Kabanata 82

43 1 0
                                    

Beg

"Saan ka ba pupunta?" Tanong kong muli sa kaniya nang makita kong tapos na siyang magbihis at kasalukuyang nag-aayos ng sarili.

Saglit lang na tumingin ito sa 'kin at tipid na ngumiti.

"I just have something to discuss with Celina. Saglit lang ako," kalmado niyang sagot sa 'kin.

Bigla kong naalala ang narinig ko kagabi sa kaniya habang may kausap sa cellphone na nagngangalang Lucas. Natatandaan ko pa na sinabi nitong isa sa mga pinagkakatiwalaan iyon ng Daddy niya maging ang sinabi niyang pupuntahan niya ito.

Kumunot ang noo ko. "Really? Can I go with you then?" I asked him again, making sure that he wasn't lying to me.

Matagal bago ito lumingon sa 'kin kaya nagpatuloy lang ako sa pagmamasid sa kaniya. Nanatiling blangko ang ekspresyon nito hanggang sa humarap na siya sa 'kin. His forehead is frowning as he looked at me.

"Just stay here. Sabi ng doktor ay kailangan mong magpahinga. Saglit lang ako," marahan nitong sinabi sa 'kin kaya napangiti ako nang mapait.

Why do you need to keep this from me, Kiel? Anong binabalak mo?

Hindi ako sumagot. Tinitigan ko lamang siya. Sinusukat ang tingin niya at kung hanggang saan siya tatagal sa pagsisinungaling sa 'kin. Nang hindi na talaga ito nagsalita ay napairap lang ako at umiwas na sa kaniya ng tingin. Walang kibo akong tumungo sa kama at humiga roon. Bigla akong nakaramdam ng kakaibang kaba sa 'di malamang dahilan.

"Hey . . ." Dinig kong tawag niya sa 'kin.

Sunod na naramdaman ko ang pag-upo niya sa gilid ko. Marahan nitong hinaplos ang pisngi ko. Nakatalikod ako sa direksyon niya at pilit pinipigilan ang sariling pansinin siya.

"Baby . . ." He called me again in his raspy voice. Mariin akong pumikit.

"Just go, Kiel." Tamad na sinabi ko sa kaniya nang hindi pa rin siya nililingon. Nanatili ang paghaplos niya sa pisngi ko kaya napapikit na lamang ako.

Saan siya pupunta? Alam niya ba kung saan nagtatago ang Daddy niya kaya pupuntahan niya ito? Anong gagawin niya roon? Bakit kailangan niyang itago sa 'kin ang bagay na 'yon?

"I'll be quick. Don't be mad, please . . ." He gently said to me.

Naramdaman ko na ang mainit na hininga niya sa pisngi ko. Maya-maya pa, lumapat ang malambot na labi niya roon.

"Mahal na mahal ko kayo," he uttered. Sunod na narinig ko ay ang pagbukas at pagsara ng pintuan.

Padarag akong umupo sa kama at tinanaw ang pintong nilabasan niya. Hindi ko maipaliwanag ang kabang nararamdaman ko kaya mabilis na kinuha ko ang cellphone ko and dialed Lex's number. Nakatatlong ring lang iyon bago niya sagutin.

"Acel, napatawag ka? I heard what happened to A&S." Bungad niya sa 'kin kaya napatango ako.

"Yeah, it sucks. May itatanong lang ako. May balita na ba sa operation ng mga pulis sa paghuli kay Enrique at Henry De Ocampo?" Tanong ko agad sa kaniya.

Naririnig ko sa background ang boses ni Anastacia na tila may kausap at galit base sa taas ng tono nito.

"Ah, yeah. Actually tatawagan na sana kita pagkatapos ng meeting ko ngayon. In Henry and Enrique's case, the police and military officials are on their way to the place where they are staying right now. Hopefully, this operation will be successful-"

"What? Bakit ngayon mo lang sinabi sa 'kin?" Gulat na tanong ko sa kaniya at tuluyan nang napatayo. Nagsimulang kumalabog ang puso ko nang husto.

"Dahil ngayon ko lang din nalaman. What's wrong? Bakit parang galit ka?" May pagtatakang tanong niya sa 'kin.

Listens to Memories | Voiceless Duology 2 | COMPLETEDDove le storie prendono vita. Scoprilo ora