28

747 39 0
                                    

THE RICH SLAVE

by: sha_sha0808 Ash Simon

CHAPTER 28

Unedited...

Tatlong taon na ang anak namin at buhat nang inilayo siya ni Kylie, hindi ko na siya nakita pa. Miss ko na ang anak ko at ang ina nito.
Kakababa ko lang sa eroplano nang tawagin ako ng mga pinsan ko para sunduin.
"Arigato. Ogenkidesuka?" bati ko sa pinsan kong anak nina Tito Alex.
"Psh! Yoi! Kamusta?" tanong niya sa tonong diretso sa tagalog. Fluent silang magtagalog dahil sinasanay sila ng mga tita't lola namin.
"Okay lang. Kayo? May mga kalaban ba?"
Tumawa siya. Actually, sanay sila sa labanan at dito sa Japan, assasins at gangster ang kalaban ng pamilya namin. Pero kagaya sa Pinas, sakop din nila ang buong Japan. Tahimik pero matinik na kalaban.
"Hmm? Wala," sagot niya at tumawa. "Walang nagkakalakas ng loob."
Magkakasama sila ng anak nina Tito Jiro at iba ko pang pinsan. Malaki ang bahay na tutuluyan ko at halos nandito na ang buong angkan namin.
Pagdating ko, natulog muna ako. Mamayang gabi pa naman ang meeting ko sa next business partner namin.
Alas kuwatro, ginising ako ni Tita kaya bumangon ako at nagbihis saka nagpahatid sa meeting place na filipino restaurant. Obviously, pagmamay-ari ito ng kasosyo namin.
Iginala ko ang paningin ko sa mga kumakain. Umaasa akong makikita ko si Kylie rito.
"This way, sir," magalang na bati ng pilipinang crew at iginiya ako sa private room ng restaurant.
"Sir? Just press the red button if you need assistance," magalang na sabi niya.
"Thank you," sagot ko at naupo sa couch.
May maliit na center table sa harapan ko at sa right side naman ay ang pahabang table for meeting purposes. Iginala ko ang mga mata sa kabuuan ng silid. Maganda. Puno ng sinaunang desinyo. Nahagip ng paningin ko ang old paintings na alam kong nakita ko na noon.
Napatayo ako nang bumukas ang pinto at iniluwa ang taong matagal ko nang gustong makita.
"K-Kylie..." usal ko kaya nagulat din siya.
"A-Anong ginagawa mo rito?" puno ng galit na tanong niya.
"Kylie--"
"Huwag kang lumapit!" pagpigil niya na naka-stop sign pa ang kanang kamay sabay atras.
"Kakausapin ko lang ang kasosyo namin sa tea business," sagot ko at napatitig sa kaniya. Walang pagbabago, mas gumanda pa nga siya ngayon.
"Ikaw?" hindi makapaniwalang tanong niya. "So, ginamit mo ang pamilya mo para magkita tayo muli kahit na ayaw ko nang makipagkita sa 'yo."
Nainsulto ako. Para bang isang malaking kasalanan ang hanapin at harapin siya.
"Okay, let's start the meeting," professional na sabi niya at taas noong lumapit sa meeting table.
"Please take your seat, Mister Lacson." formal na sabi niya.
"So... as what we have discussed last week--" panimula niya pero wala akong naintindihan dahil ang mga mata ko ay naka-focus sa kung paano niya ibuka ang kaniyang mga bibig. Oh, I miss her lips. Her skin. Her touch.
Ilang segundong tumigil ang mga bibig niya kaya umangat ang mga mata ko sa mga mata niyang salubong na.
"Ahm... Okay, next?" tanong ko na hindi makatingin sa kaniya. Galit na siya.
"May naintindihan ka ba sa sinabi ko, Mister Lacson?" Ayan, pinipigilan lang niyang sumabog sa harapan ko at manatiling formal. "Any question?" pahabol niya.
"Yes," sagot ko.
"What is it?" sumeryoso siya.
"Are you still single?"
Natikom niya ang bibig. Napansin ko ang pagsalubong ng mga kilay niya.
"It's not of your business."
"Business partner kita so I think it is my business. Ayaw kong magulat dahil baka bigla na lang may manuntok sa akin na asawa mo."
"I'm engaged," diretsahang sagot niya. Aw! Taas-noo pa talaga siya ha.
"Is he good?"
Napataas ang kanang kilay niya.
"Inaalagaan ka ba niya? Mahal ka ba?" segunda ko pero ang totoo, sa kama talaga ang una kong naisip.
"None of your business!"
"Nasa iyo ang anak ko," diretsahang sabi ko. "At may karapatan akong kilatisin ang boyfriend mo dahil baka saktan niya ang anak ko," dagdag ko. Napansin ko ang pagkuyom ng kanang kamao niya na nasa ibabaw ng mesa. Good. Badtrip na rin naman ako kaya idadamay ko na siya. "Anak pala natin," pagtatama ko. "Sperm ko at egg cell mo."
"Huwag mong idamay ang anak ko sa usapan natin."
"Madadamay talaga siya dahil anak ko siya!" giit ko. "Anak ko na inilayo mo sa akin."
"Dahil hindi ka mabuting ama!"
"Saan banda?" Nanggigigil na ako at gusto kong manakit ng tao pero hindi lang ang kaharap ko. Putsa! Mahal ko 'to eh.
"Alam mo kung anong pamilya meron kayo!" paalala niya.
"Hindi ko alam kung hindi ipinakita sa akin ang nakaraan," paalala ko rin. "Isa pa, kilala ko ang sarili ko. Mahal ko ang anak ko higit kanino man. Sigurado akong magiging mabuting ama ako kung hindi mo inilayo ang anak ko."
"Gusto ko lang protektahan ang anak ko."
"Protektahan saan?"
"Sa masasamang tao."
Napatawa ako. "Hindi ba't ang paglayo sa bata sa mabuti at responsable niyang ama ay isang malaking patunay na hindi ka mabuting ina?" tanong ko kaya napapitlag siya. Tutal batuhan ng insulto na rin 'to kaya sagarin ko na.
"How dare you!" Lumalaki na ang butas ng maliit at matangos niyang ilong sa galit.
"Ah, mas naisin mo pa palang ipakilala siya sa ibang lalaki kaysa sa sarili niyang ama. Ganoon ba ang ugali ng isang butihing ina?" Alam kong sumusobra na ako dahil mangiyak-ngiyak na siya pero for Christ's sake, kinakain na ako ng selos. Yung isiping may bago na siya at may ibang nakakatabi sa kama? Naghintay ako ng ilang taon na bumalik siya pero wala.
Napasulyap kami sa pinto nang may kumatok.
"Come in!" sigaw niya at sinamaan ako ng tingin.
"Mister Lee wants to talk to you..." magalang na sabi ng babaeng nag-assist sa akin kanina.
"Please tell him I'm on a meeting..."
"Okay po..."
Lumabas na ang babae kaya inayos na niya ang folder niyang dala kanina.
"Tapos na ang--"
"Wala akong naintindihan sa sinabi mo," prangkang sabi ko kaya pabagsak na inilapag niya ang folder sa mesa.
"Ise-send ko ang copy."
"It is your obligation na ipaliwanag sa akin ang lahat."
"I've done my part."
"Mahina ang utak ko so let's start again."
"Maghahanap ako ng taong magpapaliwanag sa 'yo."
"Ikaw ang gusto ko."
Tumahimik siya at halatang nagpipigil lang ng sarili.
Biglang bumukas ang pinto at pumasok ang lalaking mukhang hapon.
"Let's go?" tanong ng lalaki.
"Sure," pagpayag ni Kylie.
"We're not done yet," sabat ko.
"We're done."
"We're not!"
Palipat-lipat ang mga mata ng lalaki. Ito ba ang ipinalit niya sa akin?
"Sorry?" anito na nagtatanong ang mga mata kay Kylie.
"I'll call you later, Kenzo," pagsuko ni Kylie.
"Yeah. Let us discuss first about our child," sabat ko na ikinagulat nitong Kenzo. Si Kylie naman ay napayuko na tila nahihiya sa kaharap.
"Oh, I see..." aniya saka lumabas na.
"Ngayon tungkol na naman sa anak natin?" sabi niya nang masiguradong nakalabas na ang lalaking 'yon.
"May pera ako at panahon na para labanan kita sa legal na paraan. Handa akong makihati sa oras ng anak ko dahil gusto kong lumaki siyang kilala ako."
"Ayaw ko!"
"E di magkita tayo sa husgado."
"Jael--"
"Iyon ba ang ipinalit mo sa akin?" singhal ko sabay turo sa pinto. "Alam mo bang maliliit ang titi ng mga Hapon?" diretsahang tanong ko kaya mas lalong namula ang magkabilang pisngi niya sa galit. "Dapat alam mo 'yon! Maliit pa nga, mabilis pa silang labasan! Hindi ka sasaya roon!"
"Wala ka na roon!" pikong sabi niya.
"Hindi ako naniniwalang nakalimutan mo na ako at ipinagpalit lang sa kaniya! Maghahanap ka na rin ng lalaki, ang higit na lang sana kaysa sa akin, Kylie!"
"Tumahimik ka na!" malakas na sigaw niya.
"Basta kukunin ko ang anak ko!"
"Wala kang karapatan sa kaniya dahil ako ang ina niya!"
"Ikaw ang ina pero ako ang ama! Magpapa-DNA kami!" giit ko.
"Ano ba ang gusto mo, Jael?" Tila lalabas na siya sa balat niya.
"Ikaw. Ang anak ko. Tayo!" prangkang sagot ko. "Mag-umpisa tayo muli. Napaka-unfair mo, Kylie. Ang pinagbabasehan mo lang ay ang nakaraan ng pamilya natin pero hindi mo inisip ang bagay na meron tayo. Mahal naman natin ang isa't isa ah."
"Hindi kita--"
"I-deny mo at gagamitin ko ang pamilya ko para mapasaakin ka!"
Napanganga siya. "Kilala mo kami, Kylie. Pero kung makiayon ka lang, magiging maayos tayong dalawa."
"Iyan ang hirap sa inyo! Kapag hindi pumanig sa inyo ang sutwasyon, gagamit kayo ng kapangyarihan!"
Napabuntonghininga ako. Wala na nga sigurong pag-asa na magkaayos pa kaming dalawa.
"Kapag ayaw mo na, maghahanap na lang ako ng iba. Tutal mukhang masaya ka naman e. Sa loob ng tatlong taon, wala akong ibang ginawa kundi maghintay sa inyo na balikan n'yo ako. Araw-araw akong naghihintay pero wala ka na pala at tuluyan mo na akong kinalimutan. Putsa! Mahal kita pero wala ka nang ginawa kundi saktan ako. Ano ba ang kinalaman ko sa nangyari noon sa ninuno natin? Buhay na ba ako noon? Kung puwede ngang iligtas sila, gagawin ko pero makahusga ka sa akin, parang kasalanan ko ang lahat ah. Diyos ba ako, Kylie? Diyos ba?" mahabang sabi ko. Ang dami kong gustong isumbat pero ayaw ko siyang saktan nang sobra dahil kahit nagkasagutan na kami, ayaw ko pa rin siyang saktan nang sobra.
"E di maghanap ka!" singhal niya.
"Hindi ko kaya!" malakas na sigaw ko.
Natahimik siya kaya hindi ko rin nagawang magsalita pa.
-------------------

[KYLIE POV]

Firstime naming magkita after ng mahabang taon pero heto kami ngayon, sa halip na ayusin ang lahat, nagsisigawan pa. Inasikaso ko ang lahat ng natirang kayamanan na itinago ng pamilya namin. Nasa safety box pa rin iyon kasama ang papeles ng ibang ari-arian. Malaking tulong iyon para magsimula kami muli at makabangon. Masipag ang parents ko kaya mabilis lang na lumago ang naipundar na negosyo.
Napasulyap ako sa kaharap ko. Guwapo pa rin ito at mukhang walang stress, kabaliktaran ko.
Isang mahabang katahimikan ang namayani sa pagitan naming dalawa. Napahilamos siya sa mukha at ilang beses ko na ring narinig ang mahaba at malalim niyang pagbuntonghininga.
"M-Mahal kita," mahinang sabi niya. Sapat lang para mabasag ang katahimikan sa loob nitong maliit na silid. "Mahal kita hanggang ngayon. Iyon ang hindi mababago ng panahon."
Hindi ako makatingin sa kaniya. Nagkakaisip na rin ang anak namin at minsan ay nakakapagsalita na siya ng daddy pero wala akong maipakilala sa kaniya. Si Kenzo, kaibigan ko lang iyon. Boyfriend ng highschool classmate ko noon sa Pinas. Hindi rin totoong may bago na ako. I can't have.
"Let's call it a day," napapagod na sabi ko. "Kung magjowa ka ng iba, bahala ka."
Ako pa talaga ang tinakot niya.
"Nasabi ko lang 'yon dahil naiinis ako. Be mature enough naman para unawain ako. Ano ba ang problema natin noon, Kyl?" mahinahon na niyang tanong.
"Hindi mo iniligtas si Lila," prangkang sagot ko.
"Kung iniligtas ko siya, lahat magbabago," paliwanag niya. "At alam mo iyon."
"Galit ako sa inyo!"
"Iniligtas din naman siya ni Baron ah," anito.
"Pero namatay pa rin siya dahil sa kasamaan at kasakiman ng pamilya mo."
"For Christ's sake, kilala mo sina Lee at Patch dahil naging kaibigan mo sila. Alam mong mabuti silang tao at wala silang kinalaman sa lahat. Si Mommy ang makapagpatunay na totoong tao sila kung kaya natanggap niyang maging bahagi ng Lacson. Bago pa natin nalaman ang katotohanan, minahal na natin ang isa't isa, 'di ba?"
Ilang beses ko nang inisip iyan. Malalim ang galit ko sa mga Lacson pero alam ko rin naman na wala na silang kinalaman sa nangyari noon. Isa pa, mabait silang lahat sa akin at sila ang naging sandigan ko noong panahong may nagtangka sa buhay naming magpamilya. Sila rin naman ang nagligtas sa amin laban sa mga masasamang taong humahabol sa amin. Ang hindi ko lang matanggap ay wala kaming nagawa para tulungang mabuhay si Lila.
"Bukas na lang natin pag-usapan ang lahat," sabi ko. "Magpahinga ka na muna dahil mukhang pagod ka pa sa biyahe."
"Paano mo nalaman?" nagtatakang tanong niya.
"Nasa mukha mo," sagot ko.
"Ganoon na ba ako ka-haggard?"
"Hindi naman."
"Kylie," usal niya at tinitigan ako sa mukha. Ang mga matang iyon. Iyon ang minahal ko nang sobra. "Miss na kita," namumula ang pisnging pag-amin niya.
"May boyfriend na ako," sabi ko kaya dumilim na naman ang awra niya.
"Saktan mo pa ako," sabi niya. "Palibhasa alam mong mahal na mahal kita."
"Lumabas ka na."
Naiinis na tumayo siya saka naglakad patungo sa pinto pero nakailang hakbang na siya nang tumigil at lumingon sa akin.
"Hindi tama na iwan mo ang lalaking mahal ka. Hindi tama na maghanap ka ng iba. May anak tayo kaya hindi ako uuwi ng 'Pinas hanggat hindi ko kayo kasama!" determinadong sabi niya saka lumabas at pabagsak na isinara ang pinto.
Aminin ko, nainsulto ako sa mga pinagsasabi niya kanina. Masyado na kasing offensive ang iba. Ganoon ba ang tingin niya sa akin? Hindi naman ako kaladkaring babae. Sarap niyang batukan kanina. Kaunting panahon lang ang hiningi ko kina Tita Hael para makapag-isip at makalimot dahil hindi madali sa akin na tanggapin ang lahat. At nagpapasalamat ako na pumayag naman sila at sa loob ng mahabang panahon, walang Jael na sumulpot sa harapan ko. Habang tumatagal, mas lalo lang akong nangulila sa kaniya pero ayaw ko namang ibigay ang sarili ko na hindi buo ang kapatawaran sa pamilya niya.
Napangiti ako nang sariwain ko ang pag-uusap namin kani-kanina lang. Walang pagbabago. Siya pa rin si Jael na seloso at mahal na mahal ko mula noon, hanggang ngayon.



The Rich SlaveWhere stories live. Discover now