4

817 36 4
                                    


THE RICH SLAVE

by: sha_sha0808 Ash Simon

CHAPTER 4

Unedited...

"At saan ka pupunta?" tanong ni Jael nang pagbukas ko ng pinto ay nasa labas siya ng silid ko. Muntik na akong mapatalon pero pinakalma ko ang sarili ko at nagkunwaring hindi nagulat. Medyo madilim pa naman sa pasilyo dahil tanging ilaw sa poste lang ang nakakalusot sa bahay. Natago rin ang buwan sa makapal na ulam dahil ang lakas ng ulan kanina.
"Iinom ng tubig," sagot ko at lalagpasan na sana siya pero humarang siya sa daraanan ko. Nanunuyo ang lalamunan ko pero tinatamad akong bumaba kanina pero ngayon ay hindi ko na matitiis.
"At kung ayaw kitang painumin?"
"Huwag ka ngang isip-bata, padaan ako dahil kanina pa ako nauuhaw," naiinis na sagot ko.
"Gabi na kaya bawal nang bumaba!" sabi niya.
"Mag-uumaga na," pagtatama ko at napasulyap sa malaking orasan sa wall. Glow in the dark kasi ang mga kamay at numero nito.
"Bumalik ka na sa pagtulog," sabi niya na ikinainis ko.
"Bakit nandito ka? Binabantayan mo ba ako?" tanong ko at tiningala siya. Magulo ang buhok niya na halatang kakagising lang pero nakapang-alis siya. Mukhang may lakad ang mokong.
"Bababa ako, huwag kang feeling!" sabi niya.
"Hmm? Iinom ako kaya padaan," giit ko pero ayaw talaga niyang tumabi.
"Ayaw ko. Tiisin mo ang uhaw hanggang sa sumikat ang araw," nakangising sabi niya kaya naikuyom ko ang kamao ko. Kaunti na lang talaga at mauubos na ang pasensiya ko.
"Ano? Galit ka na niyan?" pang-aasar niya.
"Ano ba ang problema mo sa akin, Jael?" seryosong tanong ko.
"Tanong mo sa sarili mo," sagot niya.
"Wala akong maisip dahil wala akong kasalanan," mahinang sagot ko. Do I deserve to be treated like this? Parang hindi naman yata tama?
"Really?" tanong niya habang nakatitig sa akin kaya iniwas ko ang mga mata ko. Naaaninag ko pa naman siya at klaro ang mukha niya sa paningin ko. Humakbang siya palapit sa akin.
"Y-Yes," sagot ko dahil sobrang lapit na niya kaya bigla akong kinabahan. Sasaktan ba niya ako?
"Sa tingin mo--" nang-aasar ang boses niya habang pababa ang mukha niya para magpantay ang mukha namin. "Wala kang kasalanan?"
Nanigas ako nang dumampi ang mainit niyang hininga sa kanang pisngi ko. Bakit ganito? Natatakot ako.
Naramdaman ko ang lamig sa talampakan ko nang hawakan niya ang baba ko para tingalain siya.
"Tell me, wala ka ba talagang kasalanan, babae?" nang-aarok na tanong niya. Napalunok ako ng laway dahil sa kaba at tumingala.
Sumalubong sa mga mata ko ang chandelier na puno ng crystal. Dahan-dahang umikot ito at kuminang nang matuon sa liwanag ng ilaw sa labas. Ang ganda!
"Ano na? Ang kasalanan ng isa, kasalanan ng buong pamilya," sabi niya sa pang-iinsultong tono.
Biglang kumulo ang dugo ko kaya hindi na ako nakapag-isip pa nang kusang umangat ang kanang kamay ko at dumapo ang palad sa kanan niyang pisngi.
"Huwag na huwag mong insultuhin ang pamilya ko dahil wala kaming ginawang masama laban sa inyo!" singhal ko. Nakita kong gumuhit ang pagkabigla sa mga mata niya pero agad namang nakabawi.
"Sinampal mo ako?" hindi makapaniwalang tanong niya.
"Wala ka bang nararamdaman? Mahina pa ba? Baka gusto mo ulitin ko?" matapang na tanong ko at taas noong sinalubong ang mga mata niya.
"You--"
"Subukan mong saktan ako at hindi ako magdadalawang-isip na isumbong ka kina Tita na may dinala kang babae sa tambayan at nag-sex kayo!"
Nagulat siya kaya napangisi ako. "Nakita ko kayo kahapon na nag-aano kaya huwag mong--"
"Naninilip ka ba?" singhal niya.
"Pinapasok mo ako at hindi ako bulag, Jael!" sagot ko na pinipigilan ang matawa. Now it's my turn.
"So what? E di isumbong mo. As if na paniwalaan ka nila," paghamon niya.
"Okay, isusumbong kita bukas," sabi ko na para bang wala lang. Talagang isusumbong ko siya.
"Bina-blackmail mo ako?" tanong niya.
"Isipin mo ang gusto mong isipin," sabi ko saka nilagpasan siya. Naramdaman ko ang pagsunod niya sa akin hanggang sa makababa ako sa hagdan.
Nilingon ko siya, malapit na siya sa pinto kaya nakumpirma kong may lakad nga siya. Nagkataon lang na nahuli ko siya kanina.
"Saan ka pupunta?" tanong ko.
"Paki mo? Uminom ka na nga at bumalik sa taas!" naiinis na tanong niya kaya tumakbo ako palapit sa kaniya. "Bumalik ka na!" mahina pero pasinghal na sabi niya.
"Isusumbong kita," sabi ko kaya napatigil siya sa pagbukas ng pinto at hinarap ako.
"Mind your own business, Kylie!" madiin niyang sabi.
"Yeah. Pero mukhang may race ka," sabi ko.
"So?"
"Sama ako," sabi ko.
"Bawal," sabi niya na ikinasimangot ko.
"Come on, kapag iwan mo ako, isusumbong kita kina Tito," pagbabanta ko.
"Girlfriend ba kita?" salubong ang kilay na tanong niya.
"Hindi a. Pagsumama, girlfriend agad?"
"Wala pang babaeng sumakay sa ducati ko at never na ikaw ang mauna!" nandidiring sabi niya kaya napa-smirk ako.
"Marami kayong ducati sa labas, walang masama kung ipahiram mo ang isa, Jael."
"Bawal!" sabi niya.
"Bakit? Mas bawal kapag hindi mo ako isama. Sige ka, magsusumbong--"
"Puta! Gamitin mo ang gusto mong gamitin pero huwag kang sumama sa akin!"
Lumabas siya kaya sinundan ko siya. Pumasok siya sa maliit na pinto at nang makalabas ay padabog na lumapit sa akin.
Napatingin ako sa bitbit niyang mga susi.
"Oh! Kapag mahanap mo ang susi ng isa sa mga sasakyan diyan, makakalabas ka ng bahay pero huwag kang magpasikat ng araw dahil pareho tayong patay kina Mommy!" pagalit na sabi niya saka inabot ang susi na muntik ko nang mabitiwan. Ang bigat. Mahigit isang libo yata ang susi na halos magkakapareho lang ang laki at hugis. "Kung mahahanap mo ang tamang susi," nakangising sabi niya saka tinalikuran ako at o ilabas ang ducati nang automatic na bumukas ang gate.
"Kaasar!" naiinis na sabi ko at napatitig sa mga susi nang sumara ang gate. Sa dami nito, aabutin ako ng umaga sa pagpili lalo na't dalawa lang ang ducating nandito.
Napabuntonghininga ako at napasandal sa kotse saka ipinatong ang susi sa side mirror ng kotse.
"Hindi na talaga ako makabalik sa pagre-race," malungkot na bulong ko. Napasulyap ako sa susi. Napakunot ang noo ko nang mapansin ang kakaibang susi. Kinuha ko at itinaas ng kanang kamay ang mga susi. May isang kumislap nang matamaan ng ilaw ng poste.
"Ito kaya ang tamang susi?" curious na tanong ko at lumapit sa isang sasakyan na natatakpan ng itim na tela.
Kinuha ko ang tela at tumambad sa akin ang luma pero kumikintab na black racing car.
Binuksan ko ang pinto at pumasok.
"Wow!" manghang sabi ko nang makita ang loob. Ang lambot ng upuan at kay sarap pigain ng manibela. Isinuot ko ang seatbelt saka sinubukang ang susing kumislap kanina.
"Oh yes!" tili ko nang umandar. Got the right key. Oh my! Automatic na bumukas ang gate kaya nagmaneho ako palabas. Walang sasakyan sa labas kaya matulin ang pagpatakbo ko patungo sa racing field. Naka-full speed na ako pero parang ang smooth lang ng pagmaneho ko hanggang sa nakarating ako sa racing field.
"Mom? Gatepass po?" tanong ng guard matapos kong buksan ang bintana tapos inabot sa kaniya ang gatepass ko.
"Welcome," sabi nito kaya nakangiting pumasok ako sa gate.
Matagal na akong hindi nakabalik dito kaya medyo nanibago ako sa hitsura ng field. Baka under renovation kaya medyo marami ang nabago. Kahit ang ibang lights ay tinanggal nila at medyo luma pa ang mga tela sa paligid. Kahit ang ibang upuan, gawa rin sa kahoy.
Bumaba ako at nagpalista.
"Nire-renovate ho ba ang field?" tanong ko sa naglilista.
"Opo," sagot nito. "Para mas maganda."
"Okay," ani ko at nginitian si Kuya matapos magpalista. May laman pa ang credit card ko pero hindi raw mabasa.
"Wala na ho akong cash e," sabi ko.
"Last na lang po ito, wala na," sabi niya kaya nanlumo ako. Sayang! Kaytagal ko pa naman itong hinintay.
"Ako na," sabi ng baritonong boses sa likuran ko kaya napalingon ako. Nakita ko ang guwapong lalaki sa harapan ko. Matangkad, medyo salubong ang makapal na kilay kaya nagmumukhang matapang, at ang kisig niya tingnan sa hapit na white shirt. Medyo suplado pero guwapo.
"Ako na po ang magbabayad sa kaniya," sabi nito at napasulyap sa akin. Ang pogi!
"Sasali ka rin ba?" nahihiyang tanong ko. Kumuha siya ng pera sa wallet at ibinigay sa lalaking naglilista.
"No, pero kapag manalo ka, babayaran mo ako," sagot nito na hindi man lang ngumiti o sumulyap sa akin.
"W-What if matalo ako?" tanong ko.
Ngumiti siya kaya lumabas ang pantay-pantay niyang mga ngipin.
"Wala ka bang tiwala sa sarili mo?" tanong niya kaya napakagat ako sa ibabang labi at napayuko. Matagal na akong hindi nakapagkarera. Paano kung matalo ako?
Naramdaman ko ang mainit na kamay na tumapik sa balikat ko.
"Just believe in yourself. Papanoorin ko ang laban mo," sabi niya saka nilagpasan ako kaya lalo akong kinabahan.
Pinatawag na kami kaya dali-dali akong sumakay sa sasakyan ko. Hindi ko nakita si Jael sa paligid kaya namamawis ang mga kamay ko habang hinawakan ang manibela saka napatingin sa 'go' signal.
Nang makita ang hudyat, pinaharurot ko na ang sasakyan at nakipagsabayan sa mga kalaban. Sa umpisa, medyo nahuli ako hanggang sa nalagpasan ko ang dalawang katunggali.
"Shit!" ani ko nang lumabas ako sa lane pero nakabalik na naman kaagad. Nasa unahan ang mga mata ko at hanggat maaari, gusto kong mag-focus. I want to win this race! Ayaw kong mapahiya sa lalaking nagbayad para lang makasali ako.
Malapit na ako sa finish line. Kaunti na lang. Dikit ang laban namin ng nasa kaliwa ko kaya sinubukan kong sagarin ang speed ng sasakyan hanggang sa nakalagpas ako sa finishing line.
"Yes! Yes!" tili ko nang tumigil anh kotse ilang metro ang layo sa finishing line. I won!
Hinawakan ko ang pintuan para buksan ang sasakyan pero nagulat ako nang bigla itong bumukas .
"J-Jael!" bulalas ko nang makita ang mukha niyang nakangisi.
"Hindi mo nahanap ang susi, noh?" sabi niya.
"H-Huh?" nagtatakang tanong ko at napapikit nang sumalubong sa akin ang sikat ng araw. Umaga na?
"Inumaga ka na e. Akin na nga ang susi! Baka mahuli pa tayo nina Daddy na tinatakas ang kotse!" sabi niya sabay lahat ng kanang kamay. Napatitig ako sa susing hawak ko at wala sa sariling inabot sa kaniya.
"Labas na!" sabi niya kaya napatitig ako sa manibela ng racing car. Napansin ko ang nakaukit na "SQ".
"Ano? Tutunganga ka ba riyan? Bumaba ka na!" naiiritang sabi niya kaya dali-dali akong bumaba at nagtataka nang makita ako ang hardin at mansion ng mga Lacson. Nasa bahay pa rin o na ba ako nina Jael?
"Psh! Pasok na! Huwag mo akong isumbong kina Daddy dahil malilintikan ka sa akin!" pagbabanta niya kaya wala pa rin sa sariling tumango ako habang tinulungan siyang takpan muli ang sasakyan at pumasok sa bahay habang malalim na nag-iisip.

A/n;
Still no plot. Kung san tayo tatangayin nito. Lol.
Please read "Martha Cecelia's" novel. Kapag bumili kayo ng pocketbook, hanapin ninyo ang author na si
Martha Cecelia . Hindi kayo magsisisi at sulit ang ibabayad ninyo. Thank you. Sana may books pa siya sa NBS.😭😭😭😭😭

The Rich SlaveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon