24

531 28 0
                                    

THE RICH SLAVE

by: sha_sha0808 Ash Simon

CHAPTER 24

[Kylie POV]

"Salamat po," pasalamat ko sa taxi driver matapos iabot ang pamasahe at bumaba sa taxi niya. Bukas ang gate kaya dali-dali akong pumasok.
"Good afternoon po," masiglang bati ng katulong.
"Si Lila?" tanong ko.
"Sa loob pa po, ma'am."
"Salamat," pasalamat ko sa katulong saka malalaki ang hakbang na pumasok sa loob ng bahay. Kailangan kong mag-ingat dahil baka madapa ako. Nangako pa naman ako kay Jael na iingatan ko ang baby namin. Okay, mahal ko ang Jael sa mundong ito at responsible father naman siya sa real world.
"Hija, kumusta?" nakangiting bati ni Tito.
"Hello po, magpapaalam lang kay Lila," magalang na sagot ko.
"Sa kuwarto niya."
"Sige po." Tumakbo na ako patungo sa silid ni Lila.
"Kylie? Ba't nandito ka?" tanong niya at niyakap ako. Saktong papalabas na siya nang kumatok ako. Ang ganda niya sa off shoulder na white dress at bumagay sa kaniya ang kumikinang na necklace sa leeg niya.
"Lila? You need to hide," natatakot na sabi ko at palinga-linga sa paligid.
"Hey? Why should I? Aalis na kami ngayon," natatawang tanong niya. "Bakit parang namumutla ka? Baka manganak ka na."
"N-No," tanggi ko at hinawakan ang mga kamay niya. "Listen, Lila. Kailangan mong magtago. Anytime, papatayin ka nila." Natarantang sabi ko.
"Pinagsasabi mo? Sinong sila?" naguguluhang tanong niya.
"Please, listen to me. Aalis na tayo," sabi ko at hinawakan ang kamay niya. Sa backdoor na lang kami dadaan.
"W-Wait, Kylie--"
Bang! Bang!
Natigilan kami pareho nang marinig ang sunod-sunod na putok sa labas ng bahay.
"Dear? W-What happen?" natarantang tanong ni Tita na lumabas sa kuwarto.
"Come on, Lila. Kailangan mong magtago at tumakas," sabi ko saka hinila siya palabas ng silid.
"S-Sina Mommy?" naiiyak na tanong niya nang marinig ang pagkabasag ng salamin sa labas ng bahay.
"Let's go!" mahina pero madiing yaya ko.
Palabas na si Tito sa sala pero napaatras siya nang may apat na armadong lalaki na papasok sa bahay at nakatutok ang baril sa ulo niya. Armado sila at may takip ang mga mukha at naka-gloves din. Tanging mga mata lang ang nakikita namin sa kanila.
"S-Sino kayo? Ano k-kailangan ninyo sa akin?" tanong ni Tito habang nakataas ang mga kamay.
"H-Huwag ninyo kaming patayin," pakiusap ni Tita na nasa likuran ni Tito.
"Come here," bulong ko saka hinila si Lila patungo sa backdoor.
"S-Sina Dad--"
"Sssh," bulong ko saka maingat na lumapit sa pinto kahit na sobrang lakas ng pagkabog sa dibdib ko. Natatakot ako.
"Nasaan ang dokumento?" dumadagundong ang boses na tanong ng isang lalaki.
"Anong--" Tito.
"Lahat ng listahan ng business ninyo, nasaan?"
"W-Wala--aw!" daing ni Tito nang hampasin siya sa ulo.
Maingat na binuksan ko ang pinto pero napaatras ako nang may dalawang lalaking nakatayo sa labas ng pinto at nakatutok ang baril sa amin ni Lila.
"At saan kayo pupunta?" Kahit may takip, alam kong nakangisi ito. "Hey, buddy. May dalawa pang babae rito."
Napatingala sila sa amin.
"H-Huwag ang anak ko," pakiusap ni Tito.
"D-Dad!" umiiyak na tawag ni Lila saka tumakbo pababa ng hagdan para puntahan ang mga magulang.
"Pasok!" sabi ng lalaki sa akin at tinulak ako.
"H-Huwag ho ninyo akong saktan, b-buntis po ako," pakiusap ko.
"Pasok sabi!" sigaw nito kaya nataranta akong sumunod sa kanila. Pinababa nila ako at dinala sa sala. Magkatabi kaming apat sa mahabang sofa at si Lila ay iyak nang iyak.
"P-Pakawalan ninyo ang anak namin," pakiusap ni Tita. "Lahat ng gusto ninyo ay ibibigay namin pero huwag ninyong idamay si Lila rito."
"Lahat ng documento ay nasaan?" tanong ng pinakamatangkad sa kanila.
"N-Nasa safety box sa kuwarto namin," sagot ni Tito saka niyakap si Lila. "It's okay, baby."
"I-I'm scared," humihikbing sabi ni Lila.
"It's fine," bulong ni Tito. Napahawak ako sa tiyan ko. Wala naman sanang masamang mangyari sa kaniya.
"Nasaan ang iba?" tanong ng pinakamatangkad. Ang iba ay hinalughog ang buong kabahayan at kinuha ang mga alahas.
"N-Nasa safety box lang," sagot ni Tito.
"Ang iba?"
"Doon lang," ani Tito. Hinawakan ko ang nanlalamig na kamay ni Lila.
"K-Kyl, I'm scared."
"Me t-too," sagot ko. Hindi para sa sarili ko kundi para sa baby na nasa sinapupunan ko. Sana sinunod ko na lang si Jael.
"Tingnan namin. Kapag wala roon, lahat kayo papatayin ko!" pagbabanta ng lalaki at iniwan kami. Napasulyap ako sa labas, ang daming armadong lalaki kaya hindi kami makakatakas.
"D-Dad--"
"Listen, Kylie," sabi ni Tita at hinarap kami. "If you survive, may savings pa tayo sa China. Sa national bank nila, nakapangalan pa sa 'yo ang mga iyon. May safety box sa underground ng resort natin sa Japan, nandoon ang lahat ng papers ng business sa Japan, your name is the password."
"B-But mom?"
"P-Please, kailangan mong maka-survive," luhaang sabi ni Tita na bakas ang takot sa mga mata.
"Whoever did this, malalagot sila sa akin!" sabi ni Tito at naikuyom ang mga kamao. Pababa na ang mga ito at bitbit ang mga papeles.
" Nakuha na ninyo gusto ninyo, puwede na kayo alis sa bahay ko," sabi ni Tito habang yakap ang asawa. Nagmamatapang-tapangan lang siya sa harap ng mag-ina niya para mawala ang takot namin pero naduduwag pa rin ako sa mga posibleng mangyari.
"So paano 'yan? Wala kaming isang salita," nakangising sabi nito at itinutok sa ulo ni Tito ang mahabang baril kaya natigilan ako.
"P-Please, please, maawa kayo," pakiusap ni Tita.
Ban g! Bang!
"Daaaad!" malakas na tili ni Lila nang barilin nila sa ulo si Tito. Hindi ako makakilos nang tumalsik pa sa amin ang dugo niya. Para akong natanggalan ng hangin sa baga, I can't breathe.
"Jael," hiyaw ng utak ko. "Please save me, Jael."
"No!" sigaw ni Tita saka tumayo. "Hayop kay--"
Bang! Bang! Bang!
Pareho kaming nanigas ni Lila nang walang habas na pagbarilin nila si Tita kahit na nakahandusay na. Nanginginig pareho ang mga kamay namin ni Lila. Takot, pagkabigla at pangamba.
"M-Mom," mahinang usal ni Lila habang nakatitig sa wala nang buhay na ina.
"Ikaw!" sabi ng lalaki saka hinila patayo si Lila saka itinulak pahiga sa center table dito sa sala. "Ang ganda mo ah."
"K-Kuya, parang awa na n-ninyo," umiiyak na pakiusap ko. "H-Huwag ninyo kaming saktan."
Kahit na takot ako, nanunuot pa rin ang lansa ng dugo sa ilong ko. Nasa paanan ko na ang dumadaloy na dugo ni Tita.
Tulala si Lila habang hinuhubaran siya. Wala siya sa sarili at tanging mga luha sa kaniyang mga mata ang nagbibigay ng isang emosyon- Kalungkutan.
"K-Kuya, huwag," pakiusap ko nang naghubad ng damit silang lima.
"Mabilisan lang 'to, pare," nakangising sabi ng isa at pumaibabaw sa hubad na katawan ni Lila. Napapikit si Lila at iniinda ang sakit.
"H-Huwag," hiyaw ko nang hawakan ako ng isa para patayuin sana. "L-Santos-Lacson ang ama ng dinadala ko," sabi ko kaya natigilan sila.
"L-Lila," usal ko nang magsalubong ang mga mata namin ni Lila habang nakahiga siya sa table.
"H-Help me," usal niya. Wala na siyang lakas at hinahayaan ang lalaking parang demonyong nasa ibabaw niya.
"T-Tama na," pakiusap ko nang umalis ang isa at pumatong na naman ang isa. "P-Parang awa niyo na po," umiiyak na pakiusap ko pero pinipigilan ako ng lalaking sa tabi ko na lumapit.
Iyak ako nang iyak na hindi makatingin kay Lila. Diyos ko, alam kong kailangan niya ako. Alam kong double ang sakit na nararamdaman niya ngayon kaysa sa akin. Ang sakit sa dibdib pero wala akong magagawa dahil sa lalaking pumipigil sa braso ko.
"Ako naman!" sabi ng isa. Nagtatawanan pa sila kaya mas lalong tumulo ang mga luha ko. Kung puwede ko lang siyang dalhin sa kasalukuyan para mailigtas, gagawin ko.
"Tayo na, magigising na ang mga kapitbahay. Mawawala na ang bisa ng inhaler," anunsyo ng nasa labas. Ibig sabihin, pinatulog nila ang mga kapitbhay?
Tumayo sila at walang bakas na iniwan.
"L-Lila," sabi ko saka tumakbo palapit sa kaniya saka pinaupo siya at niyakap. "Oh g-ghad, I'm s-sorry. I'm so sorry."
"T-Tumakas ka, K-Kyl," nanghihinang sabi ni Lila saka hinaplos ang likod ko. "I-Iligtas mo ang sarili mo."
"H-Hindi kita iiwan," sabi ko at tinulungan siyang tumayo.
"K-Kailangan mong mabuhay, p-para sa akin, Kyl."
"N-No, please Lila, mabubuhay ka," natarantang sabi ko pero napasigaw ako nang may humatak sa kaniya palayo sa akin.
"Masarap ka, bata!" sabi ng lalaki habang hawak sa buhok ang nanghihinang katawan ni Lila na nakaharap sa akin. Kinuha niya ang kutsilyo sa bulsa.
"A-Anong gagawin mo?" natarantang tanong ko nang itaas niya ang patalim. "K-Kuya, huwag po," pakiusap ko.
"Ackk!" daing ni Lila nang walang habas na gilitan niya ito sa leeg. Hindi ako makagalaw. Kahit ang mga labi ko ay nanginginig sa sobrang takot.
"Lilaa!" malakas na sigaw ko at napatutop sa bibig nang matauhan. "Oh God, no, n-no!"
Nakatingin si Lila sa akin habang umaagos ang dugo mula sa leeg niya at humalo sa kinang ng perlas at diyamanteng nasa leeg niya at ang kinang ay paunti-unting nabalot ng dugo ni Lila.
"Pasensiya na, bata. Pero wala kaming ititirang ebidensiya," paumanhin ng lalaki at humarap sa akin kaya napaatras ako at napahawak sa sinapupunan ko. No!
---------------------------------

[Jael POV]

Agad akong bumangon at tumakbo palabas ng unit saka dumiretso sa parking lot.
Bubuksan ko na sana ang pinto ng sasakyan ko nang may tumawag sa akin.
"Daddy!" masayang sabi niya.
"J-Jelai," sabi ko saka nilapitan siya at niyakap. "Thanks God, you're okay."
"Dad? I miss you," sabi niya saka niyakap ako.
"I miss you too," sabi ko. "M-Mommy Kylie mo?"
"Pumunta po kina Tita Lila," inosenteng sagot niya.
"Damn!" sabi ko na mas lalong nagpabilis ng kaba ko. "Maiwan muna kita."
"Okay po," sabi niya. Alam kong may iniinda siya pero sinusubukan niyang maging okay sa harapan ko.
Nakailang hakbang na ako nang tumigil ako sa paglalakad at nilingon siya. Nakatingin siya sa akin kaya muli ko siyang binalikan at lumuhod sa harapan niya at niyakap siya.
"I love you, Jelai. Please be careful. P-Promise me, aalagaan mo ang sarili mo," pakiusap ko. Hindi ko na napigilan ang mga luha ko. "L-Love ka namin ng Mommy Kylie mo."
"T-Thank you po sa love, Daddy. L-Love ko rin po kayo ni Mommy," sagot niya saka niyakap ako. "S-Salamat po sa pagmamahal."
"Hold on, b-baby. Kumapit ka kay Mommy."
Kumalas siya sa pagkakayakap saka nginitian ako.
"S-Sapat na po sa a-akin na makita at maramdamang mahal ninyo ako kahit na--" Umagos ang mga luha sa kaniyang mga mata. Mapait na ngumiti siya. "H-Hindi ko na masisilayan ang mundo," she added.
"N-No!" malakas na sigaw ko saka mahigpit siyang niyakap. "Don't worey, baby. D-Daddy will save you."
Tumayo ako. "Babalikan kita, pakiusap, kumapit ka kay M-Mommy."
Dali-dali akong sumakay at pinaharurot ang sasakyan patungo kina Lila.
"Shit!" bulalas ko nang makita ang mga armadong lalaki sa loob ng bakuran nila.
Tumakbo ako papasok.
"Hoy!" tawag ng isang lalaki. Lahat sila ay nakatutok ang baril sa akin. Nasa pintuan na ako nang bumukas ang pinto.
"J-Jael," luhaang sabi ni Kylie at tumakbo palapit sa akin.
"Punyeta! Paano nakapuslit 'yan?"galit na tanong ng lalaki habang binubuhusan ng gasolina ang paligid. Napasulyap ako sa itaas ng bahay, may apoy sa bawat kuwarto. Napalunok ako ng laway nang makita ang buong pamilya ni Lila na nakahandusay sa sala at naliligo sa sariling dugo. Si Lila, walang damit at tumatagas ang dugo mula sa leeg niya.
"K-Kyl," sabi ko habang sinasalubong siya.
"Patayin na 'yan!" sigaw ng isa.
Bang!
Natigilan ako nang may pumutok kasabay ng pagkayakap ni Kylie sa akin.
"K-Kyl," bulong ko nang maramdaman ang likidong tumutulo sa likod niya. Parang mga hayop na binabaril nila kami pero bago pa man tumama ang bala sa katawan namin, hinigop na kami ng isang nakakasilaw na liwanag.




The Rich SlaveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon