15

605 30 0
                                    


THE RICH SLAVE

by: sha_sha0808 Ash Simon

CHAPTER 15

Unedited...

"Saan tayo pupunta, Jael?" tanong ko.
"Date," sagot niya.
"Eh si Jelai?"
"She's asleep kaya okay lang. Nagbilin na ako sa kabilang unit na bantayan muna niya at babayaran ko," sabi niya at nilapitan si Jelai na mahimbing na natutulog sa couch.
"Pero paano kung masama ang magbabantay sa kaniya?"
"Come on, mas masama ang parents niya dahil hindi siya hinahanap," sabi niya.
"P-Pero kasi, baka may naanakan ka?" patanong na sabi ko kaya hinarap niya ako.
"Nagbibiro ka lang, 'di ba, Kylie?"
Umiling ako.
"Look Jael, kamukha mo siya at--"
"Maraming magkamukha pero hindi magkamag-anak," giit niya. "Magpalit ka na ng damit at ililipat ko lang si Jelai sa kabilang unit," sabi niya kaya napilitan akong magbihis.
Ang daming magagandang damit sa closet kaya pumili ako nang isa. Malamig ang panahon dahil umuulan sa labas kaya mas pinili kong mag-sweater na lang. Siya nga, naka-jacket lang din e. Naglagay ako ng kaunting pulbo at liptint saka kaunting blushon para magmukhang tao naman ako.
Paglabas ko ng kuwarto, nakaupo na siya sa sala.
"Let's go?" tanong niya at pinasadahan ako ng tingin.
"Ayaw mo ba ng suot ko? Magpapalit ako," tanong ko.
"You're beautiful in your most simple," sabi niya kaya napangiti ako.
"Really? Maganda ako?" tanong ko saka ipinulupot ang mga kamay sa kanang braso niya nang tumayo siya.
"Yep, mas maganda ka pa kay Mommy pero secret lang natin 'yan, Kylie," sabi niya saka sinundan ng mahinang tawa.
"Sige, secret lang natin 'yan. But I want to meet your parents," sabi ko saka tiningala siya. "Puwede ba?"
"Soon," sabi niya saka ginulo ang maikling buhok ko. "Kapag okay na ang lahat, ipakilala kita sa kanila bilang girlfriend ko."
"Kahit bilang friends na lang muna," hirit ko at sinabayan siya sa paglalakad palabas sa unit pero nakakapit pa rin ako sa braso niya.
"Bawal," sabi niya.
"Bakit?"
"Strict sila," sabi niya saka pinindot ang elevator.
Pumasok kami at pagbaba sa parking lot, ang kotse niya ang ginamit namin. Mayaman sila.
Nasa highway na kami nang magsalita ako, "Jael? Lacson ka rin ba?"
Napasulyap siya sa akin.
"Bakit mo natanong?"
"May kamukha ka kasing Lacson," sagot ko.
"Sino?"
"Huwag na, suplado 'yon tapos may pagkademonyo--aw!" daing ko nang bigla siyang napapreno. "Tumingin ka nga sa dinadaanan mo."
"May tumawid na pusa. Huwag mo nga kasi akong kausapin habang nagmamaneho," sabi niya. Napatingin ako sa labas ng bintana. May pusa nga sa gilid ng daan.
"Sorry na," paumanhin ko.
"Save your saliva," sabi niya at pinaandar ulit ang sasakyan kaya hindi na ako nagsalita hanggang sa nakarating kami sa mamahaling restaurant.
Sobrang ganda. Familiar sa akin ang lugar dito sa Boni pero sa pagkakatanda ko, malaking building na ang nakatayo sa lugar na ito sa kasalukuyan.
Lumapit ang waiter at binigyan kami ng menu lists.
"Ikaw na ang pumili," sabi ko kaya napilitan siyang pumili ng makakain namin. After 30 minutes pa raw ma-serve dahil iluluto pa.
"B-Bakit ka ganiyan makatingin?" naiilang na tanong ko dahil titig na titig siya sa akin.
"Gusto lang kitang titigan nang matagal dahil ang ganda mo," puri niya.
"Jael naman," naiilang na saway ko. Naco-conscious tuloy ako.
"May mga times kasi na hindi kita kayang pagmasdan nang matagal," sabi niya kaya itinakip ko ang menu list sa mukha ko. Geez, kinikilig ako.
"CR lang ako," paalam niya.
"Okay," sagot ko. Salamat naman dahil hindi ko na kaya pang makasama siya. Napupuno ang dibdib ko sa pagmamahal kapag magkasama kami.
Umalis na siya kaya naiwan akong mag-isa. Kaunti lang ang tao pero nasa mukha ang pagiging mayaman.
"Kailan ikakasal ang anak ninyo?" tanong ng lalaking nasa likuran ko kaya napalingon ako. Apat silang lalaki sa table at kape lang at tinapay ang in-order. Siguro medyo bata lang kay Lolo Dylan. Mga nasa 40's ang edad.
Ibinalik ko ang mga mata ko sa menu lists.
"Baka next month. Para mas mapatibay pa ang negosyo nating apat," sagot ng isang boses. Ang tsismosa ko yata. Paano, nadidinig ko ang usapan nilang apat.
"Hindi pa kasi payag akin unica hija na mamanhikan mga Lacson sa amin bahay," sabi ng Japanese nilang kasama. Nanlaki ang mga mata ko nang mamukhaan siya. Siya ang daddy ni Lila.
"Mabuti nga 'yan para mas tumibay ang companya natin at mag-merge na ang lahat ng ari-arian nating apat," sabi ng isang lalaking hindi ko kilala. But I'm sure, ama ni Lee ang isang nagsalita kanina.
"Oo nga para tibay atin negosyo sa buong mundo," sabi ng Japanese na ama ni Lila.
Narinig ko ang pagtunog ng upuan pero hindi ako lumingon. Baka ano pa ang isipin nila lalo na't sila ang pinakamayamang tao ngayon sa bansa.
"Mauna na kami ni Mister Montemayor. Ingat kayo dalawa," sabi ng ama ni Lila. Itinakip ko ang menu list sa mukha ko para hindi niya ako mamukhaan kapag mapatingin siya sa akin. Montemayor? Baka ama ni Adrian Montemayos na kaibigan din ni Lee.
Nakalabas na ang dalawa kaya ang ama na lang ni Lee at isa pa ang naiwan. Sino kaya siya?
"Daddy!" masiglang tawag ni Patch na papasok kasama si Lee kaya napatakip ako ulit ng menu list sa mukha. "Hello, Tito."
"Hi Patch. O Lee, ba't nandito ka."
"Magde-date po kami," sagot ni Patch.
"Date?" naguguluhang tanong ng ama ni Lee.
"Yes po, kami na po ng anak mo, Tito," pagbalita ni Patch. Pasimpleng lumingon ako. Parehong naguluhan ang dalawang matandang lalaki.
"D-Dad kasi--" Lee
"Kami na po at may nangyari na po sa amin," prangkang sabi ni Patch kaya napanganga ang dalawang matanda.
"P-Patch? Hija, you must be kidding. H-Hindi--" Mr. Santos.
"Dad? No, mahal ko si Lee at mamamatay ako kapag pagbawalan ninyo kami. I know, bata pa kami pero nagmamahalan kami. Wala sa edad ang tunay na pagmamahal," paliwanag ni Patch na ikinaputla ni Lee.
"Pero you're just fourteen years old, Patch," ani ng ama niya.
"Yes, fourteen pero mahal ko si Lee," giit ni Patch. Hindi nakaimik si Lee.
"M-Mag-usap tayo sa bahay, Lee," sabi ng ama ni Lee saka tumayo.
"Tayo rin, Patch," sabi ni Mr. SAntos saka tumayo at iniwan din ang dalawa.
"Uy, Lee," masiglang sabi ni Jael saka napatingin kay Patch. "Hello, Patch."
"Di tayo close kahit pogi ka," sabi ni Patch.
"Kasama mo?" tanong ni Lee.
"Girlfriend ko," sagot ni Jael. "Kylie, sina Lee at Patch oh."
Nagkunwari akong nagulat nang lumingon.
"Oh hi," bati ko sa dalawa.
"Dito na kayo sa table namin," yaya ni Jael.
"Sure," pagpayag ni Lee na naupo na sa tabi ko.
"Date nga tayo, 'di ba? Ayaw ko ng may kasama!" naiinis na sabi ni Patch pero wala siyang nagawa nang hindi na tumayo pa si Lee kaya napilitan din siyang umupo.
Nasa harap namin sila nina Jael.
"Ahm... Si Kylie pala, girlfriend ko," pagpakilala ni Jael saka inakbayan ako.
"Noong isang araw pa namin alam," pagtataray ni Patch. "Huwag mo kaming gawing ulyanin!"
"Wala lang, baka pormal lang na pagpakilala," sabi ni Jael na napatingin sa waiter na may dalang pagkain.
"Mga magulang mo ba kami? May papormal-pormal ka pang nalalaman. Turuan mo nga 'tong si Lee nang marunong din magpakilala sa akin sa pamilya niya, hindi 'yong parang tanga akong nagboboluntaryong magpakilala," nagtatampong sabi ni Patch.
"Huwag kang mag-alala, sigurado akong mahal ka ni Lee," sagot ni Jael kaya pinandilatan siya ni Lee na parang diring-diri. Grabe, 14 pa lang, hindi na sila virgin? Nasa sinaunang panahon pa ba ako? Dinaig pa nila ang mga pabebe sa kanto ah.
"Hmp! Kapag kami ni hubby ang magkaanak, puro lalaki para Lacson ang mangingibabaw sa buong Pilipinas," nangangarap na sabi ni Patch. Paano kaya kapag malaman niyang isa lang ang anak nilang lalaki at isa rin ang apo na lalaking magdadala ng apelyido nila? Siguro riot.
"Kain na tayo," yaya ni Jael nang pang-apat ang in-order niyang pagkain.
Ayun, nag-usap kaming apat pero puro kami supalpal ni Patch hanggang sa umuwi na lang kami ni Jael sa unit niya.
"Tapang ni Patch, noh?" tanong ko nang buksan niya ang ilaw sa unit.
"Yep, wais pa," pagsang-ayon ni Jael saka hinubad ang jacket.
"Linisin natin ang sugat mo," sabi ko.
"Huwag na," tanggi niya. "Bukas na lang. Mas prone sa infection kapag madalas nililinis."
"Salamat sa pagligtas, Jael."
"Wala iyon. Basta tandaan mo, bawal kang masugatan, Kylie," sabi niya. Kung alam lang niya. Kapag mamatay ba ako sa mundong ito, mamamatay rin ako sa panahon ko?
"Okay," ani ko. "Paano mo nasabing mahal ni Lee si Patch eh, alam naman nating may gusto siya kay Lila?" pag-iiba ko.
"Lalaki ako kaya alam ko," siguradong sagot niya. "Puwede bang matulog na tayo?"
"Okay," sabi ko saka tinalikuran siya pero nahawakan niya ang braso ko sala iniharap ako sa kaniya.
"Jael--" Niyakap niya ako nang sobrang higpit. "Alam kong minsan, tanga ka pero sana ingatan mo ang sarili mo at maging matatag ka kahit wala ako, Kyl."
"P-Palagi ka namang nandiyan, 'di ba?" Alam kong may hangganan ang lahat ng ito pero Lord, wala na lang sana. Mahal ko siya. Mahal na mahal.
"Matulog ka na," sabi niya saka yumuko at ginawaran ako ng halik sa mga labi.
"Good night," nakangiting paalam ko.
"Good night," sabi niya saka matamis na nginitian ako. Shit! Ang pogi talaga niya.
Pumasok ako sa kuwarto saka nahiga. Pagod na ako sa biyahe at kakaisip.
---------------------
Nang magising ako, napangiti ako. Nasa mga labi ko pa ang mainit na mga labi ni Jael kagabi. Napatingin ako sa sorority mask sa dingding.
"Alam kong kayo pa rin ni Lolo Lee pero gusto kong malaman kung nasaan na ang kaibigan kong si Lila," mahinang sabi ko sa maskara na para bang may sarili itong buhay.
Bumangon na ako at naligo saka bumaba sa kusina para kumain. Alas sais pa lang ng umaga kaya marami pa akong oras mamaya sa school.
"Puwede bang pakidala ng breakfast ni Sir Jacob sa pool?" pakiusap ng katulong. "Maghahanda pa kami ng dinner nina Ma'am Hael. Dito raw magbre-breakfast ang quadruplets."
"Ah, sige po." Pagpayag ko at kinuha ang tray. Quad sina Tito Jacob, Lee Patrick, Lance Leonard at John Matthew. Napangiti ako. Paano kaya kapag ipaalam ko kina Lola Patch na may apo na sila at quadruplets pa?
Nang nasa pool na ako, saktong umahon na si Jael. Topless at naka-boxer lang ito. Himala, maaga pa siyang nagising.
"Ba't ikaw ang nagdala niyan?" tanong niya.
"Okay na ba ang sugat mo? Baka dumugo," tanong ko.
"Pakialam mo? Concern ka ba?" tanong niya na nakatayo na sa harapan ko.
"Duh! Kapal mo!" naiinis na sabi ko pero ngumisi siya.
"Aminin mo na, Kylie. Gusto mo ako."
"Ang presko mo!" singhal ko na ikinatawa lang niya. "Kumain ka na, Jael! Gutom lang 'yan!"
Tumalikod na ako.
"Miss me?"
Hindi ko natuloy ang paghakbang palayo sa kaniya. Naalala ko ang boyfriend ko sa kabilang mundo. Magkamukha at magkaboses pa sila.
"Miss my lips, Kylie?"
Galit na humarap ako sa kaniya.
"Baboy ka! At kung may pinagsisihan man ako, iyon ay ang nagpahalik ako sa 'yo!" mahina pero galit na sabi ko.
"I'm a good kisser, you know."
"Ano ba ang problema mo, Jael?"
"Wala lang. Gusto lang kitang asarin," natatawang sabi niya saka dinampot ang pomelo juice. "Gusto mo ulit ng death note?"
"Subukan mo at isusumbong kita kina Tita Hael at Tito Jacob!" pagbabanta ko na ikinasimangot niya.
"Eh love note?" tanong niya.
"Oh shutup, Jael!" naiinis na sabi ko saka iniwas ang mga mata sa malapad niyang dibdib. Buwesit na butiki 'to, may abs. No! Dapat loyal ako kay Jael.
"May boyfriend ka na ba, Kylie?" tanong niya.
"Wala ka na roon!" pagsusuplada ko saka tinalikuran siya pero nahawakan niya ako sa kaliwang kamay at hinigit sa bewang palapit sa katawan niya kaya napasubsob ako sa basang dibdib niya. Naramdaman ko ang pagkalabog ng dibdib ko. Bigla akong natakot na ewan.
"May boyfriend ka na ba?" ulit niya.
Tumingala ako kaya nagsalubong ang mga mata namin.
"H-Hindi ko--"
"Yes or no."
Ano ang isasagot ko? Yes pero sa past life but no sa present time? Ang hirap.
"Aw!" daing ko nang pitikin niya ang noo ko.
"Pangit mo," sabi niya sabay tulak sa akin palayo sa kaniya.
"Mas pangit ka!" naiinis na sabi ko at padabog na bumalik sa loob ng bahay. Sadista talagang demonyo na 'to.

A/n:
Sorry ha. Nakalimutan ko kasi ang pangalan ng parents nina Lee at Patch. Lol. Or wala talaga akong nasulat. Hahaha. Hindi ko naman kasi inaasahang aabot ako sa ganitong plot o generation. You know, ayaw ko noon magsulat ng generation chuvaness.

The Rich SlaveWhere stories live. Discover now