13

572 32 1
                                    


THE RICH SLAVE

by: sha_sha0808 Ash Simon

CHAPTER 13

Unedited...

"Ouch!" daing ko nang matalisod. May invisible na lubid ata akong nadaanan kaya tumilapon ang lahat ng gamit ko.
Narinig ko ang tawanan sa paligid kaya naikuyom ko ang kamao ko.
Dahan-dahan akong tumayo at isa-isang pinulot ang mga tumilapon kong ballpen sa loob ng bag.
"Akalain mo 'yon, parker ang ballpen mo? Akala ko panda ka lang," nakangising sabi ni Selena na ex yata ni Jael. Basta ang babaeng dinala niya noon sa canteen. Napag-alaman kong Selena ang pangalan nito.
"Akin na nga 'yan!" naiinis na sabi ko saka hinablot sa kaniya ang ballpen.
"Aah!" Napangangang sabi ko nang biglang bumuhos sa akin ang white powder kaya napaubo ako dahil pumasok sa ilong ko ang ibang powder. Tumingala ako, may balde sa itaas. Sa halip na tulungan ako, nagtawanan pa sila lalo na si Selena.
"Hey!"
Lahat ay natahimik nang makita si Jael na palapit sa amin na may dalang bola at naka-jersey shirt pa. Narinig ko ngang may larong basketball ngayon.
"Ano ang ginawa ninyo sa kaniya?" galit na tanong niya.
"Bakit? Kakampihan mo ba siya?" tanong ni Selena. "Don't tell me, may relasyon nga kayong dalawa?"
"Wala!" galit na tanggi ko saka sinamaan ng tingin si Jael. Nang dahil sa kaniya, napapahamak ako.
"Wala nga," pagsang-ayon nito saka ngumisi. "Sige, bahala na kayo sa kaniya."
Bago pa man ako makakilos, may dumikit na sa dibdib ko.
"I hate you, Jael Lacson!" malakas na sigaw ko nang mabasa ang death note.
"See you later, Kylie," natatawang sabi niya saka tinalikuran ako.
"Hayop ka!" Pahabol ko kahit na malayo na siya. "Magbabayad ka sa akin, Jael!"
Napaatras ako nang paunti-unting lumapit sa akin ang mga estudyante.
"Lahat kayo magbabayad!" sigaw ko saka tumakbo palayo. As in takbo talaga ako nang takbo.
Palabas na ako ng gate nang isara ng guard ang gate. Ugh! Isa rin 'tong mga guards e. Ayaw magpalabas kapag may nakakatanggap ng death note.
Takbo pa rin ako nang takbo pero hindi ko maiwasang may makakasalubong ako. Ang daming babaeng gusto akong saktan dahil kay Jael.
Wala akong choice kundi gumapang sa maliit na butas ng gate sa likurang gate ng pintuan.
"Hey, tumigil ka!" sabi ng guard na pumipito pa saka hinila ako pabalik sa loob. Ang dumi ko na nga, mas lalong nadumihan pa ang puting damit ko sa putik. Umulan pa naman kaninang umaga.
"P-Papatayin nila ako, kuya," sabi ko. "Please, parang awa mo na."
Narinig ko ang mga yabag na palapit sa akin.
Ilang segundong tumitig si Kuya guard sa akin bago magdesisyon.
"Basta huwag mo akong isumbong, maliwanag?" sabi niya saka binuksan ang maliit na gate.
"Okay po, salamat," pasalamat ko at lumabas. Saktong may napadaan na taxi kaya agad kong ipinara. Uuwi na lang ako dahil hindi naman ako makakapasok nito. Kahit sa classroom, ibu-bully ako ng mga kaklase ko. May parusa kasi ang hindi makisali sa pambu-bully lalo na kapag frat o sorority member ka. Eh, 90% sa school ay may grupo.
Pagdating ko sa bahay, naligo ako. Sobrang nanghihina na naman ang mga paa ko dahil sa kakatakbo.
Napatingin ako sa mask na nasa dingding, bigla itong kumislap na siyang tuluyang humila sa akin sa panaginip.
Siguro dahil sa pagod, hinila ako kaagad ng antok.
"Hi," bati ni Jael nang magmulat ako.
"Huwag mo 'kong kausapin!" galit na sabi ko saka tumayo at lumabas sa kuwarto.
"I prepared a soup para sa inyo ni Jelai," sabi niya.
"Huwag mo sabi akong kausapin!" singhal ko.
"Ano ba ang problema mo?" tanong niya na sinusundan ako.
"Wala ka na roon!"
"Galit ka ba sa akin?" tanong niya at hinawakan ako sa kanang braso.
"Oo!" madiing sabi ko. Kahit na magkaiba naman sila, hindi ko talaga maiwasang hindi magalit sa Jael na ito. Magkamukhang-magkamuha kasi sila.
"Kyl?"
Niyakap niya ako. Gusto kong magpumiglas pero hinigpitan niya ang pagkayakap sa bewang ko.
"S-Sorry na," seryosong paumanhin niya kaya hindi ko na napigilang umiyak.
"P-Pagod na ako, Jael. P-Pagod na pagod na ako," luhaang sabi ko saka gumanti sa mga yakap niya.
"Sobra na ba kitang sinasaktan?" malungkot na tanong niya kaya mas lalong tumulo ang mga luha ko.
"N-No," pag-amin ko. "Hindi ikaw, Jael. P-Pagod na ang isip ko. S-Sana ikaw na lang siya. S-Sana kasing bait mo ang sa kabilang--nevermind," agad na pagbawi ko at napasubsob sa dibdib niya.
"S-Sorry Kyl," paumanhin niya. Naramdaman ko ang pagdampi ng mainit niyang mga labi sa noo ko. "Nagselos lang kasi ako nang makita mo si Ryan kaya hinalikan kita sa harap ni Lila."
Kumawala ako at tiningala siya saka masuyong hinaplos ang magkabilang pisngi.
"Mahal kita, Jael. Okay lang iyon. Pagod lang ang isip ko," pag-amin ko. Paano kapag matapos na ito? E di wala nang Jael na mabait?
"Mahal din kita, Kyl. Lagi mong tandaan 'yan," puno ng pagmamahal na sabi niya kaya mas lalo akong napaiyak. Pinahidan niya ang mga luha ko saka masuyong hinalikan ang mga labi ko. "Huwag ka nang umiyak."
"N-Nakakaiyak lang," sagot ko.
Ngumiti siya. "Basta kahit anong mangyari, kung masaktan man kita, hindi ko iyon sinasadya kasi mahal kita. At ayaw kong nakikitang sinasaktan ka ng iba."
"M-Mabuti ka pa, hindi a-ayaw mo akong saktan," sabi ko.
"Bakit? May nananakit ba sa 'yo?"
"S-Sa school... Binu-bully nila ako," sumbong ko. Natigilan siya pero kapagkuway naningkit ang mga mata.
"Hayaan mo, ipaghihiganti kita!" seryosong sabi niya kaya natawa ako. As if na kaya niyang pumasok sa mundo ko.
May kumatok kaya tumakbo si Jelai at binuksan ang pinto. Mag-aapat na taong gulang na siya kaya ang daldal na.
Napaatras siya nang makita ang sa tapat ng pinto.
"Lolo--Ryan!" bulalas ko nang pumasok si Ryan kasunod si Lee.
"Hello," nakangiting bati ni Lolo Ryan.
Tatakbo na sana ako palapit sa kanila pero pinigilan ako ni Jael sa kanang braso.
"Subukan mo lang na lumapit sa kanila at gagahasain kita sa harapan nila!" pagbabanta niya kaya hindi ko na tinuloy. Tumingala ako sa kaniya na salubong ang kilay. Bakit ganito? Ang pogi niya.
"Selos ka?" bulong ko.
"Sobra," sagot niya na nakayuko sa akin at ginulo ang buhok ko. "Kaya mag-behave ka, puwede?"
Matamis na ngumiti ako. "Okay," parang batang sabi ko at lumapit kay Jelai na nasa sala na.
"Anong meron?" tanong ni Jael.
Lumapit sa akin ang dalawa at naupo sa harapan ko. Oh my, ang popogi nila. Pero mas malakas ang appeal ni Lolo Ryan sa akin lalo na nang nginitian niya ako.
"Girlfriend ko na si Kylie," seryosong sabi ni Jael kaya napakagat ako sa ibabang labi.
Sabay na tumawa ang dalawa.
"Well? Pumunta kami para yayain kang mag-race," sabi ni Ryan. "Ilang days lang kasi ang bakasyon namin."
"Sure," agarang pagpayag ni Jael.
"Sama ako," ani ko.
"Sure," sagot ni Lee. Tutol sana si Jael pero walang nagawa nang kinuha ko ang jacket ko at pinabihisan ko si Jelai.
"Baka mahamugan ang bata," nag-aalalang sabi ni Jael at pinasuot ang sombrero niya kay Jelai. "Dito ka lang, huwag kang umalis."
"Opo," magalang na sagot ni Jelai.
"Para kayong mag-asawa," natatawang sabi ni Lee na ikinangiti nj Jael.
"Soon," sabi ng mokong saka inakbayan ako. "How I wish na makadalo kayo sa kasal namin."
"Kaninong kasal?" nakapamewang na tanong ni Lola Patch kaya natahimik ang dalawa. "Kaninong kasal?"ulit niya.
"Wala. Halika na nga, Ryan," sagot ni Lee.
"Tinatakasan mo ba ako, Lee?" napipikong tanong ni Patch.
"Bye, Patch," paalam ni Ryan saka hinila na palayo si Lee.
"Sundan ko lang sila," paalam ni Jael kaya kami na lang ang naiwan.
"Ikaw," sabi ni Lola Patch.
"Malamang," mataray na sagot nito. "May nakita ka bang babae ni Lee?"
"Wala ho," magalang na sagot ko.
"Oras na malaman kong may babae si Lee at isa ka sa mga kasamahan niya, ipapaligpit kita!" pagbabanta niya. Ang bagsik pala talaga ng sorority queen.
"Ikaw ang sorority queen, 'di ba?" tanong ko kaya natigilan siya.
"P-Paanong--"
"Well, may nakapagsabi sa akin," sagot ko.
"Nagkakamali ka," sabi niya saka iniwas ang mga mata. "Wala pang nakakakita ng mukha ng sorority queen."
"Pero sigurado akong ikaw ang sorority queen," giit ko na ikinagalit niya.
"Magkano ang kailangan mo, ha?"
"Wala," sagot ko.
"Si Lee? Siya ba ang kapalit? No! Patayin mo muna ako!" madiing sabi niya kaya natawa ako. May pinagmanahan talaga ang mga apo niya.
"Hindi. Alam ko kasing kayo ang magkakatuluyan ni Lol--Lee kaya hindi ako magiging kalaban mo. Wala lang, gusto ko lang friends tayo," sabi ko at inilahad ang kamay.
Napatitig siya sa kamay ko at alam kong nag-iisip pa siya kung totoo ang sinasabi ko.
"Fine! Pero dahil lang sa pangba-blackmail mo," sabi niya saka tinalikuran ako.
"Ang tapang niya, noh?" tanong ko kay Jelai at naupo sa tabi niya.
"Ni Lola Patch?" tanong niya.
"P-Paano mo nalaman ang pangalan niya?" nagtatakang tanong ko.
"Narinig ko po sa inyo ni Daddy Jael," sagot niya.
"Kylie," tawag ni Lila na palapit sa akin.
"Lila," usal ko saka tumayo at nakipagbeso-beso sa kaniya.
"Kumusta?"
"Okay lang, ba't nandito ka?" tanong ko.
"Gusto kong makitang mag-race si Patch," sagot niya kaya napakunot ang noo ko.
"Bakit?"
Naghiyawan ang mga tao nang nagsimulang umugong ang mga motorsiklo. Mukhang kilala nila sina Lee at grupo nito. Napasulyap ako kay Jael na nakatayo sa isang tabi at nanonood lang kina Lee. Mukhang hindi siya sasali dahil si Patch ang kasama nilang mag-race.
"Dahil magaling siya," sagot nito na kina Patch pa rin ang mga mata.
"Lila, dahil ba ito kay--"
"No," agarang sagot niya at ngumiti sa akin. "Magaling siya at kilala siya sa ibang bansa. Walang makakatalo sa kaniya pero pagdating dito, wala pang nakakatalo sa akin, Kylie. Gusto kong malaman kung sino ang mas mabilis sa aming dalawa."
Tama siya. Sikat na magagaling na racer ang mga Lacson lalo na ang sorority queen pero wala pa akong narinig o nabasang natalo ito. Napatingin ako kay Lila, matatalo kaya siya?
"Nagdududa ka bang matalo ko si Patch?" malungkot na sabi niya..
Narinig ko ang putok, hudyat na simula na ng race.
"N-No," ani ko. "Alam kong magaling at mabilis ka. Napapaisip lang ako kung sino ba ang mananalo sa inyong dalawa."
"Gagawin ko ang lahat para manalo. Next month, may malaking event sa ibang bansa. Malaki ang pustahan at kasali sina Patch. Pupunta ako," nakangiting sabi niya.
"L-Lila--" tawag ko.
"Bakit?" tanong niya matapos lumingon.
"Sana sa m-malinis na--"
"Hindi ako maduming lumaban, Kyl. Gusto ko lang mapatunayan kung sino ang mananalo dahil malaking halaga ang nakataya rito."
"Gaano kalaki?" interesadong tanong ko.
"Sapat na para maging bagong sorority queen," sagot niya kaya nanlaki ang mga mata ko.
Nawala na si Lila sa paningin ko. Paano siya mananalo kay Patch kung alam ko na ang future. Napatingin ako sa nagre-race. Umakyat ako sa bench at ginamit ang dang binoculars para makita ang race.
Nakita si Patch, ang bilis nito at naunang nakarating sa finish line.
Si Lila, magaling din siya at mabilis. Kapag maglaban sila, sobrang dikit ang laban. Pero mas kalmado si Lila. Kung ako ang tatanungin, alam kong may chance na mananalo si Lila. Sobrang liit ng chance pero may posibilidad.
"M-Mommy," tawag ni Jelai nang mag-ingay sa tabi namin.
"Shit! Takbo, Jelai!" sambit ko nang magrambulan ang dalawang grupo. Tumakbo si Jelai palayo pero hindi ako makalabas dahil napagitnaan ako ng mga lalaki.
Napatakip ako sa mukha at sinubukan kong makalabas pero may mga pamalo sila. Napaupo ako para hindi matamaan ng suntok. Naapakan na nila ako pero hindi ko kayang tumayo dahil matatamaan ako ng kanilang pamalo.
"Kylie!" tawag ni Jael.
"J-Jael? I'm here!" sigaw ko.
"Tayo," sabi niya at hinila ang damit ko kaya napatayo ako.
"J-Jael," usal ko. Sinipa niya at pinagsusuntok ang humaharang sa amin pero ang isang kamay ay nakahawak sa kamay ko para hindi ako mawala.
"Tarantado kang hayop ka!"
"Gago!"
"Puta ka!"
Sigawan ng mga nasa paligid at puro tunog ng pagpalo ang pumapasok sa tainga ko.
Nagkakagulo na sa paligid.
Malapit na kami sa gate nang may dalawang lalaking humarang sa amin.
"At saan kayo pupunta?" nakangising tanong nito.
"Umalis kayo sa harapan ko!" madiing sabi ni Jael. Sabay na sumugod ang dalawa kaya binitiwan ako ni Jael para sugurin sila.
"Kyl!" sigaw ni Jael at patakbong lumapit sa akin. Napapikit ako nang yakapin niya ako. Naramdaman ko ang malakas na tunog ng pamalo kaya dumilat ako.
"J-Jael," usal ko.
"Argh!" daing niya habang nakahawak sa kanang braso niyang duguan. Nanlaki ang mga mata ko nang makitang matalim ang dulo ng baseball bat na gawa sa kahoy ng lalaki. Parang may kutsilyo siyang inilibing doon at ang dulo lang ang lumilitaw.
"Jael!" tili ko nang hahampasin pa sana niya si Jael pero may sumipa sa likuran niya.
"Gago ka pala e! Ako ang kalabanin mo!" nanggigigil na sabi ng lalaki at pinagsisipa ang lalaki. Dinampot nito ang bat saka inabot sa guard na lumapit. Guwapo ang lalaking tumulong sa amin, makinis ang mukha pero mukhang suplado dahil sobrang kapal ng kilay nito.
"B-Baron," usal ni Jael habang nakatingala sa lalaking nakatayo sa harapan namin.
"Psh!" sabi nito. "Huwag kayong pumunta kung hindi ninyo kaya ang labanan dito."
"W-Wait," sabi ni Jael pero agad na napangiwi. "Aw!"
"J-Jael," nataranta kong sabi saka dinukot ang panyo sa bulsa at tinali sa kamay niya para tumigil ang pagdurugo.
"Shit!" daing niya.
"D-Dadalhin kita sa hospital," natarantang sabi ko.
"Huwag na!" sabi niya. "Kaya ko. Ang mahalaga, ligtas ka."
"Pero Jael--"
"Hanapin ko si Jelai, mauna ka sa sasakyan!"
"Pero--"
"Sundin mo 'ko, Kylie! Hindi ko 'to ikakamatay!" singhal niya kaya nataranta akong tumakbo sa sasakyan namin. Pagbukas ko ng pinto, pumasok ako at napahawak sa dibdib.
"Oh ghad," bulalas ko. Nakaupo ako sa kama at nakahawak sa dibdib. Iginala ko ang paningin ko.
"No, no, no!" nataranta kong sabi nang malamang bumalik na ako sa kasalukuyan. "J-Jael," nataranta kong sabi. "P-Please, ayaw ko pang bumalik," sabi ko saka napatayo at nanginginig ang mga kamay na naglakad sa loob ng kuwarto.
Kailangan ako ni Jael. Si Jelai? Paano kung may masamang nangyari sa dalawa? Iyak ako nang iyak. Nahiga ako sa kama at ipinikit ko ang mga mata.
"P-Please, ibalik mo ako, Lord," panalangin ko pero nakailang posisyon na ako ay hindi pa rin ako nakatulog. Iyak ako nang iyak.
Siguro nasa isang oras na yata ako sa kuwarto nang matanggap kong hindi na ako makabalik sa kabilang mundo.
Hindi ako makahinga sa loob ng kuwarto kaya inayos ko ang sarili saka lumabas para magpahangin sa veranda.
"Aw, masakit!" Boses ni Jael iyon kaya napakunot ang noo ko.
"Ano ka ba, huwag ka ngang gumalaw!" saway ni Tita. Nasa library sila kaya lumapit ako.
"M-Mom--aw!"
Curious ako kaya binuksan ko ang pinto.
"What the fuck!" bulalas ni Jael at agad na ibinaba ang sleeve ng tshirt.
"A-Anong nangyari sa braso mo?" tanong ko dahil nakita kong may bandage ito.
"Pakialam mo?" pagsisinuplado niya. "Umalis ka nga!"
Napansin ko ang cotton balls na may dugo sa ibabaw ng mesa.
"B-Bakit ka may sugat?"
"Lumayas ka nga sabi!" sigaw niya. Suplado.
"Jael!" saway ni Tita saka lumapit sa akin.
"Pagpahingain muna natin siya, hija. Napagod lang siya. Naglaro kasi sila ng basketball sa paaralan kaya nagkasugatan siya pero kalmot lang naman. Matalim kasi ang kuko ng kalaban nila kanina.
Tumango ako. Tama, maglalaro pala sila kanina nang bigyan niya ako ng death note.
"Buti nga sa kaniya," bulong ko. "Tita? Pupunta lang po ako sa veranda. Magpapahangin lang," paalam ko. Bagay lang 'yon sa kaniya, ang suplado kasi.

A/n:
Pag di mo pa to ma-gets, ewan ko lang.
Combination lang 'to ng lahat ng plot previous stories ko kaya sobrang predictable ng mga mangyayari.

The Rich SlaveWhere stories live. Discover now