2

1.1K 46 2
                                    



THE RICH SLAVE

by: sha_sha0808 Ash Simon

CHAPTER 2

Unedited...

"Bakit nandito ka?" tanong niya kaya napatingala ako. Nakatayo siya sa harapan ko na nakapamewang pa.
"Bakit? May masama ba?" tanong ko at ipinagpatuloy ang pagpupunas ng sahig.
"May mop naman ba't basahan ang gamit mo?" tanong niya.
"Gusto ko e. Magpahinga ka na nga!" sabi ko. Ang pinakaayaw ko talaga ay ang may nanonood habang may ginagawa ako.
"Malinis naman ang sahig, ba't nagpupunas ka pa?" tanong niya.
"Para sure na--" Napanganga ako nang idura niya ang bubblegum mula sa bunganga niya at inapakan. Ngumisi pa ito kaya uminit ang ulo ko.
"Ayan, tanggalin mo 'yan at kailangan walang matira," sabi niya.
"Ang dugyot mo talaga!" naiinis na sabi ko at napatingin sa gum na dumikit na sa sahig. Ikinalat pa niya ito gamit ang kanang paa.
Yumuko siya at ipinantay ang mukha sa akin pero never akong umurong sa titigan sa kaniya. Pakiramdam ko, umuusok na ang ilong ko at sarap buwagin ng butiking 'to sa harapan ko.
"Alalay ka lang sa bahay na ito kaya sumunod ka," mahinang sabi niya at nag-smirk saka tumayo nang matuwid at nilagpasan ako.
"Kapal ng mukha!" mahinang sabi ko na nanginginig na ang buong kalamnan sa galit.
Kinuskos ko ang bubblegum kahit na sobrang badtrip na ako.
"Tulungan na kita, gusto mo?" tanong ng batang nasa likuran ko.
"Huwag na," sagot ko at nginitian siya. Maganda si Colaine. Nagmana ito kay Tita Hael na mabait at masunurin. Hindi kagaya sa kuya niyang demonyo ang ugali.
"Ate Kylie? Ang bad po ni Kuya Jael," nakalabing sabi niya. Napatitig ako sa maamo niyang mukha. Minsan, nagiging kamukha nito si Tito Jacob pero sa unang tingin, si Tita Hael talaga. "Dapat isumbong ko siya kina Mommy."
"Huwag na," sabi ko at nginitian siya para hindi na malungkot.
"Pero kahit bad si Kuya, love ko pa rin siya," nakangusong sabi niya. "Love rin naman niya ako."
Ang ngiting nasa mga labi ko ay paunti-unting napapalitan ng pait. Naalala ko si Kuya. Ganito rin kami noon at kahit na masama siya sa paningin ng iba, siya pa rin ang tagapagtanggol ko. Siya ang naging sandigan ko sa lahat ng oras.
"What's wrong?" nag-alalang tanong ni Colaine. "Why are you sad, Ate Kylie?"
"W-Wala," sagot ko at tumayo. "There. Tapos na ang paglilinis ko."
"Baby? Nakabihis ka na ba?" tanong ni Tita Hael habang palapit sa amin.
"Yes, Mom. I'm ready!" excited na sagot ni Colaine.
Ngumiti si Tita Hael.
"Hi, Kyl. How's your first day in school?" tanong ni Tita.
"Fine. Medyo nalilito po ako sa campus dahil ang lawak pero okay lang naman po," magalang na sagot ko.
"Nabigyan ka ba ng death note ng mga bata?" nag-aalalang tanong ni Tita. Umiling ako.
"Sa awa ng Diyos, hindi naman po," sagot ko.
"Thanks God," tila nabunutan ng tinik sa dibdib na sabi niya. "Ikaw na ang bahalang pagpasensiya sa magpipinsan. But if bibigyan ka nila, do not hesitate to tell me, okay?"
"Yes po," sagot ko kay Tita Hael.
"Pupunta kami sa mansion. Pasabi na lang kay Jael," sabi ni Tita.
"Yes po," sagot ko.
Napabuntonghininga ako habang pinagmamasdan ang mag-inang pababa na ng hagdan. Naiinggit ako. Ganito rin kami noon nina Mommy.
Dalawang magkapatid lang sina Jael at Colaine. Si Colaine ay sampung gulang at si Jael naman ay 20 years old na.
Bitbit ang timba, bumaba ako para pumunta sa garahe. Kailangan ko pang linisin ang sasakyan ni Jael.
"Ako na ang maglilinis, pagabi na," sabi ni Manang Sita nang makasalubong ko. Tatlo ang katulong nila sa loob ng bahay. May tigaluto, laba at linis ng bahay.
"Huwag na po. Magluto na lang kayo. Gusto ko rin pong mag-exercise," tanggi ko.
"Sure ka?"
"Opo," sagot ko at dumiretso sa garahe saka nilinis ang timbang bitbit ko saka nilagyan ng bagong tubig. Binuksan ko ang hose at lumapit sa black ferrari ni Jael.
Napasulyap ako sa itim na ducati niya. I used to be a racer. Nakaka-miss din mag-race pero hindi ko na iyon magagawa. Lahat ay nawala na sa akin dahil ibinenta ni Daddy para hindi na ako makapag-race.
"Huwag mong nakawin, mahal 'yan."
Hindi na ako lumingon. Kilala ko naman kung sino siya e.
"Tingin mo sa akin, magnanakaw?" naiinis na sabi ko at Ipinagpatuloy ang paglilinis ng sasakyan.
"Bakit? Hindi ba?" baliktanong niya at pumuwesto sa harapan ko. Nakabihis na siya at mukhang may lakad.
"Hindi ako magnanakaw," mahinang sabi ko.
"Tuyuin mo ang binasa mong part ng kotse ko dahil aalis ako." Utos niya.
"Pero--"
"After fifteen minutes, kailangan tuyo na," sabi nito at tinalikuran ako.
"Psh! Daming arte!" bulong ko at tinuyo na lang ang nabasang bahagi ng sasakyan niya. Saan kaya siya pupunta?
"'Pag ako talaga yumaman, ayaw kong mang-api ng kapwa!" bulong ko habang nagpupunas. Mayaman naman kami noon at ne minsan, wala akong inaping katulong. Close kaming lahat sa bahay.
Naalala ko si Preenz, mabait din siya. Kahit na sobrang yaman, hindi rin iyon nang-aapi ng katulong.
"Taken na siya," paalala ko sa sarili. Mas mayaman sa akin at mas mayaman sa kaniya kaya wala akong laban doon.
"Oh? Tapos na ba?" tanong ng butiki na palapit sa akin habang hawak ang susi.
"Oo," sagot ko at tumabi.
"Oh? Ano pa ang hinihintay mo? Pasok na!" sabi nito.
"Hindi ako sasama," sagot ko. Wala naman akong pupuntahan.
"Isasama kita. Pasok na!"
"H-Ha?" tanong ko.
"Bingi ka?" naiiritang tanong niya. "Pumasok ka na nga! Kailangan ko ng mutchacha!" sabi niya kaya naikuyom ko ang kamao. Ano na naman kaya ang binabalak nito? Nakapambahay na shorts lang ako at white blouse kaya bahala na kung saan niya ako dadalhin.
Napilitan akong pumasok bago pa siya sumabog. Ayaw kong makarinig ng sigaw dahil sumasakit ang dibdib ko kapag sinisigawan ako ng ibang tao.
Paglabas ng gate, iniliko niya ang sasakyan at ipinarada sa tapat ng mansion ng grandparents niya.
"Baba na," sabi niya.
"Dito lang tayo pupunta?" tanong ko. Ilang hakbang lang ang layo mula sa bahay nila dahil nasa iisang villa lang sila nakatira.
"Oo. Bakit? May reklamo ka ba?" sagot niya. Nag-umpisa na namang uminit ang ulo ko.
"Baba na!" Utos niya kaya bumaba ako.
Nauna siyang pumasok. Para akong asong nakabuntot sa kaniya.
"Anong meron dito?" tanong ko nang mapansin ang mga tao sa gazebo. Firstime kong pumasok sa mansion na ito kaya iginala ko ang mga mata ko. Mas malaki ito kaysa sa bahay nina Jael. Nakakamangha. Lahat ay nasa ayos lalo na ang malawak na hardin.
"Dumiretso ka sa kusina at tulungan mo ang mga katulong. May bisita sina Dad," tinatamad na utos nito saka tinawag ang katulong sa 'di-kalayuan. "Samahan mo nga siya sa kusina."
"Opo, sir," sagot ng babaeng mas matanda lang sa amin ng ilang taon. Siguro nasa trenta na ang edad nito.
Sumunod ako sa kaniya. Pagpasok sa bulwagan ng mansion, napanganga ako sa mamahaling kristal na mga gamit.
"Mahilig daw ang yumaong nilang lola sa diamond kaya halos lahat ng gamit ay kristal at ang iba ay kulay itim," sabi ng katulong. Napansin siguro niya ang pagkamangha ko.
"Ganoon ba?" tanong ko at napatitig sa chandelier na kumikislap sa tuwing tatamaan ng sunlight. Papalubog na ang araw pero may kinang pa rin ito.
Kakaiba ang awra ng bahay na ito. May mga antigong gamit at sigurado akong milyon ang halaga. Parang nakakahiyang umapak sa mamahaling sahig nila. Kahit itim ang ilang babasaging gamit, kumiminang ang mga ito sa sobrang linis.
"Halika, dito ang kusina," yaya ng katulong kaya sumama ako. Sobrang ganda at lawak pa ng kusina at may mahabang table.
"Mahilig kasi si Ma'am Ann magluto kaya pinaganda ni Sir Dylan," pagkukuwento nito kaya napangiti ako. "Mukhang mayaman ka."
"H-Hindi," tanggi ko.
"Hmm? Pero hindi ka bagay na maging katulong dahil ang kinis ng balat mo at ang ganda mo pa. May lahi ka ba?" usisa niya kaya natawa ako.
"Wala. Nasanay na kasi akong magtrabaho sa mayayaman kaya siguro nahiyang na," palusot ko.
"Ah..." tatango-tango siya.
"Maybel? Pakidala nga 'tong cupcake kay Ma'am Colaine sa itaas," sabi ng matandang may bitbit na tray at may tatlong pirasong carrot cupcakes.
"Ako na po," pagboluntaryo ko.
"Hindi mo pa kabisado ang bahay," sabi ng matanda.
"Madali lang naman e," sabat ni Maybel. "Mag-elevator ka. Second floor tapos kanan at diretso lang. Sa dulo ng pasilyo ang terrace."
"Sige ho," sagot ko at kinuha ang cupcake.
Bitbit ang tray, sumakay ako sa elevator. Firstime kong nakapasok sa bahay na may elevator. Mayaman kami pero wala pa akong kaibigan na may elevator at escalator ang bahay. Napansin kong malapad ang pinto ng elevator.
Ting!
Pagbukas nito, lumabas na ako at sinunod ang instruction ng katulong.
"Colaine?" tawag ko habang naglalakad sa malawak na pasilyo. May nadadaanan akong flower vase at mga frames kaya para akong naglalakad sa museo. Nakakamangha ang interior design ng mansion lalo na't 3/4 ng mga gamit ay kulay itim at crystal.
Napatigil ako nang mapansin ko ang pinakamalaking portrait na nakasabit sa dingding. Ang ganda ng babae at pogi ng lalaki.
Hindi ko mapigilang hindi humanga sa kanila lalo na sa ganda ng babaeng sopistikada. Napayakap ang kanang kaliwang kamay ko sa braso ko. Bakit ganito? Nakaramdam ako ng init sa katawan at bigla na lang nanayo ang balahibo ko. Tahimik ang paligid pero pakiramdam ko, hindi ako nag-iisa. Papalunog na ang araw kaya medyo dumilim na ang paligid.
Napaatras ako nang bumukas ang ilaw sa loob ng kuwartong nasa tabi ng litrato. Kahit na sarado, mau liwanag pa ring sumisilip sa ilalim ng pintuan. Baka may lalabas at mapagkamala akong magnanakaw?
"Ano ang ginagawa mo rito?"
Muntik na akong mapatalon sa gulat sa dumadagundong na boses nu Jael.
"J-Jael," naiiyak na sabi ko. Mabuti na lang dahil dumating siya.
"Are you okay?" nakakunot ang noong tanong niya habang palapit sa akin. Lumamig na ang paligid pero namamawis pa rin ang noo ko.
"H-Hindi ko na alam kung saan ang daan patungo sa terrace," sagot ko.
"Sino ang nag-utos sa 'yo na pumunta rito?" salubong na naman ang kilay nito.
"Hinahanap ko si Colaine para ihatid ang cupcakes niya," sagot ko. Hindi na ako natatakot sa kaniya. Mas gumaan pa nga ang loob ko ngayong nandito siya.
"What? Titigan mo na lang ba ako?" singhal nito.
"Sorry na, naligaw lang," paumahin ko.
"Hindi ito ang daan. Sa kabila ka dumaan," sabi niya at hinawakan ako sa kaliwang kamay at hinila palayo. Napalingon sa kuwarto pero patay na ang ilaw.
"Jael? Sino ang natutulog sa silid na iyon?" tanong ko habang nagpapahila sa kaniya.
"Wala!" sagot niya.
"Ah, bisita?" usisa ko.
"Magnanakaw ka ba?" tanong niya at tumigil saka hinarap ako.
"Hindi ah!" todo tanggi ko.
"Ba't ka tanong nang tanong?"
"Curious lang," sagot ko.
"Psh! Wala!" sabi niya at hinila na naman ako. "Bawal kang pumunta sa area na 'yan at oras na makita pa kita, pupulutin ka talaga sa kangkungan!" pagbabanta niya.
"Oo na!" naiinis na sabi ko. Ne hindi man lang sinagot ang tanong ko. Hindi naman ako magnanakaw a.
Nasa kalagitnaan kami ng pasilyo nang tumigil na naman siya at hinarap ako.
"Alam mo bang may nagmumulto sa bandang iyon ng mansion?" sobrang baba ang boses na sabi niya kaya nanayo ang balahibo ko.
"H-Huwag ka ngang ganiyan," natatakot na sabi ko. "Kyah!" Napatili ako at napayakap sa kaniya nang biglang lumiwanag ang paligid. Nangangatog na ang tuhod ko sa sobrang takot. Narinig ko ang malakas niyang tawa kaya agad na lumayo ako sa kaniya. Bumukas lang pala ang ilaw sa buong bahay.
Napatingala ako kay Jael na todo ngisi habang nakatitig sa akin.
"Duwag!" sabi niya at tinalikuran ako. "Bilisan mo na, Kylie, uuwi na tayo. Ayaw ko na rito!"
Binilisan ko ang paglalakad habang hinahabol siya at hindi na lumingon pa. Baka mamaya paglingon ko, makakita ako ng hindi kanais-nais.

A/n:
Wala na namang plot 'to. Hahaha. My ghad!

The Rich SlaveDonde viven las historias. Descúbrelo ahora