Kabanata 13

65 1 0
                                    

Wind up

Halos mabingi ako sa sobrang katahimikan habang binabagtas namin ang daan patungo sa kung saan. Ilang beses ko na siyang sinusulyapan ngunit nanatiling blangko lang ang ekspresyon nito. I also tried to open up the conversation but his answers remained short. Minsan nga ay tango lang.

"Where are we going?" Nag-aalangan kong tanong sa kaniya nang mapansin kong hindi pamilyar sa 'kin ang daan na binabagtas namin.

Saglit ko pang hinintay ang sagot niya kaya tiningnan ko na siya. Hindi pa rin nagbabago ang ekspresyon nito. Nakakunot lang ang noo at seryosong nagmamaneho. Napadako ang tingin ko sa kamay niyang nakahawak sa manibela. Naglalabasan ang ugat nito kaya napangiwi ako. He's mad. Ganito lang siya magalit. Tahimik pero nakakabingi.

Hinanap ko ang libre niyang kamay at marahang hinawakan iyon ngunit hindi pa rin siya tumitingin sa 'kin.

I bit my lower lip and heaved a sigh.

"I'm sorry. He was just helping me out. I tried to take a taxi para makabalik sa office ngunit nagpumilit siya." I began explaining to him.

Nagulat ako nang bawiin niya ang kamay niya sa 'kin para kamutin ang ulo ngunit sa tingin ko ay sinadya niyang bawiin talaga ito. I started to feel frustration but I remained calm dahil alam kong kasalanan ko.

"You could've just call me to come and pick you up. Bakit hinayaan mo pang tangayin ka niya?" Seryoso niyang sambit, dama ko ang pagtatampo sa boses niya.

Napakamot ako sa gilid ng ulo ko at hinawakan ko ang braso niya. Marahan ko pang hinaplos iyon dahil nararamdaman ko talaga ang tensyon doon.

"He wanted to help the company and-"

"Kaya hinahayaan mong makalapit siya sa'yo? Ano bang klaseng tulong ang kailangan mo? You can just tell me, Acel, hindi 'yong malalaman ko na lang na nagkakalapit na pala ulit kayo."

Napanganga ako nang marinig ko iyon mula sa kaniya. Ramdam ko ang galit sa tono ng boses nito at pakiramdam ko ay nainsulto ako roon. I mean, I know it was my fault and I need help to save the company of my Dad but that doesn't mean that I'm a pick girl and easy-to-get. Iyon ba ang pinalalabas niya?

Napakagat ako sa ibabang labi ko nang makaramdam ako ng iritasyon dahil sa naiisip ko. Binalik ko ang tingin ko sa labas ng bintana at natawa.

"Gano'n ba ako kababaw na tao? Well, kung iniisip mo na gano'n nga ako kababaw na tao, na kaya kong ibaba ang pride ko para lang maisalba ang kompanyang tinayo ni Dad, suit yourself, Calix, but I am not," walang gana kong sinabi sa kaniya at humalukipkip sa gilid roon.

I can now feel my heart is burning. Maya-maya pa ay narinig ko na ang marahas na buntong-hininga niya.

"That's not what I meant, Acel. I just want to understand why were you with that fucktard. Matagal ka na ba niyang nilalapitan?" Mababa na ang boses nito kaya bigla akong nakonsensya sa sinabi ko kanina lamang.

"He's our new investor, Calix. He's planning to buy all the shares of Lim Incorporated and transfer it back to the company nang sa gano'n ay hindi na ito matuloy sa pagbagsak." Paliwanag ko sa kaniya nang hindi pa rin siya tinitingnan.

Hindi ko alam kung bakit pinagkatiwalaan ko agad ang sinabi niyang 'yon sa 'kin. Siguro ay dahil desperada na akong mabawi ang halos kalahati ng kompanya. Inaamin kong hindi ko kayang tapatan ang presyo na ino-offer ni Enrique Lim sa shares na nasa kanila dahil malaki na ang sales na nawala sa A&S noong nakaraang taon pa. Hanggang ngayon na lamang ang palugit sa 'min ng bangko kaya naman kahit anong paraan ay kaya kong gawin para dito.

"In exchange for what? You?" He exclaimed which made me look at him.

"What?" I asked him in disbelief.

Listens to Memories | Voiceless Duology 2 | COMPLETEDWhere stories live. Discover now