Kabanata 64

41 2 0
                                    

Surprise

"Mommy, are you feeling okay? Why do you look so sad?"

Tiningnan ko ang anak ko dahil sa tanong niyang 'yon. Nakatayo ito sa harapan ko habang may hawak na libro. He's looking at me directly to my eyes. His innocent eyes are so fascinating. Tila tinatawag ako ng mga iyon.

Tipid na ngumiti ako sa kaniya at inabot ang mga kamay niya. Hindi pa rin binibitiwan ang libro.

"Mommy's fine, Zick. I'm just tired. Don't worry about me," malumanay na sagot ko sa kaniya.

Tumango lang ito at hindi na kumibo. Buong akala ko ay iiwan na ako nito ngunit nagulat pa ako nang tahimik na tumabi ito sa 'kin at nagsimulang magbasa. Napangiti ako dahil sa ginawa niya habang pinagmamasdan lamang siya. He's being aware of his surroundings lalo na sa aming mga magulang niya. Noon ko pa ito napapansin na bigla na lamang lumalapit sa 'kin nang tahimik at mananatili sa tabi ko. I know what he was doing since then. Parehong-pareho sila ng Daddy niya. They can feel my sorrow. They can feel how exhausted I am until now. Hindi ko rin alam kung bakit ako pagod.

While I was watching Zick reading something, my phone suddenly beeped. Nang tingnan ko kung sino ang nag text ay nangunot pa ang noo ko nang rumehistro doon ang hindi kilalang numero.

Ilang minuto pa akong nakatitig sa text message na iyon hanggang sa bigla na lamang sumulpot sa harapan ko si Kiel at tahimik na kinuha sa 'kin ang cellphone ko

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Ilang minuto pa akong nakatitig sa text message na iyon hanggang sa bigla na lamang sumulpot sa harapan ko si Kiel at tahimik na kinuha sa 'kin ang cellphone ko. Nang iangat ko ang tingin ko sa kaniya ay nakakunot na ang noo nito habang may kung anong ginagawa roon.

"Do you often received this kind of message?" Seryoso niyang tanong sa 'kin.

Maya-maya pa, tinapunan na ako nito ng tingin at binalik na sa 'kin ang cellphone ko.

"Ngayon pa lang. Sino ba 'yan?" Tanong ko sa kaniya at sinubukang tingnan muli ang text na iyon ngunit hindi ko na makita sa inbox ko. Binura niya siguro.

Umupo ito sa tabi ko at marahang hinalikan ako sa ulo. Naramdaman ko ang paghaplos niya sa pisngi ko kaya napatingin ako sa kaniya.

"Just ignore it. Wala lang iyon," he said softly.

Tinitigan ko pa ito saglit dahil hindi ko maintindihan ang inaakto niya ngayon. I want to ask him if he remembers everything now but I can't dahil ayokong sirain ang momentum kung hindi pa naman talaga. Hindi ko lang maintindihan kung bakit siya ganito. Dahil ba sa nangyari? Ano ba ang nangyari?

"Lalabas ako, gusto mo bang sumama?" Pag-iiba niya ng usapan at nanatiling inieksamin ang kabuuan ko.

Naramdaman ko ang paggalaw ni Zick sa tabi ko kaya nilingon ko iyon at muling bumaling kay Kiel. Agad na kumalampag ang puso ko nang bumangga ang labi ko sa baba niya dahil sobrang lapit nito sa akin. Naamoy ko pa ang mint na iyon sa hininga niya dahil bahagyang nakabukas ang labi nito.

"I . . . I'm fine here, Kiel," nauutal na sagot ko sa kaniya.

Gano'n pa rin ang pwesto niya kaya hindi ko alam kung ako ba dapat ang lumayo sa kaniya o ano.

Listens to Memories | Voiceless Duology 2 | COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon