Kabanata 86

47 1 0
                                    

Three months later

Tahimik ako habang nasa hapag. Parehong maingay si Levi at Jaxon habang kumakain kami. Ngayon ko lang din napansin ang pagiging seryoso ng lahat habang nag-uusap tungkol sa businesses ng bawat isa. Paminsan-minsan ay kasama si Astraea sa usapan habang ako ay nakikinig lamang.

It's been three months. I can say that everyone here in Casa de Acuzar has slowly moving on about what happened before but not me. Na kay Eleanor pa rin ang A&S. Alam ko namang hindi basta-basta ang pagbawi no'n sa kaniya at dumagdag pa ang kondisyon ko. Everyone wants me to stay home. Lalo na si Kiel.

"AJ, what's your plan on your birthday? Malapit na 'yon," tanong sa 'kin ni Celine nang napansin na tinitingnan ko silang nag-uusap pagkatapos kumain. "Are we having a party here?" Excited pa nitong tanong sa 'kin.

Ngumiti ako at tiningnan ang isang bote ng beer na dala niya. Hindi ko alam sa babaeng ito kung bakit may gano'n sa harap niya. Ibubuka ko pa lamang ang bibig ko nang biglang bumaling sa 'kin si Kiel nang nakasimangot. Inilapit niya ang kanyang labi sa aking tainga.

"As much as I wanted you to enjoy your birthday but the doctor has warned you already."

Ngumiwi ako sa kanya. "It's just us, Kiel. Here in Casa. Hindi naman siguro masama-"

"No buts, baby," aniya at hinalikan ang gilid ng aking tainga bago bumaling ulit kay Uncle Raul na may sinasabi sa kaniya at nagpatuloy sa pinag-uusapan.

"Ang OA mo, Kiel!" Sabi ni Celine at kinuha ang bote ng beer pagkatapos ay nagmartsa patungo sa kitchen.

"Sorry, Celine. You know your cousin. She has two souls inside her body," sagot sa kaniya ni Kiel.

Nakita ko ang mga mata ni Jaxon na sumusunod sa kung saan pumunta si Celine. Habang si Maxim naman sa harap ko ay patuloy na kumakain nang paunti-unti. Nagtawanan ang mga lalaki dahil sa pinag-uusapan nang biglang naging seryoso.

"Hindi ka na magre-renew ng contract, Kiel?" Tanong bigla ni Jaxon sa huli kaya napatingin ako sa kaniya.

Magaan na ang awra nito sa lalaki simula nang makalabas ito sa hospital. In fact, Jaxon has a history with Celina, their band's manager at ngayon ko lamang ito nalaman. Hindi ko pa rin maisip hanggang ngayon. Aksidente ko lamang silang narinig na nag-uusap noong nakaraang araw tungkol kay Celina.

"Pinag-iisipan ko pang mabuti. I'm planning to renew the three-year contract, but then I'm thinking once Acel gave birth ay gusto kong lagi akong nariyan. I hate tours. I mean, I like it when Acel's
with me, but we're re-building our family and I want to focus on them now," seryosong sagot ni Kiel sa kaniya na narinig ng buong pamilya ko.

Ramdam ko ang pag-init ng buong mukha ko. Narinig ko pa ang mga ngisi ng pinsan ko kaya nanatili lang ang tingin ko sa plato ko.

"I don't think that's necessary, Kiel," kontra ko sa kaniya.

"Stop it. Your fans need you and that's your passion. Ever since, hindi ba? Hindi naman ibig-sabihin na pag tinuloy mo pa 'yan ay hindi ka na magiging mabuting ama," marahan kong sinabi sa kaniya at nilingon ko ito.

Lumapit pa ako sa kaniya at agad kong naramdaman ang pagpulupot ng braso niya sa baywang ko.

"Kiel, puwede mo namang sabihin kay Celina na mag
la-lie low muna kayo. And besides, kawawa naman sina Caleb. Matagal kang hinintay ng mga 'yon." Dagdag ko pa.

"Gusto na rin naman ni Caleb at Asher na mag concentrate sa
kani-kanilang pamilya. We have been number one for years not until that incident happened. We have enough funds for a lifetime," sagot nito kaya napanguso na lamang ako.

Listens to Memories | Voiceless Duology 2 | COMPLETEDWhere stories live. Discover now