Kabanata 56

42 1 0
                                    

Twin

"I-I'll go ahead, Kiel-"

"No." Mariin niyang putol sa sasabihin ko.

"Why are you crying?" Maawtoridad niyang tanong muli na tila sinasabi na kailangan ko talagang sagutin ang tanong niyang iyon.

I cleared my throat habang patuloy sa pagkalampag ang puso ko sa labis na kaba. Napatingin ako kay Eleanor na mas lalong tumalim ang tingin sa akin. I tried to calm down. Pinilit kong alisin ang hawak sa akin ni Kiel ngunit masyadong mahigpit iyon kaya lalo akong na-frustrate. Pakiramdam ko ay mababaliw ako sa sobrang frustration. Hindi pa ako handang sabihin sa kaniya ang tungkol sa bagay na 'yon! Bakit pakiramdam ko ay pinipilit nila ako?

"K-Kiel, please . . ." I whispered to myself and violently sigh because of too much frustration.

"Bakit hindi mo sabihin ngayon kung sino ang batang 'yon, Acel? Tutal ay nandito na lang din naman tayong lahat. Why don't you tell him the truth about that child?" Panghahamon sa akin ni Eleanor kaya lalong nagningas ang apoy ng galit ko para sa kaniya.

Pakiramdam ko ay kayang-kaya ko siyang saktan ngayon. Pakiramdam ko ay kayang-kaya kong ibuhos sa kaniya lahat ng galit at sakit na pinipilit kong itinatago.

"S-stop fucking interfering with my personal life, Eleanor. Just fucking stop." Mariin at nanggigigil kong sinabi sa kaniya at diretsong tiningnan siya sa mga mata niya.

Ngumisi ito at bumaling kay Kiel na tila nais talagang malaman ang totoo kaya gagawin niya ang lahat upang mapagsalita ako tungkol sa bagay na 'yon. Oh, God. I can't take this anymore.

"I honestly don't care about your personal life. I'm just concerned about Kiel and his reputation. Hindi ko hahayaang lokohin mo siya habang mahal na mahal ka niya, you ungrateful bitch. Hinding-hindi ko matatanggap na habang nagpapakatanga at hinahabol ko ang pagmamahal ni Kiel ay sinasayang mo lang 'yon!" Halos hiyaw niya sa' kin kaya napailing na lamang ako.

Marahas kong inalis ang hawak sa akin ni Kiel at hindi binitiwan ang tingin ni Eleanor. Nangngingitngit ito sa galit kaya naman halos matawa ako kung hindi nga lang puno ng kaba ang dibdib ko.

"That's why you're doing this because you want to take him away from me? Do you think I will let you-"

"Just tell us the fucking truth! Kung hindi mo iyon anak kay Calix, sino ang batang 'yon? O baka naman sa ibang lalaki talaga ang batang 'yon. Let me guess, hindi mo siya kilala dahil one-night stand lang ang nangyari sa inyo at nabuntis ka, am I right?"

Sa puntong iyon ay hindi ko na kinaya ang sinabi niya sa 'kin. Nagsisimula na namang uminit ang sulok ng mga mata ko at ang lahat sa akin. Alam kong anumanng-oras ay sasabog na ako.

Tumingin ako kay Kiel upang humingi sana ng tulong ngunit mas nasaktan ako sa nakita ko. His pair cold eyes are just staring at me. His blank expression and dark eyes is giving me chills. Hindi ko alam ang ibig-sabihin no'n. Hindi ko alam kung galit ba siya o ano. Gusto kong isipin na pinaniniwalaan niya ang mga sinabi ni Eleanor tungkol sa 'kin ngunit hindi ko kayang tanggapin. Alam niyang hindi ako gano'ng babae. Ngunit ano ang ibig-sabihin ng mga tingin na iyon?

Ngumiti ako nang mapait at marahas na bumuntong-hininga.

"Isipin ninyo ang gusto ninyong isipin. I don't have anything to say to you lalo na sa 'yo." Pagod na sinabi ko sa kaniya at akmang iiwan na sila roon ngunit nanigas ako sa kinatatayuan ko nang marinig ko ang sinabi ni Kiel.

"I want to know . . . Who is he?" Garalgal ang boses niya nang sabihin niya iyon.

Kinagat ko ang ibabang labi ko at humarap sa kaniya nang dahan-dahan.

Listens to Memories | Voiceless Duology 2 | COMPLETEDDonde viven las historias. Descúbrelo ahora