Kabanata 8

62 1 0
                                    

Remorse

I want to be Lynne sometimes. Bilib na bilib ako sa kaniya dahil sobrang galing niyang magtago ng totoong nararamdaman niya sa ibang tao. Samantalang ako ay hindi. Kaunting hawak lang ay bibigay na ako.

"Nakakamatay ba ang cervical cancer?" Wala sa sarili kong tanong kay Lynne habang tulalang nakatingin sa laptop sa harap ko.

Hindi pa rin maalis sa isip ko ang lahat ng sinabi ni Jack nang araw na 'yon. Nang makauwi kami ni Calix ay nag aksaya pa ako ng oras para lang mag search online tungkol doon at kahit isa naman ay wala akong naintindihan.

"Bakit? May cancer ka?" Gulat na tanong sa 'kin ni Lynne kaya minura ko siya.

"Hindi ako, Lynne." Pairap na sagot ko sa kaniya at tamad na sumandal.

"E, sino pala?" She asked which made me look at her.

Nakatutok ang mala-pusa niyang mga mata sa 'kin kaya pinakatitigan ko iyon. Bago pa ako makasagot ay nabaling na ang atensyon ko sa kumatok at iniluwa no'n ang sekretarya ko.

"Ma'am, nasa labas po si Miss Lim. Gusto raw po kayong makausap," aniya kaya nangunot ang noo ko.

Saglit na tumingin pa ako kay Lynne bago muling bumaling sa sekretarya ko.

"Let her in," I told her.

"Mari Eleanor?" Tanong sa 'kin ni Lynne nang makaalis ang secretary ko.

Tumango lang ako at sunod na narinig namin ang pagbukas at pagsara ng pintuan. Mari Eleanor showed up with her sturdy look. Awtomatikong tumutok ang tingin nito sa 'kin.

"Miss Lim, what brings you here?" I greeted her at tumayo pa ako mula sa kinauupuan ko.

Nakita ko ang saglit na pagsulyap niya kay Lynne na nanatiling walang pakialam sa isang tabi bago bumaling sa 'kin.

Ano naman kaya ang kailangan ng babaeng 'to sa 'kin?

"Can we talk privately?" Seryoso niyang tanong sa 'kin kaya napataas ang kilay ko.

I crossed my arms and walk towards her. Tinapik ko ang balikat ni Lynne dahilan upang tumayo siya.

"Let's just meet later. I'll call you," sambit ko sa kaniya.

Tumango lang ito at tamad na tumingin kay Eleanor saka lumabas ng opisina ko.

"Seat, Miss Lim."

"Just call me Eleanor, Acel," seryoso pa rin niyang sinabi kaya napatingin na ako sa kaniya nang makaupo ako.

"Oh, should I? Okay, what brings you here, Eleanor?" Seryoso ko nang tanong sa kaniya at sumandal.

Nakatutok pa rin ang tingin ko sa kaniya at sa bawat pag galaw niya. Bakas na bakas na problemado ito base sa ekspresyon niyang iritado at seryoso kaya nahulaan ko na agad kung bakit siya narito.

"Why can't you just give up and let go of your company? Bakit inilalaban mo pa kahit alam mong wala nang pag-asa?" Tanong niya sa tono nang naiirita.

Napangisi ako dahil sa tanong niyang 'yon. Inayos ko ang upo ko at pasimpleng sinilip ang cellphone ko nang umilaw iyon dahil sa isang text.

"I'm fighting for it because I still have a chance. Bakit ba?" I responded to her.

She raised a brow at me and chuckle.

"So, is it true that you manipulated Royale para lang mapunta ang side nila sa'yo?"

Saglit akong nagulat dahil sa tanong niyang 'yon. My forehead furrowed. What is she talking about?

Listens to Memories | Voiceless Duology 2 | COMPLETEDWhere stories live. Discover now