19

543 34 0
                                    

THE RICH SLAVE

by: sha_sha0808 Ash Simon

CHAPTER 19

Unedited...
Nagising ako na nasa kabilang panig na naman ng mundo. Kanina lang, nasa kuwarto pa ako. Naupo ako sa mahabang bench at nagmuni-muni. Mamaya ko pa hanapin si Jael.
Nananaginip lang ako kapag nasa guest room ako at sa sasakyan pero kapag bumalik ako sa dating silid, wala naman. Okay, I got it. Parang portal nga ang dalawang iyon. Si Jael, mukhang may alam siya.
"Hi, kanina pa kita hinahanap," nakangiting bati ni Lila habang palapit sa akin. "Dito ka lang pala."
"Hi," tipid na bati ko at napatingin sa malawak na racing field. It's empty.
"May problema ba?" tanong ni Lila at naupo sa tabi ko.
"Si Baron, madalas ba kayong nagkikita?" tanong ko.
"Baron Angeles? Hindi kami close. Nagkikita kami rito pero hindi nag-uusap. If you're going to ask him, I'm sure na hindi rin siya familiar sa akin. I'm just an ordinary woman sa kaniya, hindi nagkaka-convo," sagot niya. "Why?"
"N-Nothing," I answered.
"Lila? Hindi ba, mayaman kayo? How rich are you?" curious na tanong ko. "Hmm? If you don't mind," pahabol ko.
"Kami?" patanong na wika niya. "Hmm? Sapat lang para mabili ko ang gusto ko."
"Sino ang mas mayaman sa inyo ng mga Lacson?" curious na tanong ko.
Tumawa siya. "It doesn't matter if who is richer lalo na kapag mag-asawa na kami ni Lee," aniya.
"As of now, iyong hindi pa kayo magkakilala. Sino ang mas mayaman sa inyo nina Lee at Patch?" giit ko.
Nagkibit balikat siya. "Well? Hindi kasi ako mahilig sa makialam but, my dad told me na malaki ang shares niya sa company nina Lee plus may sariling business kami sa Japan at ibang bansa in Asia," sagot niya. "But it's a secret. Alam mo na, mahirap kapag may makaalam lalo na't unica hija lang ako."
"Mahal mo si Lee?" tanong ko.
"Yes," siguradong sagot niya. "Alam kong matutunan din niya akong mahalin lalo na kapag manalo ako sa race," sagot niya.
"P-Pero may Patch na siya," paalala ko.
"Hmm? Hindi naman niya mahal si Patch at wala na silang magagawa dahil nakapag-settle na ang parents namin," puno ng kampiyansang sagot niya.
Ngumiti ako. She's my friend. Mabait siya pero wala na akong magagawa kaya alamin ko na lang ang mangyayari. Sana may sapat pa akong panahon.
"Kumusta ka na? Naglilihi ka na ba?" tanong niya.
"Hindi pa, wala pa ngang sang buwan," sagot ko.
"Ayaw mo naman tanggapin ang present ko para sa inyo," sabi niya. Naalala ko ang necklace niya.
"Lila? Sorry but may I see your necklace?"
"Nasa bahay," aniya. "Minsan ko lang siyang sinusuot kapag may special occasion or trip ko. Baka kasi mawala, ang mahal pa naman 'yon."
"Bakit mo ibibigay kung regalo naman pala iyon ng dad mo?"
"Well, you're my friend and makakabili pa si Dad at makapagawa nang mas maganda. Isa pa, kilala ka naman ng parents ko," sagot niya. Tumango ako. Hindi ko napagtuunan ng pansin ang mga diyamante at perlas na desinyo ng necklace niya.
"Paano mo pala ako nahanap, Lila?"
"Pumunta ako para mag-practice rito," sagot niya. "Alam ko kasing walang tao dahil Lunes kaya nasa school ang racer. Mamayang gabi pa dadagsa ang mga tao."
Tumayo siya saka lumapit sa sportscar at nag-practice sa field. Bakit ba lahat nasa kaniya niya? Kagandahan, talino, at higit sa lahat, kayamanan. She's so perfect.
Nawili ako sa panonood sa kaniya kaya hindi ko na namalayang nasa tabi ko na pala si Jael.
"Bukas na siya aalis patungo sa ibang bansa, right?" tanong nito habang nakatingin kay Lila. "Kaunti na lang ang racer dito dahil nasa Europa na ang iba para sa darating na malaking paligsahan," sabi niya.
"Yes," sagot ko at napasulyap sa sugat niya sa braso. Pahilom na ito. Same kay Jael sa kabilang mundo.
"Uwi na tayo, naghihintay na si Jelai sa atin," yaya niya.
Tumayo ako at naunang naglakad palapit sa ducati ko.
"Sa akin ka na sumabay, baka mapano kayo ni Baby," sabi niya.
Walang imik na sumunod ako sa sportscar niya. Bahala na ang ducating pinahiram ni Lila. Tutal, hindi ko naman 'yan madadala sa present time.
"Ang tahimik mo yata?" puna niya nang malapit na kami sa condominium niya.
"May iniisip lang," ani ko.
"Tungkol ba sa baby natin?" tanong niya.
"Yes," pagsisinungaling ko.
"Huwag kang mag-alala, hindi kita pababayaan," sabi niya saka hinawakan ang kaliwang kamay ko habang ang isa niyang kamay ay nasa manibela.
Hindi ako sumagot.
"Mahal mo ba ako?" tanong ko.
"Oo naman," walang gatol na sagot niya saka pinisil ang kamay ko. "Ikaw ba? Mahal mo ba ako, Kylie?"
Tumango lang ako. Mabigat ang pakiramdam ko ngayon. Hindi na rin naman siya nagsalita pero mukhang malalim din ang iniisip niya.
Pagdating sa unit, kaagad kaming sinalubong ni Jelai. Yumakap siya sa amin at nagpakarga kay Jael.
"I love you, Dad," bati niya saka pinaliguan ng halik ang buong mukha ni Jael.
"I love you too, baby," sagot ni Jael at napasulyap sa akin.
"Dad? Kailan po lalabas ang baby brother ko?" tanong niya kaya natawa si Jael.
"Hindi pa nga tayo sigurado sa gender," ani Jael at napasulyap sa akin.
"Hmm? He's a boy," siguradong sabi ni Jelai.
"I want a girl," sagot ni Jael at napasulyap sa akin. "And I want to name her, Jelai."
"But dad? I'm Jelai," nakalabing sabi ni Jelai kaya napailing na lang ako. Why not? Kapag ipinanganak ko 'to, puwedeng Jelai ang name niya. Afterall, katunog lang naman ng Jael at Kylie.
Pumunta ako sa kusina at hinayaan na ang dalawang mag-bonding. Magluluto na lang ako ng caldereta. Nagtimpla muna ako ng gatas saka maghiwa ng karne sa ibabaw ng mesa.
"Ouch!" daing ko nang makaramdam ng hapdi at pagkangilo sa daliri.
"Okay ka--shit!" sambit niya at patakbong lumapit sa akin nang makitang malakas ang pagdurugo ng sugat sa daliri ko.
"Hindi naman malalim," sabi ko habang pinipigilan niya ang pagdaloy ng dugo.
"Hugasan na--aw!" hiyaw niya nang matapunan siya ng mainit na gatas sa kaliwang kamay dahil sa sobrang pagkataranta.
"N-Napaso ka," nag-aalalang sabi ko pero tili bingi siya at hinila niya ako palapit sa gripo at hinugasan ang sugat ko.
"Jale? Ang kamay mo, namumula na," nag-aalalang sabi ko.
"Okay lang. Bakit ba kasi ang tanga mo?" singhal niya at pinatay na ang tubig saka dinala ako sa sala.
"Ang kamay mo," paalala ko nang pinaupo niya ako. Kumuha siya ng medicine kit at walang pasabing ginamot ang sugat ko saka nilagyan niya ng bandage.
"Hindi ba sabi ko, bawal kang masugatan? Dapat nag-iingat ka!" parang bata akong pinapagalitan ng ama dahil sa sobrang kakulitan.
"S-Sorry," paumanhin ko at napasulyap sa namumula niyang kamay.
Nakatayo siya sa harapan ko at tinitigan ako. Galit ang mukha kaya iniwas ko ang mga mata ko.
"Galit ka ba, Jael?"
"I'm mad," pag-amin niya. Napalingon si Jelai sa amin pero agad namang ibinalik ang pansin sa TV.
"S-Sorry na."
"Ako na ang magpatuloy ng ginagawa mo," sabi niya saka nagmartsa palapit sa kusina. Napatitig ako sa daliri ko. Okay lang, mawawala rin naman 'to mamaya kapag nasa real time na ako.
"Mom?" tawag ni Jelai saka lumapit sa akin. Niyakap niya ako at hinalikan ang tiyan niya.
"Love mo ba ang nasa tummy mo?" inosenteng tanong niya. Hinaplos ko ang malambot niyang buhok.
"Oo naman, sobrang love ko 'to. Excited na akong masilayan niya ang mundo," sagot ko.
Malapad ang ngiti niyang tumingala sa akin.
"I'm going to protect my baby brother. I will be his superhero ate. Ipagtatanggol ko siya sa mananakit sa kaniya," sabi niya kaya natawa ako. Sabi nga ni Jael, wala pa itong gender.
"Her. She. Girl!" pasigaw na sabi ni Jael mula sa kusina.
"He. His. Boy!" giit ni Jalai kaya natawa ako.
"Kahit ano man siya, love ko pa rin siya," natatawang sabi ko at hinipo ang tiyan ko.
"Kylie? Gising!"
I heard Tita Hael's voice kaya napatingin ako kay Jelai na nakayakap sa tiyan ko.
"Kylie? Gising!" kinakabahang tawag ni Tita Hael. Ginigising niya ako pero wala siya.
"E-Excuse me," paalam ko sa kanila saka tumayo at dali-daling tumakbo palapit sa kuwarto pero nahabol ako ni Jael.
"What happened?" nag-aalalang tanong niya.
"Kylie! Hija!" tawag ni Tita kaya malakas na tinulak ko si Jael.
"P-Pasok lang ako sa kuwarto," sabi ko nang maramdamang parang may yumuyugyog sa katawan ko.
Tumango siya.
"Pasok ka na," mahinang sabi niya. "I love you."
Hindi ko na sinagot ang I love you niya. Agad na isinara ko ang pinto nang makapasok ako sa silid.
----------------
Agad akong napaupo at napahawak sa dibdib.
"Thanks God at nagising ka," sabi ni Tita Jael na namumutla dahil nataranta.
"A-Anong nangyari--aw!" daing ko. Ang hapdi. Sobrang hapdi ng hintuturo ko.
"Hindi kita magising kaya nilagyan ko ng panyo ang sugat mo," sabi niya kaya natigilan ako. Napatingin ako sa comforter, ang daming dugo.
"O-Okay lang po ako," sagot ko.
"No, gagamutin kita," aniya at lumapit sa cabinet saka kinuha ang medicine kit. Each room ay may med kit sila kaya hindi na mahirap na maghanap pa. Unlike sa bahay namin na isang kit lang.
Nilagyan niya ng betadine at gauze saka plaster nang tumigil na ang dugo.
"Kumain ka muna tapos uminom ka ng pain reliever," bilin niya matapos ibalik ang medicine kit sa cabinet. "Kapag may kailangan ka, huwag kang mahiyang katukin ako o si Jael sa kuwarto."
"Okay po," ani ko saka nahiga ulit. 15 minutes pa at bababa na ako.
I'm pregnant at ayaw kong mag-take ng gamot pero ayaw kong makipagtalo pa. Siguro hindi pa nasabi ni Jael sa kaniya ang pagbubuntis ko. Malamang, naduduwag 'yon.
Bumaba ako sa kusina at naghanap ng makakain. Hindi ko namalayan, alas diyes na pala ng gabi kaya kumakalam na ang sikmura ko.
Habang kumakain, napaisip ako.
"Nasugatan din ako sa totoong mundo," bulong ko saka ininom ang fresh pineapple juice.
Si Jael, may sugat din siya sa kanang braso. Same kay Jael sa nakaraan. Nakapagtataka lang dahil hindi ako tinanong ni Tita Hael kung paano ako nagkasugat. O hindi man lang siya nagtaka kung bakit may sugat ako e, natutulog lang naman ako?
Dali-dali kong tinapos ang kinakain ko at umakyat sa hagdan.
Tatlong beses akong kumatok pero walang sumasagot o bumubukas kaya nilakasan ko pa ang katok.
Wala siyang balak na pagbuksan ako. Sigurado akong nasa loob siya dahil narinig ko pa siyang kausap si Tita Hael kanina bago ako bumaba.
Sunod-sunod na katok na ang ginawa ko pero wala pa rin.
"M-Masakit ang tiyan ko!" hiyaw ko saka sinipa ang kuwarto. Ayaw mo akong pagbuksan ha. "J-Jael!"
Agad na bumukas ang pinto at iniluwa ang nagpa-panic niyang mukha.
"O-Okay ka lang?" nataranta niyang tanong. "D-Dalhin na kita sa hospital."
"I'm fine," seryosong sagot ko saka naglakad papasok sa loob ng kuwarto niya.
"K-Kylie--"
"Napano ang kamay mo? Ba't namumula?" galit na tanong ko. Itinago niya sa likod but of course, huli na para itago niya sa mapanuri kong mga mata.
"W-Wala ito," pagsisinungaling niya.
"Time traveler ka rin ba, Jael?" tanong ko habang nakatitig sa mga mata niya.
"H-Hindi--"
Pak!
Isang malakas na sampal ang dumapo sa kanang pisngi niya kasabay ng pagtulo ng mga luha ko.
"Liar! Manloloko! Matagal mo na akong niloloko! I hate you!" puno ng galit na sumbat ko habang naikuyom ko ang kamao ko.
"K-Kyl, let me explain," pakiusap niya.
"Huwag na huwag mo akong kausapin!" malakas na sigaw ko saka tinalikuran siya. Nasa pinto si Tita Hael pero hindi ko na pinansin at tumakbo na palabas. I'm sure, magkasabwat silang mag-ina.


The Rich SlaveDonde viven las historias. Descúbrelo ahora