22

520 26 0
                                    

THE RICH SLAVE

by: sha_sha0808 Ash Simon

CHAPTER 22

Unedited...
"Kahit para man lang sa bata, ayaw mo talagang makipagbati sa akin?" pangungulit niya. Hanggang dito sa kuwarto, sinundan pa rin niya ako.
"Masama ang pakiramdam ko, Jael."
"Ano ba ang gusto mong kainin?" tanong niya.
"Wala," sagot ko saka nahiga at nagtalukbong.
"Kyl naman, huwag ka na kasing magalit. Sorry na kung nagsinungaling ako. Mahal lang talaga kita." Pang ilang beses ko na bang narinig ang dahilan niya? Hindi ko na mabilang. Minsan, parang gusto ko nang bumigay sa kaniya.
"Maglilimang buwan na ang baby natin pero ayaw mong magpa-ultrasound."
Pinagbawalan ako ng doctor na magtrabaho at magbuhat ng mabibigat kaya hindi na rin kami nakabalik sa panahon ng mga ninuno namin.
Ano na kaya ang nangyari kay Lila at Jelai.
"Gusto mong kumain ng buko o mangga?" tanong niya.
"Alas diyes na ng gabi, Jael. Baka puwedeng patahimikin mo naman ako? Gusto ko nang matulog!" reklamo ko.
"Wala naman tayong pasok bukas."
"Inaantok na ako!" giit ko. Ang sabi ng doctor, okay naman daw ang baby pero ayaw kong malaman ang gender nito. Kahit sina Jael, hindi rin masulot ang OB ko.
"Tabi tayo," sabi niya at nahiga sa tabi ko kaya tinalikuran ko siya. Naki-share siya sa kumot pero hindi ko siya sinaway. Nakakapagod makipagtalo. Pinatay niya ang lampshade kaya ang liwanag ng buwan na lang ang nagbibigay ng liwanag sa silid ng kuwarto.
Naramdaman ko ang mabigat na kamay niya na yumakap sa bewang ko.
"Sana mapatawad mo na ako. Sana mabuo na tayong magpamilya dahil mahal ko naman kayo," puno ng pag-asang sabi niya saka hinalikan ang batok ko. Ewan ko pero napangiti ako. Nag-iba na siya. Ne hindi na niya ako inaaway at hinahatid pa niya ako parati sa school campus. Madalas din siyang may pinapadalang pagkain sa classroom na may kasamang note.
"Kyl? Gusto kong mamili ng gamit ni Baby. Unisex na lang na mga damit ang bibilhin natin dahil ayaw mong malaman ang gender."
Kahit si Doc, hindi rin pinapaalam ang tungkol sa sanggol. Basta sure lang na nasa mabuting kalagayan ang baby ko. Balak ko kasing sa ika-7 buwan alamin ang gender.
Hindi ako kumibo. Ipinikit ko ang mga mata dahil nakaramdam ako ng antok. Feeling ko, safe ako. Ngayon lang yata ako nakahiga nang mapayapa dahil alam kong nandito lang si Jael sa tabi ko. Ayaw ko mang ipahalata pero na-appreciate ko ang kabutihan niya ngayon. Well, gusto ko lang siyang pahirapan nang kaunti.
Mayamaya pa'y narinig ko ang mahina nitong paghilik.
Naalala ko si Lila at Jelai. Kumusta na kaya sila? Kinausap ko si Mommy pero wala siyang idea kung sino si Lila at kung ano ang kaugnayan niya sa buhay namin. Ang weird.
Napatingin ako sa pintuan nang may lumusot na liwanag sa maliit siwang nito sa ilalim ng pinto.
Dahan-dahan kong tinanggal ang kamay ni Jael saka bumangon at lumabas sa kuwarto saka sinundan ang papalayong liwanag na tila hinihigop ng pinagmulan nito, hanggang sa nakarating ako sa guest room na kung saan, nandoon ang maskara.
Pumasok ako sa kuwarto subalit agad namang napapikit nang sumalubong sa akin ang sobrang liwanag na paligid.
-------------------------
Nakatayo ako sa isang silid na tanging mesa lang ang nandito sa loob.
"Pero gusto ng anak ko si Lee," narinig ko ang boses ng lalaki sa kabilang silid.
"Pero Mr.Lacson, malapit na ang engagement niya sa anak ni Mister Jawaka," sabi nito.
"Ano ang magagawa ko? Ama ako at hindi naman yata ako makakapayag na hindi panagutan ng anak mo si Patch?"
Nanlaki ang mga mata ko at dahan-dahang lumapit sa dingding para mas marinig ang pinag-uusapan nila.
"May usapan din kami ni Mister Jawarka," giit nito. "Business partner din natin siya."
"Baka nakalimutan mo, Mister Lacson na utang mo sa akin ang pagbangon ng kompanya ninyo? Without me, you are nothing," paalala nito kaya idinikit ko sa dingding ang tainga ko.
"I know," pagsang-ayon ni Mister Lacson. "Pero mahirap kalabanin si Mister Jawarka, siya ang may pinakamalaking shares sa atin."
"What's your plan?" tanong ng ama ni Patch.
"Kailangan nating gumawa ng paraan para hindi matuloy ang engagement. Kapag malugi tayo, kakainin ni Mister Jawarka ang shares natin at walang matirang kahit na isang sintimo sa atin," sagot ni Mr.Lacson.
"Mamayang gabi, aalis na silang magpamilya patungong Europe dahil gustong sumali ni Lila sa race," ani Mr.Santos.
"So?"
"Makakalaban niya ang anak mo," sagot ni Mister Lacson. Hindi nakasagot si Mister Santos. Luminga ako sa pinto dahil baka may bumukas at makita akong nakikinig sa usapan nila. Kinakabahan ako. Paano kapag mahuli ako?
"Kilala ko si Patch, malaki ang kumpiyansa niya sa sarili niya," wika ni Mr.Santos. Tama siya. Siguro dahil hindi pa nakakalaban ni Lola Patch si Lila. "At alam kong ipupusta niya ang lahat ng meron siya bukas."
"Malakas na kalaban si Lila, Mister Santos. Mahihirapan ang anak mo."
Ilang segundong namayani ang katahimikan kaya napahawak ako sa humihilab kong tiyan. Kaunti lang pala ang nakain ko kaninang gabi.
"Nasaan ang mga dokumentong may pirma ni Mister Jawarka?" tanong ng ama ni Lola Patch.
"Nasa kanila. Doon ko siya pinalista kanina sa bahay nila at hanggang ngayon, wala pang lumalabas sa bahay nila," sagot ni Mr.Lacson
"Anong oras ang flight nila?" tanong ni Mr.Santos.
"Ala una ng madaling araw," sagot nito.
Napasulyap ako sa wallclock, alas diyes pa lang ng umaga dahil maliwanag pa sa labas pagsilip ko sa bintana.
"May oras pa tayo," wika ng ama ni Lee.
"Tama ba ang nasa isip ko?" tanong ng daddy ni Patch.
"Wala tayong choice, Mister Santos. Hindi puwedeng matuloy ang engagement at nakapasok na ang pera ni Mister Jawarka sa accounts natin. Kailangan pa ba natin siya?" makahulugang tanong ni Mister Lacson kaya parang binundol ang dibdib ko sa kaba. Shit! Sana mali ang iniisip ko.
"Tama lang na tinulungan kita sa papalubog mong negosyo, maaasahan nga kita, Mister Lacson. Siguraduhin mo lang na malinis ang pagkakagawa dahil kung hindi, madadamay ang pamilya at mga anak natin dito. Make sure na walang makakatuklas na sa pangalan niya nanggaling ang malaking pera na natanggap ng kompanya," sabi ng ama ni Patch na ikinatayo ng balahibo ko.
"Kailangan mo rin ang tauhan mo, Mister Santos. Dalawa tayo rito at ayaw kong akuin ang lahat kapag sumabit tayo," sabi ni Mister Lacson.
Napalunok ako ng laway nang tumahimik silang dalawa.
"Yes, Bong? Gather your men, may ipapagawa ako," sabi ni Mister Santos na mukhang sa cellphone ang kausap.
"Oh, yes. We need you for assasination."
Napahawak ako sa dingding nang marinig ang huli nitong sinabi. Ang hirap huminga.
"I'll send you the details--Yes, assasinate them at wala kang ititira kahit isa," pagsang-ayon nito sa kausap kaya sobrang nanlamig ang buong katawan ko.
"N-No," usal ko.
----------------------------------
"No!" umiiyak na sabi ko.
"Kylie!" tawag ni Jael saka tinapik ako sa balikat. Napaupo ako sa kama at napasulyap sa maskarang wala nang liwanag.
"N-No! Please Lord, no!" umiiyak na sabi ko. Gusto ko pang bumalik at pumunta kina Lila. Bakit ako bumalik sa present time?
"Kyl? Anong nangyari? At bakit nandito ka sa guest room?" nag-aalalang tanong ni Jael.
"N-No, please," humagulgol na ako sa pag-iyak kaya niyakap niya ako.
"Hush, tahan na. Nandito lang ako, Kyl. It's okay," malumanay na sabi niya saka hinaplos ang likod ko para maibsan ang sakit na naramdaman ko.
"J-Jael? S-Si Lila," sabi ko sa pagitan ng paghikbi.
"Doon ka ba galing?" tanong niya.
Mas lalong lumakas ang pag-iyak ko.
"P-Parang awa mo na, Jael. Bumalik tayo roon. I n-need to tell them," pakiusap ko saka kumawala sa yakap niya at pinahidan ang mga luha.
"A-Anong nangyari?"
Hinahabol ko ang hininga ko habang nakatitig sa kaniya.
"Okay, relax ka muna. Please, baka kung anong mangyari sa inyo ni Baby," pakiusap din niya kaya napahawak ako sa tummy ko.
"J-Jael? B-Babalik ako, n-nasa kapahamakan si Lila at ang b-buo niyang pamilya," pakiusap ko na ikinakunot ng noo niya.
"What?" bulalas niya. "Hindi kita maintindihan."
"J-Jael? G-Gusto silang ipapatay. I-Ipa-assasinate sila," luhaang sumbong ko na ikinagulat niya.
"S-Sino ang gagawa no'n?"
Nag-aalala niyang tanong.
"A-Ang--Ang g-granparents mo," luhaang sumbong ko kaya napanganga siya.
"N-No," hindi makapaniwalang sabi niya. "Hindi nila magagawa ang bagay na iyan. They were good people. N-No."
"I heard them, Jael. H-Hindi ako puwedeng magkamali," sabi ko at muling pinahidan ang mga luha. "K-Kailangan nilang malaman ang masamang plano nina Mister Lacson at Santos sa kanila. P-Please, iligtas natin si Lila."
Ang bait nila sa akin. Ne hindi nila ako pinakitaan ng masama. Itinuring nila ako na parang anak at kapatid ni Lila noong nasa bahay nila ako.
"Hindi nila iyon magagaw--"
"Hindi ako sinungaling, Jael! Malinaw sa pandinig ko ang usapan nila sa kabilang silid! Gusto nilang ipapatay ang pamilya ni Lila!" giit ko at masamang tiningnan niya kaya napabuntonghininga siya pero alam kong hindi pa rin siya kumbinsido sa mga sinabi ko. Kung naniniwala man siya, nandoon pa rin ang pagdududa. Of course, pamilya niya ang sangkot dito.
"H-Hindi puwede," mahinang sabi niya. "Huwag ka nang bumalik doon, Kylie. Delikado."
"Pero--"
"Dito ka lang!" madiin niyang sabi kaya nagulat ako. "Kailangan mong alagaan ang baby natin."
"B-But--"
"Mamili ka, sila o ang anak natin?"
"J-Jael--"
"Ako ang pupunta," aniya.
"Hindi ka makakapunta sa tamang oras k-kapag wala ako roon," sabi ko. Tama siya, delikado at kapag madamay siya, damay rin ang katawan niyang naiwan dito. Paano kung mapahamak siya? Mawawalan din ng ama ang anak ko?
"Ibig sabihin, walang pupunta sa atin. Hindi ako papayag, Kylie. For our baby's sake, huwag na huwag kang bumalik. Ikamatay ko kapag mapahamak kayo. Please, sundin mo ako, Kylie," pakiusap niya.
"Alam kong m-mahirap para sa 'yo pero isipin mo naman ang mga nagmamahal sa 'yo sa present time, mahal kita."
Napilitan akong tumango. "S-Sige, hindi na ako babalik."
"Talaga?"
Tumango ako kaya gumuhit ang kasiyahan sa mga mata niya saka niyakap ako.
"Thank you, Kyl."
Hindi ako sumagot. Alam kong hindi kakayanin ng konsensiya ko ang mangyayari kaya alam ko ring gagawa at gagawa ng paraan ang utak ko para makabalik sa nakaraan upang iligtas sina Lila.



The Rich SlaveWhere stories live. Discover now