10

652 33 0
                                    

THE RICH SLAVE

by: sha_sha0808 Ash Simon

CHAPTER 10

Unedited...
"Puwede bang uuwi muna ako sa amin? Nami-miss ko na ang parents ko," pakiusap ko.
"Hindi puwede," sagot niya habang sinusuot ang damit. Pagpasok ko, sakto namang nagbibihis siya. Lalabas na sana ako pero pinigilan niya ako at tinanong kung ano ang sadya ko.
"P-Pero miss ko na sila, Jael," naiiyak na sabi ko. "Napanaginipan ko si Mommy kagabi, umiiyak siya."
"Kapag sinabi kong bawal, bawal!" madiing sabi niya.
"Pero sobrang miss ko na sila! Sila na lang ang nandiyan para sa akin, Jael!" Tumaas na ang boses ko.
"Not now, Kylie. May time para makita mo sila," walang ganang sagot niya at inayos ang basang buhok niya.
"Hindi mo ako naiintindihan dahil kasama mo ang parents mo!" naiinis na sabi ko. "Palibhasa wala kang puso!"
"Huwag mong umpisahan ang araw ko sa ganito, Kylie! Lumabas ka na!" aniya sabay turo sa pintuan kaya naikuyom ko ang kamao ko.
"Bakit ba ang sama mo?" singhal ko.
"Damn! Stop acting na para kang bata. Kaya mo nang tumayo sa sarili mong mga paa kaya matuto kang mamuhay na wala sila!" sabi niya kaya napanganga ako.
"They're my parents, Jael! Subukan mong lumayo nang matagal sa pamilya mo para maunawaan mo ako!" galit na sabi ko at padabog na nagmartsa palabas ng kuwarto niya.
Bumalik ako sa silid ko at naligo para mawala ang init sa ulo ko.
Pagkatapos kong mag-ayos, bumaba ako para mag-breakfast.
"Pinapadala pala ni Sir Jael," sabi ng katulong saka inilapag sa mesa ang lunchbox na kulay itim.
"Bakit po ate?" tanong ko. "May cook naman sila sa tambayan ah."
"Hindi ko rin alam. Kakatawag lang niya at sabi niya, ipadala ko raw sa 'yo," sagot niya.
"Sige po," sagot ko saka inubos ang kinakain.
Pagdating sa CTU, naglakad ako patungo sa classroom niya. I don't want to see his ugly face talaga dahil kumukulo ang dugo ko. Bakit ba hindi niya maintindihan na gusto kong makita ang parents ko?
Saktong makakasalubong ko siya kaya hinarangan ko sa daan.
"Oh!" sabi ko sabay abot ng lunchbox niya.
"Galit ka?" tanong niya.
"Hindi!" sagot ko.
"Galit ka e," aniya.
"Alis na 'ko, kunin mo na 'to," sabi ko. Alam naman pala niyang galit ako itanong pa niya. Bobo lang?
"Pabibitbitin mo ako niyan?" tanong niya habang nakatingin sa hawak kong lunchbox.
"Sa 'yo naman 'to, 'di ba?"
"Come on," sabi niya at yumuko saka inilapit ang mukha sa akin. "Katulong lang kita. Hindi ba't dapat sumunod ka sa master mo?"
"Yes, my king," sarcastic na sagot ko. "Pero tama bang turuan na maging tamad ang master ko?"
"Slave lang kita, dalhin mo na nga 'yan sa tambayan," sabi niya.
"Tamad!" singhal ko kaya napasinghap ang mga sa palibot.
"Sino ang tamad?" galit na tanong niya. "Huwag mo 'kong sigawan sa harap ng maraming tao!"
"Ikaw ang tamad!" matapang na sagot ko at sinalubong ang mga mata niya.
"Hala, nagpapasigaw lang si Jael?" hindi makapaniwalang sabi ng isang estudyante kaya nagsimula nang umingay sa palibot at sa amin nakatutok ang mga mata nila.
"Ulitin mo ang sabi mo!" namumula ang mukhang utos niya.
"Tamad ka! Anak ng sorority queen pero walang kuwenta!" malakas na sabi ko. Bahala na kung marinig man ang lahat. Eh, sa galit ako e.
Biglang tumahimik ang buong paligid at napanganga. Kahit si Jael ay hindi rin inaasahan ang sinabi ko.
"You--you fucking bitch!" singhal niya. Malapit na niya akong suntukin dahil sa galit.
"Bahala ka sa buhay mo! Mula ngayon, hindi mo na ako katulong! Ayaw ko na sa 'yo!" matapang na sabi ko habang sinasalubong ang nagbabaga niyang mga mata.
"Ulitin mo ang sinabi mo, Kylie!" madiing sabi niya.
"Ayaw kitang makasama and I hate you! I hate you to the moon and back!" buong tapang na sabi ko. Nanginginig na nga ang buong katawan ko sa galit.
"Monster!" dagdag ko kaya mas lalong napanganga ang mga nasa paligid.
Walang emosyong naglakad siya palapit sa akin at bago pa man niya ako nilagpasan, may malamig na bagay na dumikit sa noo ko.
Napasinghap ang lahat lalo na ang mga babae. Kinuha ko ang papel at binasa ang nakasulat kahit na may idea na ako.
Death note.
Nanlamig ako sa kinatatayuan ko. Gusto kong tumakbo at lumayo pero tila napako ang mga paa ko at ayaw kumilos.
May nakikita akong lumilipad na mga bagay sa paligid ko: papel, ballpen, gunting, bote at kung anu-ano pa.
Alam kong tumatama ang lahat ng iyon sa katawan ko pero wala akong nararamdaman. Namamanhid ang buo kong katawan.
Nakaramdam ako ng lamig nang may bumuhos ng malamig na tubig sa katawan ko. Dahan-dahan akong naglakad pero sinusundan pa rin ako ng mga bagay na ibinabato nila sa akin.
Ang gaan ng paglalakad ko, parang hindi ako nakaapak sa lupa hanggang sa biglang dumilim ang lahat sa paligid ko.
Pagdilat ko, ang magandang mukha ng isang bata ang nakikita ko.
"Mabuti at gising ka na, Mommy," masiglang sabi ng bata.
Bumukas ang pinto at pumasok ang nag-aalalang mukha ni Jael.
"Hey, huwag kang bumangon," agad na sabi niya saka inalalayan akong maupo sa kama. Ang sakit ng buong katawan ko, para akong binugbog. Siguro dahil sa nangyari kanina?
"Huwag mo akong hawakan! Galit ako sa 'yo!" singhal ko. Nakita ko ang pagguhit ng lungkot sa mga mata niya.
"I'm sorry," sobrang lungkot na paumanhin niya.
"M-Mommy? Galit ka po ba kay Daddy?" tanong ni Jelai habang inosenteng nakatingala sa amin.
"Ano ang nangyari?" wala sa mood na tanong ko. I hate him! Alam kong wala siyang kasalanan dahil iba naman ang Jael na naka-encounter ko kanina pero galit talaga ako sa kaniya. Magkamukha kasi sila.
"Nakita na lang kitang nakahandusay sa banyo kaya binuhat kita," sagot niya. "I'm sorry kung napagod kita sa paghahanap ng magulang ni Jelai, hayaan mo, kupkupin muna natin siya."
Lumapit siya sa akin at tumabi.
"K-Kyl? I'm sorry," paumanhin niya kaya napabuntonghininga ako. Mabuti pa itong matandang Jael, marunong humingi ng kapatawaran.
"Akalain mo 'yon, humingi ka ng sorry?" naiinis na sagot ko.
"Ayaw kitang makitang nahihirapan," sagot niya.
"Pero naiinis ako sa 'yo dahil may kamukha kang palagi akong inaaway!" naiinis na sabi ko.
"Pinagsasabi mo?" tanong niya.
"Wala. May nakilala kasi ako noong isang araw tapos sinaktan ako. Palagi pang utos nang utos tapos gusto niya, siya lang ang masusunod! Gago kasi 'yon!" sumbong ko. "Hindi niya alam na nasasaktan na ako. Gusto niyang siya lang ang masusunod! Palibhasa mayaman!"
"Hindi kita sasaktan," sagot niya saka hinawakan ang kanang kamay ko at dinala sa dibdib niya.
"P-Pero pareho lang kayo," naiilang na sagot ko. Ang init ng mga kamay niya.
"Iba ako," aniya. Pinagmasdan ko siya, ang amo ng mukha niya.
"H-Hindi mo ako sasaktan?" tanong ko. Umiling siya.
"I will always protect you, Kyl."
Alam kong totoo ang mga sinasabi niya. Nararamdaman ko iyon pero parang ayaw kong maniwala.
"Bakit, Jael?"
"Dahil mahal kita," sagot niya kaya naramdaman ko na naman na parang sasabog ang dibdib ko.
"Daddy? I'm hungry," nakalabing sabi ni Jalai kaya tumayo ako.
"Magluluto lang ako," paalam ko saka lumabas sa kuwarto. Alam kong sinusundan ako ni Jael kaya nakaramdam ako ng pagkaasiwa.
Dumiretso ako sa kusina at naghalughog ng maluluto.
Naririnig ko ang tawa ni Jelai sa sala habang nakipagharutan kay Jael. Siguro hinimatay ako sa totoong mundo. Ano na kaya ang nangyari sa katawan ko? Buwesit kasi na Jael Lacson!
Lumingon ako sa sala. Ano kaya ang apelyido nitong Jael na 'to? Ayaw pa kasing aminin. Kapag may pagkakataon, maghahalungkat ako ng mga gamit niya.
Pork sinigang ang niluto ko. Tinulungan niya akong maghanda ng mesa nang makatulog na si Jelai.
"Gusto mong mag-race mamaya?" tanong niya habang kumakain na kami.
"Walang magbabantay kay Jelai," sagot ko.
"Dalhin natin," sagot niya.
Napaisip ako. Kung sabagay, hindi ko naman 'to mundo kaya puwede kong gawin ang lahat ng gusto ko. Isa pa, gusto ko na ring makita sina Lee at Lila.
Dinala namin si Jelai sa racing field at iniwan sa sasakyan pero sinigurado ni Jael na hindi ito ma-suffocate kapag magising.
"Ayusin ko lang ang sintas mo," sabi ni Jael nang makaupo na ako sa isang sulok. Lumuhod siya sa harapan ko saka inayos ang sintas. Hindi ko mapigilang pagmasdan siya habang ginagawa ito. Ibang-iba siya kaysa sa Jael sa totoong mundo. Hindi kasi magagawa ito ni Jael Lacson sa akin.
"Okay na," sabi niya saka tumayo at naupo sa tabi ko. "Magre-race ka ba?"
"Manonood lang ako," sagot ko habang napatingin sa sasakyan. Baka magising si Jelai at maisipang lumabas. Kahit na nakaraang mundo ito, ayaw ko pa ring mapahamak ang bata. Napalapit na siya sa akin e.
"Jael," tawag ni Lee na papalapit sa amin.
"Lee," ani Jael saka tumayo at nakipag-fist-to-fist.
"Mabuti at pumunta kayo," sabi ni Lee.
"Oo, niyaya niya ako," sagot ko.
"Kayo na ba?" tanong ni Lee kaya napasulyap ako kay Jael.
"H-Hindi pa," nahihiyang sagot ni Jael.
"Hindi pa? Ibig sabihin, nanliligaw ka?" tukso ni Lee na ikinapula ng magkabilang pisngi ni Jael. Hala, nahihiya ba siya? Eh? Ako rin. Wala kasing preno ang bunganga ni Lee e.
"Uy, Lila!" bulalas ni Jael nang makita si Lila. "Mabuti at nandito ka."
Nakahinga ako nang maluwag. Alam kong pareho lang kaming umiiwas ni Jael sa usapan.
"H-Hi," nahihiyang bati ni Lila. "Sasali kayo? Tandem tayong apat."
"Huwag na," tanggi ko. "Hindi ako puwede e. Kayong tatlo na lang."
"Kung okay lang kay Lee," sabi ni Lila saka napasulyap kay Lee na sa iba nakatingin. Alam kong nahihiya ito kay Lila dahil crush niya ito. Ang cute nila kaya kinikilig ako. Pero paano na si Lola Patch? Haist! Saan na ba kasi ang babaeng 'yon?
"Okay lang," walang ganang sagot ni Lee na kunyari ay wala lang sa kaniya. But I know the truth.
"Halina kayo," yaya ni Lila.
Lumapit si Jael sa akin.
"Dito ka lang, bantayan mo ang anak natin sa sasakyan at huwag kang makipaglandi sa iba, maliwanag?" bilin niya kaya tinaasan ko siya ng kilay.
"Wala tayong anak! Huwag kang mangarap," pagtatama ko saka inirapan siya.
"Hmm? Gagawan kita ng anak," pilyong sabi niya kaya pinandilatan ko.
"Umalis ka na nga! Hindi kita type," pagtataboy ko.
"Basta huwag kang mag-entertain ng iba dahil papatayin ko silang lahat," pagbabanta niya bago tumalikod.
Napabuntonghininga ako nang makalayo na sila. Hindi ko maiwasang ngumiti. Bakit ganito ang nararamdaman ko para kay Jael? Kinikilig ako tapos gusto ko pa siyang palaging nakikita.
Mula sa kinaroroonan ko, pinanood ko ang laban nilang tatlo. Grabe, ang bilis ni Lila. Nanalo silang tatlo kaya nagtitili ako.
"Woah! Ang galing!" puri ko habang papalapit si Lila.
"Sana sumali ka," sabi niya at napatingin sa wristwatch niya.
"Tinatamad ako," sagot ko.
"K-Kyl? Puwede mo ba akong samahan? Baka pagalitan ako sa bahay. Ang alam nila, pinuntahan kita sa bahay ninyo," nahihiyang sabi niya.
"H-Ha? K-Kasi--" Hala, ano ang sasabihin ko? Kasama pa naman namin ni Jael ang bata.
"Samahan mo na siya," sabi ni Jael na nasa likuran ko kaya napalingon ako. "Sige na, Kyl."
"P-Pero--"
"Huwag kang mag-alala, ako na ang bahala," sabi niya saka yumuko. "Ako na ang bahala sa anak natin," pabulong na dagdag niya.
"Hindi natin siya anak," pabulong ko ring sagot. Feeler nito. Virgin pa kaya ako at sigurado akong mas matanda pa ang batang 'yon sa akin. O baka patay na nga. Shit! Puro kaluluwa na yata ngayon ang lahat ng nandito e. Nanayo tuloy ang balahibo ko sa naisip.
"Halika na, Kyl," yaya ni Lila kaya sumunod na ako sa kaniya pauwi.
Pagdating sa bahay nila, may bisitang nag-aabang sa sala nila.
"Hija, mabuti at nandito ka na," masiglang sabi ng mommy niya.
"Sino po sila?" tanong ni Lila na ang tinutukoy ay ang kausap ng daddy niya sa sala.
"Halika, ipapakilala kita sa kaniya," sabi ni Tita Lucy. Dahil likas na tsismosa ako, sumama ako at naupo sa tabi ni Lila.
"Hija, siya pala ang ama ng mapapangasawa mo," pagpakilala ni Tito Lucy.
"H-Hi po," napilitang bati ni Lila.
Nakikinig kami ni Lila sa usapan nila. Puro negosyo. Napag-alaman ko na gusto nilang mag-merge para mas tumibay ang negosyo. Wala namang nalulugi sa kanilang dalawa kaya maayos ang daloy ng usapan hanggang sa umuwi ang bisita nila.
"M-Mom? Ayaw kong magpakasal," naiiyak ma sabi ni Lila nang hinatid ng dad niya ang bisita sa labas ng bahay.
Nagpaalam na rin akong umuwi at tinalikuran ang mag-ina.
"Anak, mabait naman ang anak niya. Na-meet ko na si Lee kaya I assure you na mabuti siyang bata," malumanay na sabi ni Tita.
"L-Lee?" ulit ni Lila kaya napahinto rin ako sa paglalakad.
"Lee Lacson," sabi ni Tita kaya nanlaki ang mga mata ko. Hindi naman ako bingi kaya sigurado ako sa narinig ko. "Mahilig din siya sa race kaya I'm sure, magkakasundo kayo."
"Kylie!"
Napamulat ako nang may tumawag sa pangalan ko sa gilid ko. Sobrang bigat ng talukap ko. Kung hindi ako magkamali, nasa private room ako ng mansion ng mga Lacson.
"T-Tita Hael," usal ko at muling napapikit.
"Hush, huwag kang magsalita, inaapoy ka ng lagnat," sabi ni Tita. "Ilipat mo na siya sa kuwarto niya, Jael."
Pagod ako para magsalita pa kaya hinayaan ko na sila kung ano man ang gagawin nila sa katawan ko.

The Rich SlaveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon