nahiga na ako.
------------
" Mabuti at gising ka na."
Pagdilat ko, si Lee ang nabungaran ko. Umaga na pala at nandito ako sa mahabang bench sa tapat ng gate ng racing field.
"Lee! Si Jael?" nag-aalalang tanong ko sabay bangon.
"Hindi ko alam e," sagot nito. "Nakita lang kitang nakahandusay rito."
"Akala ko dead ka na. Ba't nabuhay ka pa?" nakapamewang na tanong ni Patch. Grabe, ang sama pala talaga ng ugali nito, parang ang apo lang niyang si Jael.
"Tumigil ka nga, Patch! Hindi ka nakakatulong," saway ni Lee. Napapansin kong madalas na badtrip si Lee kapag si Patch ang kasama.
"May gusto ka ba sa kaniya, Lee?"
"Patch naman! Lahat na lang ba ng babae, aawayin mo?"
"Oo! Dahil ayaw ko ng may kaagaw, maliwanag?"
Palipat-lipat ang mga mata ko sa kanila.
"Patch, hindi kita--"
"Subukan mong ituloy at dudugo ang bibig mo!" pagbabanta ni Patch.
"Psh! Diyan ka na nga!" Tinalikuran na kami ni Lee.
"Patch," tawag ng guwapo at maangas na lalaking tumigil sa tapat namin. May mga pasa pa siya dulot ng rambulan kagabi.
"Layuan mo nga ako, Baron!" maarteng pagtataboy ni Patch.
"Makataboy ka, parang may nakakahawa akong sakit ah," sabi ni Baron.
"Si Lee lang ang gusto kong makasama!"
"Bestfriend mo rin naman ah," ani Baron.
"Noon 'yon!" sabi ni Patch at padabog na umalis.
Napatingin si Baron sa akin.
"Kumusta ang lalaking kasama mo? May sugat siya ah," tanong ni Baron.
"Hindi ko rin alam," sagot ko. Sinusubukan kong maalala kung sino siya pero hindi ko talaga matandaan lalo na't masakit pa ang ulo ko. Pero familiar ang name niya. Maybe, a frat leader? Basahin ko mamaya pagkagising ko.
"Sakay na," sabi niya.
"H-Ha?"
"Sakay na, ihahatid kita sa bahay ninyo."
"Pero--"
"Delikado kapag maiwan kang mag-isa. Hindi pa naayos ng sorority queen ang frat war," sabi niya at napatingin sa mga lalaking palabas ng gate. Kahit ang guards, hindi rin sila kaya.

"S-Sige," pagpayag ko at umangkas sa kaniya. Badboy ang imahe niya lalo na't may hikaw pa siya pero mukhang mabait naman. Tinulungan pa nga niya si Jael kaninang madaling araw e.
In fairness, mabango siya. Bakit ba lahat ng lalaki sa mundong ito, ang gaguwapo. Nakakatamad na tuloy bumalik sa kasalukuyan.
Bumaba ako at sinamahan niya akong pumunta sa unit ni Jael.
"Jael!" bulalas ko at niyakap siya nang pagbuksan kami ng pinto. "J-Jael, buhay ka."
"Hey, m-masakit ang braso ko, Kylie," reklamo niya kaya lumayo ako sa kaniya.
"I-I'm sorry, natutuwa lang ako dahil nagkita na naman tayo," naiiyak na sabi ko.
"Baron," usal ni Jael. "Pasok ka."
"Huwag na," tanggi ni Baron. "May lakad pa ako."
"Salamat sa paghatid kay Kylie," pasalamat ni Jael at nginitian si Baron.
"Paano mo nalaman ang pangalan ko?" nagtatakang tanong ni Baron.
Tumawa si Jael. "Sino ba ang hindi makakilala sa leader ng BEX?" tanong ni Jael.
Ibig sabihin, tama akong leader nga ito ng fraternity.
Tumango si Baron. "Sige, mauna na ako--"
"Jael," agad na pagpakilala ni Jael.
"Okay Jael," sabi ni Baron at napasulyap sa akin. "Mauna na ako."
"Salamat sa paghatid," pasalamat ko.
"Daddy!" tawag ni Jelai na patakbong lumapit sa amin saka niyakap sa mga paa si Jael.
"Kumain ka na ba?" tanong ni Jael. Umiling ang bata.
"Ako na ang magluluto," pagboluntaryo ko saka lumapit sa kusina. Napangiti ako nang marinig ko ang tawa ng dalawa sa sala.
Malapit nang maluto ang tinolang manok nang maramdaman ko ang mga kamay niya sa bewang ko at inamoy ako sa leeg.
"J-Jael," usal ko.
"I love you," bulong niya na tila musika sa aking pandinig.
"I love you too," sagot ko.
Pinaharap niya ako sa kaniya at tinitigan sa mga mata.
"Say it again, Kylie."
"I love you," sabi ko at ipinulupot ang mga kamay sa leeg niya. "If given a chance, I will always love you kahit saang mundo man ako dadalhin."
Marahang tumawa siya. "If love mo ako, kiss me." Utos niya.
"Grabe ka," sabi ko sabay hampas sa malapad niyang dibdib pero agad naman niyang nahuli ang kamay ko.
"Kiss me, Kyl," seryoso niyang sabi kaya napalunok ako ng laway. Hindi ko maunawaan ang nararamdaman ko pero nanlalamig ako na nanlalambot. Dahan-dahang bumaba ang mukha niya sa mukha ko kaya hinila ko na siya at hinalikan sa mga labi.
"Uhmp!" ungol ko nang hapitin niya ako sa bewang para mas lumapit ang mga katawan namin. He was kissing me hungrily. Kahit na nga ang dila ko, sinisipsip na niya. I don't have a chouce kundi tugunin ang mapusok niyang mga halik. Gusto ko nang matumba sa alab ng halik niyang tumatagos sa buto ko.
Bigla akong natauhan nang maalala ko ang paghalik sa akin ni Jael kanina sa kotse.
"May problema ba?" nag-aalalang tanong niya.
"Luto na ang tinola ko," sagot ko saka pinatay ang kalan.
"Kylie, humarap ka sa akin," sabi niya sabay hawak sa balikat ko para ipaharap ako sa kaniya. "What's wrong?"
"Wala," sagot ko.
"Please tell me, Kyl. I'm here to listen," malumanay na sabi niya.
"May napanaginipan lang akong masama," sabi ko.
"Gaano kasama?"
"I kiss a frog sa car but it was just a dream kaya don't worry," sabi ko.
Binitiwan niya ako at masamang tinitigan.
"G-Galit ka, Jael?"
"Hindi," sagot niya at napabuntonghininga. "I just don't like the idea na may hinalikan kang iba."
"I told you, it was just a dream," sabi ko.
"Ayaw kong may kahati, Jael," seryoso niyang sabi.
"Wala naman, ikaw lang ang mahal ko. Ikaw lang ang Jael na mamahalin ko," sagot ko. Never na mamahalin ko ang Jael sa present time. As in no way.
"Ako lang din naman ang Jael na makilala mo kaya ako lang din ang mamahalin mo," aniya.
"W-What if may iba pang Jael akong makilala?" tanong ko. How I wish na nabuhay na lang ako sa panahong ito.
"Saan?" hamon niya.
"S-Sa--" Napaisip ako. Ang kulit naman kasi nito.
"Sa?" ulit niya.
"Sa ibang mundo," pabirong sagot ko at sinabayan ng tawa. "Ano ang gagawin mo, Jael?"
Lumapit siya sa akin at seryosong tinitigan sa mga mata. Hindi ako makahinga sa mga titig niya.
"Saan mang mundo 'yan, handa kitang sundan," walang halong birong sagot niya. Hindi ko maipaliwanag pero bakit parang may kakaiba akong naramdaman?
"Daddy? Nagugutom na po ako," tawag ni Jelai kaya napahiwalay kami at inayos ko ang pagkain.
Pagkatapos naming maghapunan, sa kabilang silid kami ni Jelai at sa kabila naman si Jael.
"Jelai? Sino ang mga magulang mo?" tanong ko habang sinusuklay ng mga daliri ang malambot at tuwid niyang buhok habang nasa kanang bisig ko ang ulo niya.
"Kayo po," sagot niya.
"Hindi puwede, nasa present time ako at hindi puwedeng maging kami ni Jael. Isa pa, wala pa akong anak," sagot ko. Or baka anak nga siya ni Jael? What if pahiram lang din ang katawan ko?
Hindi na siya nagsalita pa at nakapikit na ang mga mata.

A/n:
Tamad akong bigyan ng point of view si Jael pero di ba, anak siya ni Hael? Sa " The adventure of sleeping beauty" Kuha na?

The Rich SlaveWhere stories live. Discover now