26

559 34 0
                                    

THE RICH SLAVE

by: sha_sha0808 Ash Simon

CHAPTER 26

Unedited....

[Kylie POV]

Nagising ako nang maramdaman ang sakit sa ulo ko.
"Kyl?"
Lumingon at napabangon sa mahabang sofa nang makita ko si Jael.
"Saan tayo?" nagtatakang tanong ko.
"I don't know," clueless na sagot niya. "Dahan-dahan lang, baka mabinat ka," paalala niya.
"One month na akong nanganak," paalala ko.
"Kahit na," sabi niya. Mula nang nailabas ko si ang anak namin, naging maayos na ang pakikitungo ko sa kaniya. Supportive naman siya sa aming mag-ina at hindi niya kami pinabayaan lalo na nang mailibing namin si Jelai.
"Hindi pa rin ako papayag na may masamang mangyari sa 'yo," sabi niya. Nagbayad na ang bumaril sa akin. Ang isa ay nasa kulungan na at ang dalawa nitong kasama ay nasa hukay na. Hindi ko alam kung ano ang tunay na nangyari pero sabi ng mga pulis, nanlaban daw ang dalawa kaya binaril na.
"Akala ko hindi na tayo makakabalik dito," sabi ko at hinayaan siyang tulungan akong makatayo. Para tuloy akong bata na kailangan pang gabayan.
"Hindi pa kasi tapos ang misyon natin," sabi niya. Palapit na kami sa pinto nang marinig namin ang mga yabag kaya hinila niya ako palapit sa isa pang pinto.
"Sssh," bulong niya. Nasa loob kami ng maliit na silid na may mga gamot na nakalagay sa box at may maliit na table sa right side.
"Doctor Abraham, paano kung hindi maging successful ang--"
"Let's think positive things, Kristine," sabi ng boses ng medyo may edad na lalaki.
"Sana maging successful ito," puno ng pag-asang sabi ng tinawag niyang Kristine.
Narinig namin ni Jael ang pagkatok at pagbukas ng pinto.
"Doc, may bisita ho kayo, nandito si Sir," sabi ng boses lalaki.
"Pakisabing hintayin ako sa consultation room," sabi ng doctor at isinara ang pinto.
"Basta Kristine, kapag ano ang mangyari, wala kang pagsabihan nito at kung sakaling mabuhay man siya, alam mo na ang gagawin."
"Yes, doc," sagot ni Kristine.
"Let's go sa ICU room," yaya ng doctor. Narinig namin ang mga yabag palabas at pagsara ng pinto.
"Sino sila?" tanong ko kay Jael.
"Hindi ko kilala," sagot niya at inakbayan ako. "Let's go, alamin natin."
"Okay," pagpayag ko. Palabas na kami sa silid nang pigilan niya ang kanang braso ko. "Kyl? Ingat ka ha."
Bago pa man ako maka-react, hinalikan na niya ako sa mga labi.
"Kailangan ba talagang--uhmp!"
"Oo, kailangan ng halik ko," nakangiting sabi niya at pinisil ang braso ko. "Ganiyan kita kamahal."
"Psh! Sinungaling," sabi ko.
"Hindi ah, mahal talaga kita," tanggi niya saka hinila na ako palabas.
Puti ang lahat at marami ang pintuan.
"Saan 'to?" tanong ko.
"Hinaan mo lang ang boses mo," pabulong na saway niya at hinila ako para magtago sa malaking poste nang makita naming lumabas ang doctor sa isang pinto.
Sumilip si Jael at nang masiguradong wala nang tao, hinila na naman niya ako palapit sa pintong nilabasan ng doctor.
"B-Baka patibong 'yan," kinakabahang bulong ko.
"Subukan pa rin natin," sagot niya na nakatingala sa nakasulat sa itaas ng pintuan. ICU room.
Pinihit niya ang seradura at dahan-dahan kaming pumasok saka maingat din niyang isinara.
"Sinong--" Hindi ko na natuloy ang sasabihin nang makita ang nakahiga sa clinical bed at puno ng aparato ang katawan. "L-Lila."
May monitor sa itaas ng ulo niya at nakikita ang vital signs nito kasama ang heart rhythm niya.
"B-Buhay siya," naiiyak na sabi ko saka nilapitan siya at hinawakan ang kanang kamay niya.
"Lila, wakeup," bulong ko. Pumayat na siya. Pero nagulat ako nang makitang malaki ang tiyan niya.
"She's pregnant," pabulong na sabi ni Jael sa likuran ko.
"Oh God," bulong ko saka napatutop sa bibig. Nabuntis siya ng mga gumahasa sa kaniya.
Awang-awa ako sa kaniya. Napasulyap ako sa leeg niya, papahilom na ang sugat nito dulot ng paggilit ng lalaki.
"May tao," bulong ni Jael saka hinila ako sa maliit na naman na silid. Nakita ko ang nakaukit sa table. Dr.Abraham.
"Magtago ka," bulong ko kay Jael.
"Tented ang salamin na ito kaya hindi nila tayo makimita sa labas," sabi niya habang nakaharap kay Lila. "Consultation room ito at mula rito, namo-monitor ng doctor at nurses ang sitwasyon ni Lila."
Pumasok ang medyo may edad na lalaki at nakasuot ng puting damit na pang-doctor. Ganoon din ang nurse nitong kasama.
"Shit!" bulong ni Jael nang tumunog ang monitor sa uluhan ni Lila.
Biglang nag-panic ang mga tao sa labas pero mabilis ding kumalma at nakikinig sa sasabihin ng doctor. May mga kung ano silang kinuha at nagsuot ng scrubsuit at gloves.
"Manganganak na yata siya," bulong ni Jael na inakbayan ako. "Pero mukhang hindi maganda ang kalagayan niya."
"J-Jael, natatakot ako para kay Lila," bulong ko.
"Huwag kang matakot," bulong ni Jale na pinisil ang balikat ko. "Nagdasal tayo."
"Sana ligtas lang sila ng baby niya," panalangin ko.
Matapos ang ilang oras na pag-opera nila at pag-obserba namin, nakita na namin ang babaeng anak ni Lila.
Nag-panic na naman ang doctor nang tumunog ulit ang monitor. Ginawa nila ang lahat pero kusa nang sumuko ang katawan ni Lila kaya napahagulgol ako sa pag-iyak.
"Tahan na," bulong ni Jael at niyakap ako.
"P-Pero paano ang bata?" naiiyak na tanong ko at napasulyap sa katawan ni Lila na ngayon ay tinatakpan na ng puting tela ng dalawang nurse.
Biglang bumukas ang pinto at pumasok ang familiar na mukha.
"B-Baron," usal ko saka tumakbo palabas.
"Kylie!" tawag ni Jael pero nakita na nila ako.
"Kylie," nakangiting bati ni Baron.
"B-Bakit nandito ka?" tanong ko sa kaniya.
"Wala lang, gusto ko lang siyang bisitahin," sagot niya, "kayo? Bakit nandito kayo at paano kayo nakapasok? Hindi na ba mahigpit ang seguridad ng laboratoryong ito?" makahulugang tanong niya saka napasulyap sa doctor.
"Bakit nandito ka, Baron?" seryosong tanong ni Jael na nakalapit na sa amin. "Paano nakaligtas si Lila?"
"So? Alam n'yo rin pala ang nangyari sa kaniya?" nakangising tanong ni Baron. "Don't tell me, kayo ang may pakana nitong lahat?"
"No," agarang tanggi ko. "N-Nabalitaan naming nasunog ang bahay nila pero hindi ko akalaing buhay si Lila."
"Well?" ani Baron, "Napadaan lang ako nang gabing iyon at let's just say na bago pa man matupok ang bahay nila, nailabas ko na si Lila."
"Bakit mo siya iniligtas?" tanong ni Jael. Somehow, nasa mga mata ni Jael ang pagkamangha. Of course, no one is expecting this.
"I don't know," sagot niya. "As what I have said, napadaan lang ako sa bahay nila. Na-curious ako when I heard na may pumutok sa loob at nang sumilip ako, may mga armadong lalaki."
"Kung ganun, ikaw ang saksi sa nangyari?" tanong ko.
"Maybe," sagot niya at napatingin sa batang umiyak.
"Bakit hindi ka magsuplong sa kapulisan? Ikuwento mo sa kanila ang nakita mo," pagkumbinsi ko pero malakas na tumawa siya.
"May mahal ako sa buhay at sa tingin ninyo, magiging ligtas kami kapag maging witness ako? Isa pa, hindi ko kilala ang mastermind," sabi niya.
"Kahit na," ani ko.
"Bakit hindi kayo ang magsumbong sa pulis?" hamon niya kaya natigilan ako.
"I have my own battle kaya ayaw kong makialam sa gulo nila. Isa pa, malaki ang utang ng pamilya namin sa pamilya nila. Let's just say na patas na kami. Kapag mabuhay pa sila, magbabayad pa kami?" sagot niya.
"Pero iniligtas mo pa rin si Lila," giit ko. "Sana nilubos-lubos mo na."
"Again, nagtatanaw lang ako ng utang na loob sa pamilya nila pero ang magsumbong ako at ipahamak ko ang buhay ko sa mga hindi ko kilalang tao, that's a stupid decision, Kylie!" depensa niya. "Kapag mawala sila, marami ang negosyanteng makinabang at isa na roon ang ama ko."
Napabuntonghininga ako.
"Pero buhay pa rin ang anak ni Lila," sabi ni Jael. "Sooner, may magmamana pa rin sa yaman nila."
"That's not gonna happen," puno ng kumpiyansang sagot ni Baron. "Dinala ko lang si Lila para maipakita ni Doctor Abraham sa akin kung gaano siya kabihasa sa Agham."
"Anong balak ninyo sa bata?" tanong ni Jael.
"Wala ka na roon," sagot ni Baron. "Ngayon, lumayas kayong dalawa o baka kayo naman ang gigilitan ko ng leeg!"
"Alam kong mabuti kang tao, Baron. Please--"
"Stop it, Jael! Lumabas na kayo!" pagtataboy niya kaya napilitan akong hilain si Jael palabas ng silid.
"Wait," bulong ni Jael na walang balak umalis. Idinikit niya ang tainga sa pinto kaya iyon din ang ginawa ko para marinig ang usapan nila.
"Anong balak mo?" tanong ni Doctor Abraham. "Sa bata?"
"Ipamigay mo at huwag mo nang ipaalam ang tunay nitong pagkatao," sagot ni Baron.
"Ipamigay?" ulit ni Doctor.
"Alangan naman patayin ko?" sarcastic na sagot ni Baron. "Hanggang doon na lang ang kaya kong maitulong pero huwag na sana niyang buhayin pa ang legacy ng pamilya nila dahil wala na siyang mapapala pa."
"P-Puwede bang akin na lang ang bata?" sabat ng isang nurse. "P-Pangarap po naming mag-asawa na magkaanak."
"Sa hindi alam ang tunay niyang pagkatao," ani Baron.
"Promise, walang makakaalam at hindi namin ipapaalam na ampon siya. May lahing Japanese rin ang asawa ko at matagal na kaming hindi nakikita ng kababayan namin," paliwanag ng nurse.
"Oras na mabalitaan ko na ipinaalam ninyong hindi ninyo siya tunay na anak, ako mismo ang papatay sa buo mong pamilya!" pagbabanta ni Baron.
"O-Opo, wala hong makakaalam," sagot ng nurse kaya napatingin kami ni Jael sa isa't isa.
"Let's go," yaya ni Jael at hinatak ako palabas ng maliit na building saka pumasok sa sasakyang naiwan ang susi sa loob.
"Saan tayo pupunta?" tanong ko.
"Hintayin natin ang nurse, susundan natin siya," sagot ni Jael.
"Bakit?" nagtataka kong tanong.
"Para malaman natin kung nasaan na ang pamilya ni Lila sa present time," sagot niya.
Ang tagal naming naghintay. Madaling araw, lumabas ang nurse at sumakay sa taxi kaya sinundan namin siya.
"J-Jael? Baka magising na tayo," paalala ko sa kaniya habang nagmamaneho.
"Shit!" sambit niya at napahampas sa manibela. Binilisan niya ang pagpatakbo at nag-overtake sa taxi saka hinarangan ito.
Bumaba siya kaya bumaba na rin ako. Kinatok niya ang bintana sa backseat at binuksan ang pinto.
"S-Sino kayo?" natatakot na tanong ng nurse at niyakap nang mahigpit ang bata.
"Saan mo dadalhin ang bata?" seryosong tanong ni Jael.
Mukhang namukhaan niya kami kaya gumuhit ang pangamba sa mukha niya.
"Miss? Hindi ho kami masamang tao," malumanay na sabi ko. "Concern din kami sa bata kaya gusto lang namin masiguradong ligtas siya. Kaibigan namin si Lila."
"S-Sa probinsya namin," sagot niya.
"Can we have your name and address please?" pakiusap ni Jael.
"Charity," mahinang sagot niya at ipinakita ang ID na nasa bulsa niya kaya inabot ko ito.
"Charity Gomez," pabulong na pagbasa ko saka nabitiwan ang hawak na ID.
"O-Okay ka lang?" tanong ni Charity.
"I-I'm fine," sagot ko at pinahidan ang mga luha.
"We have to go," bulong ni Jael. "Salamat, Charity. Please take care the baby."
"I will," nakangiting sagot niya.
Pinapasok ako ni Jael sa kotse pero iyak pa rin ako nang iyak.
"May purpose si God," sabi niya at niyakap ako pero tinulak ko siya.
"H-Huwag mo 'kong kausapin!" singhal ko.
"K-Kylie--"
"Ayaw kong makausap ang kahit isa sa pamilyang pumatay sa mga ninuno ko!" singhal ko.
Napabangon ako at napahawak sa dibdib nang bigla na lang akong hinila ng present time.
"Kylie," nag-aalalang tawag ni Jael na napabangon din.
Tumayo ako. "Aalis na ako sa pamamahay na ito!"
"K-Kylie--"
"Pasensiya na pero hindi ko kayang makisalamuha sa 'yo at sa buong pamilya mo!"
"I-I'm sorry," paumanhin niya.
"You and your demon grandfathers!" madiing sabi ko. "Hindi ako papayag na lumaki ang anak ko kasama ang pamilyang mula sa angkan ng mga demonyo!"
Hindi siya umimik kaya lumabas na ako sa silid para kunin ang anak namin.





The Rich SlaveWhere stories live. Discover now