9

677 34 0
                                    


THE RICH SLAVE

by: sha_sha0808 Ash Simon

CHAPTER 9

Unedited....
"Wala ang driver," sabi ni Tito Jacob nang bumaba ako at nasa sala sila ni Tita Hael.
"H-Ha? Bakit po?" tanong ko. Nagmamadali pa naman akong bumaba dahil late na ako sa usapan namin ng mga kaklase ko. Nakapagpaalam na ako sa kanila kagabi at pumayag naman sila.
"May sakit e," sagot ni Tita Hael.
"Ako na lang po ang magneho," pagboluntaryo ko. "May lisensya naman po ako."
"Dad? Alis na muna ako, pupunta lang ako kina Tito LL, may pinapagawa kasi sina Kuya Luis sa akin," paalam ni Jael na kakababa lang din.
"Mahalaga ba 'yon? Hindi ba puwedeng ipagpaliban muna?" tanong ni Tita Hael.
"Tamad na akong pumunta bukas," sagot niya.
"Bukas na lang, samahan mo muna si Kylie," sabi ni Tito.
"Huwag na po," mabilis kong sabi.
"Ayaw ko nga!"tanggi ng mokong. As if na gusto ko siyang makasama.
"Ihatid mo na. Maraming lalaki sa pupuntahan niya," giit ni Tito.
"Wala naman po," sabat ko. Tatlo lang naman yata ang boys sa group namin. Magpa-practice kami ng sayaw para sa Monday.
"Bahala siya," tinatamad na sagot ni Jael.
"Ayaw mo ba talaga siyang ihatid?" tanong ni Tito.
"Siyempre!" agarang sagot nito.
"Weeh? Ihatid mo na, maunahan ka pa ng iba, sige ka," pangungumbinse ni Tito. Hala, anong pinagsasabi niya? May pauna-unahan pa siyang nalalaman.
"Pakialam ko?" pagsisinuplado ni Jael.
"Lintik! Ihatid mo na! Pakipot ka pa ah. Para kang babae. Kapag gusto mo, aminin mo na. Ang torpe mo talaga," sabi ni Tito Jacob kaya pareho kaming natulala ni Jael.
"Grabe ka, Dad. Oo na, ihatid ko na. Pero hindi ko siya gusto," napilitang pagpayag ni Jael.
"Hindi talaga?" pangungulit ni Tito.
"Oo naman!"
"Lumiit man 'yang titi mo?" ani Tito. Ang lakas ng tawa ni Tita Hael habang nakikinig sa pang-aasar ni Tito Jacob kay Jael.
"Ba't ba ganiyan ka? Walang ganiyanan!" napipikong sabi ni Jael at tinalikuran kami. "Bilisan mo na nga, Kylie."
"Sumunod ka na at huwag kang mahiya, crush ka nu'n," natatawang sabi ni Tito Jacob kaya nakaramdam ako ng hiya.
"Sige na, hija. Ingat kayo ni Jael," sabat ni Tita Hael kaya napilitan akong lumabas at sumunod kay Jael sa parking lot. Ang sports car ang ginamit namin. Mabuti na lang dahil nasa wallet ko ang susi.
Habang nasa biyahe, ang tahimik namin. Ang daming pumapasok sa isipan ko na hindi ko mabigyan ng kasagutan.
"Huwag kang maniwala kina Daddy," sabi ni Jael habang nagmamaneho at nasa unahan ang mga mata.
"Hindi naman," sagot ko at napasulyap sa kaniya. Hmm? Pareho talaga silang suplado ng lalaking iyon sa panaginip ko.
"After ng practice, mag-taxi ka na lang dahil tinatamad akong sumundo. Hindi mo ako driver," pasuladong sabi niya na ikinasimangot ko.
"Fine!" sagot ko at inaliw ang sarili sa buildings na nadadaanan namin.
"Iba ang daan mo," sabi ko kay Jael. Teka lang, bakit nandito na ako sa likod ng sasakyan niya?
"Dito ka na naman? Ba't ka nandiyan?" pasinghal na tanong niya saka pumreno kaya napasubsob ako sa likuran ng drivers seat.
"Aw! Ano ba! Ang sakit ah!" singhal ko saka hinampas siya sa balikat.
"Bumaba ka!" madiing utos niya.
"Fine! Pareho kayong suplado! Basta Jael, suplado!" pasigaw na sabi ko at binuksan ang pinto saka lumabas at pabagsak na lumabas sa kotse niyang kulay asul.
Naglakad akong mag-isa sa gitna ng kalsada kahit na tirik na tirik ang araw. Hindi ba puwedeng magkasama na lang kami ni Letecia "aka" Lila kapag pumunta ako sa dimensyong ito?
"Sakay na."
Napalingon ako sa lalaking nasa loob ng kotse at ang bagal ng pagpatakbo niya.
"Lee," masayang sabi ko. Nakakahiya namang tawagin siyang lolo. Hindi na ako nagdalawang isip pa at sumakay na.
"Ang lalim ng iniisip mo ah," puna niya nang mailagay ko na ang seatbelt.
"Medyo," sagot ko at napatingin sa kaniya. Shucks! Ang pala talaga ng fraternity king ng kabataan niya.
"Ba't ganiyan ka makatingin?" tanong niya kaya iniwas ko ang mga mata ko.
"W-Wala," sagot ko. "Ahmm? Lee? May itatanong sana ako pero huwag kang magalit, ha. M-May girlfriend ka na ba?"
Tumawa siya. Ang pogi.
"Wala," tipid na sagot niya. Hala, loko 'to ah. Dineny si Lola Patch. Lagot ka talaga sa kaniya, Lolo Lee.
"Kilala ko si Lola--I mean, kilala ko si Patch," sabi ko.
"Patch?" tanong niya kaya tumango ako.
"Syota mo," sagot ko.
"Wala akong syota at hindi ko kilala si Patch," sabi niya kaya napanganga ako. Oh my ghad! Itinanggi niya si Lola Patch. Patay ka talaga sa kaniya, Lolo Lee. Isusumbong kina Lola Dylan.
"Hindi mo talaga kilala?" ulit ko.
Umiling siya. "Wala akong kilalang Patch."
"Okay," sabi ko at hindi na nangulit pa. Hmm? Saan na kaya si Lola Patch? I'm so excited na makita ang bata niyang mukha.
"Saan ka ba pupunta?"
"Pahatid na lang ako kina Lila," sabi ko kaya napatingin siya sa akin.
"Bestfriends na kayo ah," aniya.
"Mabait siya," sabi ko.
"Mabait nga," sagot niya.
"Crush mo?" palipad hangin na tanong ko.
"She's cute," sagot niya kaya namilog ang mga mata ko. Hala, Lola Patch, si Lolo Lee oh.
"So crush mo nga?"
"Sort of," tipid na sagot niya.
"Paano si Lol--si Patch?"
"Patch who?"
"Asawa mo," sagot ko pero agad na napatutop sa bibig.
"Psh! Hindi ko alam kung ano ang pinagsasabi mo," sabi niya.
"Joke lang," pabirong sabi ko.
"Pero Kyl? Huwag mo sanang ipalaam kahit kanino ha," pakiusap niya.
"Na crush mo si Lila?"
"Yes," sagot niya.
"O-Okay," pagpayag ko pero naka-cross fingers. Patay ako nito sa mga Lacson. Lolo Lee naman, magigilitan ako ng ulo ng mga supling mo. Bibitayin ako ng buhay ng mga apo mo lalo sa apo mo sa daliri. Sa mga apo mo pa lang sa isla, patay na ako. Balita ko mga assasin 'yon.
Nasa tapat na kami ng bahay nina Lila nang tumigil siya.
"Oh, nasa labas siya," sabi ko nang makita si Lila. "Baba ka muna."
"Huwag na," sagot niya na nakatingin kay Lila. Tented naman ang sasakyan niya kaya hindi kami nakikita sa labas.
"Sige, huwag na lang," sabi ko saka bumaba na. Baka magkamabutihan sila, ako pa ang sisihin ng buong angkan.
Pagbaba ko, lumapit si Lila at umalis na rin si Lee.
"Sino 'yon?"
"Si Lee," sagot ko.
"Hinatid ka niya?" tanong nito.
"Oo," sagot ko at hinalikan siya sa kaliwang pisngi. "Na-miss kita."
"Nandiyan sina Daddy," sabi niya.
"Talaga?"
"Oo, halika."
Hindi na ako nahiya pa. Gusto kong makilala ang mga tao sa mundong ito. Geez! Nasa kotse pa pala ako ni Jacob kanina. Patay, baka tulog ako? O baka pinapatay na niya ang katawan ko? Tumutulo na kaya ang laway ko sa totoong mundo? Pinahidan ko ang bibig ko pero wala namang laway.
Pagpasok namin, pinakilala ako ni Lila sa mga magulang niya. Japanese ang dad niya at pinay naman ang mother kaya ang ganda ng combination.
Pumunta kami sa kuwarto niya para magkuwentuhan. Mabait naman ang parents niya at masaya sila dahil may kaibigan na raw si Lila dito sa 'Pinas.
Biglang pumasok si Ginang Lucy kaya napalingon kami. Isinara niya ang pinto at lumapit sa aming nasa ibabaw ng kama.
"Huwag ka nang gumala dahil nextweek, ipapakilala ka na sa mapapangasawa mo," sabi ni Ginang Lucy.
"Mom? A-Ayaw ko pa pong mag-asawa. Ang bata ko pa," naiiyak na sabi ni Lila.
"Please understand us, Lila. Kailangan ninyong magpakasal para mas tumibay ang kompanya natin."
"Pero stable naman ang company," sabi ni Lila.
"Mas malaki ang chance na wala nang makakatalo sa atin sa business world kapag mag-merge ang companies natin. Come on, Lila. I assure you na magugustuhan mo siya," malumanay na sabi ni Tita.
"Whatever, mom!" sabi ni Tita.
"Mag-enjoy ka, hija," sabi ni Tita na sa akin ang mga mata. "Kapag may kailangan ka, huwag kang mahiyang magpatawag ng katulong."
"Yes po," sagot ko.
Lumabas na si Tita kaya nawalan ng gana si Lilang makipag-usap sa akin.
"Lila? Lalabas lang ako, puntahan ko lang ang pinsan ko," paalam ko.
"P-Pasensiya ka na, ang sama lang talaga ng loob ko," paumanhin niya kaya ngumiti ako.
"Wala 'yon. Okay lang, nauunawaan kita," sabi ko saka lumabas na sa kuwarto niya at tuloy-tuloy sa gate.
Habang naglalakad, napapaisip ako. Mayaman sina Lila. Sure ako riyan pero bakit hindi familiar ang angkan niya? Bakit hindi umuugong ang pangalan ng pamilya niya?
Muntik na akong napatalon nang may bumusina sa likuran ko.
"Sinusundan mo ba ako?" pasinghal na tanong ko.
"Malay ko ba na dito ka rin pala," sabi niya kaya inirapan ko siya at ipinagpatuloy ang paglalakad.
"Hey!" tawag ni Jael kaya mas binilisan ko pa pero sa pagkamalas, nadapa ako. Geez! Nakakahiya kaya ang bilis kong nakabangon.
"Mag-ingat ka," sabi niya na nasa tapat ko na. Paano to nakababa sa sasakyan niya?
"Paki mo?" sabi ko.
"Sumakay ka na lang kaya?" alok niya.
"As if concern ka sa akin," pabulong na sabi ko.
"What if aaminin kong oo, concern ako sa 'yo?" seryosong sabi niya kaya napatingala ako sa kaniya.
Hala, bigla akong kinabahan nang magsalubong ang mga mata namin. Ano raw? Concern siya sa akin? Inaabangan ko ang pagbawi niya pero wala.
"Halika na, sumakay ka na dahil baka mapahamak ka pa."
"Pero Jael, concern ka ba talaga sa akin?" tanong ko habang nakasunod sa kaniya. Binuksan niya ang pinto ng sasakyan kaya sumakay ako. Ano ba ang natira niya at ang bait niya sa akin?
"Bakit ka nandito? May gusto ka rin ba kay Lila?" tanong ko.
"Ka rin?" ulit niya at napa-smirk. "So it means, may gusto si Lee sa kaniya?"
"H-Ha? Wala akong sinabi," sagot ko at napakagat sa ibabang labi. Me and my big mouth.
"Ganu'n na rin 'yon," aniya.
"Ba't ka ba kasi nandito? Mamasyal ka ba kay Lila?" tanong ko. Ang suwerte naman pala ni Lila, dalawa ang suitor niya.
"Sinusundan kita," sabi niya.
"Bakit? Hindi naman ako magnanakaw," sabi ko.
"Magnanakaw ka," giit niya na ikinakulo ng dugo ko.
"Hindi ako magnanakaw!" giit ko na tumaas na ang boses.
"Ninakaw mo ang puso ko," sabi niya kaya natigilan ako. "Sinundan kita kasi kasama mo si Lee kanina."
Tugtugtog! Ang puso ko, kumakalabog. Napatingin ako sa kaniya, ang amo ng mukha niya.
"Gusto kita, Kylie," pag-amin niya. Help! Si Jael? Nagtatapat sa akin?
"S-Seryoso ka?"
"Mukha ba akong nagbibiro?" tanong niya.
"Kasi--uhmmm.." Nanlaki ang mga mata ko nang sinakop niya ang mga labi ko. Alam kong nasa ibang mundo ako pero bakit parang totoo ang lahat? Napapikit ako. Parang may fireworks sa paligid namin. Ang init at lambot ng mga labi niya. Masyado pang banayad.
Naramdaman ko ang paglayo ng mga labi niya kaya napadilat ako.
"Gusto mo rin ba ako, Kyl?" tanong niya habang nakatunghay sa akin. Ang pupungay ng mga mata niya at ang pula pa ng mga labi. Nakakabingi na talaga ang dibdib ko. Damn, Jael! Bakit ba ang hard mo sa puso ko?
"Psh! Mamasyal na nga lang tayo," sabi niya at pinaandar ang sasakyan.
"J-Jael? Gusto mo ba talaga ako?" tanong ko.
"Bumalik na ang pride ko, Kyl. Nextime ka na lang magtanong ulit," sabi niya saka pinabilisan ang pagpatakbo.
"Watchout!" sigaw ko nang may tumawid na bata.
"Shit!" sambit niya. Sumabog na yata ang dibdib ko. Muntik na. As in muntik na talagang masagasaan ang bata.
Agad kaming bumaba.
"Baby? Bakit ka tumawid?" tanong ko sa batang babae na nakatingala sa amin. Sobrang ganda niya at inosente pa ang mukha.
"D-Daddy!" nakalabing sabi niya at yumakap sa binti ni Jael.
"Hey! I am not your dad," sabi ni Jael.
"You are my d-daddy," naiiyak na sabi ng bata habang nakatingala kay Jael. Ang cute.
"No," tanggi ni Jael.
"Hanapin natin ang nanay niya," sabi ko. Ang cute ng puting bestida niyang damit tapos may white ribbon pa sa ulo."
"May date tayo," sabi niya kaya napakagat ako sa ibabang labi. Sana maitago ng mukha ko kay Jael na kinikilig ako.
"Idaan na lang natin siya sa police station," suhestiyon ko dahil wala namang tao sa paligid. Ganito kapag subdivision e, walang tambay sa labas ng bahay. Isa pa, ang init pa dahil alas tres pa lang ng hapon.
Ayun, napapayag ko si Jael pero pagdating sa police station, hindi nila tinanggap ang bata. Tatawagan na lang daw kami kapag may naghanap o nahanap na nila ang parents nito. But as of now, sa amin muna ang bata.
"What's your name?" tanong ko nang makasakay na kami. Hindi nagsasalita ang bata sa police station, mukhang takot na takot ang mukha lalo na nang kausapin siya ng pulis.
"Jalai po," sagot niya.
"Ano ang pangalan ng parents mo?" tanong ko.
"Kayo po, daddy ko po siya," nakalabing sabi niya saka tinuro si Jael. Nasa backseat kaming dalawa at si Jael na ang nagmaneho.
"Shutup! Hindi kita anak. Wala akong anak!" tanggi niya saka nagmaneho na.
"Baka anak mo nga talaga siya, Jael. May asawa ka na ba?" tanong ko at napatitig sa bata. Hala, kamukha nga siya ni Jael.
"Kasal na ba tayo?" pagalit na tanong niya.
"Tinatanong lang kita," mahinahong sabi ko.
"Wala akong asawa at wala akong jowa. Mas lalong wala akong anak kaya huwag nga kayong ano riyan!" napipikong sabi niya.
"Ikaw kaya ang daddy ko," giit ng bata kaya tumigil si Jael sa pagmaneho at nilingon kami. Galit ang mukha.
"Wala akong anak!" singhal ni Jael.
"M-Mommy, si D-Daddy galit," naiiyak na sabi ng bata saka isiniksik ang mukha sa tiyan ko.
"Huwag mo ngang takutin ang bata," saway ko.
"Sinisiraan niya ako sa 'yo eh," sabi niya kaya natawa ako. "Ba't ka tumawa?"
"Huwag ka ngang isip bata, Jael. Oo na po, naniniwala na ako pero huwag mo nang takutin ang bata. Iuwi na muna natin siya sa bahay ninyo," sabi ko kaya napanganga siya.
"Kyl naman."
"Please, Jael. Gusto mo, ako ang magbantay muna sa kaniya habang hindi pa natin nahahanap ang parents niya?" tanong ko. Sino kaya ang batang ito?
"Sa condo ko?" tanong niya.
"K-Kung may extra room?" patanong na sagot ko.
"Meron naman," sagot niya kaya tumango ako.
Pagdating sa condo niya, dinala niya kami sa kabilang kuwarto.
"Bibili lang tayo ng damit niya at may damit naman sina Mommy diyan sa closet kaya puwede mong magamit," sabi niya.
"J-Jael? Puwede ko bang malaman ang tunay mong pangalan?" tanong ko habang hinahaplos ang buhok ng natutulog na bata.
"Sagutin mo muna ako saka ko sasabihin," sagot niya.
"Huwag na!" sabi ko.
"Psh! Magpapadeliver lang ako ng pagkain," sabi niya saka lumabas. Napabuntonghininga ako. Okay, crush ko siya. Pero paano na 'to? Ang hirap naman yata ng sitwasyon? Magkaiba ang mundong ginagalawan namin.
" Akala ko hindi ka na magigising," sabi ni Jael kaya napatingin ako sa kaniya.
"Jael," usal ko at nakaramdam ng lungkot nang bumalik na ako sa reyalidad.
"May iba ka pa bang inaasahan na makasama?" tanong niya.
"Hindi. Ikaw lang ba ang Jael sa mundo?" tanong ko.
"Fine! Makatulog ka, wagas a. Saan na dito ang address ng kaklase mo?" tanong niya. Napansin kong nakatigil pala kami.
"Sa pangalawang kanto raw, lumiko ka tapos sa pangalawang bahay mula sa seven eleven," sagot ko.
Hindi na siya umimik habang minamaneho ang sasakyan. Hala, paano na si Jael sa kabilang mundo? Paano niya alagaan ang bata? Hindi kaya kinakatay na niya si Jelai?
"Gusto kong bumalik!" bulalas ko kaya napatigil si Jael.
"Bumalik saan?" nakakunot ang noong tanong niya.
"S-Sa bahay pero huwag na lang," palusot ko kaya muli siyang nagmaneho.

The Rich SlaveWhere stories live. Discover now