23

544 39 0
                                    

THE RICH SLAVE

by: sha_sha0808 Ash Simon

CHAPTER 23

Unedited...

"Kailangan mo pa ba ng maternity dress?"
"Marami na ako sa bahay," sagot ko.
"Ahm... Flat shoes kaya?"
"Puwede ba, Jael? Ayaw kong bumili dahil puno na ang closet ko. Ang iba nga ay hindi ko pa nagagamit."
"Huwag mo naman akong sigawan," pabulong na sabi niya.
"Ang kulit mo kasi!" depensa ko. Inakbayan niya ako saka hinalikan sa gilid ng tainga.
"Ang cute mo kasi lalo na't malaki na ang tiyan mo," nakangiting sabi niya na hindi ko talaga nagustuhan.
"Hindi ka nakakatawa, Jael!"
"I love you," sabi nito pero inirapan ko.
"Hindi pa rin tayo okay."
"Basta mahal kita kahit na ayaw mong makipagbati sa akin," pangungulit niya. 8 months na ang baby namin at lahat normal. Actually, wala pa ring nakakaalam ng gender dahil ayaw kong magpa-ultrasound. Ang daming nagsasabing lalaki pero meron din namang babae. Malaki ang tiyan ko kaya sabi nila, kambal daw pero sabi ni Tita Hael, mukhang isa lang. Ayaw namang ipaalam ng OB ko dahil gusto ko surprise. As long na healthy ang baby, wala akong problema.
"Balik na lang tayo sa school, doon ka magpahinga," yaya niya.
"Ikaw ang nagyaya rito. Ang tahimik ng buhay ko sa tambayan e, ginising pa ako," sabi ko. Hindi ako tumigil sa pag-aaral at bahala na ang humusga. Pero sa halip na panglalait, puro inggit ang naririnig ko. Na kesyo ang suwerte ko raw kay Jael at ako ang inanakan nito, at kung anu-ano pa. Meron din namang nakakabuwesit dahil ginayuma ko raw si Jael. Duh? Pinilit kaya ako nitong mokong na 'to.
"Dahan-dahan lang," sabi niya na nakaalalay sa akin habang palabas ng mall.
"Lintik! Hindi ko na makita ang inaapakan ko!" reklamo ko. Minsan nga, hindi ko na makita ang kuko sa daliri ng mga paa ko dahil sa laki ng tiyan ko.
"Baka manganak ka na," nabahalang sabi nito.
"Malayo pa," sagot ko. In fairness, tumaba ang butiking 'to. Siya kasi ang kain nang kain sa pagkaing pinaglilihian ko dahil masarap daw.
"Jelai ipangalan natin," excited na sabi niya. "Para ialay natin sa baby natin noon."
"Bahala ka," ani ko. Maganda rin naman ang Jelai. Nalungkot ako bigla nang maalala ko ang anak-anakan namin.
" Kumusta ka na kaya?" bulong na tanong ko. Na-miss ko na ang batang iyon. Kung puwede nga lang bumalik sa nakaraan at bisitahin sila, ginawa ko na. Kaso bawal sabi ni Jael. Ayaw ko rin namang i-risk ang buhay ng baby ko. Isa pa, gustuhin ko man ay hindi na puwede. Nasa main mansion ang sportscar ni Lola Patch at sarado naman ang guest room na kung saan, nandoon ang maskara.
"Baka mali lang kayo ni Tita Hael, baka hindi ko lola si Lila," sabi ko nang makasakay na kami sa sasakyan at inilagay ko ang seatbelt.
"Puwede bang huwag muna natin sila pag-usapan? Unahin muna natin ang panganganak mo, okay?" pakiusap niya.
"Naalala ko lang," depensa ko at napasulyap sa humilom na sugat sa braso niya. Haist! Ang tanga ko talaga.
"Huwag mo nang isipin ang nakaraan dahil alam kong mag-uumpisa ka na naman," sabi nito habang maingat na nagmamaneho.
"Mag-uumpisa?" ulit ko.
"Mag-umpisang kamuhian ako. Kalimutan na kasi natin 'yon, mahal mo naman ako noon, 'di ba? Bakit hindi natin maibalik ang dati?" tanong nito.
"Niloko mo kasi ako," paalala ko. "Ginawa mong tanga at inuto-uto."
"Mahal kita at nahirapan akong suyuin ka lalo na't negatibo ang pagdala ko sa 'yo sa bahay. Pang ilang beses ko ba kailangang ipaliwanag 'yan? Kung hindi kita gusto, sana pinabayaan na kitang madamay sa naiwang gulo ng kapatid mo," paliwanag niya. Ang sabi niya, pinaghahanap daw sa pamilya namin ang kopya ng pinagkukuhanan ng droga ng kapatid ko dahil kapag mauna ang mga pulis, malalaking pangalan ang maaaring masangkot sa gulo.
"Sana patahimikin na nila ang kaluluwa ni Kuya," ani ko. Nami-miss ko na si Kuya. Kung buhay siya, tiyak na matutuwa iyon dahil magkakapamangkin na sa akin.
Paliko kami sa mansion kaya hindi na ako nagreklamo pa. Wala na rin naman akong pasok pero itong si Jael may last subject pa.
"Anong gusto mong kainin?" tanong niya habang nag-aabang na bumukas ang gate.
"Wala. Gusto kong matulog," sagot ko. Alas dos pa lang naman ng hapon pero hinihila na ako ng antok. Dapat kasi matutulog ako kanina pero itong si Jael, panay ang pangungulit sa akin na bibili raw kami ng mga gamit.
Naramdaman ko ang pag-usad ng sasakyan kaya napatingin ako sa unahan. Ipinark na niya ang Norse at siya na ang nagtanggal ng seatbelt ko.
"Magpahinga ka, okay? Susunod ako sa itaas pero ipagluto lang kita ng hotcake at gagawa na rin ako ng chocomilk."
"Puro matatamis," reklamo ko. Kaya lumalaki ang tiyan ko e, iyan ang pinapakain niya sa akin.
"Ayaw mo? Ako na lang kaya ang kainin mo?" pilyong sabi niya kaya inirapan ko. "Galit ka na naman?"
"Hindi?" sarcastic na sagot ko kaya natawa siya.
"Kapag manganak ka na, mawawala rin 'yang kasungitan ng mahal ko."
"Yuck," nandidiring sabi ko. "Corny mo."
Mas lalo siyang tumawa saka bumaba at pinagbuksan ako.
Pagpasok namin sa bahay, napasigaw ako at napayakap sa kaniya nang biglang may sumulpot na itim na pusa sa harapan namin.
"Damn! Bakit nandito ang pusang 'to?" galit na tanong niya habang sinipa ang cute na pusang sa harapan namin. Ang haba pa ng balahibo pero kulay itim lahat.
"Huwag kong sipain ang pusa ko!" naiinis na saway ni Tito LL habang palapit sa amin.
"Tito naman, manganganak sa 'di sa oras ang asawa ko niyan e," daing niya.
"Sorry naman, dinala kasi ng anak ni Gab ang pusang 'yan e," sabi ni Tito LL.
"Mauna na ako sa itaas, okay lang ako," paalam ko. "Nagulat lang ako but I'm fine kaya huwag kayong mag-alala."
"Magluluto lang ako ng makakain tapos susunod ako sa 'yo," sabi ni Jael kaya umakyat na ako. Ang ingay sa hardin dahil sa anak ni Kuya Gab at anak ng team galaxy.
Naglalakad ako sa pasilyo nang biglang may dumaang hangin sa harapan ko kaya nanayo ang balahibo ko. Iginala ko ang paningin pero wala namang tao. Mas lalo akong kinabahan. Bakit pakiramdam ko, may nakamasid sa akin? O guni-guni ko lang?
Napahinto ako sa tapat ng malaking litrato nina Lola Patch at Lolo Lee sa gilid ng pasilyo na malapit sa sitting room.
Parang may humihila sa mga paa ko na lapitan ang litrato kaya dahan-dahan akong lumapit saka itinaas ang kanang kamay para haplusin ang larawan.
"Jael," usal ko.
-----------------
" Mom?"
Napapitlag ako nang magsalita ang batang nasa harapan ko. Nasa pisngi niya ang kanang kamay ko habang siya ay nakatingin sa akin.
"J-Jelai," usal ko saka niyakap siya. "Oh ghad, I miss you."
"M-Mom? Si Daddy?" tanong niya.
"S-Sa ibang bansa," pagsisinungaling ko. Ngumiti siya saka hinaplos ang tiyan ko.
"Mom? Mahal mo po ba si Baby?" tanong niya.
"Oo naman," masayang sagot ko. "Mahal na mahal. Alam mo bang alaga 'to ng daddy mo kahit na inaaway ko siya?"
"Love ko po si Baby Boy," inosente niyang tanong.
"Gusto ng daddy mo girl at ipapangalan daw niya ito sa 'yo," sabi ko.
"P-Pero boy po siya," sabi niya saka hinaplos ang tiyan ko.
"Paano mo nalaman?"
"Siyempre dahil kapatid ko po siya," sagot nito kaya natawa ako.
"Love mo siya?" tanong ko. Sunod-sunod na tango ang ginawa niya.
"Opo, love na love ko po siya. Mommy? I want to be his ate tapos poprotektahan ko siya kapag may mang-away sa kaniya," nakatulis ang ngusong sabi niya.
"Good girl," sabi ko at dumipa. "Come here, give me a hug. Sobrang na-miss ko ang baby Jelai namin."
Tumawa siya saka nagpayakap sa akin.
"Mom? Si Tita Lila," sabi nito kaya natigilan ako.
"A-Anong tungkol sa kaniya?"
"Aalis na raw po siya ngayon," sagot nito.
"D-Dito ka lang," usal ko saka tumayo. Kailangang malaman niya ang balak ng mga magulang nina Lee at Patch.
------------------
JAEL POV
" Si Kylie?" tanong ni Mommy.
" Nasa taas," sagot ko. "Nagulat siya sa pusa ni Tito LL."
"Hayop talaga 'yang LL na 'yan!" sabi ni Daddy na nasa likuran namin. "Papatayin niya ang apo ko ah."
"Dad? She's fine now," ani ko. Baka mamaya, magrambulan na naman ang dalawa.
"Kahit na. Alam naman niyang parang may pagkamaligno 'yang pusa niya, dinala pa niya rito. Kulay itim pa naman, malas 'yan," naiinis na sabi ni Dad. Kapag marinig siya ni Tito LL, masaya talagang rambulan 'to.
"Tumigil ka na nga, Jacob, para kang babae," saway ni Mommy.
"Hael? Hindi ko alam kung anong nakita ni GV kay LL naging babae pa ito," napailing na sabi ni Dad. Sabi nila, tomboy si Tita GV noong kolehiyo sila. As in lalaking-lalaki at ilang beses pa nitong nasuntok si Tito LL pero nang dahil daw sa love, naging babae ito. I saw her pictures kaya hindi ako makapaniwalang lalaki nga ito noon. Ibang-iba kaysa sa kay Tita GV ngayon.
"Mom? Pakibantay naman po ng niluluto ko sa oven, sundan ko lang ang asawa ko," pakiusap ko.
"Mabuti pa nga. Baka mamaya, magla-labor na 'yon," pagsang-ayon ni Mommy.
Paakyat na ako sa hagdan nang napasulyap ako sa nakabukas na pinto sa basement kaya lumapit ako para isara sana pero naisipan kong pumasok dahil ang tagal ko nang hindi nakapasok dito. Binuksan ko ang ilaw saka iginala ang paningin. Malinis pa naman pero mga luma na ang mga gamit dito. Mostly ay mga laruan namin ni Collaine noon.
Tatalikod na sana ako nang mahulog ang lumang notebook sa mesa kaya nilapitan ko at dinampot.
Naalala ko na, ito ang first notebook na regalo ni Tita Jaffy sa akin noong grade 1 ako, kaya binuksan ko kung ano ang mga naisulat ko noon.
Natawa ako, puso eroplano at sasakyan ang naiguhit ko. Napatigil ako sa pag-scan nang makita ko ang guhit ko. Bilog lang naman at linya para magmukhang tao ang naiguhit ko. Tatlong bata: Isang lalaki at dalawang babae. Naalala ko na, ito ang iginuhit ko matapos ng kauna-unahang pag-time travel ko noong bata pa ako.
Flashback...
"Anong pangalan mo?" tanong niya.
"Jael," sagot ko at pinagmasdan ang dalawang batang babae sa harapan ko. "Eh kayo?"
"Patch Lleendie Santos," sagot nito kaya napanganga ako.
"Lola ko 'yon ah," ani ko.
"Gago ka ah, bata pa ako," pagmumura niya kaya napahagikhik ako.
"Kapangalan mo lang siguro," pagbawi ko at napasulyap sa batang kasama namin. "Eh ikaw? Anong pangalan mo?"
"Jelai," sagot nito.
"Jelai?" ulit ko. Tumango siya. "Jelai Lacson."
"Lacson ka rin?" sabay na tanong namin ni Patch.
"Sana," sagot nito.
"Bakit sana?" usisa ni Patch.
"Kasi ano--"
Pareho kaming naghihintay ni Patch ng sasabihin niya.
"Ano?" naiinip na tanong ni Patch.
"Ewan," sagot nito.
"Ewan ko sa 'yo!" sabi ni Patch at tinalikuran kami.
"Sinong mommy mo?" tanong ko kay Jelai.
"Si Mommy Kylie," sagot nito saka tumakbo at hinabol si Patch.
...........End of Flashback........
"Jelai," usal ko saka tiniklop ang notebook at napatingin sa pinto. "Shit!" sambit ko saka tumakbo paakyat sa hagdan para puntahan si Kylie sa kuwarto pero habang palapit, nakita ko siyang nakahandusay sa sahig.
"K-Kylie!" sigaw ko saka nilapitan siya. "K-Kylie, wakeuo," natarantang sabi ko pero hindi siya magising.
"Shit, shit, shit!" pagmumura ko saka binuhat siya para itakbo sa baba.
"Anong nangyari?" nag-aalalang tanong ni Mommy habang sinasalubong kami sa hagdan.
"Dad, please prepare the car," pakiusap ko kay Daddy na palapit sa amin kaya tumakbo siya palabas ng bahay.
"Anong nangyari?" tanong ni Kuya Gab na papasok.
"Please, pakidala si Kylie sa hospital," pakiusap ko at inabot sa kaniya ang walang-malay na katawan ni Kylie.
"S-Sige," ani Kuya Gab saka itinakbo palabas si Kylie.
"J-Jael?" tawag ni Mommy habang nakasunod sa akin.
"Where's the key? Kailangan ko siyang sundan, Mom," sabi ko.
"S-Sa kuwarto namin," sagot niya kaya tumakbo ako patungo sa kuwarto niya.
"Ano bang nangyari, Jael?" tanong ni Mommy nang mabuksan ko ang pinto ng guest room.
"S-Si Kylie at J-Jelai, nanganganib ang buhay nila, Mom," naiiyak na sabi ko saka humiga sa kama.
"Jael, hindi pa natin kilala kung sino o ano ang pagkatao ni Jelai."
"Anak ko siya mom," sabi ko. "Anak namin siya ni Kylie, siya ang laman ng sinapupunan ni Kylie," sagot ko. Damn! Si Jelai, mula siya sa future. I hope I can save them.




The Rich SlaveOù les histoires vivent. Découvrez maintenant