Kabanata 29

50 1 0
                                    

War

The war in Surigao Del Sur a decade ago ended so much lives. From the residents there kasama na ang mga army na ipinadala roon. Uncle Saldy almost lost his right hand because of that war. Nalaman ko iyon kay Levi nang minsang marinig niya ang mga magulang niyang nag-aaway noon. Uncle Saldy's weakest point was that fact. Na kung titingnan siya ngayon ay aakalain mong hindi ito kailanman nasaktan pero pakiramdam ko'y malalim pa itong pinagdaraanan. Lalo na nang malaman kong ayaw naman talaga nito pumasok sa military noong una at kalauna'y pumayag din.

"Henry De Ocampo? Patay na ang taong 'yon, hindi ba?" Gulat na tanong sa 'kin ni Lolo Samuel. Nakita ko pa ang pagtalim ng tingin nito.

Tuluyan na akong naupo sa upuang para sa 'kin habang nakatingin ang lahat sa 'kin.

"He's alive, Lolo. He came back at siya rin ang nagpapadala sa 'kin ng threats noong nakaraan." Walang atubiling sagot sa kaniya.

Bigla kong naalala ang text message na natanggap ko noong nakaraang araw. I tried calling that number but it was unreachable already kaya naman nireport ko agad iyon kay Lex. Alam kong sa iisang tao lang nanggagaling ang mga text message na iyon. Ngunit sino ang tinutukoy nitong malapit sa 'kin?

"Are you even sure of that, AJ? Imposibleng mabuhay ang taong 'yon sa gyera sampung taon na ang nakalilipas. I saw him exploded with that bomb." Uncle Saldy spoke, so I look at him.

Pinasadahan ko ng tingin ang lahat. Ito ang pangalawang beses na nagsama-sama ang lahat para sa isang dinner at hanggang ngayon ay hindi ko pa rin alam ang dahilan. Bigla na lamang akong tinawagan ni Levi para pauwiin sa Casa de Acuzar na hindi ko na natanggihan. Zick is on his room already dahil kanina pa ito tulog.

"I'm sure, Uncle, dahil nakita ko siya mismo."

Hindi ko na napigilan ang sarili kong sabihin iyon. Bahala nang malaman nila na alam na ni Kiel ang tungkol sa anak ko. Alam ko namang malalaman din nila ang tungkol sa bagay na 'yon kalaunan.

Nakita ko kung paano natigilan ang lahat at tumutok ang tingin sa 'kin, especially Lolo Samuel and Kuya Roy. Si Mom ay nanatiling walang kibo at saglit na sinulyapan lamang ako.

"What? How?" Kuya Roy asked me.

Marahas akong bumuntong-hininga at mabilis na uminom ng tubig. I cleared my throat and looked away from them. Narinig ko pa ang pagtikhim ni Levi sa tabi ko kaya napatingin ako sa kaniya. His eyes were full of questions as well as everyone.

"I met him the other day with . . . Kiel." I almost whispered.

Narinig ko ang bayolenteng reaksyon ng lahat lalo na si Kuya at Uncle Saldy. Wala akong ibang kakampi ngayon dahil wala naman si Uncle Raul, tanging si Levi lamang ang alam kong maiintindihan ako.

"What? What do you mean by that?" Kuya Roy spoke.

"Kiel De Ocampo? The father of your child? Would you mind explaining things to us, Acel Jean?" Lolo Samuel said in his baritone voice.

Hindi pa ang ako nakakahugot ng hininga ay narinig ko na ang nakakairitang halakhak ni Uncle Saldy kaya napatingin ako sa kaniya. Nagpunas ito ng bibig saka uminom ng tubig at pagkatapos ay diretsong tumingin sa 'kin.

"Obviously, she's hanging out with that guy again. Hindi na ako magtataka kung malalaman natin ngayon na alam na ng lalaking 'yon ang tungkol sa anak niya," he said in his sarcastic voice.

Hindi ko alam kung bakit bigla akong nakaramdam ng iritasyon sa tinuran niyang 'yon. Sa kanilang tatlo nila Daddy, ito ang may pinakanakakainis na pag-uugali dahil pakiramdam ko'y mababa ang tingin niya sa lahat. Kaya naman hindi sila magkasundo ni Levi.

Listens to Memories | Voiceless Duology 2 | COMPLETEDМесто, где живут истории. Откройте их для себя