Kabanata 1

150 3 0
                                    

Home

"When was the last time you took your medicine?" Kunot-noo niyang tanong sa 'kin at nilapitan pa ako.

Ramdam ko ang marahan niyang paghawak sa baywang ko habang ibinabalik ko ang pitsel ng tubig sa ref.

"Last week. Why?" Takang tanong ko sa kanya.

"You're skipping?" He asked again, talking about my anti-depressant medicine.

Yes. Anti-depressant. Ilang buwan mula nang manganak ako noon nang atakihin ulit ako. I don't know what was happening to me that time, pero naaabutan na lang ako nila Kuya na nakakulong sa banyo at hinahayaang umiyak nang umiyak ang anak ko sa kuwarto niya. They took me to the hospital and my doctor scheduled me for therapy.

"It's fine, Calix. Hindi na siya madalas," I said to him then looked at him and saw his worried expression.

"Are you sure? I mean, I don't want something to happen to you and Zick, you know that, Acel," seryoso nitong sinabi sa 'kin saka iginiya ako sa sala.

Zick is still sleeping. Matapos ko siyang paliguan ay saglit na nagbasa kanina ay dumiretso siya ng tulog sa kuwarto niya. Mabuti na lamang ay hindi na siya mahirap pasunurin, hindi gaya ng dati.

"Please tell me everything I need to know, so I can help you. You shouldn't skip your meds; you know that right?" Panenermon niya sa 'kin kaya napangisi lamang ako.

"Kararating mo lang ay nanenermon ka na agad." Reklamo ko sa kanya.

Kararating lamang kasi nito galing Pilipinas. I told him the last time we talk na huwag nang mag-aksaya ng pera at oras para lang dumalaw sa 'min ni Zick, ngunit hindi siya nakikinig. Ever since we migrated and live here for good ay ganito na ang ginagawa niya. He even wants to also live here! Mabuti na lamang ay nakinig siya sa 'kin nang araw na 'yon kaya napigilan ko pa siya.

"Ang kulit mo kasi," maikli niyang sagot sa 'kin saka inabot ang dala niyang kape. "I want you both to be safe. Wala kayong kasama rito. That's why I want to live here with you para mabantayan ko kayo pero ayaw mo, tapos ganyan ang ginagawa mo," he added kaya natawa na ako.

It's just medicine! What in a world?

Hinagilap ko ang kamay niya at mahigpit na hinawakan iyon.

"I'm sorry. My doctor told me that it's okay to take the medicine twice a week. Huwag ka nang mag-alala. At hindi pa rin ako papayag na dito ka tumira." Pang-aasar ko sa kanya.

Narinig ko lang ang marahas na buntong-hininga niya saka ako niyakap nang mahigpit habang nakatalikod ako.

"Let's eat outside," bulong niya sa 'kin.

Marahan akong tumango saka nilingon siya. I smiled as our lips met the moment I turned around to face him. Saglit lang iyon ngunit ramdam ko ang pagkalma ng kalooban ko.

"I love you . . . and Zick," I heard him whisper between our kiss.

I held his jaw, "I love you. Let's take him to Mom and we can have our dinner outside," marahan kong sinabi sa kanya at nginitian siya.

Malaki ang pasasalamat ko dahil hanggang ngayon ay nananatili pa rin siya sa tabi ko. Hindi ko maitatanggi na sobrang napamahal na rin siya sa 'kin lalong-lalo na sa anak ko dahil siya ang hinahanap-hanap nito palagi. Ever since I decided to live here for good a year ago, Calix didn't let me live alone. Kahit nasa Pilipinas siya ay sinisiguro niyang mararamdaman ko ang presence niya. I don't know how to thank him. Minsan ay nakokonsensya pa ako agad sa tuwing napagbubuntungan ko siya ng galit dahil sa pagod ko sa pag-aalaga kay Zick.

Alas siete nang makarating kami sa bahay ni Kuya Roy dahil naroon si Mom kasama si Lola Imelda. Ibinilin ko muna sa kanila si Zick dahil sa lakad namin ni Calix. Zick didn't want to let us go nang magpaalam kami sa kanya dahil ngayon na lang ulit nito nakita ang Tito Calix niya.

Listens to Memories | Voiceless Duology 2 | COMPLETEDحيث تعيش القصص. اكتشف الآن