Kabanata 36

48 1 0
                                    

He's in coma

Everything was so fast. Na sa sobrang bilis ay halos hindi ito maproseso ng utak ko. Na sa sobrang bilis ng lahat ng pangyayari ay hindi iyon pumasok sa utak ko kaya nanatili akong tulala. Ilang minuto akong nakatitig sa duguang si Kiel bago ako tuluyang gumapang patungo sa kaniya. Dinig ko pa rin ang putok ng mga baril. Tila marami iyon at kung sino man ang target no'n ay wala itong balak na buhayin iyon.

"K-Kiel!" Nanginginig kong sigaw nang makalapit ako sa kaniya.

Nakahiga ito. Nakapikit ang mga mata. Kumalat sa buong katawan niya ang dugo kaya hindi ko malaman kung saan ito tinamaan. Kasabay ng pag bilis ng tibok ng puso ko ay ang mabilis na paghawak ko sa kaniya. Pansin ko ang matinding panginginig ng mga kamay ko.

"K-Kiel, no! Wake up, please! S-saan ang ano-wake up! K-Kiel! O-oh, my God!" I burst into tears.

Halos mawala ako sa sarili nang hindi siya gumising kahit yugyog na ang ginawa ko sa kaniya. Mabilis na hinanap ng mga mata ko si Asher. Nakita ko itong nakadapa rin ngunit walang tama. Tila sinisipat kung saan nanggagaling ang mga salarin.

"A-Ash! Si Kiel, please!" I called him.

Pasigaw na ang ginawa ko dahil maingay pa rin ang buong paligid. Nang tumingin ito sa akin ay agad siyang gumapang palapit sa amin.

Bumaling muli ako ng tingin kay Kiel at niyugyog muli siya ngunit hindi pa rin ito nagigising. Naglalawa na ang dugo niya sa sahig kaya naman hindi ko na malaman kung anong gagawin ko. Nagsimulang mag-unahan ang mga luha ko palabas sa mga mata ko.

"H-hindi siya gumigising! Gisingin mo, please, Asher! H-hindi puwede. Pakiusap, gisingin natin siya!" I begged him habang paulit-ulit na napapapikit dahil sa mga naririnig na iba't ibang ingay.

"Acel, calm down. Fuck! Hindi tayo makakalabas dahil lima ang nasa entrance. May balak yatang sirain ang buong lugar na ito!" Galit na buga sa akin ni Asher at hinawakan na si Kiel.

Tuluyan na akong nanghina dahil sa mga nangyayari at naririnig ko. Wala akong ibang marinig kundi ang sunod-sunod na pagputok ng mga baril na iyon at ang hiyawan ng mga tao. Pilitin ko mang takpan ang tainga ko upang huwag lang iyon mapakinggan ay hindi ko magawa dahil hawak ko ang walang malay na si Kiel. Ayoko siyang bitiwan. Hindi puwede. Ano bang nangyayari? Bakit nangyayari ito?

"A-anong gagawin natin?! He's losing a lot of blood for fuck's sake!" Hindi ko na napigilang sigaw sa kaniya at tuluyan nang humagulgol habang nakayuko sa kaniya.

Maya-maya pa, bago sumagot si Asher ay bigla na lamang nawala ang mga ingay na iyon. Tanging pigil na hikbi ko na lamang ang naririnig ko at ang malakas na kalabog ng puso ko. Nang tingnan ko si Kiel ay gano'n pa rin ang itsura nito.

Nanginginig na hinawakan ko ito bago muling bumaling kay Asher na nakatayo na at tila nagmamasid sa buong paligid. Ngayon ko lamang naalala ang banta sa buhay ko . . . at ang anak ko.

"A-Asher, si Zick . . ." I almost whispered to him before darkness took me.



Nagising ako nang may maramdaman akong maliliit na daliri sa mukha ko. I slowly opened my eyes and saw my son staring at me while there's tears on his eyes. Nang makita niya akong nakatingin sa kaniya ay saglit na natigilan ito bago ako niyakap nang mahigpit.

"M-mommy . . ." Bulong nito sa 'kin at tuluyan nang humikbi.

Naramdaman ko ang kirot sa dibdib ko nang marinig ko ang masakit niyang pag iyak. Tahimik ito at tila pinipigilan na huwag lumakas ang hikbi niya. My eyes started to water as I hug him tightly.

Listens to Memories | Voiceless Duology 2 | COMPLETEDWhere stories live. Discover now