Kabanata 78

40 2 0
                                    

Dearest

"Do you want to visit him? I'll take you there."

I looked at Kiel when I heard that from him. He's looking straight at the road with a blank expression I couldn't read. I don't know if he's mad or what but I can feel he's not.

Umiwas ako ng tingin sa kaniya at bumaling muli sa labas ng bintana. I don't know if it's right to still see him. Wala naman na akong sasabihin pa.

"I'm fine. Let's go home," tipid na sagot ko sa kaniya at hindi na kumibo pa.

Nang makarating kami sa mansion ay sumalubong sa 'min ang katahimikan. Bigla kong naalala ang sinabi ni Lex kanina na may balak nang sumuko si Lolo Samuel sa mga pulis. Maybe that's why he acted that way to us, especially to Kiel. Maybe that's the reason why he was trying to apologize to me indirectly.

"Are you alright?" Kiel asked me before I went upstairs.

Tiningnan ko siya at tipid na tinanguan. "I'll just go talk to Lolo Samuel," I said to him and held his hand upang pasimpleng kumuha ng lakas sa kaniya.

He's one of my strengths. Still is.

"Will you be okay? You don't have to do this right now," marahan niyang sinabi sa 'kin at hinalikan ang kamay ko.

May kung anong kirot akong naramdaman sa puso ko nang marinig ko iyon mula sa kaniya. Suddenly, memories of me wanting to talk to Dad and what happened before came gushing to my mind.

"I'll be okay, Kiel. He's still my grandfather. I just need to ask him something."

Matagal bago ako pinakawalan ni Kiel. Bakas na bakas sa kaniya ang labis na pag-aalala bago niya ako hinayaang umakyat patungo sa study room ni Lolo. Nang matapat ako sa pinto no'n ay natulala ako bigla. Nakatitig lamang ako roon at paulit-ulit na iniisip kung tutuloy ba ako o hindi.

Nagsimulang tumambol ang puso ko nang kumatok ako at pihitin ang door knob. Tumambad sa 'kin ang katahimikan ng buong kuwarto. Nang ilibot ko ang tingin ko sa malaming study room na ito ay nakita ko agad si Lolo. Nakatalikod ito sa direksyon ko.

His study room looks just like Dad's. Malaki, puno ng iba't ibang libro, may mga trophy, at kung anu-ano pa. Tahimik akong nagmartsa patungo sa table ni Lolo kasabay ng pag-ikot ng swivel chair niya paharap sa 'kin.

"Lolo . . ." I uttered.

Kunot-noo itong tumingin sa 'kin at tumango. I guess he's just waiting for me to speak up dahil gano'n na talaga ang approach niya sa kahit na sino. His intimidating aura is far from Dad's personality. Nang mapadako ang tingin ko sa mukha niya ay napangiti ako nang mapait nang makita ko si Daddy. Lalo na sa salamin na iyon.

"What brings you here? Something wrong?" He asked in his cold baritone voice.

I don't know much about military, pero halos lahat ng nakikita at nakakasalamuha ko na ganito ang trabaho sa buhay ay nananatiling makisig pa rin kahit matanda na. Just like Uncle Sadly and Lolo Samuel.

"Why do you want to turn yourself into the authorities, 'Lo?" Diretsang tanong ko sa kaniya.

Bakas sa ekspresyon na nagulat siya sa tinuran ko. Diretso lang akong nakatingin sa kaniya. Not minding his intimidating and strong aura na noon pa ma'y kinatatakutan na ng lahat maliban sa 'kin. Maybe, somehow, I inherited some of my traits from him.

Umiwas ito ng tingin sa 'kin at tinanggal ang salamin niya.

"Where did you get that news?" Balik niyang tanong sa 'kin.

I shrugged my shoulders even if he was not looking at me.

"So, why do you wanna turn yourself in? Does Henry tell you to do so?"

Listens to Memories | Voiceless Duology 2 | COMPLETEDWhere stories live. Discover now