11

593 34 0
                                    

THE RICH SLAVE

by: sha_sha0808 Ash Simon

CHAPTER 11

Unedited...

"Okay, galit ka sa akin," sabi niya habang nakabuntot sa akin. Dalawang araw akong hindi nakapasok dahil inaapoy ako ng lagnat. Siguro stress sa kakaisip sa parents ko.
"Umalis ka na sa harapan ko," sabi ko at ipinagpatuloy ang pagwawalis pero inagaw niya ang walis tingting ko.
"Listen, Kylie! Hindi tama ang ginawa mong sigaw-sigawan ako sa harapan ng maraming tao dahil lang sa galit ka nang hindi kita payagang makita ang parents mo," sabi niya.
"Sa tingin mo, tama na bigyan ako ng death note sa harap ng maraming tao dahil lang sa sinagawan kita nang dahil sa katamaran mong magbitbit ng lunchbox mo?" nakapamewang na tanong ko rin.
"Psh!" Ayan, umusok na naman ang ilong niya.
"I wanna see my parents!" ani ko.
"You can't," tanggi niya.
"Fuck you, Jael! Sino ka para pagbawalan ako?"
"Ako ang nagligtas sa buhay mo para hindi ka madamay sa kaso ng patay mong kapatid!" paalala niya.
"Oh? Really? Mas okay pa sana na pinakulong mo na lang ako dahil mas malaya pa akong makita ang mga magulang ko!" sagot ko at sinalubong ang mga mata niya. Galit ako at hindi ko mapapalampas ang kagaguhan nitong kausap ko.
"Huwag nang matigas ang ulo, Kylie. Pumasok ka na sa loob dahil baka mabinat ka," sabi niya.
"Akin na ang walis at magwawalis ako," matamlay na sabi ko. Sumasakit pa nga ang ulo ko, dagdagan pa niya.
"Ako ang pagagalitan nina Mommy kapag makita ka nilang naglilinis na e!" pikong sabi niya. Kaya pala sinasaway niya ako dahil sa kaniya babalik kapag makita akong lumabas na ng bahay.
"Umalis ka na nga!"
"Sumama ka sa akin sa loob ng bahay, Kylie."
"Ayaw kong sumama sa 'yo!"
"Ba't ba ang tigas ng ulo mo?" singhal niya. Kaunti na lang at sasabog na ito.
"Dahil ang sama mo!" prangkang sagot ko.
"You--"
"What, Jael? Bibigyan mo ako ng death note dito? Kahit ilang beses mo man akong bigyan ng death note, hindi ako susuko sa 'yo! Tanggalin mo ang Lacson sa dulo ng pangalan mo at pustahan, walang makakakilala sa 'yo!"
"Bitch!" sabi niya saka tumalikod at padabog na bumalik sa loob ng bahay dala ang walis tingting ko.
Lumapit ako sa malaking punong mangga at naupo sa swing na sinadyang ipinagawa ni Tito Jacob last month.
Gusto ko talagang makita ang parents ko. As in miss na miss ko na sila.
" Sana nandito ka, kuya," bulong ko at napatingala sa langit. Alam kong hindi mabuti ang ginawa niya dahil nagbenta siya ng drugs pero mali pa rin na takasan niya ang problema. Siya lang ang naging karamay ko. He did everything para sa kapakanan ko at sa pamilya pero sa maling paraan nga lang. But I know he loves me. Kapatid ko pa rin siya kahit paano.
"Kylie?" tawag ni Tita Hael kaya napalingon ako.
"Hello," matamlay kong sagot.
"Can we talk?"
"Yes po," sagot ko.
Naupo siya sa kabilang swing.
"Si Jael," aniya kaya napabuntonghinga ako. "Alam kong may hindi kayo pag-uunawaan pero hinihingi ko ang mahabang pasensiya mo."
"I want to see my parents," pag-iiba ko.
"Sige, papayagan kita pero huwag kang tumagal, okay?" sagot niya kaya nanlaki ang mga mata ko.
"Really?" bulalas ko.
"Yes, only for two days. Sa Friday night, sa hotel namin kayo magkita at puwede ka nang umuwi ng Monday morning," aniya kaya napatayo ako at niyakap siya.
"T-Thank you po. Thank you so much," naiiyak na pasalamat ko.
Tinapik niya ang balikat ko. "Welcome, Kyl. Alam kong nahihirapan ka na."
Tumayo ka rin siya at hinawakan ako sa kanang kamay. "Kung ano man ang pinagdaanan mo ngayon, kayanin mo, Kylie. Whatever happens, tandaan mong life must go on."
"T-Thank you," nahihiyang pasalamat ko. Maybe alam ni Tita na sobrang nahihirapan na ako lalo na ngayong wala pa ang parents ko.
"Gusto mong mag-race?"
"If okay lang po?" sagot ko.
"Pero bawal ka pa e, kakagaling mo lang sa sakit."
"Nextime na lang, tita."
"Halika, ihatid kita sa private room," paalam niya.
"Pero--"
"It's okay. May bisita kasi kami kaya sa private room ka na lang muna. I can't trust anybody lalo na't nasa private room ang pinakamahalagang bagay ng pamilya," sagot niya. Oo nga pala, nandoon ang sorority mask.
"H-Hindi ho ba kayo nagdududa sa akin na baka nakawin ko ang sorority mask? I heard billion ang halaga nu'n," sabi ko.
"How can I? If ang siya na mismo ang pumili--" Napapreno siya sa sasabihin. "Nevermind. Alam kong may mabuting puso ka, Kylie. Kailangan mo lang magpakatatag."
Tumango ako. "T-Tita Hael? Paano ka naging sorority queen? Totoo ba ang balitang may hiwagang nangyari?" curious na tanong ko. Hindi siya isang Lacson at bago pa man siya pakasalan ni Tito, siya na ang sorority queen.
"Hmm? Balang araw, malalaman mo rin," makahulugang sagot niya.
"H-Huh? Sino po ang pumili sa 'yo?"
"Hmm?" napaisip na sabi niya. "Ang nagmamay-ari sa kaniya."
"Nagmamay-ari? I can't understand you," sabi ko.
"Huwag mo nang isipin, magpahinga ka na lang muna."
"Sige po," ani ko at dumiretso sa itaas nang makapasok sa bahay. Si Tita Hael naman ay pinuntahan si Tito Jacob sa veranda.
"Kyah!" tili ko nang pagbukas ko ng pinto ay nasa harapan ko si Jacob.
"Ano ang ginagawa mo rito? Nanakawin mo ang mask, noh?" tanong niya.
"Pinapunta ako ni Tita Hael dahil dito na raw ako matutulog dahil may bisita kayo," sagot ko.
"Psh! Fine!" sagot niya saka lumapit sa akin at isinara ang pinto.
"H-Hindi ka ba lalabas?" tanong ko.
"Pinapalayas mo na ba ako?"
"Hindi naman. Magpapahinga na kasi ako," tinatamad na sagot ko.
"Tabi tayo."
Natigilan ako at napatingala sa kaniya.
"Stop playing around, Jael! Hindi ka nakakatawa!"
"Gusto mo naman akong makatabi," puno ng confidence na sabi niya.
"Think whatever you want!"
"Hindi ako nag-iisip, I just do what ever I want," sabi niya at hinawakan ako sa magkabilang balikat. "Pano kaya kapag gahasain kita rito?" seryosong sabi niya kaya bigla akong kinabahan. Kaming dalawa lang ang nandito at bahay nila ito. Paano na kapag gahasain niya ako? Wala akong laban.
Tumawa siya nang malakas saka lumayo sa akin. "Huwag ka ngang feeler, Kylie. Takot na takot ka akala mo, papatulan kita?"
"Kapal mo! Hindi ako kinabahan! Subukan mo lang na butiki ka!" singhal ko na ikinadilim ng mukha niya.
"Butiki? Sa guwapo at macho kong 'to?"
"Duh? Para kang logo ng Lacoste na natipos!" pang-iinsulto ko.
"Ang talas ng dila mo babae! Gagahasain na talaga kita!" pagbabanta niya.
"Subukan m--kyah!" Napatili ako nang itulak niya ako kaya pabagsak na nahiga ako sa kama. "J-Jael? Ano ang gagawin mo?"
Natarantang sabi ko nang pumatong siya sa akin. Itinutulak ko siya pero ang bigat niya.
"Gagawin ang nasa isip ko," nakangising sabi niya.
Nanlaki ang mga mata ko nang hawakan niya ang magkabilang boobs ko.
"Bastos!" singhal ko pero bago ko pa siya nasampal, nasalo na niya ang kamay ko.
"Lugi ako kapag gahasain kita, wala ka ngang boobs," natatawang sabi niya saka tumayo. "Nagbago na ang isip ko, nakakadisappoint kang gahasain."
"Kapal mo! Butiki!" singhal ko. Letse! Ramdam ko pa rin ang pagpisil niya sa boobs ko. "Butiking manyak!"
"Whatever, flat!" pang-aasar niya saka lumabas.
"Agh! Gago!" naiinis na sabi ko. As in kapal talaga ng mukha niya.
Kinuha ko ang unan saka niyakap at tumingala sa kisame hanggang sa tuluyan na akong nilamon ng antok.
"Mommy?"
Dumilat ako ng mga mata nang may narinig akong munting tinig.
"Jelai," usal ko nang mamukhaan siya.
"Mom? Saan si Daddy? Nagugutom na po ako," inosenteng tanong niya kaya bumangon ako.
"Wala ba si Jael?" tanong at nagsuklay ng buhok. Umiling siya.
"Mom? I-Iniwan na ba tayo ni Daddy?"
"Nandiyan lang yan," sagot ko at lumabas. Nakabuntot naman si Jelai sa akin.
Naupo ako sa sala saka nag-isip. Ang huling balik ko rito, kasama ko si Lila.
"Hala," ani ko nang maalala ang eksena. Ikakasal si Lila kay Lee Lacson. Tama, si Lee nga ang ipagkasundo sa kaniya. Pero paano na si Lola Patch?
Bumukas ang pinto at pumasok si Jael na may dalang three red roses.
"For you," sabi niya nang iabot sa akin ang bulaklak.
"P-Para sa akin ba talaga 'yan?" tanong ko habang nakatitig sa bulaklak. Eh? Ba't ang bait niya?
"Baka kasi nagalit ka noong nasa racing field tayo dahil iniwan ka namin nina Lee," sagot niya at iniwas ang mga mata.
"Hindi ah," sabi ko at tinanggap ang bulaklak na inabot niya.
"Sure ka? Hindi ka galit?" tanong nito.
Ngumiti ako. "Oo naman, hindi ako galit sa 'yo. Sa ibang lalaki ako galit," sagot ko.
"May ibang lalaki ka?" tanong nito na naniningkit ang mga mata.
"H-Hindi, napanaginipan ko lang kasi na muntik na akong gahasain ng napakamalaking butiki tapos ayun, nagalit na ako. Kapal kasi ng mukha ng lalaking 'yon!" naiinis na sagot ko pero mas lalong nandilim ang mukha niya. "Okay ka lang?"
"So? May gusto palang gumahasa sa 'yo?" tanong niya.
"Sa panaginip lang iyon, Jael. Forget it," sagot ko.
"Ayaw kong may ibang lalaki ka, Kylie. Sa panaginip mo man o sa reyalidad!" May pagka-bossy na sabi niya.
"W-What if meron? A-Ahm... Let's just say na sa d-dreams ko?" alanganing tanong ko.
"Handa akong pasukin ang lintik na panaginip na 'yan para masiguradong akin ka lang!" pagalit na sagot niya. Seryoso pa talaga siya kaya napangiti ako. Ang cute niya kapag magselos.
"Ngingiti-ngiti ka riyan?"
"Wala," sagot ko at inamoy ang bulaklak na hawak. "Naisip ko lang na ang sarap mo palang magmahal."
Siya naman ang natigilan at namula ang magkabilang pisngi. Ang cute. Unlike kay Jael Lacson, sarap pektusan.
"Jael? Ilan na ba ang nasyota mo?"
"Bakit mo natanong?" tanong niya at napatingin kay Jelai at tumungo sa kusina.
"Wala lang, gusto ko lang na malaman bago kita sagutin," sagot ko.
"May balak kang sagutin ako?" tanong niya.
"Hmm? Basta!" ani ko pero napaluhod siya sa harapan ko.
"Kyl? Sasagutin mo ako? Puwede bang ngayon na?" nagniningning ang mga matang tanong niya.
"H-Hindi puwede," natarantang sagot ko. Kailangan ko pang malaman ang katauhan niya at kung sino siya sa kasalukuyan?
"Why not? Mahal mo ba ako?" tanong niya saka hinawakan ang magkabilang kamay ko. "Tell me, Kyl. Do you love me?"
"Y-Yes? I think I l-like you," pag-amin ko. "B-But Jael kasi--"
"E di sagutin mo ako. I promise, magiging mabuting boyfriend ako sa 'yo," pangako niya saka itinaas pa ang kanang kamay bilang tanda ng pangako.
"Hindi mo kasi nauunawaan eh, kasi--basta ang hirap," nahihirapang sabi ko. Tumayo siya at naupo sa tabi ko.
"Susubukan kong unawain, Kyl. Believe me, hindi kita lolokohin. I will be the best boyfriend in the universe," pangako niya. Ramdam ko ang sinsiridad sa bawat pangakong binibitiwan niya.
"S-Sige, sinasagot na kita," pagpayag ko at napakagat sa ibabang labi.
"Shit!" sambit niya at niyakap ako nang sobrang higpit. "Is it true?"
"H-How I wish totoo nga ang lahat ng ito," pabulong na sagot ko. Gusto kong umiyak. Mahal ko na yata siya pero bakit dito pa?
"Narinig mo 'yon, Baby Jelai? Sinasagot na ako ng mommy mo. Girlfriend mo na siya," masayang sabi ni Jael nang lumabas si Jelai na bitbit nang ice candy.
"Asawa mo na po siya, daddy," naka-poker face na sagot ni Jelai at lumapit sa amin saka niyakap si Jael. "Daddy? Huwag mong saktan si Mommy, ha?" inosenteng sabi ng bata kaya napangiti ako.
"Oo naman," aniya at inakbayan aki. "Hindi ko sasaktan ang Mommy Kylie mo."
"Okaaaaay po," masiglang sabi ni Jelai at kinuha ang barbie saka naglaro sa kabilang sofa.
"Wait, ipagluluto ko lang ang girlfriend ko," paalam ni Jael at ninakawan ako ng halik sa magkabilang pisngi saka pumunta sa kusina kaya nilapitan ko Jelai.
"Nextime, magpaalam ka naman bago ka manghalik," sabi ko.
Tumigil siya saka lumingon.
"Bakit? Sasampalin mo ako?"
"Hindi. Para prepared naman ako," nakangiting sagot ko na ikinatawa niya.
"Later, baby. Magdamag kitang halikan para sa ikaliligaya mo," pilyong sabi niya kaya natawa na lang ako.
Rumayo ako saka nilapitan si Jelai.
"Baby? Anak ka ba talaga namin ni Jael?" mahinang tanong ko. Tumingala siya sa akin.
"Daddy ko po siya," sagot niya.
"E-Eh ako? Mommy mo ba ako?" sobrang hinang tanong ko dahil baka marinig ni Jael.
"Hindi ko po alam," inosenteng sagot niya.
"I-Iba ang mommy mo?" tanong ko.
"Hindi ko rin po alam," sagot niya kaya nanghihinang naupo ako sa tabi niya. What if anak 'to ni Jael sa ibang babae? What if pamilyado na si Jael? Bakit si Jael lang ang hinahabol nito?
Parang hindi ko yata kaya.
"Bibili lang ako ng kulang na ingredients," paalam ni Jael at lumabas kaya naiwan kaming dalawa ni Jelai.
May kumatok kaya napatayo ako.
"Hindi niya siguro dala ang susi," sabi ko at pinagbuksan ang nasa labas.
"Lee," ani ko.
"H-Hi?" patanong na sagot niya. Siguro hindi niya inaasahan na ako ang makikita niya.
"Bumaba lang si Jael, bibili lang ng sangkap sa niluluto," sabi ko.
"Ah. Pakisabi na lang na aalis muna ako, mawawala ako ng ilang araw o buwan," paalam niya.
"Okay, baka gusto mong hintayin siya?"
"Huwag na. Ikaw na lang ang magsabi," tanggi niya.
"Lee?" tawag ko saka nagpawala ng isang buntonghininga.
"Si Lila," ani ko.
"Ikaw na ang bahala sa kaibigan mo," malungkot na sabi ni Lee.
"Ayaw mo talagang umalis, 'di ba?" alam kong labag sa kalooban niya dahil nakikita ko ang lungkot sa mga mata niya.
"I'm getting married," sagot niya kaya napatutop ako sa bibig. Alam na ni Lee na ikakasal siya? "Kay Lila," dagdag nito.
"L-Lee," sabi ko.
"Please don't tell her na ako ang ipapakasal sa kaniya," pakiusap nito.
"But why?"
"Ayaw kong masaktan siya," sagot nito.
"Alam na ni Lila," malungkot na sagot ko.
"Let's pretend na hindi ko alam," sagot nito.
"Pero Lee, bakit?"
"I want to settle things bago kami ikasal. Bata pa kami, Kyl. Marami pang puwedeng mangyari," sagot nito.
"Hindi ba't gusto mo siya?"
Hindi siya makapagsalita.
"Lee? Ano ba ang dahilan?"
"Kilala mo si Patch, 'di ba?" tanong niya kaya ako naman ang nagulat.
"Hindi ko alam kung paano mo siya nakilala pero nagsinungaling ako sa 'yo. Sana huwag nang makarating pa sa kaniya ito. You know her, kilala mo ang pagkatao niya at ayaw ko muna ng gulo. Babalikan ko si Lila kapag maayos na ang lahat," pagpaliwanag niya. "But for now, sana walang makakaalam ng engagement namin ni Lila."
Nakaalis na siya pero tila napako ako sa kinatatayuan ko. Alam ba ng mga Lacson ito? O talaga bang nangyari ito noon?
Isinara ko ang pinto.
" Gising ka na pala," nakangiting sabi ni Tita Hael. Hawak ko ang seradura at mukhang kakabukas ko lang ng pinto.
"G-Good morning," sagot ko.
"Sige, mauna na ako sa baba, Kylie. Kapag nakaayos ka na, bumaba ka na lang para sabay tayong kumain."
"Okay po," sagot ko.

The Rich SlaveWhere stories live. Discover now