Kabanata 88

48 1 0
                                    

Dreamy

"Where are we?" Agad na tanong ko sa kaniya nang imulat ko ang mga mata ko.

Nang ilibot ko ang paningin ko ay napanganga na lamang ako nang makita kong nasa loob na ako ng isang hotel casa. Napatingin ako sa hinahanging kurtina sa bandang gilid. Nakabukas ang pinto roon na sigurado akong pinanggalingan ng hangin. Tumutok ang mata ko kay Kiel. Ngayon ko lang napansin na may kausap ito sa telepono.

"Just don't tell them where we are. Ayoko ng istorbo. Pag tumawag pa ulit ay huwag mo na lang sagutin." Dinig kong sabi niya sa kausap.

Nagkibit-balikat ako at tumayo na. Dumiretso ako sa kaninang pintuan na nakita ko. Nang makalabas ako mula roon ay tumambad sa 'kin ang malawak na karagatan. Sa baba no'n ay iilang mga puno at ang puting buhangin. Nasa mataas na parte ang kuwarto kung nasaan ako.

"Do you like the view?"

Napatalon ako sa gulat nang may maramdaman akong kamay sa aking baywang. I tilted my head to see him.

"Nasaan tayo?"

"Habang hindi mo ako kinakausap ay pina-reserve ko na ito. Do you like the view then?" Tanong niyang muli kaya napanguso ako.

Bumalik muli ang tingin ko sa karagatan. Mataas na ang sikat ng araw ngunit malakas pa rin ang hangin. Naalala ko ang unang bakasyon namin bilang mag nobyo at nobya noon. Sa isang resort din iyon.

"I honestly have a phobia of vacations like this." Pang-aasar ko sa kaniya. Nakita ko ang paglingon niya sa 'kin kaya napangisi ako.

"Ibig sabihin ay hindi mo gusto rito? I can book a staycation somewhere if you don't-"

"I like it here, Kiel. Ayoko lang ng mga pangyayari pagkatapos natin dito. Noong huli kasi akong magbakasyon sa isang resort, pagkabalik sa city ay naghiwalay na kami." I mockingly said to him and laugh at it.

Ang totoo ay hindi ko na iyon inaaalala bilang masakit na pangyayari sa buhay ko. Noon sa tuwing bumabalik sa isip ko ang mga bagay na nangyari sa 'min noon ay nasasaktan pa rin ako. Pero ngayon ay nagagawa ko na itong tawanan. Lalo ko kasing napagtatanto kung gaano ako katanga noon.

"Hey . . ." Tawag niya sa 'kin sa namamaos niyang boses.

Hinarap niya ako sa kaniya. Kasabay ng pagharap ko sa kaniya ay ang muling pag-ihip ng malakas na hangin kaya saglit na napapikit ako.

Nang idilat ko ang mga mata ko ay tumambad sa 'kin ang malambot na ekspresyon ni Kiel at ang mga mata nito. His eyes-just like the ocean near us, it is calming and soothing. His blue eyes were ocean-strong, swimming with warm sun-lit currents. I hadn't realized that blue could be such hot fire until I saw his eyes-slate outer rings with teal all the way to the black-those blue eyes fixed me in all the best ways.

Oh, Kiel, why are you so dreamy?

"You know what I love about second chances?" He asked me.

I automatically smiled when I remembered about second chances.

"I'm not sure," I answered and held his hand.

Nanatili ang tingin ko sa kaniyang mga mata. Patuloy sa pag-ihip ang hangin.

"It gave me chances to correct all the mistakes I've done to you. It gave me chances to replace the painful memories I've left to you before with a new one," seryoso niyang sinabi.

Nanatili lang ang tingin ko sa kaniya. Hindi ako nagsalita dahil alam kong may sasabihin pa siya. Sa halip ay tumalikod ako sa kaniya at niyakap ang mga braso niya palibot sa aking baywang. I leaned my head on his chest and shut my eyes, feeling his heart beat, and hearing his raspy voice.

"When I left for the battle of the bands, nanalo at naging kilala ang bandang itinayo namin hindi lang sa Pilipinas but all over the world. Walang araw na hindi ko tinitingnan lahat ng message mo at kung paano mo kami suportahan kahit hindi pa man kami nakakabalik. Ever since, you have been our number one fan at isa ka sa may malalaking bahagi sa tagumpay naming, lalo na sa 'kin, kaya nagdesisyon akong bumalik na rito maaga sa pinag-usapan naming lahat. I wanted to see you so bad. I wanted to hear your voice all over again. I wanted to see and feel your support live, hindi lang so social medias. I wanted you so bad that I was even more hurt when I finally found out about our family history."

Mas ginusto kong pumikit nang marinig ko iyon. Imagining his pain when he found out about it, how his Mom got hurt because of my Mom, how his Mom suffered for more than a decade because of my family, and how his Mom endured it all alone without telling anything to Dad. Kilala ko si Kiel. Mahal na mahal niya ang pamilya niya lalo na ang Mom niya kaya naiintindihan ko ang sakit na naramdaman niya nang mga panahon na 'yon at hanggang ngayon ay naiintindihan ko pa rin ito.

"Akala ko 'yon na 'yong pinakamasakit na nangyari sa buong buhay ko, but I was wrong when I found out about you and Calix. Na pagkatapos mo akong ipakulong noon, nagkaroon ka agad ng bagong buhay at bagong mahal sa buhay. Na sa sobrang sakit ay mas ginusto kong manatili na lang sa loob ng kulungan na iyon kaysa lumabas pa at makita kang masaya sa iba. But then again I remembered what Avery said to me that time about your pregnancy. I knew you were lying. I knew you were pregnant that time."

Napadilat ako nang marinig ko iyon. Inangat ko ang tingin ko sa kaniya.

"Why didn't you fight for it then?"

Ngumiti ito nang mapait. Bumaba ang tingin niya sa 'kin at saglit na tinitigan ako. Muling bumalik ang tingin niya sa karagatan.

"Because I thought maybe you were hiding him from me back then because you knew I wouldn't be a good father for him which is I don't want it myself. Na baka kaya mo siya itinatago sa 'kin noon dahil alam mong masasaktan ko lang siya. That's why I chose not to fight for you anymore because I've also made my choice then that maybe, I really deserved it. Na siguro kaya mo siya itinago sa 'kin dahil gusto mo akong parusahan kaya tinanggap ko kasi alam kong dapat lang talaga na mangyari. And I also made a promise to your Dad before he died, before I migrated to Australia . . ."

Naramdaman ko ang pagkalma ng puso ko. Katulad ng kung paano biglang kumalma ang malakas na hangin. Katulad ng kung paano kumalma ang lahat sa amin ni Kiel. Matagal ko na itong hinihintay.

"What is it you promised to him?" I asked him while still holding his hands.

Naramdaman ko na ang unti-unting pag-init ng sulok ng mga mata ko nang mga oras na 'yon.

"That I will continue loving you until my last breath. I tried to forget you so many times dahil paulit-ulit kong sinasabi sa isip ko na wala akong dulot na maganda sa 'yo. But look where I am now, still longing for you. I'm sorry for everything, baby . . ." He whispered to me.

Naramdaman ko ang marahan niyang paghalik sa ulo ko at nanatiling gano'n lang ang pwesto namin sa ilan pang mga sandali.

Napangiti ako nang marinig kong nagha-hum na naman siya. Pasimple kong pinunasan ang mga luhang lumandas mula sa mga mata ko. Pakiramdam ko ay sasabog ang puso ko sa sobrang pagmamahal sa kaniya. Hindi ko na alam ang sasabihin ko.

Kiel, I'm so in love with you.

"Sinabi mo ba lahat 'yan para kumbinsihin akong magpakasal sa 'yo at hindi na bumalik sa pagbabanda?" Tanong ko sa kaniya sa gitna ng seryosong tono niya.

Humiwalay siya sa 'kin kaya napatingin ako sa kaniya. Nakakunot na ang noo nito habang kumakamot sa ulo kaya napairap ako.

"I'm in love with you, Kiel. Everyone knows that. Lahat ay alam kung gaano ako kabaliw sa 'yo, but you know my deal to you," nakangisi kong sinabi sa kaniya. Lalong kumunot ang noo niya.

"But-"

"Let's go. We're hungry." I cut him off and showed him my tummy where our twins are shouting because they are hungry already, I can feel it.

Bago pa siya makapagsalitang muli ay humalakhak na ako at iniwan na siya roon.

Kung ano man ang hinihiling ko sa kaniya ay alam kong hindi na iyon madali para sa kaniya. Lalo na't may mga sarili na ring pamilya ang ibang ka-banda niya maliban na lang kay Miko. I just want to give him time to think about it all over again dahil alam kong nabibigla lamang siya sa lahat ng mga nangyayari. Ayokong may pagsisihan siya. Ayokong pati ako ay magsisi rin dahil wala akong ginawa.

Listens to Memories | Voiceless Duology 2 | COMPLETEDWhere stories live. Discover now