Kabanata 84

37 1 0
                                    

Catching bullets

"Can I talk to you for a minute?"

Umangat ang tingin ko kay Jack dahil sa sinabi niya. Saglit pa itong tumitig bago tuluyan nang lumabas. Bumalik ang tingin ko kay Kiel na kasalukuyang tulog at nagpapahinga na. Ilang saglit pa ay sinundan ko na si Jack sa labas at nadatnan ko siyang nakaupo sa gilid doon kaya tumabi ako sa kaniya.

"What's up?" I opened up to him. Seryoso ang ekspresyon nito.

"Itutuloy mo ba ang kaso?" Tanong niya sa akin na ang tinutukoy ay ang kasong nakasampa sa Daddy niya.

Nangunot ang noo ko dahil sa sinabi niya.

"What do you mean? The case has been filed a month ago, Jack," takang tanong ko sa kaniya.

Umangat ang tingin nito at sinandal ang ulo sa wall saka mariing pumikit. Anong iniisip niya? Iniisip niya bang pakiusapan ako na huwag ituloy ang kaso sa ama niya? I hope not.

"Don't get me wrong, Acel. I know everything and what you're going through right now. Iniisip ko lang si Mom. Simula nang bumalik si Dad ay hindi niya pa ito nakakausap nang maayos," tila pagod nitong paliwanag sa 'kin kaya napatango na lamang ako dahil hindi ko naman alam ang sasabihin ko.

"She's dying. She only has two years left and I'm glad to know that you're planning to stay there for good with her. She wants to see you and Zick so bad," emosyonal na dagdag pa nito.

Iniwas ko ang tingin ko sa kaniya. Ramdam ko ang unti-unting paninikip ng dibdib ko habang inaalala ang huling pagkikita namin ni Tita Liza. I can feel her sorrow as she was asking for me to let her see my son, but I didn't even let her just because of my selfishness that time. I didn't know about her sufferings and I hate myself for declining her only wish that time. Fucking stupid.

"Ang sabi niya noong huling mag-usap kami bago ako bumalik dito sa Pilipinas, handa na siya. That she's ready to be with our little sister mostly your Dad. Hindi na raw siya makapaghintay. I can't believe her saying that to my face . . ." He chuckled but I can feel the pain on his voice. It broke when he said that.

Nalalasahan ko na ang dugo sa ibabang labi ko dahil sa paulit-ulit na pagkagat ko roon. Ramdam ko ang unti-unting pagkahati ng puso ko habang rumirehistro sa isipan ko ang sitwasyon niya ngayon. Hindi ko lubos maisip na hahantong siya sa ganitong sitwasyon dahil alam kong napakabuti niyang ina.

Marahas akong bumuntong-hininga at tumingala upang pigilan ang luhang nababadya nang bumagsak mula sa mga mata ko. Nang tingnan ko si Jack ay nahuli ko itong nagpalis ng mga luha at umiling pa.

"Do you want to talk to him?" Tanong niya sa 'kin nang humarap siya.

Kumunot ang noo ko dahil hindi ko maintindihan kung sino ang tinutukoy niya.

"Who?"

"Dad . . ." He almost whispered.

Saglit na huminto ako sa paghinga at mabilis na umiling.

"N-no, Jack. I can't. Wala akong sasabihin-"

"I'm not forcing you, Acel, but I know you have a lot to say to him and that's okay. It will help you to move on. Trust me," pangungumbinsi niya pa sa 'kin.

Hindi na ako sumagot at nanatili lang na nakatingin sa mga kamay ko. Hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko. It's true that I have lot of things that I want to say to him, but what for? It's not even worth it. This war is now finally over. Hindi ako sigurado kung kaya ko siyang harapin. Pakiramdam ko ay bibigay ako sa harapan niya. Pakiramdam ko ay sasabog lahat ng galit ko para sa kaniya at hindi niya dapat makita iyon. Hindi niya na dapat pang malaman iyon.

Listens to Memories | Voiceless Duology 2 | COMPLETEDWhere stories live. Discover now