7

754 39 0
                                    


THE RICH SLAVE

by: sha_sha0808 Ash Simon

CHAPTER 7

Unedited.
"Jael?" tawag ko kaya huminto siya sa paglalakad at nilingon ako.
"Bakit? Makikisakay ka?"
"May itatanong lang ako," sagot ko habang palapit sa kaniya.
"Ano?"
"Kahapon nang makita mo ako sa sports car, ano ang ginagawa ko?" tanong ko. Ang weird. Wala akong naalalang natulog ako.
"Hindi ko alam. Pagbukas ko, nando'n ka sa loob," sagot niya at napakunot ang noo, "bakit?"
"M-May--" Nagdadalawang isip ako kung itatanong ko ba o hindi? Pero gulong-gulo na talaga ako.
"M-May nangyari bang frat war kagabi?"
Mas lalong kumunot ang noo niya. "I m-mean, sa race? May nangyari bang rambol o away?"
"Pinagsasabi mo? Ang tahimik ng race kagabi, bakit magkakagulo?"
Napabuntonghininga ako. Ano 'yon? Panaginip lang ba talaga ang lahat? Pero nakita ko siya. Nakausap ko pa nga at iniligtas niya ako.
"Ang weird mo," sabi niya saka napailing at lumapit sa kotse niya.
Hinabol ko siya.
"Jael? Wala ba talagang gulo kagabi?" tanong ko. Tumigil siya sa pagbukas ng pinto ng sasakyan saka lumapit sa akin at yumuko para magpantay ang mga mukha namin.
Huli na para iiwas ko ang mga mata ko kaya napagmasdan ko nang maigi ang buong mukha niya. Ang tangos ng ilong niya tapos mapupula pa ang mga labi. Pasimple akong lumunok ng laway. Nanlalamig ako lalo na't naalala ko ang halikan namin. Dahan-dahang bumaba ang mukha niya habang nakatingin sa mga labi ko. Hahalikan ba niya ulit ako?
"Ouch!" daing ko nang pitikin niya ang noo ko. "Ano ba?"
"Hindi ka kasi pumunta kagabi kaya kung anu-ano ang iniisip mo. Bakit hindi mo itanong ang mga racer para malaman mo? Gulo ka riyan! Lagot sila kay Mommy kapag may frat war," sabi nito saka ngumisi sa akin. Oo nga pala, si Tita Hael ang sorority queen at kung may gulo man, baka maaga pa silang umalis ni Tito Jacob para i-settle ang lahat.
"Mauna na ako. Gusto mong sumabay?"
Napatingala ako sa kaniya na nakapamulsa at hinihintay ang sagot ko.
"Huwag na!" pagsisinuplada ko saka padabog na lumabas sa gate. Magta-taxi ako. Actually, nasa labas na ang grab taxi na kinuha ko.
Habang nasa taxi, hindi ako mapakali. Ano ba ang nangyari kagabi? Para kasing totoo ang lahat. At sino ang 14 years old na lalaking nakilala ko? Dalawang parehong panaginip at magkarugtong pa talaga?
Pagdating ko sa CTU, ang dami na namang nakaabang sa parking lot. Pero lahat sila ay umalis nang makita akong naglalakad. So? Bantay sarado ako, gano'n?
Dumiretso ako sa classroom saka naupo sa isang sulok. Kailangan kong kunin ang lahat ng pangalan sa panaginip ko. Pero paano kung hindi na ako managinip muli?
Nang dumating ang teacher, lumilipad pa rin ang diwa ko hanggang sa matapos ang klase.
Mag-isa akong tumungo sa canteen dahil wala naman akong gaanong kaibigan.
Ang daming tumatambay sa labas ng classroom at sobrang dami ring nagma-makeup sa loob ng canteen pagpasok ko. Ang iba ay nagli-lipstick pagkatapos sumubo.
Merienda lang ang in-order ko. Isang order ng spaghetti at milktea tapos pumuwesto sa isang sulok at nilantakan ang pagkain.
"Mukhang malalim ang iniisip mo ah."
Napatingin ako sa naupo sa harapan ko.
"Ginagawa mo rito?" naiinis na tanong ko.
"Kakain," sagot niya.
"Nasaan ang pagkain mo?" tanong ko.
"Wala pa."
"Hindi ito ang puwesto ninyo ah," sabi ko.
"Kami ang may-ari ng CTU kaya lahat ng sulok, puwesto ko," sagot niya kaya ipinagpatuloy ko ang pagkain.
"Babe? Sa kabilang table naman tayo maupo," sabi ng babaeng may dalang tray.
"Gusto kong kumain dito," sagot niya kaya napilitang maupo ang babae.
"Babe? Okay lang ba ang cheesecake?" tanong ng babae na sa pagkakaalam ko, isang sorority princess. Ewan ko lang kung anong sorority but I think, Jane ang pangalan nito.
"Kahit ano," tinatamad na sagot ni Jael. Napataas ang kanang kilay ko habang nakatingin sa spaghetti ko. Sarap sipain ng dalawa.
"Babe? Until what time ang class mo?" mahinhing tanong ng babae.
"I don't know. Maybe five?" patanong na sagot ni Jael. Araw-araw, iba ang kinakasama nito. Lahat na yata ng sorority princess, najowa na niya.
"Sabay ba tayo?" tanong ng babae.
"Five rin ba ang out mo?" tanong ni Jacob. Binilisan ko ang pagkain dahil sumasakit ang tainga ko sa tuwing marinig ang boses nila.
"Four," sagot ng babae. "But I can wait."
"Wala ka bang kotse? Kung meron, mauna ka nang umuwi dahil magja-jamming pa kami ng mga pinsan ko," ani Jael kaya napasulyap ako sa babaeng napayuko. Na-offend yata sa sinabi no Jael. Gago talaga 'to.
"S-Sige, mauna na lang akong uuwi. Basta mag-text ka," sabi ng babae at maingat na kumain ng cake.
"I only texted--" Napatigil si Jael at tumingala sa akin nang tumayo ako. "Tapos ka na?"
"May nakita ka bang naiwan sa kinakain ko?" mataray na tanong ko.
"Ba't ka galit?" galit na tanong niya.
"Hindi ako galit!" mahina pero puno ng pagkapikon na sagot ko.
"Maupo ka, Kylie!" madiing utos niya.
"May klase pa ako," sagot ko saka tumalikod pero hindi pa ako nakahakbang, napigilan na niya ang kanang kamay ko.
"Jael," sabi ko at hinila ang kamay ko pero ayaw niya akong bitiwan.
"Maupo ka," utos niya. Iginala ko ang paningin ko, lahat ng estudyante ay sa amin ang mga mata kaya tahimik na naupo ako, saka lang niya pinakawalan ang kamay ko.
Humarap siya sa babae. "Tapos ka na bang kumain? Kung hindi pa, pakikuha ng pagkain mo at lumipat ka sa kabilang mesa."
Napatulala ang babae pero ilang segundo lang ay nakabawi naman. "Actually, wala akong ganang kumain. Nagda-diet ako," sabi nito saka tumayo at iniwan kami.
"You're so road," sabi ko.
"Psh! Hindi ba halatang ayaw ko sa kaniya?"
"Girlfriend mo siya, 'di ba? Dapat lang na--"
"She's not my girlfriend. Kung iyon ang paniniwala niya, bahala siya!"
"Ang sama mo!"
Tinitigan niya ako at inirapan, "Hindi ko na problema kung habulin at pogi ako."
"Yabang!" sabi ko saka pinandilatan siya.
"May maipagmayabang naman," kampanteng sabi niya.
"Maiwan na nga kita!" naiinis na sabi ko.
"Subukan mo lang at bibigyan kita ng death note," pagbabanta niya.
"Ano ba ang problema mo?"
"Wala akong problema, hindi ba obvious? Gusto kong kumain kasama ka?" tanong niya kaya natigilan ako at inaral ang mukha niya kung nagsisinungaling ba siya? "Iniisip mo, Kylie?"
"Psh! Ewan ko sa 'yo!"
"Baka iba ang iniisip mo? Gusto kitang makasama kumain kasi gusto kong iwasan ang mga babae. Huwag ka ngang ano," sabi niya saka ipinagpatuloy ang pagkain pero hindi ko inalis ang mga mata sa mukha niya. "What? Ba't ka nakatitig sa akin? Nagaguwapuhan ka, noh?"
"Oo," sagot ko na sa kaniya pa rin ang mga mata. "Alam mo, Jael? Ang pogi mo pala, noh? Tapos ang kisig mo pa, siguro masarap kang magmahal?"
Siya naman ang napanganga tapos biglang namula ang magkabilang pisngi kaya tumawa ako nang malakas.
"Naniwala ka, noh? Bakit? Pogi ka ba?" natatawang tanong ko.
Walang imik na ipinagpatuloy niya ang pagkain kaya itinigil ko na ang pagtawa.
"Umalis ka na," sabi niya habang nakatitig sa wala nang lamang plato.
"Galit ka?" tanong ko. Paano kung bigyan niya ako ng death note? Shit!
"Umalis ka na sabi," mahina pero may galit na ulit niya kaya tumayo at umalis na. Na-offend ko yata siya? Bakit? Gumanti lang naman ako sa kaniya ah.
Bumalik na ako sa classroom at buong maghapong nag-iisip kung ano ba ang problema ni Jael? Dinaig pa niya ang babaeng may menstruation.
Pag-uwi ko sa bahay, wala pa raw siya kaya nagwalis muna ako sa hardin pagkatapos magpalit ng damit.
Kakatapon ko lang ng basura nang mahagip ng mga mata ko ang sports car sa dulo ng parking lot. Ngayon lang ako nakakita ng ganito kagandang sasakyan. I know it's old and rare model at kapag ibenta sa black market, sobrang laki ng halaga nito dahil hindi ka na makakahanap ng ganito sa buong mundo.
May naisip ako kaya patakbo akong bumalik sa mansion at kinuha ang susi. I wanna know the truth.
Pagbalik ko, agad akong sumakay sa sasakyan. Nilingon ko ang backseat, ganoon pa rin.
"I am not dreaming," sabi ko at napatingin sa hardin. Hinaplos ko ang manibelang may nakaukit na "SQ". Ano kaya ang meaning nito?
Ipinasok ko ang susi at pinaandar, bumukas ang gate. Iginala ko ang mga mata sa paligid, nakikita ko pa rin ang mansion nina Jael.
Nagmaneho ako palabas ng bahay. Bahala na kung saan ako padparin.
"Hmm? Pumunta kaya ako sa racing field?" bulong ko saka nagmaneho patungo sa Tagaytay.
Pagdating sa racing field, madilim na ang paligid at kaunti lang ang tao kaya bumaba ako sa sasakyan at naupo sa isang tabi.
"Hi, mag-isa ka lang yata?" tanong niya habang palapit sa akin.
"Oh hi," bati ko at nginitian siya.
"Kamusta?" tanong niya at napalingon sa babaeng dumaan kaya napatingin din ako. Ang ganda nito, parang half Japanese.
"Okay lang," sagot ko at napatingala sa kaniya. Ang pogi talaga niya. Oh shit! Wait, wait, wait. Hindi ba siya ang lalaki sa panaginip ko?
"Ano pala ang--"
"Dude? Nakita mo ang babaeng dumaan? Grabe, ang bilis niyang mag-race," manghang sabi ng lalaking lumapit sa amin at inagaw ang atensiyon ng kausap ko.
"Really?" sabi nito at sinundan ng tingin ang chinitang dumaan. I know naagaw ng babae ang atensiyon nila.
"Maiwan muna kita, Kylie," paalam nito.
"Wait? Can I know your name?" tanong ko.
"Dude? Makipag-race ka sa kaniya," sabat ng lalaking nakikisawsaw sa amin.
Ayun, sumama na si Mr.Pogi sa kasama niyang pakialamero. Hindi ko tuloy nakuha ang pangalan niya. Pasimpleng kinurot ko ang sarili. Aw! Ang sakit. Hindi nga ako nananaginip.
"Jael!" tawag ko kay Jael na palapit sa akin. "Jael, buti at nandito ka."
"Sino ka?" nakasalubong ang kilay na tanong niya.
"Huwag mo nga akong pinagloloko. Nakapaalam ka ba kina Tita?" tanong ko.
"Hindi kita kilala," poke face na sagot niya.
"Jael naman!" sabi ko at pinandilatan siya.
"Look, hindi ko alam kung paano mo ako nakilala sa palayaw ko pero dahil iilan lang ang tumatawag nu'n sa akin pero hindi Jael ang tunay kong pangalan," sabi niya kaya napakunot ang noo ko. Wait, hindi kaya panaginip lang 'to? Pero bakit nakakapag-isip ako? Everything seems so real.
"K-Kasi, parang totoo ang lahat," naguguluhang sabi ko at tumayo saka lumapit sa kaniya.
"Hey! Ano ang ginagawa mo?" tanong niya habang paatras.
"May gusto lang akong patunayan," sabi ko.
"Watchout!" sigaw niya at mabilis na hinila palapit sa kaniya kaya napasubsob ako sa dibdib niya. Narinig ko ang pagdaan ng mabilis na motorsiklo sa likuran ko. Itutulak ko na sana siya pero naramdaman ko ang mabilis na pagtibok ng puso niya.
"M-Mag-ingat ka," mahinang sabi niya saka itinulak ako. "Ang tanga mo pala, Miss."
"Jael? Mabuti at nandito ka!" tawag ni Mr.Pogi na lumapit sa amin. Kasama na nito ang babaeng dumaan kanina. "Si Lilac pala," pagpakilala niya.
"Hi," tipid na bati ni Jael at nakipagkamay sa chinitang babae.
"Hello," tipid na sagot ng babaeng may hawak na helmet saka nginitian ako kaya ngumiti rin ako. Ang ganda e.
"Kylie pala," pagpakilala ko na dahil mukhang nakalimutan ng dalawang lalaki na nandito ako.
"Hello, I'm Lilac," pagpakilala rin niya.
"Tara, team tayo," yaya ni Jael at inakay si Lilac palayo sa akin. Bastos talaga ng ugali nito.
"Sama ka sa amin, Kylie?" tanong ni Mr.Pogi.
"Huwag na, kayo na lang. Uuwi pa ako e," tanggi ko.
"Ingat ka ha," sabi niya.
"Ahm, wait," pagpigil ko nang may maalala. "M-May frat war ba kagabi?" tanong ko.
"Wala, last week lang," sagot niya. "Pasensiya ka na ha. I'm glad na makita kang okay."
So it means, totoong may frat war? Pero hindi ba't sa panaginip ko lang iyon? Ibig sabihin, nananaginip pa rin ba ako ngayon?
"Okay lang ako," sabi ko at lumapit sa sasakyan ko saka pumasok at pinaandar.
"Ingat ka," sabi niya dahil nakabukas pa ang bintana ko.
"Hey!" tawag ko nang tumalikod siya kaya napalingon na naman siya.
"What's your name?"
Ngumiti siya sa akin. Bihira lang siyang ngumiti kaya nakakataba sa puso.
"Lee," tipid na sagot niya. "Lee Lacson."
Gusto ko sanang lumabas kaso may kumakatok sa pinto at pagtingin ko sa labas ng pinto, nasa labas na naman ako ng bahay ng mga Lacson.
"Ma'am? Pinapatawag ka na po ni Sir Jael, kakain na raw po tayo," sabi ni Manang.
"Wait lang po, susunod na ako," sagot ko at kinuha ang susi sa sasakyan saka lumabas. Napahawak ako sa dibdib ko nang nanindig ang balahibo ko habang naglalakad. Teka lang, ang guwapong iyon sa panaginip ko ay si Lee Lacson? Siya ba ang namayapang lola nina Jael? Ang original na fraternity king? Pero paano?

The Rich SlaveWhere stories live. Discover now