Epilogo

79 3 0
                                    

Epilogo

"They are healthy. Makikita mo sila kapag maayos ka na kaya magpalakas ka kaagad," marahan niyang sinabi sa 'kin at inilapit ang mukha sa pisngi ko.

Napapikit ako. Ramdam ko ang labis na pagod sa buong katawan ko at ang hapdi ng sugat sa puson ko. I had a C-section. The last time I remember, I really tried to make it in normal delivery but my body gave up suddenly. Bumigay na ang lahat sa 'kin kaya agad na nagdesisyon ang lahat para sa 'kin dahil kung hindi, ang mga anak ko ang mahihirapan.

Ramdam ko ang mahigpit na hawak ni Kiel sa mga kamay ko kaya tiningnan kong muli siya. Nakapikit ito habang nakasubsob pa rin ang mukha sa leeg ko. Tila nagpapahinga... o nagdadasal? Napangiti ako at halos maiyak nang maalala ko ang unang beses na nanganak ako at wala siya sa tabi ko nang mga panahon na 'yon. It was normal delivery yet it was hard for me to carry. Because I'm all alone. Everyone was there for me, cheering me, but I still felt the loneliness during those times. Pero ngayon, sa kabila ng sakit at pagod na nararamdaman ng buong katawan ko, pakiramdam ko ay maayos ang lahat. Pakiramdam ko ay magaan ang lahat. Pakiramdam ko ay kakayanin ko ang lahat dahil nandito na siya. Ligtas na ako.

"I-I'm sorry..." I whispered to him, which made him looked up to me. Kumislap ang mga mata nito nang iangat niya ang kamay niya upang haplusin ang pisngi ko.

"Why..."

"Hindi ko kinaya. Gusto ko sanang-"

"Hush... you did well today. You're doing good all the time. Stop saying that. Ang importante ligtas sila lalo na ikaw, hmm?" He cut me off while still caressing my face full of love and compassion.

I cleared my throat. Ang namumuong sakit na iyon sa lalamunan ko ay napunta sa puso ko. Kinagat ko ang ibabang labi ko at tumango sa kaniya.

"T-thank you for being here. That time I gave birth to our Zick was so hard for me because I needed you and you weren't there. And now that you're here... with me... I feel safe..." I trailed off and reached his face. "and I'm so happy. Masayang-masaya ako, Kiel." Tuluyan nang bumagsak ang mga luha ko.

Naputol lamang iyon nang biglang bumukas ang pintuan at tumambad kaagad sa 'min ang ingay ng lahat ng mga pumasok.

"Where's the twin? I'm excited to see them!" Hiyaw ni Lola Imelda kaya natawa na lamang ako.

Agad na dumiretso sa 'kin ang mga pinsan ko at ang anak kong si Zick. Ngunit pinigilan kaagad sila ni Kiel na lumapit dahil hindi pa ako lubos na maayos. May bag of ice pa nga sa tiyan ko at hindi pa ako gaanong makagalaw.

"Mommy! Are you alright?" Zick asked me, which made me smile, and simply nodded at him.

"She's fine, son. Kailangan ng matinding pahinga ng mommy mo. We'll see your twin brother and sister soon," sagot ni Kiel sa kaniya. Pinagmasdan ko lamang sila.

"Bakit hindi pa ngayon? May problema ba sa kambal?" Nag-aalalang tanong ni Levi at lumapit sa 'kin saka ako hinalikan sa noo. Nakita ko ang pagngiti sa 'kin ni Astraea habang ang anak niyang si Asteria ay nasa tabi ni Zick. Magkahawak pa sila ng kamay. They are really close. Parang kami lang ni Levi mula pa man noon hanggang ngayon.

"They're fine. Hinahanda lang sila." Si Kiel pa rin ang sumagot.

Everyone is so excited to see the twin. Ramdam ko ang pagsabog ng puso ko sa sobrang kagalakan sa kadahilanang maraming nagmamahal sa mga anak ko. Hindi ko inaasahan ang mga pangyayari nang mga nakaraang buwan habang ipinagbubuntis ko sila. Bumyahe pa ang ilan sa pamilya ko patungo rito sa Australia just to see us in person. Hindi raw sila makukuntento sa video chat lang.

Kiel and I decided to postponed our wedding until I gave birth. Alam kong maayos din ang takbo ng kompanyang pansamantalang iniwanan ko dahil nasa mga kamay ito ni Uncle Raul kahit pa abala rin ito sa family businesses niya. Sina Lynne ay kamakailan lang ay kinasal na rin maging si Aya. Sina Justine at Miko ay hanggang ngayon naghahabulan pa rin. Hindi ko na alam sa dalawang 'yon.

Listens to Memories | Voiceless Duology 2 | COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon