Kabanata 80

47 1 0
                                    

War of the hearts

JUST IN! The heiress of the most wanted criminal and smuggler Enrique Lim, her daughter Mari Eleanor Lim, successfully took over A&S Incorporated.

Right after I heard that news, I didn't bother to finish it and immediately went upstairs. Narinig ko pa ang pagtawag sa 'kin ng lahat lalo na si Kiel ngunit hindi ko na iyon pinansin pa.

Nagmadali akong naligo at naghanap ng damit na susuotin. Kinuha ko ang red bodycon dress na 'yon na yumayakap sa katawan ko at exposed ang likuran. Tingin ko naman ay walang problema dahil hindi pa naman gaanong halata ang tiyan ko. Pinatungan ko lang iyon ng black coat at nagsuot ng boots. Naglagay rin ako ng make up. As I was doing my hair, Kiel suddenly showed up beside me and looked at me intently.

"Where are you going?" Takang tanong niya sa 'kin.

Hindi ko siya sinagot. Sa halip ay nagpatuloy ako sa pag-aayos sa harap ng salamin.

"Acel." He called me again. This time, it was firm.

I looked up to him. "I will get back what's supposed to be mine, Kiel. Hindi ako papayag na ganito," mariin kong sinabi sa kaniya at tumayo na.

Kinuha ko ang handbag ko at naghanda sa pag-alis when Kiel grabbed my wrist, so I look at him again. Nagtitigan kami. Hinintay ko ang sasabihin niya. Maya-maya pa, nauna itong bumitaw ng tingin ngunit nanatiling hawak pa rin ang kamay ko. He sighed violently and looked at me from head to toe.

"You really are fearless . . . and I love you for that," he whispered to me and kissed me.

Napangiti na lamang ako sa ginawa at sinabi niya. Nang sabihin niyang sasamahan niya ako ay hindi na kami nag-aksaya pa ng oras. Nadatnan namin sina Lolo Samuel at Uncle Raul na nag-uusap sa baba kaya lumapit agad ako sa mga ito. Nakita ko rin ang paglapit ni Levi.

"What happened? Bakit biglang nasa kaniya na ang kompanya? Akala ko ay maayos ang lahat?" Sunod-sunod na tanong ko sa kanila.

Bakas kay Uncle Raul na labis itong namomoblema sa kasalukuyang sitwasyon. I suddenly feel guilty about what I've said earlier but I can't help it. Ramdam kong sa oras na makarating ako sa kompanya at makaharap ko ang babaeng 'yon ay masasaktan ko siya sa kahit na anong paraan.

"AJ, calm down. Ginagawan na namin ng paraan lahat. You should rest-"

"Hindi ako makakapagpahinga nang maayos kung ganito, Uncle. Eleanor should know her place or I will take her wherever she belongs to," pinal na sinabi ko sa kaniya at akmang tatalikuran na sila nang magsalita si Lolo.

"Where are you going?" He asked in his baritone voice.

Lumingon ako nang mabilis pabalik sa kanila.

"Kukunin ko ang pagmamay-ari ko, Lolo," I firmly said to him. Nakita ko ang pagkunot ng noo nito.

"A&S isn't yours anymore, AJ. Hindi makabubuti para sa 'yo ang tumungo pa roon. You're only causing here more problems," seryoso nitong sinabi sa 'kin kaya mas lalong nagpuyos ang kalooban ko. Gusto kong sumigaw!

"I'm not, Lolo! A&S is mine! Iniwan iyon sa 'kin ni Dad. Iyon na lang ang iniwan niya sa 'kin, hindi ako makapapayag na pati 'yon ay mawala," I finally said to them and walkaway. Kiel is waiting for me outside already.

Tahimik lang ako buong byahe patungo sa kompanya. Ramdam ko ang kaba sa puso ko habang papalapit kami roon dahil sa totoo lang ay hindi ko alam ang dadatnan ko roon. Hindi rin ako sigurado kung hanggang kailan ako magiging malakas sa paningin ng lahat kahit ang totoo ay patay na ako sa loob ko. Hindi ko rin alam kung kakayanin ko dahil aminado akong hindi. Alam kong wala na akong laban pa. Alam kong hindi ko na mababawi ito. Bakit nga ba pupunta pa ako roon?

Listens to Memories | Voiceless Duology 2 | COMPLETEDWhere stories live. Discover now