8

785 28 1
                                    

THE RICH SLAVE

by: sha_sha0808 Ash Simon

CHAPTER 8

Unedited...

Pagkapasok ko sa sala, nakaupo si Jael at tutok na tutok ang mga mata sa pinapanood niya. Mga pinsan niya ang sa commercial kaya panay ang panlalait niya.
"Ehem!" Pagpeke ko ng ubo at lumapit sa kaniya saka naupo sa sofa na hindi malayo sa kaniya.
"Psh! Ba't nag-commercial pa sila? Pahiya lang sa angkan," panlalait niya. Makalait, parang hindi kapamilya.
Napasulyap ako sa kaniya, siya talaga ang lalaking nasa panaginip ko. As in kamukha niya. Pero magkaiba naman sila ng damit eh.
"Ba't ganiyan ka makatingin?" tanong niya.
"W-Wala," sagot ko. "Kanina ka pa ba?"
"Malamang. Kumain na nga tayo. Kanina pa sina Mommy naghihintay," yaya niya saka tumayo.
"Sana nauna na kayo," sabi ko.
"Mabait ang pamilya ko kaya kumakain kami kasama ang mga katulong na katulad mo," sabi niya.
"E di kayo na mabait," ani ko. Mabait naman talaga sila. You just have to know them deeply. Maliban na lang sa isang 'to. Ampon yata 'to e. Pero kamukha naman siya ni Tita Hael. Alangan naman hindi si Tito Jacob ang ama. O baka naman talaga si Tito ang ama niya? Napailing ako. Impossible. May hawig din 'to kay Tito e. Saan kaya siya nagmana?
"Ano na? Bilisan mo na nga! Ang kupad mo!"
"Oo na!" sabi ko at padabog na sumunod sa kaniya.
Pagdating namin sa dining area, nandoon na sina Tita na nakipag-usap kay Collaine.
"Kain na tayo," yaya ni Tito Jacob nang mapansin kami.
"Ako na po ang magpre-pray," pagboluntaryo ni Collaine. Habang nagdadasal ang batang katabi ko, pinagmasdan ko sina Tita Hael at Tito Jacob, mukhang masaya sila at walang problema. Ang sweet pa nga nila e. Si Tito Jacob, madalas kong nakikitang umiiyak kapag mag-away sila ni Tita Hael. Hmm? Sana ganyan din ang mapapangasawa ko.
Paglipat ko ng tingin, agad akong napayuko sa plato nang magkasalubong ang mga mata namin ni Jael. Pumikit na lang ako para makidasal pero bigla namang nag "Amen" si Collaine kaya dumilat na rin ako.
Habang kumakain, nagkukuwentuhan sila. Parang bonding na rin ng magpamilya. Medyo nahihiya ako dahil ang ibang katulong, tumatangging sumabay. Ang dami pang dahilan para lang makaiwas.
"Kumusta ang pag-aaral, Kylie?" tanong ni Tito Jacobs.
"Okay naman po," magalang na sagot ko.
"Hindi ka ba binibigyan ng death note ni Jael?" tanong na naman ni Tito.
"Hindi po," sagot ko.
"Eh love note?" pilyong tanong ni Tito.
"Shutup, Dad!" saway ni Jael kaya tumawa si Tito Jacob.
"Whatever, son."
"Hija? Sinasama ka ba nina Jael sa race nila? I heard na magaling ka raw?" tanong ni Tita Hael.
"H-Hin--" Napasulyap ako kay Jael na kumakain at walang pakialam. "Wala pa po akong time," sagot ko at napakagat sa ibabang labi. Sa tuwing subukan ko, ibang race o mundo ang napapasukan ko.
"Naku, I wanna see you in racing field," excited na sabi ni Tita. "Hindi kasi ako marunong magmotor."
Tumango ako. "S-Susubukan ko po."
Pagkatapos naming kumain, dumiretso na ako sa itaas para gumawa ng assignment ko pero bago pa iyon, nakita ko ang katulong na may bitbit na malaking box.
"Ate Carmela? Ano ho 'yan?" tanong ko.
"Ewan ko pero pinapadala ni Ma'am Hael sa private room," sagot ni Ate Carmela na nasa trenta na ang edad.
"Saan galing?"
"Pinakuha niya sa main mansion.  Last week pa ito dito pero pinapalipat lang niya sa private room," sagot nito.
"Ako na po," pagboluntaryo ko.
"Ha? Wag na," tanggi niya.
"Sa katabing room ko lang naman 'yan e, ako na ang magdadala," sabi ko.
"Sige na nga. Basta ilapag mo lang daw sa bedside table," pagpayag niya at ibinigay sa akin ang box na 18 inches. Magaan lang pala. "Ingatan mo 'yan, mahalaga raw 'yan sa pamilya nila."
"Okay. Ako po ang bahala," sabi ko saka dinala na ang box sa private room.
Bukas naman ang pinto kaya nakapasok ako.
Binuksan ko ang ilaw saka lumapit sa bedside table at inilapag ang box. Aalis na sana ako nang makita ko ang malaking litrato sa dingding. Family picture nila.
"Lee Lacson," usal ko at tiningala ang padre de-pamilya. Wala pa sina Jael sa larawan at medyo bata pa sina Tito Jacob.
Tinitigan kong maigi. Kahit na matanda na, makikita ko pa rin ang kabataan sa mukha nito. Hindi ako puwedeng magkamali, siya nga ang lalaki sa panaginip ko.
"Oh gosh!" bulalas ko nang mamatay ang ilaw. Napaatras ako at sinubukang kapain ang ilaw pero hindi ko mahanap ang switch. Bigla akong nahilo.
"Ouch!" daing ko nang matumba ako dahil may naapakan akong matigas na bagay.
"Tulong!" sigaw ko nang maramdaman ang sakit sa tuhod ko. "Tulong! Ate Carmela?"
Napapikit ako nang biglang may nakakasilaw na liwanag na sumakop sa buong paligid.
"Hey!"
Dahan-dahan akong dumilat pero napatakip ang kanang kamay ko sa mata ko dahil sa nakatutok na flashlight.
"Ba't nandito ka?" tanong ni Jael na may hawak na flashlight.
"J-Jael kasi--"
Iginala ko ang paningin ko, nasa loob ako ng isang kotse ko.
"Ninanakawan mo ba ang kotse ko?" galit na tanong niya.
"Ba't ko naman nananakawan? Baliw ka ba?" singhal ko saka inirapan siya.
"Eh ba't ka nandito? Labas!" singhal niya saka hinila ako palabas.
"Malay ko! Sandali nga!" sabi ko saka tinulak siya at ako na mismo ang bumaba. "As if na nanakawan kita!" singhal ko rin at sinamaan siya ng tingin.
"Okay lang kayo?" tanong ng babaeng palapit sa amin. Lila yata ang pangalan nito.
"Oo," sagot ko.
"Psh! Nakitulog ka lang sa kotse ko pa!" sabi niya saka padabog na umalis. Nasa racing field pa pala kami.
"Okay ka lang? Pauwi ka na ba?" tanong ni Lila. Maganda siya. Simple lang at mahinhin pero halimaw yata sa pakipagkarera.
"H-Hindi ko alam kung saan ako uuwi," pag-amin ko.
"H-Ha? Bakit?" tanong niya. "Wala ka na bang mga magulang?"
"H-Ha? Lumayas kasi ako sa amin," pagsisinungaling ko. "Ayaw nila akong papuntahin dito sa race. Bawal daw." Totoo naman eh, pinagbabawalan ako nina Mommy at Daddy. Sa aming magkapatid, ako lang ang mahilig makipag-race.
"I feel you. Tumatakas din ako. Hey, sa bahay ka na lang muna. Wala roon sina Mommy at Daddy," excited na sabi niya.
"Talaga?" tanong ko. At least mabait naman siya. Isa pa, gusto ko silang makilala lahat.
"Oo. Halika, pauwi na ako," yaya niya kaya sumunod ako.
"Hey, pauwi na ba kayo?" tanong ni Jael na kay Lila ang mga mata. Kasama niya si Lee Lacson. Or should I say Lolo Lee? Pero sa mundong ito, mas matanda ako.
"Oo, sabay na kami," sagot ni Lila. Napansin kong hindi siya makatingin kay Lee. Hmm? Ang pogi naman kasi ng lolo ni Jael. Imagine, nagsama ang maglolo rito? Ibang Jael pala ang nasa mundong 'to.
"Ganoon ba? Ingat kayo, Lila," sabi ni Jael at nginitian ang kaibigan ko. Kapag totoong nasa mundo ako nina Lolo Lee, ibig sabihin, matatanda na pala ang mga kaharap ko? Gusto kong matawa.
"Salamat," pasalamat ni Lila.
"Ingat kayo, Kylie," sabi ni Lee at iniwas ang tingin kay Lila.
"Halika na, Kylie," yaya ng kasama ko kaya inirapan ko muna si Jael bago namin tinalikuran.
"Ang pogi ni Lee, noh?" sabi ko nang malapit na kami sa sasakyan niya. Wow! Ang ganda.
"S-Siguro," sabi niya kaya napangiti ako at dumikit sa kaniya.
"Atin-atin lang 'to, crush mo siya, noh?" tukso ko.
"H-Hindi ah!" tanggi niya.
"Deny ka pa," sabi ko at siniko siya.
"Bahala ka na nga!" napipikong sabi niya saka sumakay sa kotse kaya sumakay na rin ako.
Habang nasa biyahe, nagkuwentuhan kami tungkol sa buhay niya. Mag-isa lang pala siya at half-Japanese nga. Sa Japan sila naninirahan pero naisipan ng parents niya na umuwi na rito sa Pinas para asikasuhin ang mga negosyo. Ibig sabihin, mayaman sila.
Pagdating sa bahay nila, hindi ganoon kalaki kagaya ng mga Lacson pero halatang mamahalin ang lahat ng gamit. Milyon ang halaga ng bawat isa kaso hindi lang malawak ang bahay. Obviously, they're millionaires pero mas minabuting 'wag lakihanan ang bahay.
"Pasensiya ka na sa bahay namin," paumanhin niya at napatingala sa second floor. "Kami lang ng yaya ko ang nandito. Next week pa sina dad uuwi," sabi niya.
"Ano ka ba, sobrang ganda nga."
"Halika sa kuwarto," excited na yaya niya kaya patakbo kaming umakyat sa hagdan patungo sa kuwarto niya.
"Wow!" manghang sabi ko nang pumasok kami sa silid niya. "Ang ganda!" Para akong nasa kuwarto ng isang prinsesa. Pink, purple and white ang motif ng silid. Puro barbie at si Barney pa ang logo ng mga gamit niya. Ang dami ring mamahaling shoes.
"Do you like it?" taong niya.
"Yes," sagot ko at lumapit sa shoe cabinet niya.
"Pili lang, bibigyan kita," sabi niya.
"Gosh, papa-adopt ako sa 'yo," sabi ko. Mahilig ako sa shoes and bags pero hindi kasing dami nito ang collections ko.
"Sige," sabi niya at tumawa.
"Anong complete name mo?" tanong ko.
"Letecia Jawarka," sagot niya. "But you can call me Lila."
Ngumiti ako at napatitig sa kaniya. She's so pretty. Siya ang chinitang hindi ka magsasawang pagmasdan. Para siyang prinsesa.
"Paano ka natutong mag-race?" tanong ko.
"Dahil sa dad ko," sagot niya. "Racer si Dad bago sila nagkakilala ni Mommy pero nang magpakasal na sila, tumigil na si Daddy at nag-focus sa business at suportado naman niya ako sa hilig kong ito."
"Wow," manghang sabi ko.
"Kain tayo tapos tomorrow morning, mamasyal tayo," sabi niya.
"Sige," sabi ko. Kumain muna kami at sabay na natulog sa silid niya. Oh God, sana dito na lang ako sa mundong ito. Ayaw ko nang magising.
Kinabukasan, hindi pa rin ako bumabalik sa totoong mundo kaya napatalon ako sa tuwa.
Namasyal kami sa ilog Pasig. Grabe, sobrang sarap maligo dahil ang daming batang tumatalon at may namimingwit pa sa gilid. Sobrang linaw ng tubig at walang basurang lumulutang. May namamangka pa sa de-kalayuan. May panaka-nakang kalesa pang dumadaan sa kalsada. Bigla akong nalungkot.
"Hindi ka ba masaya?" tanong ni Lila at inabot sa akin ang sorbetes.
"Masaya," sagot ko at pinagmasdan ang puting mga ibong lumilipad. "Pero nakakalungkot isipin na darating ang araw na ang ilog na ito, mapupuno ng basura at wala ka nang mahuling isda."
Tumawa siya. "Alam mo, advance kang mag-isip," sabi niya at ibinigay sa akin ang cone may sorbetes.
Inabot ko ang sorbetes at lumanghap ng sariwang hangin. Walang sulat ang mga bato. Walang gaanong building at hindi usok ang pumapasok sa ilong ko. Gusto kong umiyak, bakit ganito?
"Uwi na tayo?" tanong niya at napatingin sa mamahaling relo. "Gumagabi na."
"Sige," pagpayag ko.
"Or gusto mo pang mag-race?" tanong niya sala kumindat.
"Sure. Laban tayo," hamon ko.
"Sige bah," pagpayag niya. Nakihiram ako ng ducati niya kanina kaya kani-kaniya kaming pag-drive.
"Hanggang sa Tagaytay," dagdag niya. Mataas pa naman ang araw kaya paniguradong maliwanag pa kaming darating sa Tagaytay.
"Sige," sagot ko. Sabay kaming sumakay at nang makalabas na ng Maynila, doon na kami nag-umpisang magkarera. Walang gaanong motorsiklo kaya malaya kaming angkinin ang kalsada.
"Oh shit!" bulalas ko nang maunahan niya ako. Sinubukan kong humabol hanggang sa nagkaabutan na kami.  May naabutan kaming mga lalaking racer na mahina lang ang pagpatakbo. Mukhang sa field din ang patungo nilang apat.
"Oh men!" sigaw nila at nakipagkarera rin sa amin. Napangiti ako. Ang tagal ko nang hindi nakapag-race ng mahabang kilometro.
Tinodo ko na ang pagpatakbo. Saktong malawak pa ang daan kaya kasya kami kung magkaabutan man.
Halos sabay lang kaming anim pero napatingin ako sa motorsiklong biglang nauna sa akin.
Si Lila.
Sinubukan kong habulin siya. I can't. I'm sure na nasa unahan ako ng mga lalaki pero hindi ko siya maabutan at mas lalong lumalayo ang agwat namin hanggang sa nakarating kami sa field.
"Woah! Ang bilis mo!" puri ko nang tumigil sa tapat niya matapos hubarin ang helmet saka pumila para makapasok.
"Ang saya, right?" nakangiting tanong niya.
"Yeah," sagot ko. Wala pa akong nakitang ganoon kabilis maliban kay Empress sa present life ko. I can't win against her.
Nang makapasok kami, sa right side kami ng field pumuwesto. Sumandal kami sa ducati namin para manood ng mga naglalaban. Everynight, may laban dito. Grabe, ang laki ng ipinagbago ng racing field. Sa ngayon, hindi pa cementado ang ibang part at wala pang gaanong ilaw. Kahit ang upuan, hindi pa ganoon kaganda. Hindi rin mahigpit ngayon unlike sa present time. Makabagong teknolohiya na ang gamit.
"Hi, Lila," bati ni Jael kay Lila nang makalapit sila sa amin.
"Hello," bati ni Lila.
"Ay!" tili ni Lila nang papatumba ang ducati niya pero maagap si Lee kaya nasalo siya nito.
"Mag-ingat ka," sabi ni Lee na nakahawak pa rin sa bewang ni Lila.
"T-Thanks," namumula ang mukhang pasalamat ni Lila. Agad na lumayo si Lee matapos makabalik sa wisyo ang kaibigan ko.
"Maiwan ko muna kayo," paalam ni Lee na sa akin nakatingin. Gusto kong matawa. Hindi kasi siya makatingin kay Lila. Parang gusto ko tuloy isipin na may gusto rin siya kay Letecia aka Lila? Wait, hindi ba't si Lola Patch ang asawa niya?
"Aw!" daing ko nang pitikin ni Jael ang noo ko. "Problema mo?"
"Psh!" aniya saka tinalikuran ako at hinabol si Lee.
"Kapal ng mukha mo!" pahabol ko.
"Pogi naman!" sagot niya kaya kumulo ang dugo ko. Bastos talaga 'to kahit sa sinaunang panahon.
"Bagay kayo." Napatingin ako kay Letecia.
"Ew!" sagot ko saka padabog na lumapit sa upuan sa isang tabi. Napatakip ako ng mga mata ko nang tumuon sa akin ang ilaw ng isang kotse.
"Dito ka pala natulog," sabi ni Tita Hael nang magmulat ako ng mga mata.
Nasa sahig ako kaya napabangon ako.
"S-Sorry po, sobrang pagod ko siguro kagabi kaya nahulog ako sa kama," paumanhin ko saka ipinagpag ang damit.
"Okay lang, ganiyan din ako minsan. Kapag saan abutan, doon na nakakatulog," sagot niya saka binuksan ang kurtina kaya lumiwanag ang buong paligid. "Pasensiya na, nagising pa kita."
"T-Tita Hael? Do you believe in reincarnation?" tanong ko kaya lumingon siya sa akin.
"Depende," sagot niya.
"Eh time travel po? Naniniwal ka?" muling tanong ko. Ito lang naman ang puwede kong makausap sa bahay na ito e.
Naupo siya sa kama saka napatingin sa akin.
"Ikaw Kylie, do you believe in it?" baliktanong niya kaya natigilan ako.
"P-Parang gusto kong maniwala," alanganing sagot ko.
"Then believe it."
"P-Pero kasi-- hirap paniwalaan," napabuntonghininga ako at napatingin sa kaniya. "Tita Hael? Naniniwala ka bang totoo ang panaginip? I mean--what if totoo?"
"Some dreams are too, some dreams are not," sabi nito saka naupo sa tabi ko at hinawakan niya ang kamay ko. "But no matter what, always remember that a dream is just a dream, Kyl. At the end of the day, kailangan mo pa ring gumising."
" W-What if ayaw ko o hindi na ako magising?"
Pinisil niya ang kamay ko. "You have to. Wala sa panaginip ang buhay mo."
Isang malalim na buntonghininga na naman ang pinakawalan ko. Nahihirapan na ako.
"What if makapag-time travel ang tao? Puwede bang manatili na siya sa panahong nilakbayan niya?"
Namayani ang katahimikan kaya napasulyap ako sa kaniya. Pinakawalan niya ang kamay ko saka tumayo at lumapit sa box na sa pagkakatanda ko, iyon ang source ng liwanag na sumilaw sa akin kagabi bago ako makatulog.
Binuksan niya iyon at kinuha ang laman. Maskarang puno ng diamante. Sobrang ganda lalo na't kumikinang kapag natatamaan ng sinag ng araw. If I am not mistaken, ito ang sorority mask. Wow! I heard some rumors about sa maskara noong gabi ng pageant pero walang sinuman ang makapagpatunay na totoo iyon o walang naiwang bakas na magpapatunay ng nangyari. Kahit camera, puti lang ang lumalabas sa na-capture nila. But they said na na-witness nila ang milagrosong pagpili kay Tita Hael bilang bagong sorority queen.
"Masuwerte ang napiling maging time traveler," sabi ni Tita habang lumalapit sa dingding. "But sometimes, you would wish na sana hindi ka na lang traveler."
"Tita," usal ko. Bakit ramdam ko ang lungkot sa bawat salita niya? "Kasi kahit anumang gawin mo, hindi mo na mababago ang lahat. Na kahit gustuhin mo mang ayusin ang bawat pagkakamali at paniniwala ng bawat isa, hindi puwede dahil iyon na ang nakatakdang mangyari. Nandoon ka lang para masaksikan ang mga nangyari na, and you don't have the power to change everything."
Isinabit niya ang maskara saka masuyong hinaplos.
"T-Tita? Nakapag-time travel ka na ba?" atubiling tanong ko.
Lumapit siya sa akin saka nginitian ako.
"Male-late ka na," sabi niya.
"Oh shit!" sambit ko nang tingnan ko ang relo ko. Alas 9 na ng umaga. "Mag-aayos lang po ako," paalam ko at tumakbo palabas saka tumungo sa kuwarto ko. Geez! Bakit nakalimutan kong may pasok pa pala ako ng alas otso?

A/n;
May mga settings na hindi tugma like, isinulat ko ang previous stories in a present time. Example, may song na "twerk it like miley" sa first generation. Tapos dito, dapat kapag past, siyempre sa mga damit at pananalita, dapat makaluma etc. Pero sa past, jologs na. Mga ganern! Gets nyo? First, never kong pinangarap na magkaroon ng series ang isinusulat ko. Ayaw ko ng series dahil baka walang magtiyang magbasa. At tingnan ninyo ngayon, putiks! Lahat ng story, konektado. May pa time traveler pa akong nalalaman. Hahaha. I mean, it goes with the flow. See? May napansin ba kayong petsa sa bawat isinusulat ko? Wala, 'di ba? Kung meron man, month at day lang pero WALANG YEAR, right? Kung tutuusin, marami ang butas lalo na sa time frame. Mas naalala nga ninyo ang story kapag sa akin e. Lalo na kapag tuloy-tuloy ang pagbasa ninyo. Ako kasi, hindi ko binabalikan ang isinusulat ko. Hindi po ito published story kaya I think, normal lang na hindi ko siya pag-isipan at maging specific sa culture, time, language and settings kasi sobrang tamad ko. Like, hello? Ba't dagdagan ko ang problema ko sa buhay? Yun lang. Hahaha.

The Rich SlaveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon