Kabanata 15

72 1 0
                                    

Statement

I knew that a fucking nice feeling will turn everything upside down. And for the record, the universe proved me right. Again.

My mind keep telling me that it was just a prank call and all. Siguro ay may malakas talaga ang trip at gano'n ang naisipan niyang gawin nang araw na 'yon. It's possible but it's a stupid idea. It's a stupid freaking idea dahil hanggang ngayon ay ramdam ko pa rin ang pagdagundong ng buong pagkatao ko dahil sa tawag na 'yon.

"Puwede pa bang ma-trace ang number? Is it possible?" I heard Calix asked the police na inimbita namin noong nakaraang araw pa, ngunit ngayon lang dumating.

Nanatili lang ang tingin ko sa kung saan. Walang laman ang utak kundi ang tawag na iyon. Sino 'yon? Bakit gano'n ang sinabi niya? Anong kinalaman niya sa pagkamatay ni Daddy? Anong kinalaman niya sa mga nangyari limang taon na ang nakalilipas?

"Unfortunately, we cannot trace the number anymore, Sir, dahil kahapon pa ito unreachable pero sigurado kami na tatawag muli siya. May kilala ba kayong puwedeng gumawa nito?" The police asked.

Naramdaman ko ang hawak ni Calix sa kamay ko kaya nabaling ang tingin ko sa kaniya.

"Ha?" Wala sa sarili kong tanong.

"They were asking kung may kilala kang puwedeng gumawa nito," he replied which made me look at the police.

"Yes. The De Ocampos," I uttered.

Nang matapos kaming mag-usap ng mga pulis ay nagpasama ako kay Calix patungo sa law firm para tanungin siya tungkol sa new statement ni Benjie. Maaaring malaman ko roon kung sino ang tumawag na 'yon. Hinding-hindi ako matatahik hangga't hindi ko nalalaman kung sino iyon.

Nang makarating kami sa law firm ay nagmadali akong tumungo sa office ni Lex. Nadatnan namin ito roon na kasama si Anastacia, his wife, at tila may seryoso itong pinag-uusapan. Nang makita nila kami ni Calix ay agad itong tumayo.

"AJ, what brings you here? Sit down." Lex greeted me at tumango lamang kay Calix.

Saglit na nginitian ko si Ana na tumango lang din sa 'kin at nagmadaling umupo sa tabi niya.

"May I read Benj's statement about what happened five years ago?" I began.

Nakita kong natigilan saglit si Lex at bumalik sa upuan niya. Si Calix ay naupo sa kaharap kong upuan.

"Are you sure? The last time you went here, sabi mo ay hindi mo pa kayang basahin ito?" Nag-aalangan niyang tanong sa 'kin.

Huminga ako nang malalim. Sumibol ang matinding kaba sa puso ko nang maalala ko na naman ang tawag na 'yon. Marahas akong bumuntong-hininga at muling bumaling kay Lex.

"Someone called me the other day. He mentioned the murder case of my Dad five years ago. Binantaan niya ako at . . ." Natigilan ako.

Hindi ko alam kung bakit pero ramdam ko ang biglaang panginginig ng mga kamay ko kaya mariin kong hinawakan iyon.

". . . sabi niya ay maghanda raw ako, kami ng pamilya ko sa pagbabalik niya," pagpapatuloy ko.

I cleared my throat and gasped an air. Nakita ko ang pagtigas ng ekspresyon ni Lex at agad na inabot sa 'kin ang folder na naglalaman ng statement ni Benjamin.

"This will be the answer to your questions," Lex uttered.

Nang abutin ko iyon ay pansin ko ang nanginginig pa rin na mga kamay ko. Nakita ko ang pagtutok sa 'kin ng tingin ni Calix ngunit hindi ko na pinansin iyon. Tahimik kong binuksan ang folder at pinasadahan ng tingin ang nakasulat roon.

Hindi ko muna ito binasa nang buo. Huminto ang tingin ko sa isang bagong pangalan na nakalagay roon.

Henry De Ocampo

Listens to Memories | Voiceless Duology 2 | COMPLETEDWhere stories live. Discover now