17

549 35 0
                                    

THE RICH SLAVE

by: sha_sha0808 Ash Simon

CHAPTER 17

Unedited...
Three weeks na kaming walang pansinan ni Jael at lumipat na rin ako ng kuwarto pero hindi na ako nagti-time travel. Gusto ko nang magpaalam pero hindi puwede.
Ang huli naming kita nina Mommy, noong nasa hotel kami ng mga Lacson. Two days lang naman iyon kaya hindi sapat para mahipsan ang pangungulila ko sa kanila.
"Kylie? Hija?" tawag ni Tita at naupo sa tabi ko. Nasa veranda ako habang nagkakape. "Ang layo naman yata ng tingin mo?"
"May iniisip lang po. Kape tayo," yaya ko.
"Tapos na akong maggatas," sagot niya. "Nag-away ba kayo ni Jael?"
"Ho?"
"Si Jael, minsan na lang kasi siyang tumambay rito kaya naisip kong baka may tampuhan kayo," malumanay na sabi niya kaya mapait na napangiti ako. As if na nagkabati kami ng anak niya. Pero after niya akong gahasain, umiiwas na ako at kapag malaman kong nandito siya sa mansion, hindi ako lumalabas ng kuwarto ko.
"Hindi ko po alam," sagot ko. Dapat idedemanda ko na ang manyakis na 'yon e. Marami namang babae riyan pero bakit ako pa? Kasi mahina ako?
"Gusto mo bang doon ka na sa kuwarto mamalagi?" tanong ni Tita.
"Huwag na po, okay na ako. Para ho 'yon sa bisita, 'di ba?"
"Bakit? Bisita ka naman--"
"Alam ho nating katulong lang ako ng anak ninyo," agarang sabat ko na ikinatahimik niya. "S-Sorry," paumanhin ko.
"It's okay. Pero sana maintindihan mo siya," paumanhin niya.
"Sinisikap ko po. Kung sabagay, anak ako ng druglords but I know them so well, hindi sangkot sa droga ang parents ko. My brother was, but alam kong pinagsi--" Napatingin ako sa kamay niyang nakapatong sa kanang kamay ko na nasa maliit na mesa.
"Alam ko," nakangiting sabi niya.
"Not guilty kami," giit ko. "Pero bakit nandito pa rin ako?"
"Someday, mauunawaan mo," sagot niya kaya napakunot ang noo ko. Wala pa ba ako sa tamang edad para hindi maunawaan ang mga nangyayari ngayon?
"Mom? Hinahanap ka ni Dad sa labas."
Napalingon siya kay Jael na nagsalita sa likuran namin.
"Okay," ani Tita saka tumayo. "Maiwan muna kita, hija."
"Okay po," sagot ko.
Naupo si Jael sa tabi ko pero nagkunwari akong hindi ako apektado kahit na surang-sura na ako sa pagmumukha niya.
"Gusto mong mag-race?" tanong niya.
"Mag-race kang mag-isa!"
"Suplada!" naiinis na sabi niya saka tumayo at pumasok sa loob.
Inubos ko ang kape saka bumaba pero agad akong pumunta sa sink nang makaramdam ng pagkasuka. Kahapon pa ito pero ayaw matanggal sa Exigo na gamot.
"Shit!" sambit ko. Wala pa ang menstruation ko na dapat last week pa kaya nagpaalam muna akong lumabas at pumunta sa Pharmacy. Pagbalik ko sa kuwarto, nanginginig ang mga kamay kong ipinatak ang ihi ko sa pregnancy kit.
"God, please make it negative," pakiusap ko at tiningnan ang result. Dalawang pulang guhit.
"Fuck!" ani ko at napahawak sa ulo. Positive. Kung hindi magkamali ang PT, buntis nga ako.
Lumabas ako ng kuwarto para muling magpahangin sa terrace pero hindi pa ako nakaabot sa labas nang nandilim ang paningin ko kaya binuksan ko ang kuwartong nasa tapat ko at pabagsak na inihiga ang sarili sa kama.
Nanlalabo ang mga mata ko pero naaninag ko pa ang maliwanag ba bagay sa dingding ng silid na napasukan ko.
--------------------
"Mom? Wakeup," narinig ko ang boses ng batang babae kaya napilitan akong dumilat.
"J-Jelai," nanghihinang usal ko.
"Mom? Wala pa ho si Daddy," malungkot na sabi niya kaya bumangon ako.
"Saan na siya?" nanghihinang tanong ko.
Umiling siya. "Hindi ko po alam. Mommy? I'm hungry."
"Hindi ka pa ba niya pinakain? Halika, magluluto ako," yaya ko saka naglakad patungo sa kusina.
"Mom? I want to eat maling."
"Okay," sabi ko at lumapit sa ref. Marami ang laman at may maling sa loob kaya binuksan at niluto. Wala si Jael kaya ang hirap gumalaw.
"May idea ka ba kung saan pumunta ang daddy mo?" tanong ko. Umiling siya habang nakatingala sa akin. Hawak niya ang barbie kaya ang cute niya tingnan.
Napalingon kami sa pinto nang may kumatok.
"Ako na," pagboluntaryo niya at tumakbo sa pintuan saka pinagbuksan ang nasa labas.
Nanghihina talaga ako. Napahawak ako sa tiyan ko. Sa present time, buntis ako. Buntis din kaya ako rito? Huwag naman sana.
"Jael," bulalas ko nang pumasok siya kasunod ni Jelai.
"Hi," bati niya na may bitbit na isang pumpon ng puting rosas. "For you."
"T-Thank you," sabi ko at tinitigan siya. Gosh, I miss him so much.
"Bakit?" inosenteng tanong niya. Ngumiti ako at hinaplos ang makinis niyang pisngi. "I miss you."
Natigilan siya at unti-unting gumuhit ang ngiti sa mga labi.
"Really?"
Tumango ako. "Oo," sagot ko.
"Eh? Ang weird," anito kaya napasimangot ako at binitiwan ang pisngi niya.
"Ako, weird?" Hinampas ko siya sa balikat saka pinatay ang gasul. Nakakaasar.
Narinig ko ang malakas niyang tawa bago ipinulupot ang mga kamay sa bewang ko.
"Just kidding. Ang totoo niyan, ang weird kasi same tayo ng feelings, sobrang na-miss kita, Kylie," sabi niya saka ipinatong ang baba sa kanang balikat ko. "Every single minute, nami-miss kita. Minsan, gusto kitang pasukin sa kuwarto mo pero natatakot ako na baka patayin mo ako."
"Patayin?" ulit ko.
Tumawa na naman siya. "H-Ha? Ah e, after kasing may nangyari sa atin, ayaw mo na akong papasukin sa silid mo. Minsan, si Jelai lang ang kinakausap mo kaya baka galit ka dahil sa nangyari sa atin," sabi niya.
"G-Ganoon ba?" tanong ko. Ibig bang sabihin, dito lang ako? Hindi ko naman alam dahil wala ako rito e. Baka 'yon na nga siguro.
"Oo," sagot niya saka niyakap ako.
"Ano ba!" reklamo ko saka tinulak siya. "Ang baho mo!"
Lumayo ako sa kaniya kaya inamoy rin niya ang sarili.
"Hindi kaya," tanggi niya.
"N-Nasusuka ako," sabi ko sabay takbo sa sink at nagsuka. Sobrang sakit ng ulo ko.
"Are you okay?"tanong niya na buhat na si Jelai.
"Y-Yup," sagot ko saka sumuka ulit.
"M-Magpa-doctor tayo, Kyl."
"H-Huwag na." Inabot ko at tubig na ibinigay niya saka nagmumog.
"Ano ba ang nakain mo," puno ng pag-alalang tanong niya. Ibinaba niya si Jelai saka inalalayan ako patungo sa sala at pinaupo.
Isang malalim na buntonghininga ang pinakawalan ko.
"I t-think, I'm pregnant," pag-amin ko habang nakayuko.
"W-What?" bulalas niya.
"B-Bakit ganiyan ka? Ayaw mo?" tanong ko.
"H-Ha? Hindi ah, masaya ako," sabi niya saka naupo sa tabi ko at niyakap ako pero ramdam kong may something.
"J-Jael? Ayaw mo ba akong mabuntis?"
"Gusto," sagot niya saka tumayo. "Wait, bibili ako ng pregnancy kit."
Lumabas na siya kaya naiwan kami ni Jelai.
"Mom? I'm hungry."
"S-Sorry," paumanhin ko saka bumalik sa kusina at naghanda ng pagkain.
Kumakain na kami nang pumasok si Jael.
"Pakisamahan si Jelai, iihi lang ako," paalam ko at kinuha ang pregnancy kit saka pumasok sa CR.
Kumuha ako ng urine sample. Nanghihina ako nang makita ang result. Positive. Buntis ako sa dalawang mundo. Pero bakit parang ayaw ni Jael?
"Ano ang--"
Napatingin ako kay Jael na nakatingin sa hawak kong kit. Inagaw niya ito sa akin.
"Anong meaning nito?" tanong niya habang nakatitig sa dalawang pulang guhit. "P-Positive ba?"
Tumango ako habang nakatitig sa mukha niya.
"Damn!" sambit niya saka napasabunot sa ulo.
"Kung ayaw mo sa bata, wala akong magagawa!" singhal ko. "Pero huwag mong ipakita sa akin na para bang ako ang may kasalanan!"
"K-Kyl, hindi naman sa--"
"Mahal ko ang batang nasa sinapupunan ko!" matapang na sabi ko saka tinabig siya pero nakita ko si Jelai na nakatayo sa labas ng pinto at malungkot ang mukha.
Iniwas ko ang tingin, "pasensiya ka na kung sumigaw si Mommy," paumanhin ko.
Ngumiti siya at lumapit sa tiyan ko.
"Aalagaan ko po ang kapatid ko," inosenteng sabi niya saka hinaplos ang tiyan ko. Napangiti ako nang maramdaman ang mainit na paghaplos niya sa tummy ko. "Promise," sabi niya.
"S-Sige, aalagaan natin siya," alanganing sabi ko saka hinila na siya patungo sa sala.
"Mom? Doon na po muna ako sa kapit-bahay," paalam niya.
"Ingat ka," bilin ko.
Habang nakaupo, hindi ko mapigilan ang mga luhang tumulo.
Naramdaman ko ang pag-upo niya sa tabi ko.
"S-Sorry, nabigla lang ako." Kinuha niya ang isang kamay ko at dinala sa mga labi niya. "God knows kung gaano ako kasaya dahil magkaka-baby na tayo."
"A-Ayaw mo sa baby, siguradong ayaw rin ni Ja-- basta!" naguguluhang sabi ko.
Niyakap niya ako at hinalikan sa ulo. "Iyon ba ang dating sa 'yo? Promise, hindi iyon ang dahilan. Mahal kita. Kayo ng magiging anak natin."
Tumingala ako sa kaniya.
"T-Talaga?"
Matamis na ngumiti siya. "Of course."
"Jael? Gusto kong ma-meet ang parents mo," sabi ko.
Natigilan siya pero ilang sandali lang ay ngumiti. "Parents mo muna. Gusto ko silang makilala, Kylie."
Ako naman ang natigilan. Paano ko sasabihin ang totoo? Wala naman akong pamilya sa panahong ito.
"S-Sa susunod na lang siguro," pagbawi ko.
"Okay," agaran niyang bawi.
Hinawakan niya ako sa magkabilang balikat.
"Makinig ka, Kylie. Masyadong magulo ang mundo kaya--g-gusto kong mag-ingat ka," sabi niya. "Magulo ang fraternity kaya dapat na ingatan natin ang baby natin."
"I will," sabi ko habang hinahaplos ang sinapupunan.
"I love you," sabi niya saka hinagkan ako sa noo.
"I love you too," sagot ko.
May nag-doorbell kaya siya na ang tumayo para pagbuksan ang nasa labas.
Lumingon muna siya bago niya tiningnan kung sino ang nasa labas.
Si Lila. Nakangiti ito at niyakap si Jael.
"Masaya ka yata?" tanong ko.
"Yeah!" tuwang-tuwa na sabi niya at iwinagayway ang hawak na papel. "May ticket na ako pa Europe!"
"Ticket?" nagtatanong na ulit ko.
"Yes, para sa race," masiglang sabi niya.
"Pumayag ang dad mo?" tanong ko.
"Oo, sabi ni Dad, nakita raw niya na mahal ko ang pagre-race kaya wala siyang karapatang pigilan ako," masayang pagbalita niya. "Inamin ko ang lahat at naunawaan nila ako."
Napangiti ako. She's so lucky. Lahat na yata ay nasa kaniya: pera, pamilya at kaibigan.
"Alam naman ninyo na para ito kay Lee," malungkot na sabi niya kaya umiwas ako ng tingin. "Umaasa pa rin ako na balang araw, magiging okay ang lahat. Na matutuloy ang kasal namin at titigil na si Patch."
Walang pasabing niyakap ko siya nang mahigpit. Gusto kong umiyak. Alam ko kasing pareho lang silang nahihirapan ni Lee at nagtatago ng nararamdaman. Lahat ay okay na maliban kay Patch. But how can I hurt Lila? Hindi ko puwedeng ipaalam na mula ako sa present time.
"S-Sana nga," pekeng pagsang-ayon ko.
Kumalas siya sa pagkakayakap. "Okay ka lang? Namumutla ka," tanong niya at sinuri ang mukha ko.
"Oo," sagot ko saka ngumiti. "I'm pregnant."
"Really?" tanong niya.
"Yes," sabat ni Jael.
"Oh my ghad! Congrats!" tili niya saka niyakap ako. Kapagkuway kumalas siya saka hinarap kami ni Jael.
Hinubad niya ang kuwentas na gawa sa perlas at diyamente.
"Masyado pang maaga pero sana tanggapin ninyo ni Baby ang advance gift ko," inabot niya sa akin ang necklace.
"L-Lila, huwag," tanggi ko.
"Please, it's a gift," giit niya pero umiling ako.
"Gift 'yan ng parents mo kaya hindi puwede," tanggi ko at napatingin sa kuwentas. Alam kong sobrang mahal na nito ngayon lalo na ang mga diamante.
"Huwag na muna, Lila," sabat ni Jael na ikinasimangot ni Lila.
"Fine. Kung ayaw mo, e di huwag!" sabi niya. "Pero congrats. Pasalubungan ko na lang kayo pagdating ko mula sa Europe."
"Okay," ani ko.
"Alis na ako, magliligpit pa ako. Sa makalawa na ang alis ko," excited na sabi niya.
Wala na siya kaya napatingin ako kay Jael.
"Umalis na sina Lee lastweek," pagbalita niya. Oo nga pala, nagbabakasyon lang sila.
"Si Baron?" tanong ko.
"Nandito pa rin naman," sagot niya. "Magpahinga ka muna, bawal magpagod. Bibili lang ako ng vitamins mo," sabi niya.
"Okay--kyah!" Tili ko nang buhatin niya ako patungo sa kuwarto. "Jael? Ibaba mo ako."
"Wala si Jelai," nang-aakit na sabi niya.
"So?"
"Miss na kita, Kyl."
"Tapos?"
"Ang ganda mo at bango pa," nakangiting wika niya.
"And?"
"Alam mo na 'yon," sabi niya sabay wink kaya napailing ako. Tinulak ng paa niya ang pinto at ipinasok ako.
"Jael!" tili ko nang pumatong siya sa akin matapos akong pahigang inilapag sa malambot na kama.
"Miss mo 'ko?" tanong niya.
"Kasi--"
"Miss mo 'ko o hindi?" ulit niya.
"Na-namimiss," parang batang sabi ko at hindi na tumanggi nang angkinin niya ang mga labi ko. At ang sumunod na nangyari ay hindi ko na napigilan pa dahil sa kaligayahang dulot ng pag-iisa ng aming mga katawan hanggang sa nakatulog ako sa mga bisig niya .
-------------------
Kanina pa ako gising pero tinatamad akong bumangon. Nakailang kurap na ako habang nakatitig sa kisame pero wala akong maisip na gawin. Puwede bang bumalik na lang ako sa nakaraan? Puwede bang doon na lang ako manatili habambuhay? Na kung saan, mahal at inaalagaan ako ng ama ng anak ko?
Napasulyap ako sa maskarang nasa dingding.
"Bakit nangyayari ito?" tanong ko. "Kapag ba pinili kong manatili sa panahong hindi ka pa buo, magiging okay ang lahat? Wala akong babaguhin kahit isa, promise. Nais ko lang makasama sj Jael."
Ilang sandali pa'y bumuntonghininga ako saka dahan-dahang tumayo. Ang sakit pa rin ng ulo ko. Iginala ko ang paningin ko. Sa tuwing natutulog ako rito, bumabalik ako sa panahon nina Patch at Lee. Hindi kaya nandito ang portal pabalik sa nakaraan? Pero 'yong una, sa sports car nila. Haist!
Pagbukas ko ng pinto, nakatayo si Jael sa tapat ko.
"Nagpaluto ako kay Manang ng sopas, kumain ka na. Kapag may kailangan ka, magpasabi ka lang," sabi niya sabay lahat ng isang supot sa akin.
"Ano 'to?" naiiritang tanong ko. Kinuha niya ang kamay ko saka inilagay ang supot.
"Namimigay ng sample ang family doctor namin kaya naisipan kita. Mag-vitamins ka nga, ang payat mo na," napipilitang sabi niya.
"Ba't mo 'ko naalala?" tanong ko.
"Ikaw lang naman ang pinakapayat na babaeng nakilala ko," sagot niya.
"Hindi ko ito matatanggap," sabi ko sabay balik ng plastic pero hindi niya kinukuha.
"Look, Jael. Hindi kita mahal," pag-amin ko.
"Why?" salubong ang kilay na tanong niya.
"May mahal na akong iba," pag-amin ko.
"Really? Sino?"
"Someone in my past!" napipikong sagot ko. Tumawa siya na mas lalong ikinakulo ng dugo ko.
"Past, present or future, I don't care," sabi niya saka yumuko para magpantay ang mukha sa akin at inilapit niya. "As long as it was me, it's okay."
Napanganga ako at napatitig sa mukha niya. Walang pinagkaiba sa Jael na nakilala ko sa nakaraan. Hindi kaya--.
"Aw!" daing ko nang pitikin niya ang noo ko saka tumayo ng matuwid.
"Ang tindi ng imahinasyon mo, kumain ka na nga, gutom lang 'yan," natatawang sabi niya.
"Kumain ka kung gusto mo!"
"Huwag mong pagutuman ang baby ko," sabi niya na ikinabigla ko. Mas nanlaki ang mga mata ko nang may dinukot siya sa bulsa. "I saw this kit inside your room, Kylie."
"J-Jael--"
"Kumain ka na sa baba," bilin niya saka tumalikod at iniwan ako.




The Rich SlaveWhere stories live. Discover now