25

598 33 0
                                    

THE RICH SLAVE

by: sha_sha0808 Ash Simon

CHAPTER 25

Unedited...

[Jael POV]

"J-Jael?" nag-aalalang tanong ni Mommy pagmulat ko ng mga mata. "Anong nangyari?"
"S-Si Kylie, mom?" agad na tanong ko saka napabangon.
"Hindi ko rin alam. Ano ba ang nangyari? May hindi ba--"
"She was shot, Mom," sagot ko saka nagsuot ng tsinelas.
"What?" nataranta niyang sabi habang nakasunod sa akin pababa ng hagdan.
"M-Ma'am? May tawag ho," sabi ng katulong na nasa sala habang hawak ang telepono palapit sa amin.
"Sino?" tanong ni Mommy.
"Si Sir Jacob po."
"Akin na!" sabi ko saka inagaw ang telepono. "Yes, dad? Si Kylie? How is she?"
"J-Jael? Pumunta kayo rito, nasa hospital kami."
"Diyan naman talaga kayo patungo," sagot ko. "Kumusta na siya? Is there anything wrong?"
"N-Naaksidente kami--aw! Dahan-dahan!" daing niya.
"Dad? Ang asawa ko?" pasigaw na tanong ko. Hinagod ni Mommy ang likod ko para huminahon ako pero para kinakabahan ako.
"N-Nasa operating room siya, ang daming dugong nawala sa kaniya. May bumangga sa sasakyan namin--"
"I'll be there!" sabi ko saka ibinigay sa katulong ang telepono at tumakbo sa garahe.
"Sasama ako," sabi ni Mommy na humahabol sa akin. Paglagay ko ng seatbelt, pumasok si Mommy.
Hindi na siya nagreklamo nang matulin kong patakbuhin ang sasakyan na para bang hinahabol ko ang kamatayan. Ghad, kailangan ako ni Kylie.
"J-Jelai," sambit ko nang maalala ang huling sinabi niya.
" S-Sapat na po sa a-akin na makita at maramdamang mahal ninyo ako kahit na--" Umagos ang mga luha sa kaniyang mga mata. Mapait na ngumiti siya. "H-Hindi ko na masisilayan ang mundo," she added
"Aaah!" sigaw ko at napahampas sa manibela nang sumariwa ang huli naming pag-uusap.
"J-Jael, magiging okay--" Mom.
"My daughter, Mom. Si J-Jelai, siya ang nasa sinapupunan ni Kylie," sabi ko saka naramdaman ang mainit na likidong dumadaloy sa pisngi ko.
"She will be fine, m-magdasal lang tayo," sabi ni Mommy na kanina pa taimtim na nagdadasal.
Pagdating namin sa hospital, sinalubong kami kaagad ni Daddy na may bendahe sa braso at may gasgas ang noo.
"Si K-Kylie?" tanong ko.
"Sa operating room," sagot nito. "May bumaril sa amin at natamaan si Kylie."
"What?" bulalas ko. "Shit!"
Tumakbo ako patungo sa labas ng operating room.
"D-Doc," sabi ko nang lumabas ang isang doctor. "A-Ako ho ang asawa ng pasyente sa loob," pagpakilala ko. "Kumusta siya?"
Napabuntonghininga siya. "She's safe now. Okay naman ang baby ninyo."
"T-Talaga?" tanong ko na medyo naibsan ang kaba sa dibdib.
"Yes, as of now, inooperahan pa siya pero inuna muna namin ang bata."
"A-Ano ho ba ang gender ng baby ko?" tanong ko.
"Boy," sagot niya na ikinagulat ko. I am not expecting a baby boy. But thanks God, buhay ang mag-ina ko.
-----------------------

[Kylie POV]

Dahan-dahan kong iminulat ang mga mata ko. Puti ang lahat ng paligid.
"Mabuti at gising ka na," sabi ng nurse.
"S-Saan ako?"
"Ma'am? Magpahinga ka muna," nakangitibg sabi nito na may dalang chart. "Kakatapos lang po ng operation ninyo at nasa PACU po kayo. After thirty minutes, ilipat na po kami sa private room."
Napatingin kami sa bumukas na pinto.
"It's okay, gusto lang niyang makita ang asawa niya," sabi ng family doctor ni Jael at iniwan na kaming dalawa kasama ang nurse.
"K-Kyl, salamat at buhay ka," umiiyak na sabi nito saka hinawakan ang kanang kamay ko at dinala sa mga labi niya.
"B-Baby ko," mahinang usal ko at napahawak sa tiyan, hindi na malaki. "A-Ang baby--"
"Sssh, ligtas na siya," sabi nito.
"R-Really? Totoo ba 'yan?" tanong ko.
"Yes," sabi niya kaya napaiyak ako.
"Thank you, Lord," sabi ko.
Matapos ang thirty minutes, dinala na ako sa private room ng hospital.
Habang nasa elevator, napahikbi ako nang maalala ko si Lila. Wala na siya. Nasaksihan ko ang mga nangyari at pinatay sila sa harapan ko. Naramdaman ko ang pagpisil ni Jael sa kamay ko para iparating na nandito lang siya sa tabi ko.
Pagdating sa room, nandoon sina Tita Hael at Tito Jacob pati na rin ang mga kapatid ni Tito. Kumpleto ang quadruplets maliban na lang kay Tita Anndy.
"Pinapaimbestigahan na nina Zero at Anndy ang mga bumaril sa 'yo," sabi ni Tito John Matthew.
"Mukhang involved sa sindikato ang riding in tandem na iyon," sabi nila. Wala akong alam sa nangyari. I was asleep. Ang natatandaan ko lang ay ang pagbaril sa akin ng mga tauhan ng mga Lacson.
Pumasok ang doctor at nurse na karga ang baby ko.
"It's a boy," nakangiting sabi ni Jael nang ilapag ng nurse sa tabi ko ang natutulog na bata.
"Ang cute," sabay na sabi ng quadruplets pero bakit biglang lumungkot ang mga mata nila.
"M-May problema ho ba?" nagtatakang tanong ko kaya nagkatinginan sila pero walang sumagot.
"Ano ho 'yon?" nakakunot ang noong tanong ni Jael. Sina Tita Hael at Tito Jacob ay hindi rin makatingin sa amin.
"Mom? Dad? What is it?" tanong ni Jael.
"Actually," sabat ng doctor na tila nahihirapan. "We tried our best to save her but--"
"Her?" tanong ni Jael kaya napabuntonghininga ang doctor.
"Your daughter," sagot ng doctor kaya napanganga ako. "They're twins, but sad to say, she did'nt survive."
Napatutop ako ng bibig habang umaagos ang luha sa mga mata ko.
"We tried pero tumama ang bala sa puso niya."
"N-No!" hiyaw ni Jael saka napasabunot sa ulo. "N-No, no, no. Please tell me na nagbibiro ka lang, Doc! H-Hindi patay si Jelai, h-hindi patay ang anak ko!"
"H-Hijo, calm down," malumanay na sabi ni Tita Hael.
"No! He's kidding, mom! Buhay si Jelai!" hindi naniniwalang sabi ni Jael.
"It's a miracle dahil nabuhay pa ang isang baby," pagpatuloy ng doctor. "The other bullet eh, nasa kamay ng isang sanggol tumama. She was hugging her twin so nasalo ng kamay niya ang balang tatama sana sa puso ng kakambal niya."
"Mahal ko ang batang nasa sinapupunan ko!" matapang na sabi ko saka tinabig siya pero nakita ko si Jelai na nakatayo sa labas ng pinto at malungkot ang mukha.
Iniwas ko ang tingin, "pasensiya ka na kung sumigaw si Mommy," paumanhin ko.
Ngumiti siya at lumapit sa tiyan ko.
" Aalagaan ko po ang kapatid ko," inosenteng sabi niya saka hinaplos ang tiyan ko. Napangiti akom nang maramdaman ang mainit na paghaplos niya sa tummy ko. "Promise," sabi niya.
Humagulgol na ako nang maalala ang mga sinabi ni Jelai. Lumapit si Jael saka naupo sa tabi ko.
"T-Tahan na," sabi niya at masuyong pinahidan ang mga luha ko.
"K-Kaya pala palagi siyang nangangakong aalagaan niya ang kapatid niya," naninikip sa dibdib na sabi ko.
"H-Huli ko na nang malaman na siya ang nasa sinapupunan mo," sising-sising sabi ni Jael. Lumabas ang magkapatid para magkaroon kami ng privacy.
"I-I want to see my baby," sabi ko.
"Pero--" Tita Hael.
"Please, Tita. I wanna hug her," luhaang pakiusap ko kaya napilitan siyang lumabas.
Pagbalik niya, kasama na niya ang lalaking naka-scrubsuit at tulak ang crib.
Napatalikod si Jael at sinuntok ang pader.
Umiiyak na binuhat ni Tita Jael ang sanggol saka ipinakita sa akin. Napapikit ako nang makita ang napakagandang anghel na tila natutulog lang. Masagana ang pag-agos ng mga luha ko. No, ang hirap tanggapin na wala na siya.
"Mom? Mahal mo po ba si Baby?" tanong niya.
"Oo naman," masayang sagot ko. "Mahal na mahal. Alam mo bang alaga 'to ng daddy mo kahit na inaaway ko siya?"
"Love ko po si Baby Boy," inosente niyang tanong.
"Gusto ng daddy mo girl at ipapangalan daw niya ito sa 'yo," sabi ko.
"P-Pero boy po siya," sabi niya saka hinaplos ang tiyan ko.
"Paano mo nalaman?"
"Siyempre dahil kapatid ko po siya," sagot nito kaya natawa ako.
"Love mo siya?" tanong ko. Sunod-sunod na tango ang ginawa niya.
"Opo, love na love ko po siya. Mommy? I want to be his ate tapos poprotektahan ko siya kapag may mang-away sa kaniya," nakatulis ang ngusong sabi niya.
"Good girl," sabi ko at dumipa. "Come here, give me a hug. Sobrang na-miss ko ang baby Jelai namin."
Tumawa siya saka nagpayakap sa akin.
Dumilat ako. That was the last hug ko sa kaniya. Lumapit si Jael sa amin at kinuha si Jelai saka mahigpit na niyakap habang umiiyak.
"I-I'm sorry k-kung hindi ko n-natupad ang pangako kong i-ililigtas kita, I'm so sorry baby, kung m-mahina si Daddy."
Naninikip ang dibdib ko sa kakaiyak. Ubos na ang mga luha ko pero hindi pa rin nito mabago ang katotohanang nawalan kami ng isang napakamaganda at mapagmahal na anak.
"C-Can I hug her?" sobrang hinang tanong ko kay Jael. Maingat na ibinigay niya si Jelai sa akin kaya nagsimula na namang umagos ang mga luha ko.
-------------------------
Isang linggo nang nailibing si Baby Jelai at si Jael, hanggang ngayon ay hindi pa rin matanggap ang nangyari. Well, ako rin.
"Galit ako sa kanila!" sabi niya habang nakatanaw sa hardin.
"Me too," segunda ko at napatingala sa bughaw na langit. "I know she's watching."
Tumingala rin siya saka bigla na namang nalungkot.
"Sana nailigtas ko siya," bulong niya.
"Wala kang kasalanan," sabi ko.
We're not okay. Minsan lang kami nagpapansinan kapag umiyak si Baby Jailo.
"Hindi ko akalaing may masama akong ninuno," sabi niya. Walang nakakaalam ng lihim ng pamilya niya. Kahit sina Lolo Dylan ay walang kamuwang-muwang. Kagaya ni Tita Hael, mas pinili naming ilihim ang lahat. Isa pa, walang maniniwala sa amin.
"So you hate me dahil isa akong Lacson?" nag-aalalang tanong niya.
"I don't know," sagot ko. Sa kaibuturan ng aking puso, nandoon ang galit sa mga Lacson. Pero sapat na ba iyon para idamay ko sila? Si Lila, kaibigan ko siya at alam kong mabuti siyang tao. If nakapag-race lang siya, I'm sure na mananalo siya. I'm sure na makakuha siya ng malaking halaga at si Lola Patch? Hindi siya mawawalan siya ng kapangyarihang maging sorority queen.
"Can we start all over again?" tanong niya.
"Hindi ko alam, Jael. Huwag muna natin pag-usapan," pakiusap ko saka lumanghap ng sariwang hangin.
"Makirot pa ba ang operasyon mo?" pag-iiba niya.
"Hindi na gaano," sagot ko. "Kapag sobrang lamig lang."
"Sana huwag na tayong bumalik sa nakaraan," hiling niya.
"Sana," pagsang-ayon ko. Wala akong mapapala kapag balikan ko pa ang mga nangyari noon dahil may sarili na kaming buhay ngayon.
"Ipinapaayos ko na ang requirements para sa kasal natin," sabi niya kaya napaharap ako sa kaniya.
"Ahm... K-Kasi may baby na t-tayo at hindi magandang tingnan na hindi tayo kasal," pautal-utal na sagot nito saka iniwas ang mga mata.
"Ikaw lang ba ang nagdedesisyon sa buhay ko?"
Tinalikuran ko siya at pumasok sa bahay.
"Kasi naman, mahal talaga kita, Kylie. Believe me, mahal kita," sabi niya habang nakasunod sa akin.
"Sarili mo lang ang iniisip mo, Jael."
"Hindi mo ba ako mahal?" malungkot na tanong niya.
"Si Jailo? Nakay mommy pa ba?" tanong ko. Ang alam ko, ibinaba siya kanina nina Tito Jacob at Mommy Hael.
"Iniiba mo ang usapan," nagtatampong sabi niya.
Napatigil ako sa tapat ng guestroom.
"Huwag kang pumasok," sabi niya pero pinihit ko na ang seradura kaya napilitan siyang sundan ako sa loob. Binuksan ko ang ilaw kaya lumiwanag sa buong silid. Makapal kasi ang kurtina kaya madilim sa loob kahit na may araw pa.
"Isasauli na siya sa mansion ni Mommy," sabi niya na nakatingin din sa maskarang nakasabit sa dingding.
"Si Lila, wala na siya," pabulong na wika ko.
"Pinatay sila tapos sinunog ang bahay kasama ang bangkay nila," sabi ni Jael. Hindi namin napag-usapan ang nangyari dahil sa pagluluksa kay Jelai. "Pinalabas nilang aksidente ang nangyari at hindi na pinaimbestigahan dahil walang witness nang araw na iyon."
Malayo ang agwat ng kabahayan noon at pinatulog pa nila ang mga tao sa dalawang bahay na malapit kina Lila kaya walang lumabas na witness. Kung meron man, takot din ang mga ito. Of course, Lacson at Santos ang makakabangga nila.
Napatingin ako sa maskara na panandaliang kumislap ng kulay pula. Lumapit ako at itinaas ang kanang kamay para haplusin ang pinakamakinang at mamahaling diyamante sa maskara. Kami ni Jael ang naging saksi sa lahat.
"Kay Lila pala galing ang mga diyamanteng iyan," sabi ni Jael na nasa likuran ko na.
Malungkot na pinagmasdan ko ang mga ito.
"Ang ganda, pero hindi nila alam ang pinagdaanan ng may-ari nito," sabi ko. The last time I saw it, nasa leeg ito ni Lila. Subalit naligo ng dugo ang necklace na iyon nang walang awa nila siyang ginilitan ng leeg at sinunog ang katawan.
Napasinghap ako at napaatras habang nakatitig sa diyamante.
"Anong nangyari?" nagtatakang tanong ni Jael. Nakaramdam ako ng pananayo ng balahibo. "Kylie."
"H-Her necklace," kinikilabutang sagot ko.
"Bakit?"
"You t-told me na sinunog sila."
"Yes," naguguluhang sagot ni Jael.
"S-She's wearing those diamonds that day."
Natigilan si Jael saka napatitig sa maskara.
"If--if sinunog sila, paanong buo pa ang mga diyamante?" tanong ko. Nagkatitigan kami ni Jael na hindi rin makapaniwala.
"U-Unless buhay si Lila," hindi makapaniwalang saad niya. Tama siya.


The Rich SlaveWhere stories live. Discover now