12

586 32 0
                                    

THE RICH SLAVE

by: sha_sha0808 Ash Simon

CHAPTER 12

Unedited...

Kakapasok ko lang sa library nang makita ko si Jael sa kabilang table.
"Oops, sorry," paumanhin ko sa nakabangga ko at tinulungan siyang pulutin ang mga gamit niyang tumilapon.
"Ikaw na naman?" galit na sabi ng sorority princess na nakalaban ko noong isang linggo.
"Sorry," paumanhin ko.
"Hindi ka ba nadala? Gusto mo ba talagang balatan kita, ano?"
"Sorry na nga!" naiinis na sagot ko.
"Ulitin mo nga? Matapang ka na ah!" sabi niya saka itinulak ako.
"Ano ba ang problema mo?" naiinis na tanong ko.
"Quiet!" saway ng librarian.
"Hindi ka pa nadala sa death note ni Jael? Baka gusto mo pa ng isa pa mula sa amin?" mahinang pagbabanta niya.
"Subukan mo lang dahil hindi kita aatrasan!" matapang na sabi ko.
"Aba't--"
"I said quiet! Isa pa at palalabasin ko na kayong dalawa!" galit na saway na naman ng librarian kaya sa amin na ang mga mata ng nagbabasa.
"Sorry po," paumanhin ko saka nilagpasan na siya at naupo sa table na malapit sa bookshelves.
Napasulyap ako kay Jael na nakangisi sa akin. Agad ko siyang inirapan at kinuha ang libro sa backpack ko. Magbabasa ako.
Nasa kalagitnaan na ako ng pagbabasa nang maramdaman kong may naupo sa harapan ko.
"Hindi pala totoo na may gusto sa 'yo si Jael dahil binigyan ka niya ng death note," sabi nito kaya napatingin ako sa kaniya.
"Let me guess, ikaw ang babaeng kasama ni Jael sa canteen na itinaboy sa harapan ko, right?" mataray na tanong ko.
Napanganga siya at biglang naningkit ang mga mata sa galit.
"That's not true! Masama lang ang pakiramdam niya that time. Isa pa, huwag kang assuming, mas hindi ka niya type dahil binigyan ka niya ng death note. Do you think, gusto ka niya? Wakeup, gurl!"
"Ano naman sa 'yo kung hindi niya ako type? Ikamatay ko ba? Hindi siya kawalan, gurl?" maarteng sabi ko rin. Hindi ako ganito pero mula nang pumasok ako sa paaralang ito, nagbago na ang lahat. Natuto na akong lumaban.
"Really? Mas lalong hindi ka kawalan sa buhay niya," mahinang sabi niya. "Fuck you ka!"
Tumayo siya at iniwan ako.
"Psh! Feeling maganda," bulong ko at napasulyap kay Jael na nakikipag-usap sa mga kaklase. Ang ingay rin naman nila ah. Pero bias talaga 'tong librarian. Dapat pantay-pantay ang pagsaway niya sa mga estudyante. Hindi porket apo ng may-ari, pinapalampas lang niya. Nasaan ang disiplina rito?
Napabuntonghininga ako. Naalala ko si Jael sa kabilang mundo. Magkamukha sila pero magkaiba ang ugali. Si Jael dito, suplado at walang modo pero ang sa kabilang mundo, ang bait sa akin at mahal ako. Magkamukha lang sila pero magkaiba sila ng personality. Isa pa, hindi ako gusto nitong Jael sa present time.
"Si Leticia," bulong ko. Mayaman ang angkan nila pero bakit hindi ko naririnig sa business world?
Tumayo ako at naghanap ng history book.
"Got it," bulong ko nang makita ang lumang aklat na mukhang walang gumagalaw. Kulay khaki pa ang kulay ng papel nito at itim naman ang pabalat. May kaunting alikabok kaya inihipan ko muna saka pinunasan at bumalik na sa puwesto ko.
Nagbasa ako. About sa mayayamang pamilya noon. Lacson ang pinakamayaman dahil nagpakasal ang sorority queen at fraternity king at pumapangalawa naman ang Villafuerte tapos sinundan ng Montemayor. Sila ang nangungunang pamilya sa bansa noon hanggang sa dumami na ngayon. Pero nasaan ang Jawarka? Hindi ba't mayaman din sila?
"Kailan ka pa naging interesado sa history?"
Napasimangot ako nang maupo sa harapan ko si Jael.
"Paki mo sa trip ko?"
"Psh! History ng pamilya ko ang binabasa mo, Kylie Gomez!" sabi niya.
"And so?"
"Anong gusto mong malaman?" curious na tanong niya kaya itiniklop ko ang aklat.
"Wala!" naiiritang sagot ko.
"Psh! Suplada mo," sabi niya.
"Depende sa kausap ko," sagot ko saka inirapan siya. "Umalis ka na nga. Baka mamaya, bigyan mo na naman ako ng death note!"
Marahang tumawa siya. May pagkahayop talaga. Ang sama ng ugali.
"Mabuti at alam mo, Miss Gomez," sabi niya saka tumayo at lumayo na sa akin. Bakit ba wala talaga akong nararamdamang kilig sa lalaking 'to? Sadya ngang hindi natuturuan ang puso kahit na kamukha pa niya ang lover ko sa kabilang mundo. Mabuti na lang dahil hindi rin niya ako gusto.
Tinatamad akong magbasa kaya ibinalik ko na ang aklat at lumabas saka dumalo sa last subject namin sa araw na ito.
Nang makauwi ako sa bahay, tumulong muna ako sa mga katulong sa pagluluto at sumabay na sa kanila na kumain para may dahilan akong tumangging sumabay sa mga Lacson.
"Matulog na po ako," paalam ko kay Manang nang matapos na ako sa paghuhugas.
"Sige, ako na ang bahala rito," sagot ni Manang kaya pumanhik na ako at nagpalit ng pantulog na damit bago matulog.
-------'''''"""""""""---''''''''''''''''''"""''-----''''-''--'''
"Mom? Gusto ko rin pong mag-race."
Napapitlag ako nang may kumalabit sa balikat ko.
"Jelai," ani ko. Nasa racing field kami at nakaupo siya sa tabi ko habang nanonood sa mga naglalaban sa race.
" Mom? Nasaan na si Daddy? Miss ko na po siya?" malungkot na tanong ni Jelai.
"I'm here, sweetie," sagot ni Jael kaya napalingon kami.
"Jael!" bulalas ko saka tumayo.
"Hey, miss mo 'ko?" nakangising tanong niya saka hinapit ako sa bewang at hinalikan sa mga labi. "Sweetest lips I've ever tasted," puri niya nang magkahiwalay ang mga labi namin.
"J-Jael," usal ko nang yakapin niya ako. "Miss na miss ko na ang asawa ko."
Napapikit ako. Feeling ko, save ako sa mga bisig niya. Siya ang nagbibigay ng init sa puso ko.
"I miss you too," bulong ko saka lumayo sa kaniya. "Pero hindi tayo mag-asawa."
Tumawa siya. "Hindi ba? E di papakasalan kita," sabi niya.
"Not now," sagot ko at inirapan siya.
"Kelan?" tanong niya kaya natigilan ako at napatitig sa kaniya. No, ayaw kong kumurap dahil baka sa isang iglap, bigla siyang maglaho. Mahal ko na siya. "Kailan mo ako papakasalan, Kylie?"
"H-Hindi pa ako handa," sagot ko na nakaramdam ng kirot sa dibdib.
"Kailan ka magiging handa?"
"Bata pa ako, Jael. A-At hindi ito ang mund--I m-mean, hindi p-pa ito ang panahon para pag-usapan ang bagay na iyan," sagot ko at napatingin kay Jelai na nakatingala sa amin ni Jael.
Napabuntonghininga siya.
"Fine. But let's enjoy dahil magkasama na naman tayo," sabi niya at inakbayan ako. "Kailan kaya natin mahanap ang magulang ni Jelai?"
"Ewan ko," sagot ko. Puwede bang humiling kay Lord na sana, dito na lang ako at huwag nang bumalik pa?
"Hi guys," masiglang bati ni Lila habang palapit sa amin.
"Hello po," bati ni Jelai at nagmano sa kaniya.
"Who's she?" pabulong na tanong ni Lila.
"Hinahanap nga namin ang magulang niya," sagot ko.
"Nakita mo si Lee?" tanong ni Jael.
"Umalis siya, 'di ba? Bumalik yata sa abroad," sagot ko. Biglang nalungkot ang mukha ni Lila. "Pero babalik din naman kaagad."
"Maiwan ko muna kayo, igagala ko lang ang anak natin," paalam ni Jael na kina-career na ang pagiging ama.
"Cute ninyong mag-couple," puri ni Lila.
"Hindi ah," ani ko at napatingin kina Jael at Jelai na nagtatawanan habang isa-isang tinuturo ni Jael ang mga sports car.
"Lila? Di ba mayaman kayo?" tanong ko.
"Hindi ah," tanggi niya.
"Wow, humble," nakangiting sabi ko. "Pero paano nagkakilala ang parents ninyo ni Lee?"
Naupo siya kaya naupo rin ako sa mahabang bench.
"Magkasosyo sila sa negosyo," sagot niya. "Pero ngayon ko lang sila na-meet dahil sa Japan nga ako at palipat-lipat din sila ng bansa."
"Ibig sabihin, mayaman nga kayo," puri ko.
"Girls."
"Lee/Lee!" sabay na sabi namin ni Lila nang makita siya.
"H-Hi?" napakamot sa ulo na bati ni Lee.
"Akala ko, umalis ka," sabi ko.
"Hindi na natuloy," sagot niya at napasulyap kay Lila. "May mahalagang bagay akong dapat na asikasuhin kesa sa bumalik sa ibang bansa."
Napansin kong namumula ang mukha ni Lila at hindi makatingin kay Lee. Alam kong pareho nilang alam na ikakasal sila pero ayaw nilang umamin sa isa't isa na alam na nila.
"Kumusta, Letecia?" tanong ni Lee.
"O-Okay lang, Lee. Ikaw? Kumusta?"
"Okay lang--" Lee.
"Leeeeeee Lacson!" sigaw ng babae kaya napatingin kami sa kaniya.
"Shit!" sambit ni Lee.
"Sino siya?" tanong ni Lila.
"Sino ang babaeng kasama mo? Kerida mo?" galit na tanong ng babaeng kaedad lang yata ni Lee. Ang ganda nito at mukhang matapang. "Kayong dalawa, may relasyon ba kayo ni Lee? Nagse-sex ba kayo habang wala ako?"
Pareho kaming nagulat ni Lila at napatingin kay Lee na nakangiwi.
"Ano? Mga babae ba kayo ng boyfrie--"
"Patch Lheendie!" saway ni Lee kaya nn9anlaki ang mga mata ko.
"L-Lola Patch?" usal ko pero kaagad na napaatras nang sa akin na siya tumingin.
"Ulitin mo nga ang sinabi mo? Did you call me lola?" hindi makapaniwalang tanong niya.
"H-Hindi po," sagot ko. "Sabi ko, Ganda Patch."
"Bingi ako, gano'n?" naka-poker face na tanong niya.
"Hindi ah," tanggi ko.
"Paano mo nalaman ang pangalan ko?" tanong niya na para bang sinusuri ang buong pagkatao ko.
"Di ba friends kayo?" sabat ni Lee kaya sa kaniya naman humarap si Patch.
"Kailan pa ako nagkaroon ng ganitong klaseng kaibigan, aber?" sagot ni Patch. Patay na.
"N-Nagkakilala na tayo minsan pero mukhang hindi mo lang maalala," sabat ko na mas ikinasingkit ng mga mata niya.
"Ginagawa mo ba akong makakalimutin? Ngayon lang kita nakita huwag mo akong paglaruan!"
Gusto ko na yatang magtago. Ang lakas ng dating niya at ang hirap magsinungaling.
"Haist! Tigilan na nga ninyo. Halika nga muna, Patch," sabat ni Lee at hinawakan si Patch sa kanang braso pero nagpumiglas ang huli at hinarap kami ni Lila saka isa-isang tiningnan mula ulo hanggang paa.
"Tapatin nga ninyo ako, nilalandi ba ninyo ang boyfriend ko?" seryosong tanong niya at ang talim ng mga mata.
"W-Wala kaming relasyon," mahinang sagot ni Lila. Tumatagos sa puso ko ang lungkot sa boses niya.
Napatingin si Lee sa kaniya. Alam kong gusto nitong lapitan si Lila pero hindi niya magawa dahil kay Patch.
"Oras na malaman kong nilalandi ninyo si Lee, malalagot kayo sa akin!" pagbabanta niya at humarap kay Lee. "Siguraduhin mo lang din na negosyo ang dahilan kung bakit ang tagal mong magbakas--"
"Stop it, Patch!" saway ni Lee na ikinabigla ni Patch. "Stop ruining my life!"
"H-Hindi ko sinisira ang--" Patch
"Halika na, Patch!" walang emosyong sabi ni Lee at tinalikuran kami.
"Pasalamat ka, mahal kita," nakasimangot na sabi ni Patch saka padabog na sumama kay Lee.
"Okay ka lang?" nag-aalalang tanong ko kay Lila.
"I-I'm fine," sagot nito habang nakatingin kina Lee at Patch na papalayo sa amin. Ano ba ang dapat kong gawin? Ipapaalam ko ba sa kaniya na sina Patch at Lee ang nagkatuluyan? Pero masasaktan siya. Kaibigan ko si Lila at hindi ko kayang makita siyang nahihirapan.
"Marami pa naman ang lalaki riyan," sabi ko.
"I know," malungkot na sabi niya saka napatingin kay Jael na palabas ng field kasama si Jelai.
"Pero hindi na puwede si Jael dahil boyfriend ko na siya," sabi ko. Hindi ko naman gustong sabihin pero nasabi ko na ang laman ng isip ko. Wala naman sigurong masamang magdamot? Pero sa mundong ito, ako lang ang intruder. Paano kapag sila pala ni Jael? Napailing ako.
"Hindi puwede," bulong ng isip ko. Bawal. Akin lang si Jael.
"Hello, miss," nakangiting bati ng lalaking palapit sa amin. Ang pogi niya tapos magaling pang pumorma at ang jolly ng mukha. Sarap pisilin ng matangos niyang ilong. Nakaka-starstruck.
"Ano 'yon?" tanong ko pero hindi inihiwalay ang mukha. Familiar e. Parang nakita ko na siya pero hindi ko lang maalala.
"Nakita ninyo si Lee?" tanong nito at matamis na ngumiti.
"Kasama ng girlfriend niya," sagot ni Lila.
"May kasama ba kayong dalawa?" tanong nito.
"Ako," sagot ni Jael na palapit sa amin at hila si Jelai.
"Oops, sorry pare," paumanhin nito.
"Jael," pagpakilala ni Jael sabay lahad ng kanang kamay. Inabot naman ng lalaking sa harapan namin.
"Ryan," pagpakilala niya. "Ryan Villafuerte."
Ngumiti si Jael, "Sana maging magkaibigan tayo, Ryan."
"Sure," masiglang sagot ni Ryan. "Hanapin ko lang sina Andrian at Lee," paalam nito at iniwan kami.
"Pakisarado ng bibig mo, Kylie Gomez. Baka magselos ako at hindi mo magustuhan ang gagawin ko," pagbabanta ni Jael na salubong na ang kilay.
"Hmm? Sorry na, ang cute kasi niya," nahihiyang pag-amin ko. Gosh, kaya pala familiar, eh, siya pala ang ugat ng mga Villafuerte? Ayaw ko na. Ang gaguwapo naman nila. Kaya pala ang lakas ng appeal ng mga Villafuerte dahil kay Lolo Ryan.
"Damn!" sambit ni Jael at nanlaki ang mga mata ko nang angkinin niya ang mga labi ko pero mabilis lang. "I told you, nagseselos ako!" sabi niya kaya sa halip na mahiya kay Lila at Jelai, napangiti na lang ako. Siyempre mas pogi pa rin itong si Jael ko lalo na kapag magselos.

The Rich SlaveWhere stories live. Discover now