Kabanata 72

42 1 0
                                    

Resuscitate

"Gusto mo bang maligo?"

Nilingon ko ang nagsalitang 'yon at nakita ko si Alyanna na malaki na ang tiyan. Ahead lang sa kaniya si Lynne nang dalawang buwan. Saglit pa akong napatitig sa tiyan niya at napahawak sa sarili kong tiyan nang maalala ko ang dinadala ko.

"Naligo na ako," natatawa kong sagot sa kaniya.

Nahihiya siyang ngumisi at kumamot sa ulo. Ilang oras lang ang pagitan nang dumating sila ni Asher pagkatapos ni Eleanor sa town house na ito. Ang sabi ay sinadya raw talagang tumungo rito ni Asher dahil may importante itong idi-discuss kay Kiel. Hanggang ngayon nga ay nasa labas sila at nag-uusap.

"I mean do you want to swim? May sapa rito at talon. Dinala ako roon ni Asher noong una kaming pumunta rito." Pagpapatuloy nito kaya napatango ako.

Bigla kong naalala ang sapa at talon na nakita ko noong nakaraang araw kung saan nakausap ko rin si Noah.

"Iyon ba iyong nasa dulo ng kamalig?" Tanong ko sa kaniya at tinabihan na siya sa sofa.

Nahagip pa ng mga mata ko ang mabilis na paglabas ni Eleanor kasunod si Noah. Tila hinahabol nito ang babae.

"Oo, paano mo nalaman? Nakapunta ka na?" Takang tanong niya sa 'kin kaya napatango lamang ako.

"I accidentally saw it yesterday. I want to try it honestly," sagot ko sa kaniya at tamad na sumandal at muling nakaramdam ng antok.

Si Zick ay kasalukuyang tinatapos ang homework niya kasama si Mary. Hindi ko na muna ito inistorbo dahil masama rin ang pakiramdam ko at tila nanghihina ako. I tried talking to Kiel about Eleanor at kung bakit napapadalas siya rito pero hindi na ako nagkaroon ng tsansa nang mag-usap na sila ni Asher kanina.

"You're pregnant, right?"

Mabilis ang naging lingon kong muli kay Alyanna dahil sa sinabi niya. Tumambad sa 'kin ang seryoso nitong ekspresyon at bigla pa itong ngumisi kaya hinawakan ko agad siya sa kamay.

"W-what . . ."

"I knew it. Your boobs are bigger than before," natatawa niya pang sinabi kaya napairap ako sa kawalan.

"Don't tell him. Hindi pa niya alam. I don't know how to tell him." Pagbabanta ko sa kaniya na ikinagulat niya.

"What? Are you nuts? Bakit hindi pa? Kailan mo pa ba nalaman?" She hissed which made me panicked dahil sa takot na baka may makarinig sa 'min.

"I don't know. Humahanap lang ako ng tiyempo. Just don't tell him. Let's go try that falls you were talking about," ani ko at iniwan na siya roon.

Narinig ko pa na may binulong ito ngunit hindi ko na iyon pinansin pa. Nagmamadali akong umakyat patungo sa kuwarto upang magbihis.

Kasalukuyan akong nakatayo sa harap ng malaking salamin na ito sa banyo. Kitang-kita ko ang kabuuan ko lalo na nang hubarin ko ang robe na suot ko. Tumambad kaagad sa 'kin ang mga peklat na iyon sa dibdib at balikat ko. Nang sinubukan kong tingnan ang likod ko ay nakita ko rin ang dalawa pa roon. It was the scars from those gunshots of Calix. Nagmarka iyon at kitang-kita sa balat ko dahil maputi ako. Somehow, I feel like he left these scars intentionally, so that I can still think of him every time I see it. The scars which made my heart broke even more. The scars which made my whole being feel disgusted and scared.

Nanatili ang titig ko sa mga peklat kong iyon habang dahan-dahang sinasalat iyon ng kamay ko. Ito ang unang beses na nakita ko ito at hindi ko alam ang mararamdaman ko. I want to feel anger towards him. I know I am angry at him. Alam na alam ko iyon sa sarili ko ngunit hindi ko ito maramdaman sa puso ko. Bakit, Calix? I still don't understand why we have to end up like this. Hinding-hindi ko kayang intindihin ito.

Listens to Memories | Voiceless Duology 2 | COMPLETEDWhere stories live. Discover now