5

802 43 0
                                    


THE RICH SLAVE

by: sha_sha0808 Ash Simon

CHAPTER 5

Unedited...

"Pakikuha nga ng brief ko sa closet." Utos niya kaya napalingon ako. Naka-bathrobe siya at kakatapos lang maligo.
"Hindi ka ba marunong kumuha?" tanong ko.
"Aba, sumasagot-sagot ka na?" nanggigigil na sabi niya. Lumalabas pa ang ugat sa leeg niya."Kunin mo na!"
Lumapit ako sa closet niya saka kumuha ng brief. Ew! Kadiri siya!
"Thanks," sabi niya nang abutin sa akin. "Kumusta ang pag-aaral sa school namin?"
"Okay lang," sagot ko at kinuha ang mop para mag-ayos na ng sarili dahil maaga pa ang pasok namin.
"Kylie?"
Lumingon ako. "Bakit?"
"Sumabay ka na sa akin mamaya."
"Magco-commute--"
"That's an order!"
Napabuntonghininga ako at tumayo. May magagawa pa ba ako?
Matapos kong iligpit ang mga gamit sa paglilinis, naligo at nang matapos ay bumaba na bitbit ang school bag.
"Ang tagal mo," reklamo ni Jael na nag-aabang sa sala.
"Sorry naman," paumanhin ko.
"Kumain ka na? Baka kakain ka pa niyan," naiinip na tanong niya.
"Kanina pa ako kumain," sagot ko. Bago ko umpisahang linisin ang silid niya, kumain na muna ako.
"Bilisan mo na, late na ako!"
Sumunod ako sa kaniya. Sumakay siya kaya binuksan ko na rin ang pinto sa backseat.
"Lipat ka rito sa harap. Huwag mo 'kong gawing driver," sabi niya.
"Dito na ako," sagot ko.
"Lilipat ka o bibigyan kita ng death note?" pagbabanta niya.
"Death note," naiinis na bulong ko saka padabog na lumipat sa tabi niya.
Inayos ko ang seatbelt habang palabas na kami sa gate.
Ilang minuto nang nasa biyahe pero ang tahimik namin. Napasulyap ako sa kaniya. Okay, ang pogi niya pero payat. Hindi naman ganun kaguwapo pero sakto lang.
"Tapos ka na bang pag-aralan ang mukha ko?"
Agad na iniwas ko ang mga mata nang humarap siya sa akin.
"P-Pinagsasabi mo?" inosenteng tanong ko.
"Psh! Kunyari ka pa. Napopogian ka sa akin, noh?" preskong sabi niya.
"Sinong nagsabi? Kapal mo ah."
"Deny ka pa," sabi niya at nginisihan ako. "Aminin mo na kasi, wala namang masama kasi totoo naman."
"Whatever!" I said and rolled my eyes.
"Psh! Pakipot," nakangising sabi niya at binilisan ang pagpatakbo hanggang sa makapasok na kami sa gate ng CTU.
"Baka marami ang makakita sa atin," nag-aalalang sabi ko habang tinatanggal niya ang seatbelt.
"So?"
"K-Kasi..."
"Kung ano man ang matsismis nila, hindi iyon totoo kaya huwag kang mangamba. As if na type kita," sabi niya na ikinasimangot ko.
"As if na type rin kita!" ani ko saka tinanggal ang seatbelt at naunang bumaba sa kaniya. Narinig ko pa ang mahinang pagtawa niya.
Paglabas ko, grabe ang kalabog ng dibdib ko. Lahat ng nasa palibot ay nakanganga habang ang mga mata ay sa akin.
Patay-malisya akong naglakad patungo sa classroom ko kahit na nagsimulang umingay ang paligid.
"Girlfriend siya ni Jael?"
"Oh my, ang baba ng taste ni Jael, huh."
"Grabe, baka nagpapabayad?"
"Ang low ng standard ni Jael!"
Dedma lang ako kahit na gusto ko nang sabunutan ang lahat at ingudngod ang nguso nila sa sahig.
Nang makapasok na ako sa classroom, dumiretso ako sa upuan ko.
"Hoy, kayo na ni Jael?" tanong ng kaklase kong patakbong lumapit sa akin. Sumunod din ang dalawa pa at inaabangan ang sagot ko.
"Hindi ah," tanggi ko. "Nadaanan lang niya ako kaya pinasakay na niya."
"Wee?" hindi naniniwalang sabi ni Jella. "Hindi nagpapasakay si Jael ng kung sinong babae sa sports car niya."
"Baka trip lang niya kanina," walang ganang sagot ko. Kailan kaya sila lalayas sa harapan ko?
"Huwag ka na kasing mag-deny, kayo na ba?"
"Hindi nga," tanggi ko. Sinasabi ko na nga ba e.
"Balik sa upuan!"
Nagulat kami nang galit na sumigaw ang prof namin. Nandito na pala siya. "Ke aga-aga, pinapa-high blood ninyo ako!"
Nakayukong nagsikaniyang balik ang mga kasama ko sa upuan nila.
Ayun, nagsimula na ang klase pero may panaka-nakang sumusulyap sa akin.
Paglabas namin para lumipat sa next subject, may mga humarang sa akin.
"Gaano katotoo na kayo na ni Jael?" mataray na tanong ng isang sorority queen habang nakapamewang pa.
"One million times na hindi totoo, satisfy?" naiinis na tanong ko.
"Tinatarayan mo ba ako?" nakataas ang kilay na tanong niya.
"Hindi. May klase pa ako kaya kung puwede, padaanin na ninyo ako," sagot ko at nilagpasan sila pero napabalik ako bigla nang higitin niya ako sa braso.
"Kinakausap pa kita! Hindi mo naman pala boyfriend si Jael pero kung makaasta ka, parang kung sino ah!" sabi niya sabay tulak.
"Ano ba ang problema ninyo?" naiinis na tanong ko.
"Ang kapal ng mukha mo para magtaray sa akin?" galit na sabi ng isang sorority princess at sumugod sa akin.
"Aray! Ano ba!" daing ko nang hilain niya ang buhok ko. Nahablot ko rin ang buhok niya kaya naghilaan na kami pero natumba ako nang itulak ako ng kasama niya. But no way na bibitiwan ko ang buhok nito.
"B-Bitiwan mo ako!" sabi niya at hinila pa ang buhok ko.
"Bitiwan mo muna ako!" Nanggigigil na sagot ko. Tatlo na ang sumasabunot sa akin tapos sinusuntok pa ang katawan pero wala akong nararamdamang sakit. Kahit itong princess man lang nila ang magantihan ko, okay na.
"Itigil na 'yan!" sigaw ni Sir na guidance councilor sabay pito kaya naghiwalay kami.
"Aw," mahinang daing ko nang maramdaman ang sakit ng ulo. Nakalbo na yata ako.
"Kayong apat, to the guidance, now!" galit na sabi niya kaya napayuko ako at napakagat sa ibabang labi. Sa talambuhay ko, ngayon lang ako pinatawag sa office dahil sa gulo. At kasalanan lahat 'yon ni Jael. Speakin of the devil's name, nakasandal siya sa wall habang tuwang-tuwang nakatingin sa akin.
"Ano pa ang hinihintay mo? I said to my office now!" sabi ng officer kaya inirapan ko muna si Jael bago sumunod sa kanila. Ang dami pa namang nakasaksi sa nangyari.
Kinausap niya kami at nagbabangayan pa kami kung sino ang nag-umpisa ng gulo. Ayaw pa talaga umamin ng tatlo at mas lalong hindi ako aamin dahil ako ang biktima rito.
Pinarusahan kaming maglinis bukas sa gym after ng klase. Kaasar!
Pinauna akong pinalabas ni Sir dahil baka magsabunutan na naman daw kami sa labas. Nilakihan ko ang hakbang patungo sa tambayan nina Jacob.
Malakas na itinulak ko ang pinto at pabagsak na isinara. Nasa sala si Jael at naglalaro ng cellphone kaya lumapit ako sa kaniya at inagaw ang cellphone.
Bored na tumingala siya sa akin at hinintay ang sasabihin ko.
"Aminin mo, sinadya mo iyon para pagtulungan ako, noh?" galit na tanong ko.
"Hindi ko alam ang pinagsasabi mo," tinatamad na sagot niya at inilahad ang kanang kamay. "Akin na ang cellphone ko."
"Ano ba ang problema mo sa akin, Jael? Alam mo bang makakalaban ko ang lahat ng babae dahil sa ginawa mo?" sigaw ko para ilabas ang galit.
"Ano ba ang ginawa ko?" inosenteng tanong niya habang nakayuko sa akin. Ang sakit na nga ng ulo ko, masakit pa ang leeg ko sa kakatingala sa higanteng butiking ito.
"Stop pretending, Mister Lacson! Sinadya mong isipin ng lahat na girlfriend mo ako!"
"Really?" amused na tanong niya saka ngumisi. "Ikaw? Girlfriend ko? Ang baba naman yata ng level ko?"
"Matagal nang mababa ang level mo! Ang apelyido mo lang ang nagpapapangat sa 'yo!" matapang na sagot ko kaya tumawa siya.
"Eh ikaw? Kumusta naman ang anak ng drug lord?"
Natigilan ako pero nang makabawi ay umangat ang kanang kamay ko at dumapo sa kanang pisngj niya.
"Huwag na huwag mong husgahan ang pamilya ko lalo na ang mga magulang ko!"
"Fuck! Did you slap me?" hindi makapaniwalang tanong niya.
"Did I?" sarcastic kong tanong.
Hinawakan niya ang braso ko. "Alam mo, sumusobra ka nang babae ka ha!" nanggigigil na pinisil niya ang braso ko.
"Ano? Sasaktan mo ako, huh?" paghamon ko.
"Don't push me into my limits!" sabi niya na mas lalong piniga ang braso ko.
"Sige, saktan mo ako--uhmp!" My eyes opened wider nang angkinin niya ang mga labi ko.
"Uhmp!" Pinagtutulak ko siya pero parang malaking bato ang tinutulak ko. Ang lakas niya at mas lalong idiniin ang mga labi sa labi ko. Nakahawak pa ang mga kamay sa magkabilang braso ko kaya mas lalo akong hindi makalaban hanggang sa tuluyan akong nanghina at hindi na lumaban pa.
Ang marahas niyang halik ay paunti-unting naging maingat. Naging maluwag ang pagkahawak niya sa akin. I have all the chance to push him pero nanlambot ako nang maramdaman ko ang malambot at mainit niyang mga halik. Ang bango pa ng hininga niyang nakakalito sa isipan.
I feel his hands gentle hugged me. Sobrang banayad na rin ng halik niya kaya napapikit ako.
Hindi ito ang first kiss ko pero kinakabahan na natatakot ako. Nanlalambot din ang magkabilang tuhod ko when he pushed his lips deeper. I swallowed my saliva to clear my throat pero napabuka ako ng mga labi nang kumatok ang mga dila niya.
"Hmmm..." I moaned when I felt his hot and sweet tounge inside my mouth. So sweet. Hindi ko maipaliwanag ang samu't saring nararamdaman ko. Para akong nasa ibang dimension. Iyonh siya at ako lang ang nandoon.
I was about to respond when he stopped at itinulak ako palayo.
"S-Sa susunod na sampalin mo ako, hahalikan kita palagi!" hinihingal na sabi niya. Napatulala ako habang nakatitig sa kaniya. Don't know what to say.
Ngumisi siya. "Like what I did, baby?" nang-aakit na tanong niya kaya natauhan na ako.
"Kapal mo!" singhal ko pero mas lalo lang siyang tumawa.
"Sampalin mo pa ako, Kyl," hamon niya saka humakbang palapit sa akin kaya napaatras naman ako.
"Layuan mo nga ako!" sabi ko na uminit ang magkabilang pisngi nang tuluyang ma-absorb ng utak ko ang nangyari.
"Sus, gusto mo rin naman ang ginawa ko e, deny ka pa," panunukso niya.
"Fuck you!" hiyaw ko saka tinalikuran siya.
"Slowly baby, hanggang kiss lang muna tayo," nakatawang pahabol niya. Bubuksan ko sana ang pinto pero may naunang bumukas sa akin.
"Uy, dito ka pala, Kyl," sabi ng pinsan niya na may inaakbayang babae.
"Hmp!" Inirapan ko ito saka mabilis na lumabas. Ang nangyari, hindi ko maipaliwanag. I thought, kay Preenz ko lang maramdaman ang ganoon pero bakit iba ngayon? Bakit ngayon lang ako nanlambot ng ganun?
"Dahil pinilit lang niya ako!" mahinang bulong ko. Saka ko lang na-realize na marami ang nakatingin sa akin. Oh great, another issue na naman dahil nakita nila akong lumabas sa tambayan nina Jael.

The Rich SlaveWhere stories live. Discover now