Kabanata 47

42 1 0
                                    

Grief

Nabaling ang tingin ko kay Kiel at sa anak kong mahimbing na ang tulog sa sofa malapit sa kama ko. Dahan-dahan akong umupo upang mas makita sila nang maayos. Napangiti ako habang pinagmamasdan silang dalawa. Na kahit ang pagpikit ni Kiel habang tulog ay kuhang-kuha ni Zick. Manang-mana. Ang hugis ng mukha, tangos ng ilong, kutis, ang mapupula nilang mga labi, lalo na ang mga mata.

Hindi ko alam kung anong ginawa ko sa past life ko para magkaroon ng ganito kagandang pamilya. Kung nabuhay lang din siguro ang kambal ni Zick ay magiging mas masaya. Kung nabubuhay pa siguro ang mga taong nawala nang dahil sa nakaraan ay mas masaya.

I tried to stand up. Napangiwi ako nang kumirot ang sugat ko sa kaliwang dibdib ngunit nang pakiramdam ko ay kaya ko, tuluyan na akong tumayo. Dala ang dextrose, tahimik na nilapitan ko ang mag-ama ko at pinagmasdan pa sila nang ilang sandali bago napagpasyahang lumabas.

Tumungo ako sa chapel ng hospital. Nagulat pa ako nang makita ko roon si Mommy. Akala ko ay kanina pa ito nakauwi. Siguro ay nagpaiwan siya.

Walang kibo akong tumabi sa kaniya ngunit hindi man lang niya ako nilingon. Sa halip ay nanatili ang tingin niya sa harap kung nasaan Siya.

"Your brother still wanted to live long." Mommy began with her sharp words.

I swallowed nothing. Still staring in front of us where He is. Sure, he was. He wanted to live long for his own family. For his wife especially for his daughter. Who wouldn't?

"Before he left that night for that event, he said something to me which made me think not to let him go, but he insisted." Pagpapatuloy niya.

Narinig ko pa ang panginginig ng boses nito at ang mahihinang hikbi niya. Sinubukan ko siyang tingnan. Laglag ang balikat nito habang nakatingin sa harapan. Tila lantang-lanta. Ramdam na ramdam ko ang paghihirap niyang lumaban mula pa nang mga nakaraang araw. Ganito siya noong namatay si Daddy ngunit tila mas masakit ang ngayon. Of course, Kuya Roy was her favorite!

"N-nangako siya, e. Nangako siyang babalik siya. Ibinilin niya sa akin ang apo ko at ang asawa niya . . . pati ikaw. How could he break his promise and left me like this." Her voice broke. Halos pumiyok siya roon.

Humigpit ang hawak ko sa laylayan ng damit ko. Napayuko ako at kinagat ang ibabang labi upang hindi makagawa ng tunog sa pag-iyak ko. Pumikit ako nang mariin at nagmura nang malulutong sa isip ko. Blaming myself all over again but I can't do anything about it anymore. They are gone. For good. Ano pa ang magagawa ng isang tulad ko?

"I-I want to blame myself for what happened. Na kung hindi ko kinunsinti ang kasamaan at kalupitan ng Lolo mo noon ay hindi mangyayari 'to. Na sa sobrang kagustuhan kong tanggapin ako ng buong pamilya ng Daddy mo, ginawa ko ang lahat. Naging masama ako para lang sa kagustuhan nila at para matanggap nila ako." She blurted out and burst into tears.

Ilang minuto siyang humagulgol doon at dinig na dinig ko ang matinding sakit sa bawat hiyaw niya, na tila isinusuko na niya ang lahat sa kung nasaan kami ngayon. Ni hindi ko siya magawang yakapin dahil ako mismo, nanghihina dahil sa naririnig ko.

"I-I don't know how can I continue this anymore. That as much as I wanted to survive and just accept what happened to my son, hindi ko kayang tanggapin. I failed as his mother at alam kong hindi rin ako magiging mabuti para sa 'yo. H-hindi ko kaya ang ganito. Now I can understand what Liza felt when I killed her baby. H-hindi ko kaya. P-patawarin ninyo ako."

Tuluyan ko nang pinakawalan ang marahas at pagod na buntong-hininga ko. Inangat ko ang tingin ko upang tingnan siya.

"I'm still here, Mom. Why are you saying that? Na parang pati kayo ay iiwan ako?" Mapait na tanong ko sa kaniya.

Listens to Memories | Voiceless Duology 2 | COMPLETEDWhere stories live. Discover now