1

2.3K 50 5
                                    

THE RICH SLAVE

by: sha_sha0808 Ash Simon

CHAPTER 1

Unedited...

"Bawal lumapit sa amin, bawal ipaalam na magkakilala tayo, bawal magpahalatang mayaman ka at higit sa lahat, bawal makipag-usap sa mga lalaki."
Hindi ko na mabilang kung pang ilang beses na niya itong sinabi sa akin pero sigurado akong mahigit sampung beses lang.
"Got it?" tanong niya at diniin ang hintuturo sa noo ko.
"What was exactly your--"
He puts his right index finger on my lips.
"No more questions and follow my rules!"
"Wala na ba akong karapatang tumanggi?" napapagod na tanong ko.
"Yes," taas noong sagot nito kaya napayuko ako. "If you will not obey us, malalagot ka sa akin. Makukulong ang parents mo."
"I know. Wala naman kaming magagawa, 'di ba?" sabi ko at nagpakawala ng isang napakamalalim na buntonghininga.
"Buti at alam mo," nakangising sabi niya.
"I miss them," malungkot na sabi ko. One month ko nang hindi sila nakikita.
"Nakaya mo namang magpatay-patayan ng mahabang panahon kaya tiisin mo na lang," sabi niya. "Buhatin mo na ang bag ko at bababa na tayo."
"Okay," ani ko at lumapit sa backpack niyang nakapatong sa sofa. Makapag-utos, akala mo ang taba eh. Patpatin naman. Buntot na lang ang kulang at magiging butiki na 'to.
"My king," aniya kaya napapikit ako at naikuyom ko ang kamao ko.
"M-My k-king," napilitang ulit ko.
"Good. Huwag mong kalimutang ako ang hari mo at alipin lang kita, maliwanag?" parang haring sabi niya. Hindi na ako umimik. Sinundan ko siya pababa sa mansion nila.
"Bakit si Kylie ang pinabitbit mo ng bag mo?" bulalas ng mommy niyang nakaupo sa sala.
"Morning, Mom," bati nito at humalik sa kaliwang pisngi ng ina. Napasulyap ang ama niya sa amin na nagbabasa rin ng diyaryo.
"M-Morning po," nahihiyang bati ko.
"Naku. Si Jael ang pabitbitin mo niyang bag niya," sabi ni Tita.
"Mom? Ayaw--"
"Ayaw ko ng ganiyang ugali, Jael!" galit na sabi ni Tita.
"O-Okay lang ho. Hindi naman mabigat," sabat ko but deep inside, gusto ko nang ibato sa katabi ko ang mabigat niyang bag. Sobrang bigat pero tinitiis ko lang.
"See? Hindi naman ho mabigat, Mom," sabi ni Jael.
"Hindi naman pala mabigat, ba't di na lang ikaw ang magbitbit?" sabat ng ama niya at inilapag sa table ang diyaryo.
"Dad naman," sabi ni Jael at napakamit sa ulo.
"Huwag kang bastos! Lumayas ka nga sa harapan namin!" pagtataboy ni Tito.
"Male-late na rin naman ako," wika ni Jael at tumalikod.
"Hep! Hep! Ang bag mo!" sigaw ni Tito Jacob kaya napatigil si Jael.
"Dad? Kaya na ni Kylie 'yan," depemsa nito.
"Kunin mo itatapon kita sa CPU!" pagbabanta ni Tito Jacob kaya biglang nahulog ang balikat nito at binalikan ako.
"Psh! Akin na!" Inagaw niya sa akin ang bag at bubulong-bulong habang palabas ng mansion.
"Huwag mong hayaang abusuhin ka ni Jael," sabi ni Tita Hael. "Pagpasensiyahan mo na kasi medyo sira ang utak no'n."
"Okay lang po," nakangiting bati ko.
"Huwag kang sumabay kay Jael. Ipapahatid kita sa driver," sabi ni Tito Jacob at tinawagan ang driver. Mabait naman ang mga magulang ni Jael pero bakit ang ugali nito, parang ipinaglihi sa virgin na dragon?
Laking pasalamat ko dahil hindi kami magkasama ni Jael. Ano kaya ang sasabihin no'n mamaya?
Pagdating sa school, iginala ko ang mga mata ko sa buong paligid. Ang ganda at lawak ng paaralan. Kapag hindi ko lang alam na school of fraternities 'to, iisipin kong ang tahimik ng paaralang ito.
Thirty minutes pa naman bago magsimula ang flag ceremony kaya may time pa akong hanapin ang function hall.
"Miss? Freshman ka?" tanong ng babaeng humarang sa harapan ko. Lima sila kaya hindi rin ako makalusot.
"Oo, kayo?" tanong ko at nginitian sila.
Biglang umarko ang kilay ng dalawang babae.
"Kaya pala. Kapag makasalubong mo kami, tumabi ka sa daan namin!" mataray ng babaeng nakakulay pink ang buhok.
"H-Ha? Bakit?" nagtatakang tanong ko kaya napanganga sila.
"Bakit?" tanong nila in-chorus.
"O-Oo, bakit?" ulit na tanong ko.
"Tinatanong mo? Kami lang naman ang prinsesa sa paaralang ito!" taas noong sabi ng may mahabang buhok na abot hanggang bewang.
Napakunot ang noo ko. Pero nakita ko na ang ilang pinsan ni Jael at wala naman akong natatandaan na ipinakilala nina Jael na pamilya nila sa mga kaharap ko. O baka makakalimutin na ako?
"Kayo ba? Paano?" curious na tanong ko. Napaatras ako nang magsalubong ang kilay nilang lima at para bang lalapain ako.
"Let's go girls! Nagsasayang lang tayo ng oras sa isang 'yan! Magsisimula na ang flag ceremony," maarteng sabi ng isa.
"Ikaw!" sabi ng may pinakamahabang buhok. "Huwag mong kalimutan ang pagmumukhang 'to kung ayaw mong mapahamak ka rito sa CTU, maliwanag?" nakapamewang na sabi niya kaya napatango ako.
"S-Sige..."
Sumunod ako sa kanila dahil pupunta yata sila sa function hall pero dumistansiya na ako sa kanila.
Marami na ang estudyante nang dumating ako. Ang iingay pa nila at halos lahat ay magkakilala. Tumayo ako sa linya ng freshmen at department ko.
Nagsimula na ang flag ceremony tapos nagsalita ang fraternity king na si Lolo Dylan. Kahit may edad, ang pogi pa rin nito.
"So ayun. We hope na mag-enjoy kayo and to all frat members, gamitin ang pagiging miyembro sa tama at huwag abusado. Remember, nandito lang kami to monitor you. Kapag mali, mali. Walang prioritization dito. And to all seniors, huwag malupit sa baguhan. That would be all. Magandang umaga," pagtatapos niya kaya nagpalakpakan ang lahat.
Nagsimula na namang mag-ingay ang mga estudyante.
"Miss, maupo ka muna," nakangiting alok ng lalaking may bitbit na silyang plastic.
"Huwag na," tanggi ko.
"Ano ka ba. Dinala ko 'to para sa 'yo," sabi niya kaya wala akong nagawa kundi kunin ang silyang ino-offer niya.
"Salamat," pasalamat ko at naupo.
Wala pang ilang segundo, bigla akong natumba.
"Aw!" malakas na hiyaw ko. Nabagsak pa ang puwet ko nang maputol ang isang paa ng upuan kaya lahat ng malapit sa akin ay napatingin sa akin.
Nagtawanan ang mga estudyanteng nasa paligid ko. Naiiyak ako. Hindi dahil sa masakit kundi dahil sa napahiya ako.
Dahan-dahang tumayo ako habang nakahawak sa balakang.
"Tabi! Ano bang meron dito?" Dumadagundong ang boses na tanong ng lalaki kaya nagsilayo sila sa palibot ko.
Sina Jael, dumaan. Parang slow-mo pa talaga ang paglakad nila palapit sa akin kaya kinabahan ako. Pagagalitan ba nila ako?
Malapit na sila. Napakagat ako sa ibabang labi. Si Jael, blangko ang mukha. Ang dalawa pa niyang pinsan ay wala ring emosyon at hindi nakatingin sa akin.
Nilagpasan nila ako at tuloy-tuloy sa paglalakad kaya inayos ko ang damit ko. Malayo na sila pero tahimik pa rin ang buong paligid kaya inilibot ko ang mga mata ko. Lahat sila ay iisa lang ang tinitingnan pero hindi na ako.
"Uh. Oh!" sabi ng isang lalaki at lahat sila ay nagsilayo sa isang tao na para bang may nakakahawa itong sakit.
Napanganga ako sa nakita ko. May kulay itim na death note sa noo ng lalaking nagbigay sa akin ng sirang upuan. Iyon ang pinagawa sa akin ni Jael noong isang araw pero sigurado akong hindi galing sa kaniya dahil iba ang pirma. Baka isa sa mga pinsan niya.
"Shit!" sambit ng lalaki at kumaripas ng takbo palayo sa amin.
"Habulin siya!" sigaw ng isang lalaki.
"Oh yeah!" tuwang-tuwang sabi ng kasamahan nito at tumakbo sila para habulin ang lalaki.
"Gosh! Kinabahan ako," natatakot na sabi ng babaeng nasa tabi ko.
"Sinabi mo pa. Ako rin naman. Ang aga naman nilang mamigay ng death note," nababahalang sabi ng katabi nito.
Hindi ko pa kabisado ang patakaran sa paaralang ito. Binasa ko ang handouts para sa rules and regulations dito pero hindi naman pumapasok sa utak ko dahil sa pinapagawa ni Jael sa akin.
Wala sa sariling naglakad ako patungo sa classroom ko. Magtatanong-tanong na lang ako sa mga estudyante dahil hindi ko pa kabisado ang buildings. Ang lawak kasi ng CTU kaya nakakalito. Double yata ang lawak nito kaysa sa dati kong paaralan na St.Joseph University.
Nakarating ako sa classroom.
"Di ba ikaw ang natumba kanina?" tanong ng medyo chubby na katabi ko.
"O-Oo," nahihiyang sagot ko.
"Kilala mo ang mga Lacson?" tanong nito. Naalala ko ang bilin ni Jael na bawal ipaalam sa iba kaya umiling ako.
"Hindi. Bakit mo natanong?" tanong ko.
"Wala lang. Binigyan kasi nila ng death note ang nagbigay sa 'yo ng silya," pabulong na sagot niya.
"B-Baka may kasalanan na talaga siya kanina pa," pabulong na sagot ko. I'm sure walang kinalaman iyon sa akin.
"Kaya nga. Ang bully kasi. Gusto sana kitang lapitan kaso baka ako naman ang balikan nila," sabi niya kaya napangiti ako. "Ano nga pala ang name mo? Ako pala si Marisol. Ikaw? Ano ang name mo?" pagpakilala niya sabay lahat ng kamay. Kahit chubby, ang ganda nito. Makinis at mukhang mayaman din.
"Kylie," sagot ko saka inabot ang kamay niya at nakipag-handshake.
"Ganda mo, Kylie," puri niya kaya natawa ako.
"Ikaw rin naman, Marisol," Napangiting sagot ko.
Pumasok ang professor at nagpakilala kami sa isa't isa. May mga frat members na pala kaming kaklase at ang iba ay balak pa lang na pumasok. Halos lahat sila ay gustong makapasok sa alpha sigma rho pero mahigpit daw sabi ni Sir at matindi ang saraan bago ka maka-survive.
"Ikaw? Gusto mo rin bang pumasok sa sorority?" tanong ni Marisol habang nagliligpit kami ng mga gamit.
"Ayoko," sagot ko. "Ikaw? Gusto mo rin ba?"
"Ayaw ko rin," sagot niya at nginitian ako.
"Punta tayo mamaya sa school supplies para kumuha ng books at extra uniform," sabi niya.
"Sige. After ng lunch," pagpayag ko saka tumayo na. Kaunti na lang kami ang naiwan dito sa classroom.
"Ba't ka pala sa school na ito?" curious na tanong ko. Kung wala itong balak na maging sorority member, bakit pa ito rito nag-aral?
"Hmm? Di ko rin alam," sagot niya na sinabayan ng tawa. "Gusto ko sa Westbridge kaso dito raw sabi ni Dad. Alumni kasi sila ni Mommy sa school na ito."
"Ah..." sabi ko. Kung sabagay, mas madaling makapasok sa trabaho kapag CTU grad ka.

A/n:
To those na nagsasabing si Luis 'to, hindi po. Mas ahead kasi si Luis at kung susundan natin ang time, baka grad na sila sa kuwentong ito since late nang nabuntis si Anndy at malayo na rin ang gap ng age nina Kale kina Luis at Gab. Mas matanda pa nga sina Luis kay Dale e. Kung may na-mention man akong Luis sa story nina Preenz, di ko naman yata nasabing estudyante pa siya ng CTU. Ka age lang kasi ni Kylie ang kambal nina Anndy at Zero sa story na ito. Ang dami kasi kaya magkakaproblema ako sa time frame since hindi ko na matandaan kung ilang years ang gap ng mga anak ng quadruplets. Hahaha.

The Rich SlaveKde žijí příběhy. Začni objevovat