6

762 39 0
                                    


THE RICH SLAVE

by: sha_sha0808 Ash Simon

CHAPTER 6

Unedited...
Patungo ako sa labas nang makita kong makakasalubong ko si Jael kaya mabilis na tumalikod ako at iniba ang direksyon.
"Uy, umiiwas," tukso niya kaya naikuyom ko ang mga kamao ko.
Sa kusina ako dumiretso para uminom ng tubig dahil biglang uminit ang ulo ko kay Jael. Binuksan ko ang ref at kumuha ng malamig na tubig saka nagsalin sa baso.
Isasara ko na sana ang ref matapos kong ibalik ang tubig nang may kamay na sumara mula sa likuran ko. Ayaw kong humarap dahil nakulong na ako ng mokong.
"Ba't ka umiiwas?" tanong niya. Napapikit ako nang maramdaman ang mainit niyang hininga sa batok ko.
"Hindi kita iniiwasan. Sadyang nauuhaw lang ako," tanggi ko.
"Di ba gusto mo mag-race?" tanong niya na walang balak umalis sa likuran ko.
"So?"
"I can help you," sabi niya.
"Huwag na," tanggi ko. Panigurado, setup na naman 'to.
"Seryoso ako, Kyl," aniya.
"What made you think na tulungan ako?" tanong ko.
"Trip ko lang. Isa pa, gagawin mo lang ang assignment sa Algebra para patas na tayo," sabi niya. "Banned ka sa racing field kaya ako ang bahala."
"So? Ang Algebra pala ang rason, huh?" sabi ko. Sarap sikuhin.
"Anong ginagawa ninyo?"
Bigla siyang lumayo nang magsalita si Collaine.
"Wala. Nakita mo namang nag-uusap, 'di ba?" pagsisinuplado niya sa kapatid.
"Hindi kaya," nakangusong sabi ng bata.
Bumalik ako sa mesa at ininom ang tubig dahil mas lalong nanuyo ang lalamunan ko.
"Tsismosa ka talaga. Doon ka na nga sa labas," pagtataboy ni Jael.
"Sumbong kita kay Mommy, inaaway mo na naman si Ate Kylie," sabi ng bata at tumakbo palabas ng bahay. Buti pa si Collaine, mabait. Samantalang itong si Jael, kabaliktaran ang ugali.
"Gusto mong makipag-race? Sama ka sa akin," yaya niya na palapit sa akin.
"Anong binabalak mo?" tanong ko at tumingala para salubungin ang mga mata niya.
"May binabalak agad? Hindi ba puwedeng gusto lang kitang tulungan? Isa pa, kulang kami ng kasamang babae," sagot nito na ikinataas ng isang kilay ko. "Seriously," dagdag pa niya. "Si Baby E, kailangan namin siyang matalo."
"Bakit mo tatalunin ang pinsan mo?" nagdududang tanong ko.
"Pride," sagot niya. "Kilala mo siya at nakalaban na. Walang nakakatalo sa kaniya and this time, nagbabalak kaming magkaroon ng relay games ang malalakas na team."
"Bakit relay?"
"Kasi hindi namin siya matalo kapag individual. Kapag relay, at least we have a bigger chance na matalo siya by team," paliwanag nito. "And we need you in our team."
"Why me? Maraming magagal--"
"Ikaw lang ang makakapantay sa bilis niya, Kylie. If it's not you, then who?"
Napaisip ako. Mabilis ba ako? No, wala pa ring makakapantay sa bilis ng babaeng 'yon pagdating sa race. I must say na napapantayan ko siya pero sa umpisa lang. Habang patagal at palayo ang tinatakbo namin, lumalaki rin ang gap naming dalawa.
"Just in case na magbago ang isip mo, you can use the ducati and sports car sa labas," sabi niya at may dinukot sa bulsa. "Here's the keys."
Kinuha niya ang kaliwang kamay ko at inilagay ang susi. "Don't worry, aware sina Mommy na gagamitin mo iyon."
Umalis na siya. Sinundan ko siya ng tingin saka napayuko at napatingin sa susing hawak. Naikuyom ko ang kamao at idinala sa dibdib saka napapikit. Magre-race ako? At ka-team ko ang ibang Lacson? Exciting! Kaso ka-team ko rin si Jael. Hindi ba kami matatalo dahil sa kahambugan niya?
Lutang ako sa buong maghapon hanggang sa gumabi na at tumulong ako sa paghanda ng pagkain. Nakikain din ako kasama ng pamilya at iyon na nga, sinabi ni Tita Hael na puwede ko raw gamitin ang extra ducati at sports car sa garahe dahil wala naman daw gumamit ng mga 'yon. Siyempre itinago ko ang tuwa.
Nasa pasilyo na ako pabalik sa kuwarto ko nang humarang si Jael sa akin na may bitbit na helmet.
"May laban kami ngayon, baka gusto mong sumama?"
"Sino makakalaban ninyo?" tanong ko.
"Malalakas," tipid na sagot niya saka nilagpasan ako kaya ipinagpatuloy ko ang paglalakad.
"Siya nga pala, we only have one hour left para sa race this night," sabi niya saka bumaba na.
Pumunta ako sa kuwarto ko at naupo sa kama.
" Pupunta ba ako?" tanong ko sa sarili. Legit 'to. Naniniwala akong hindi magsisinungaling sina Tito Jacob para lang sa kalokohan ng anak.
Napatayo ako. "I can do this!"
Dali-dali akong nagpalit ng damit at bumaba sa hagdan saka patakbong tumungo sa parking lot. Damn! May oras pero aabot pa kaya?
Unang nahagip ng mga mata ko ang sports car kaya agad akong pumasok at pinaandar.
Nang bumukas ang gate, pinaharurot ko ang sasakyan patungo sa racing field. Sa Tagaytay pa iyon pero aabot pa kaya ako? Kung sabagay, hindi naman traffic.
Pagdating sa field, ang dami nang tao sa palibot.
Bumaba ako sa sasakyan at patakbong lumapit sa naglilista.
"Yes, Miss?" tanong niya.
"T-Team lang nina Jael," hinihingal na sabi ko.
Hinanap niya sa listahan.
"Ah, sige. Bayad ka na. Sa pangatlong linya sila," sabi nito kaya tumango ako at bumalik sa sasakyan.
Malapit na ako sa sports car nang may humarang sa daan ko.
"So? Ikaw pala ang makakasama ng mga Lacson?" sabi niya at pinasadahan ako ng tingin mula ulo hanggang paa.
"Bakit?" tanong ko at tinitigan din siya mula paa hanggang ulo.
"Good luck! Hindi mo kami kaya!" sabi nito.
"Tingnan natin sa laban," pagtataray ko rin saka nilagpasan siya.
Saktong pagkasakay ko at pagpila sa linya, saka naman naghudyat na magsisimula na ang laro.
Biglang tumunog ang go signal kaya nagsimulang umugong ang buong sasakyan kasabay ng hiyawan ng lahat.
Great! Nang makuha ko ang flag na ipinasa sa akin, agad kong pinaharurot ang sasakyan para habulin ang nauna nang kaunti sa akin. Ang gaan ng manibela, para akong lumilipad habang nagmamaneho hanggang sa naunahan ko siya at ipinasa ang hawak na flag sa susunod na kasama.
Natigilan ako nang mamukhaan siya bago magpaharurot ng sasakyan. Sino ba ang makalimot sa mukha niya? Alam kong mas bata siya sa akin pero matangkad lang at malaki na ang pangangatawan. He was the guy in my dreams.
Natapos ang laban, second place lang kami pero hindi na masama. Mabilis ang finishing ng kabilang team.
"Nice car." Napalingon ako sa lalaking palapit sa akin.
"Thanks. Nice game," sagot ko.
"Magkakilala pala kayo ni Jael," sabi nito.
"Oo. Siya ang nag-invite sa akin," sagot ko habang nakatitig sa mukha niya. Bago pa man kami magkita ngayon, napanaginipan ko na siya. Yes, hindi ako puwedeng magkamali, siya nga ang lalaki sa panaginip ko noong isang gabi.
"How old are you na ba? Mukhang bata ka pa," tanong ko. Tumawa siya.
"Fourteen," sagot niya kaya nanlaki ang mga mata ko. Ngumiti siya. "Ayaw mong maniwala?"
"Medyo," honest na sagot ko.
"Maiwan na muna kita, may pupuntahan pa ako," paalam niya saka tumakbo palayo. "See you nextime!"
Hindi ako makapaniwalang bata pa siya. He looks 18 years old. Siguro dahil matangkad siya.
Sumakay na ako at lumabas bago pa abutin ng umaga. Ngunit hindi pa ako nakakalayo sa gate nang may mga lalaking humarang sa daan ko at may dalang baseball bat at mga pamalo.
Sumenyas ang isa na bumaba ako pero hindi ako makagalaw. Paano kung paglabas ko, sasaktan nila ako? Paano kung maulit ang nangyari sa akin noong isang taon?
"Kyah!" Napatili ako nang hampasin nito ang unahan ng sasakyan kaya napilitan akong bumaba.
"Wow, ang ganda ng sasakyan mo ah! Amin na lang 'yan," nakangising sabi ng isang may mahabang balbas pero makinis ang balat nito.
"H-Hindi ho sa akin 'to e. Hiniram ko lang," natatakot na sabi ko. Patay ako kay Jael kapag manakaw ang sasakyan ng pamilya nila
"'Tol? Ang mga asirho!" sabi ng isa kaya lahat sila ay napatingin sa grupong papalapit sa amin. Nasa gitna nila ang guwapong binatilyong nakausap ko kanina. Asirho. Ibig sabihin, ka-brod nila si Jael?
"Lubayan ninyo siya," walang kabuhay-buhay na sabi nito. Jeez! I forgot to ask his name.
"Ayaw namin," nakangising sabi nitong katabi ko at hinawakan ako sa kanang braso.
"So be it!" sabi ng asirho at sabay na sumugod.
"Oh shit!" bulalas ko at tumakbo pero hinabol ako nitong may balbas at ng iba pa niyang kasamahan. Ang malas ko naman! Ako pa ang napagtripan nila. Takbo lang ako nang takbo. Nilingon ko sila at sobrang lapit na nila. Maaabutan nila ako.
"Aray! Ouch!" daing ko nang bumagsak nang mabunggo ako sa matigas na pader.
"Subukan ninyong saktan siya at ito na ang huling paghinga ninyo sa mundo!" galit na sabi ng nasa unahan ko kaya napatingala ako.
"J-Jael?" bulalas ko nang mapagtantong hindi naman talaga pader ang nabunggo ko kundi siya.
"Tumakbo ka na," sabi niya.
"Pero--"
Hindi ko na natuloy nang sumugod ang mga kalaban at pinagtulungan si Jael. Magaling si Jael sa karate kaya nakakaisang tama lang siya sa dalawa at tumba agad.
"Tumakbo ka na, babae!" Utos niya habang hinahanda ang sarili.
"P-Pero marami sila, Jael," natarantang sabi ko nang makitang paparating ang mga kasamahan ng nakalaban niya.
"Look, kailangan mo nang umalis bago ka pa madamay sa gulo! Frat war na 'to!" sabi nito kaya napalunok ako ng laway.
"S-Salamat," atubiling sabi ko saka mabilis na tumakbo pabalik sa racing car. Ang daming nagsusuntukan at nagpapaluan gamit ang baseball bat pero sinubukan kong huwag madamay sa gulo. Ang ingay na ng paligid. Bakit hindi ganito kahigpit ang seguridad ng racing field? Nasaan na ang mga bantay ng Lacson?
Nang makapasok ako sa sasakyan, agad kong pinaandar pero ayaw gumana.
"Shit!" daing ko nang makita ang tatlong lalaking galit na palapit sa akin. "Oh n-no, no, no!"
Pinaghahampas ko na ang manibela at sinubukang i-start kahit na nanginginig ang mga kamay pero ayaw pa rin.
"Ano ba! Gumana ka!" daing ko at napatingin sa pintuan nang may kumalampag at pilit na binubuksan. Naririnig ko na ang malakas na heartbeat ko. Paano kung may baril sila? Paano kung mapahamak na naman ako?
"God? Please save me," panalangin ko. Biglang bumukas ang pinto ng sasakyan kaya natatakot na napatingala ako sa bumukas.
"Ba't ganiyan ang mukha mo?" nakakunot ang noong tanong niya.
"J-Jael," naiiyak na usal ko.
Tumawa siya. "Bakit ganiyan ang mukha mo? Para kang timang. Don't tell me, hindi ka marunong magmaneho?"
"Ayaw umandar e. Sakay ka na nga. Baka mapahamak ka pa," sabi ko.
Tumawa siya. "Pinagsasabi mo? Bumaba ka na nga. Paano aandar ang sasakyan e wala pang gasolina 'yan? Baba na. Kakain na raw tayo sabi ni Yaya. Inumaga ka na riyan."
"H-Ha?" Napasilip ako sa labas. Maliwanag na ang paligid at nandito pa rin ako sa mansion ng mga Lacson.
"Oh? Ano pa ang tinutunganga mo riyan? Hindi mo na nga kami sinipot sa race, ginawa pa ako ni Mommy na katulong para hanapin ka," reklamo niya.
"S-Sorry," paumanhin ko saka wala sa sariling bumaba sa sports car. Bakit? Anong nangyari?
Napalingon ako sa sports car at muling iginala ang paningin sa paligid. Tama, nasa bahay talaga ako nina Jael at walang rambulang nagaganap. Ang tahimik ng paligid at ne walang isang bakas ng gulo. Pasimpleng kinurot ko ang kamay ko.
"Ouch," daing ko. Totoo ang lahat ng nasa paligid ko. Ibig sabihin, panaginip lang ang nangyari kanina? Pero bakit parang totoo? Biglang nanayo ang balahibo ko. Sobrang weird ng panaginip ko. Ang lugar at ang mga tao kanina, parang totoo sila.




The Rich SlaveWhere stories live. Discover now