Finale

1.5K 57 3
                                    

THE RICH SLAVE

by: sha_sha0808 Ash Simon

FINALE

Unedited....

[Jael POV]

Nakuha ko na ang address niya. Ang sabi niya kahapon, magkikita pa kami pero wala naman. Damn! I miss her. Nagluluksa rin naman ako sa pagkawala ng baby namin. Isa lang ang pinapasalamatan ko sa lahat, na nabigyan kami ng pagkakataong mayakap at makausap ang anak naming si Jelai.
Kakabukas lang ng katulong ng gate kaya magalang na binata ko siya.
"Nandito ba ang address ni Kylie?" tanong ko.
"Opo," sagot niya at nginitian ako. Napansin ko ang isang pinoy rin na hardinero. Mayaman na nga talaga si Kylie. Sigurado akong nakuha na niya ang naiwang kayamanan ng pamilya niya.
"Daddy!" tili ng bata habang patakbong lumapit sa akin na naka-backpack tapos may design pa ni Superman. Ang cute nito sa green polo shirt katerno ng Nike niyang rubber shoes. "D-Daddy!"
"J-Jailo..." usal ko habang nakatitig sa kaniya. Gosh, para akong nananalamin noong bata pa ako. Kamukhang-kamukha ko siya.
"Daddy!" masiglang sabi niya at niyakap ako sa binti.
"A-Anak..." wika ko at binuhat siya. "A-Ang pogi mo," naiiyak na sabi ko.
"Jailo?" tawag ni Kylie habang palabas ng bahay pero tumigil ito nang makita ako.
"H-Hi," atubiling bati ko.
"Mom? Daddy's here," sabi ni Jailo saka pinagmasdan ako sa mukha. "Sunduin mo na kami ni Mommy?We will go home na po ba?" inosenteng tanong niya.
"May lakad ka?" tanong ko dahil halatang nakabihis siya.
"Yes, lilipat na kami ng bahay," sagot niya. Inilabas ng dalawang tauhan niya ang malalaking maleta.
Inamoy ko si Jailo at hinalikan sa pisngi. Humagikhik naman siya kaya napangiti ako.
"Ang laki mo na," sabi ko at ginulo ang buhok niya.
"Yes, tatangkad din po ako like you, dad." Proud na sabi niya kaya napasulyap ako kay Kylie.
"Ihahatid ko na kayo," sabi ko. Sa halip na sumagot, tinalikuran niya ako at inutusan ang mga katulong kung saan ilalagay ang mga maleta.
"Baby? May boyfriend ba mommy mo?" pabulong na tanong ko. Umiling siya.
"Ang hapon na lagi niyang kasama? Di ba boyfriend niya 'yon?" bulong ko na ang mga mata ay kay Kylie na tumutulong pa rin.
"Pangit 'yon!" nakangusong sabi ni Jailo kaya humalakhak ako. Napatingin tuloy silang lahat sa amin.
"Good boy," sabi ko sabay gulo ng buhok ng anak ko. Magkakasundo kami nito.
"Ako ba baby, pogi ba ang daddy mo?"
Tumango siya.
"Pogi tayo, daddy," taas noong sabi niya. Galing! Bata pa lang mang-uuto na ah. Makakarami 'to ng pera sa mga kapatid ko.
"Di ba daddy nasa heaven si Ate Jelai?"
Nagulat ako sa tanong niya. Naikuwento sa kaniya ni Kylie?
"O-Oo, nasa heaven na siya," malungkot na sagot ko.
"Puntahan natin siya?" excited na tanong niya.
"K-Kapag makauwi na tayo sa 'Pinas," sagot ko.
"Yehey!" masayang sabi niya.
"Let's go, baby?" tawag ni Kylie na palapit sa amin saka kinuha si Jailo.
"Samahan ko kayo," pagboluntaryo ko.
"Bakit?" pagtataray niya. Suplada. Halikan ko kaya 'to?
"Para malaman ko ang address ng mag-ina ko," sagot ko. "Isa pa, may business pa rin tayong hindi pa tapos dahil nag-iinarte ka."
"Huwag mong simulan ang araw ko, Jael Lacson!" Inirapan niya ako at tinalikuran kaya sinundan ko sila. Makikisabay na sa van dahil hinatid lang ako ng pinsan ko. Wala akong driver's license dito e.
Sumakay ako sa backseat katabi nila ni Jailo.
"Mom? Uwi na tayo?" tanong ni Jailo.
"Oo," sagot ni Kylie. Napagitnaan namin ang anak namin. Napabuntonghininga ako. Sana apat kami e. Kung buhay lang sana si baby Jelai namin.
"Hindi ba kayo sinamahan ni Hapon?' tanong ko kay Kylie.
"Selos ka?" baliktanong niya kaya napaismid ako.
"Tanong mo pa? Obvious naman," sagot ko.
"Ba't mainit ulo mo?" tanong niya.
"Kasi hindi na ako ang--" Hirap sambitin. "Mahal mo," dagdag ko.
Tumingin siya sa labas ng bintana saka sa naglagay ng earphone. Ito ba ang natutunan niya rito sa Japan? Ang pagiging bastos? Familiar sa akin ang daan.
"Malapit ba sa airport ang lilipatan ninyo?" tanong ko pero hindi siya sumasagot. Bastos talaga.

--------------------------

[Kylie POV]

Hindi na siya nangulit pa. Buti naman. Sa haba ng biyahe, nakatulog na ang anak namin.
Napabalikwas siya nang pumasok ang sasakyan namin sa airport.
"Saan kayo pupunta?" tanong niya.
"Uuwi," sagot ko.
"Saan?"
"Sa bagong bahay namin," sagot ko.
"Kyl? Saan kayo uuwi? Sa Pinas ba?"
Ang kulit niya kaya sa halip na sagutin, mas pinili kong gisingin ang anak namin.
"K-Kyl? Saan kayo lilipat?" tanong niya pero hindi ko pa rin siya kinikibo. Bahala siya.
Bumaba kami ni Jailo at pinababa ko ang malalaking maleta. Ilang kilo kaya ang babayaran ko sa overbaggage?
Dali-dali rin siyang bumaba.
"Saan kayo pupunta?" tanong niya habang nakapila ako para sa baggage namin. Ang dalawang katulong ang nagtutulak. Malapit na ako sa nagche-check ng baggage.
"Uuwi kayo sa 'Pinas?" bulalas niya. Ang kapwa Pilipino ay sa amin na nakatingin at halatang nakikiusyuso. Siyempre agaw-pansin si Jael dahil artistahin ang mukha at matangkad pa. What if kapag magkasama pa sila ng mga pinsan niya?
Pagkatapos kong bayaran, tinulak ko na ang cart namin kaya nakabuntot pa rin siya at inagaw sa akin ang cart para siya na ang magtulak.
"Kyl--" Papasok na rin sana siya pero hinanapan siya ng passport at ticket.
"Damn!" narinig kong pagmumura niya kaya napangiti ako habang bitbit si Jailo. "Bakit hindi mo kaagad sinabi?" sigaw niya kaya nakakakuha na siya ng atensiyon.
"Mom? Iwan ba natin si Daddy?" nakatingalang tanong ni Jailo na panay ang lingon sa ama.
"Hayaan mo siya," sagot ko at nginitian si Jailo na malungkot ang mukha.
"Sama natin siya," sabi niya.
"Hayaan mo siya, baby," sabi ko. May isang oras pa kaming maghintay.
Naging malikot si Jailo kaya panay rin ang habol ko.
Nang umakyat na kami sa eroplano, medyo kumalma si Jailo. Gusto niya sa bintana kaya nakipagpalit ako sa kaniya ng seat number.
Ang iingay talaga ng mga Pinoy dahil may magbarkada sa kabilang row.
"Seatbelt na, baby," sabi ko at inayos ang seatbelt ni Jailo.
"Kylie!" Malakas na tawag ng pangalan ko kaya napayuko ako nang mabosesan siya. "Kylie!"
Nakakahiya!
"Sino si Kylie?" tanong ng baklang kanina pa maingay.
"Ako si Kylie. Charot!" sabi ng katabi ng bakla na naghahanap din kung sino si Kylie.
"Daddy!" sigaw ni Jailo na tumayo pa.
"Baba ka," bulong ko sa anak ko at hinila ang damit para bumaba.
"Ghad!" ani Jael na tila nabunutan ng tinik habang palapit sa amin. Hingal na hingal pa siya. "B-Bakit hindi mo kaagad sinabi na uuwi kayo sa Pinas?" sumbat niya nang nasa tapat ko na. "Miss? Puwede bang palit tayo ng seat number? Samahan ko lang ang mag-ina ko," pakiusap niya habang nakahawak sa dibdib.
"Baka magalit ang flight attendant," sagot ng babaeng mukhang nasa 40+ na ang edad.
"I'll refund your ticket," sabi ni Jael. "Just let me seat with my family."
"Sir?" tawag ng isang flight attendant na lumapit.
"Puwede po bang makipagpalit? Nandito kasi ang mag-ina ko," pakiusap ni Jael.
"Puwede naman po," magalang na sagot nito. "Pero depende na lang po kay Ma'am kung papayag siya."
Hinarap niya ulit ng babae ang katabi ko. "Please Ate, kailangan kasi ako ng anak ko. Nasa tabi ng bintana naman po ang ticket ko."
"Okay lang," sagot ng babae saka tumayo.
"Thank you so much," laking pasalamat ni Jael saka tumabi sa akin.
Inayos na niya ang seatbelt saka humingi ng tubig sa dumaang flight attendant.
Nang lumipad na ang eroplano, sila na lang ni Jailo ang nag-uusap hanggang sa makatulog ang bata. Sinubukan kong matulog pero nahirapan lang ako dahil kay Jael. Panay ang galaw nito na para bang may sasabihin pero wala namang lumalabas sa bibig niya.
I know he's staring at me pero hindi ako dumidilat. For what? Marami pa kaming time na makapag-usap.
"Hindi mo ba isasama si Hapon?" tanong niya pero kunyari ay hindi ko narinig dahil tulog ako. "I know you're awake, Kyl."
"Wala akong boyfriend," sagot ko na nakapikit pa rin. He chuckled.
"Sabi mo si Hapon."
"May sinabi ba ako? Or nag-assume k lang na siya ang boyfriend ko?" sagot ko.
"Pero--" Narinig ko ang malalalim na buntonghininga niya. He'so nervous. "Sabi mo may boyfriend ka. Na may iba ka na."
"Di pa naman kami nag-break ng tatay ng anak ko so officially, kami pa rin," sagot ko.
Isang mahabang katahimikan ang namayani kaya napadilat ako. Titig na titig siya sa akin na para bang iniimbistigahan ako.
"H-Hindi ka nagbibiro, 'di ba?"
"Why should I, Jael?"
"Kyl--" Hinawakan niya ang kamay ko. Gusto kong matawa. Ang lamig ng mga kamay niyang nanginginig. "Tayo pa rin ba?"
"Nag-break na ba tayo?" baliktanong ko kaya napanganga siya.
"Yes!" malakas na sigaw niya kaya nagising si Kael pati na rin ang ibang pasahero. "Kami pa rin!" masayang sabi ni Jael. "Hey! Kami pa rin daw!" anunsiyo niya sa ibang pasahero kaya uminit ang magkabilang pisngi ko.
"Congrats!" sabi ng bakla na maingay kanina.
"Congrats!" nakangiting sabi rin ng iba.
"T-Thank you. Thank you," naiiyak na pasalamat ni Jael.
"Wow! Pakain ka naman," biro ng isang pasahero.
"Sure," pagpayag ni Jael at tinawag ang flight attendant. "Miss? Anong meron kayo? May cake ba? Ice cream? Wine? Bigyan mo nga ang lahat ng pasahero ng gusto nilang kainin at inumin."
"Wow! Sure ka?" manghang tanong ng isang pasahero.
"Oo naman," sabi ni Jael at itinaas ang naka-holding hands naming mga kamay. "May rason para mag-celebrate tayong lahat."
"Sir?" tawag ng flight attendant na nilapitan ng lalaki niyang kasama.
"Sure po ba kayo, sir?" panigurado ng lalaki kaya tumango si Jael.
"Akong bahala," sabi ni Jael kaya hinayaan ko na. Natuwa siya e.
"Sure po kayo?" tanong ulit ng crew. "Sir, pasensiya na po. Protocol lang, kailangan po namin ng assurance. May card po ba kayo o cash?"
Ang ibang pasahero ay medyo nagdududa na.
"Card," sagot ni Jael saka kinuha ang card at inabot sa babaeng flight attendant. Sinamahan na rin niya ito ng valid ID niya.
"S-Sorry, sir," paumanhin ng isang flight attendant at isinauli kay Jael ang card sabay siko sa kasama niyang lalaki.
"Okay lang," sagot ni Jael. "Guys, lahat ng pasahero ngayon, libre ko na rin ng pamasahe. Ire-refund po ang ticket ninyo," anunsiyo ni Jael kaya napailing ako. Wala na talaga. Nasobrahan na talaga siya ng tuwa. Kapag malaman 'to ni Tito Dylan, patay talaga 'to si Jael.
"Sure ka?" pabulong na tanong ko. Baka pati ako madamay.
"Yes," sagot niya at hinalikan ang kamay ko.
"Magagalit daddy mo."
Ngumiti siya. "Ako na ang may-ari nitong airlines," sagot niya. "Iniwan na ni Daddy sa akin dahil ako na lang daw ang hindi busy sa asawa."
Alam kong nagsasabi siya ng totoo kaya no comment na ako. Ayun, tuwang-tuwa ang mga pasahero lalo na ang factory workers dahil malaki rin ang ticket na binayaran ng company nila.
Masaya ang naging biyahe namin dahil may pa-program ang mokong. May pa raffle pa nga siya at namigay ng bagong gadgets na available sa eroplano.
Paglapag, sabay na nagpasalamat sila kay Jael at naglista ng bank account para sa refund ng ticket.
Sumakay kami sa sasakyan nagsundo sa amin. Alam na ng driver kung saan kami ihatid.
"Hindi ako makapaniwalang hindi tayo nag-break," sabi nito.
"Maniwala ka," sabi ko.
Napasulyap siya sa unahan. Nanlaki ang mga mata niya habang nakatingin sa akin nang papasok kami sa villa ng mga Lacson.
"K-Kyl--" Hindi na niya natuloy ang sasabihin nang tumigil kami sa tapat ng bago at kakagawang bahay.
"Sabi ni Tita Hael, nagpagawa ka na raw ng bahay para sa atin," sabi ko at lumabas na.
Mabilis na bumaba rin siya at niyakap ako. "K-Kyl, hindi mo lang alam kung gaano ako kasaya," umiiyak na sabi niya at hinigpitan ang yakap. "I love you."
Napatingala ako sa langit habang yakap niya ako at hawak ko rin ang kanang kamay ni Jailo.
" Baby Jelai, alam kong nakikita mo kami ngayon.
Sigurado akong masaya ka para sa amin ng daddy ko. Look oh, napatawad ko na siya kahit na alam ko namang wala siyang kasalanan." sabi ko sa isip dahil alam kong nakikita kami ng anak naming nasa heaven.
"Ang meeting, hindi 'yon totoo, right?" may hinanakit sa boses niya. Natawa ako.
"Hayaan na nga. Ang mahalaga okay tayo," masayang sabi niya at inakbayan ako. "Matagal na kitang hinihintay."
Alam nina Tita Hael ang lahat kaya pinapunta nila sa Japan. At habang nandoon ito, inayos na nila kahapon ang lilipatan namin na pinagawa ni Jael. Actually, ready for occupancy naman daw kaso nilinis lang nila at pinalitan ang bedsheets.
Naging loyal siya kahit na wala ako. Alam ko ring puro business ang inaatupag niya. Tama nga sila, time heals the wound. Nandoon din ang parents ko na nagbibigay payo sa akin. Hindi ko na ipinaalam sa kanila ang nangyari sa nakaraan kasin hindi naman nila iyon maintindihan. Ang sabi ko lang, pinaimbestigahan ko ang nakaraan ng nanay ko at ayun, napag-alaman ko na konektado siya kina Lila at kami ang tagapagmana ng lahat ng ari-arian nila.
Mahirap magpatawad pero kailangan. Ang pagkakamali ng mga magulang ay hindi na dapat idamay pa ang mga anak nito. Mabubuting tao ang mga Lacson lalo na kapag makilala mo sila nang lubusan. Siguro maliban kina Jael at Tita Hael, hindi na nila alam ang kanilang madilim na nakaraan bago pa sila tuluyang yumaman. Pero kung tutuusin, si Patch ang magaling. Sa kaniya nagsimula ang tunay na henerasyon ng mga Lacson at hindi sa ama nila ni Lee.
"Pasok na tayo," yaya ni Jael kaya nagpatangay ako sa kaniya.
"Magiging masaya na ang bahay na ito kasi nandito na kayo. Buo na ulit tayo," sabi niya na hindi na mapalis ang ngiti sa mga labi.
"Wow! Motorbike!" bulalas ni Jailo at tumakbo palapit sa brand new black motorbike.
"Mahilig pala siya sa motorbike," ani Jael.
"Apo nina Patch at Lila eh," sabi ko.
Niyakap na naman niya.
"Thank you, Kylie. Pangako, papakasalan kita. Sorry talaga kung wala akong nagawa para baguhin ang lahat."
"Wala kang kasalanan. Lahat tayo ay dapat walang alam," sagot ko. Mas okay na sana kapag hindi na namin matuklasan ang lihim ng iba.
"Thank you sa second chance."
Sa unang pagkakataon after ng mahabang taon, niyakap ko si Jael. I miss him so much. Ang tagal kong nangulila sa kaniya. Lumayo lang ako dahil gusto kong ibigay sa kaniya ng buo ang tiwala at sarili ko.
"I love you, Kylie," bulong niya saka hinalikan ako sa ulo.
"I love you too," sagot ko at isinubsob ang ulo sa malapad niyang dibdib. Ngayon alam ko na kung saan ang tunay kong tahanan, in his arms.
"Promise me, hindi mo na ako iiwan," pakiusap niya kaya tumingala ako sa kaniya habang nakayakap pa rin sa bewang niya sapat lang para magkasalubong ang aming mga mata.
"I promise," sagot ko.
Mahirap na kalaban pero masarap mahalin ang mga Lacson!
"Mom?" tawag ni Jailo kaya nagkahiwalay kami ni Jael.
"Yes, baby?"
"I dreamt I was riding a motorbike!" masayang sabi nito.
"That's great," sabi ko. "Let's come inside."
Pumasok kami sa loob ng bahay. Namangha ako sa interior design. Sinauna pero ang classy tingnan.
Napatingala si Jael sa malaking painting na nasa sala. Malaking frame nina Lolo Lee at Lola Patch.
"She's pretty, right?" tanong ni Jael kaya tumango ang anak namin saka tumingala sa amin.
"...And she was wearing a mask," ani Jael.
"No, hindi siya nakamaskara. She has a mask but she's not wearing it," natatawang sabi ni Jael na nakatitig sa  frame.
"But I saw it," nakalabing sabi ni Jailo.
"Saw what?" sabat ko.
Umiling si Jailo.
"Halina kayo sa taas," yaya ni Jael kaya sumunod kami ni Kael. Ito na ang bago naming tahanan at dito na kami bubuo ng masayang alaala kasama ang aming pamilya.
Sino ang mag-aakalang muling pagtagpuin at pagkaisahin ang pamilya nina Patch at Lila? Pero kung ito talaga ang nakatadhana, sino ako para talikuran at tanggihan ito?

-------------------THE END----------------------

A/n;

Thank you po sa lahat ng nag-abang at nagbasa kung meron man...😅😅😅😅



The Rich SlaveWhere stories live. Discover now