Kabanata 20

61 1 0
                                    

Mine

The other day, he didn't show up to my office kahit na ngayon ang schedule ng meeting namin. Wala akong ganang pumasok dahil pa rin sa nangyari kagabi at sa naging desisyon ni Calix. Hindi ko alam kung anong balak niya. Hindi ko alam kung ano nang nangyayari sa kaniya roon dahil kahit isang text man lang ay wala akong matanggap mula sa kaniya. Pilitin ko mang maging normal ang lahat, hindi pa rin maalis sa isip ko ang sinabi niya nang gabing 'yon. Idagdag mo pa ang Kiel na iyon na bigla-bigla na lang sumusulpot sa kung saan. Totoo nga yatang ini-stalk ako ng lalaking 'yon.

"Miss Acuzar, how about the status of the A&S? Is there any progress?" Tanong sa akin ng isa sa mga miyembro ng board.

Saglit na tiningnan ko ito at kinuha ang panibagong letter galing sa banko. Simula nang magpadala sila ng mga sulat na wala namang pinagbago kung hindi puro warning lang ay hindi ko na ito binasa, kahit buksan lang. I don't want to waste my time reading their notices lalo na't alam kong may pag-asa pa ang kompanya ni Daddy. Saka ko na lamang ipa-follow up kay Kiel ang status ng pagbili niya ng shares ng mga Lim kapag nagkita kami.

"It's . . . uhm, it's still in process pero asahan ninyo na mababawi ko nang buo ang kompanya," simple kong sagot sa kaniya. Nakita ko pa ang pag ngisi ng iba sa akin.

"Mr. Acuzar, your dad, is lucky to have you as his daughter dahil hanggang ngayon ay hindi mo pa rin siya binibigo." Dinig kong sambit ng isa pa. Nang tingnan ko kung sino iyon ay napangiti ako.

"Thank you, Mr. Real. Hindi kayo mabibigo sa 'kin," I told them as I ended the meeting.

Matapos ang quick conference na iyon ay tamad akong bumalik sa opisina para magpahinga. Ramdam ko pa rin ang lamig sa katawan ko at ang panaka-nakang pagbahing ko dulot ng ulan kagabi. Hinatid ako ni Kiel hanggang sa bahay at pagkatapos ay nag commute na lamang ito pauwi. He insisted to drive me home kahit na sinabi kong ayoko kaya wala na akong nagawa nang umalis siya. Malakas pa ang ulan noong umalis siya kaya hindi ko maiwasang isipin ito. Kung ako nga na saglit lamang nanatili sa sementeryo habang umuulan nang malakas-nagkasakit na, paano pa kaya siya?

Nang makarating ako sa opisina ay agad kong dinial muli ang number ni Calix. Katulad kahapon at nang mga nakaraang araw ay nagriring lamang ito. Pakiramdam ko ay sinasadya niyang hindi sagutin ang tawag ko dahil hanggang ngayon ay galit pa rin siya.

Nang maramdaman kong wala na talagang pag-asa na sagutin niya pa ang tawag ko ay tinigil ko na ito. Sa halip ay ang number ni Lynne ang dinial ko na agad din niyang sinagot.

"Lynne, Horizon tonight?" I asked her right after she answered the call.

Narinig ko ang paghalakhak nito sa kabilang linya kaya nangunot ang noo ko.

"Of course, I'm always in. Ikaw pa ba," sagot niya sa 'kin at humalakhak na naman kaya lalo na akong nainis.

"Anong nakakatawa?" Hindi ko na napigilang tanong sa kaniya at humarap na sa laptop ko.

"Masama na bang tumawa ngayon? Bakit nagagalit ka?" Pang-aasar niya pa sa 'kin. Ramdam ko na ang panunuot ng iritasyon sa ulo ko.

Lagi talagang wala sa timing ang panggagago sa 'kin ng babaeng 'to.

"Fuck off, Lynne, not today. Let's just meet later at Horizon. Fuck you!" I told her irritably and ended the call.

Halos ibalibag ko ang cellphone ko sa table at tinapos na ang mga dapat kong tapusin ngayong araw.

I decided to eat my lunch outside. Saktong matapos akong kumain ay tumawag sa 'kin si Maxim na tila emergency dahil kanina pa pala ako tinagawagan nito. Naka-silent ang cellphone ko kaya hindi ko na ito narinig.

Listens to Memories | Voiceless Duology 2 | COMPLETEDWhere stories live. Discover now