Kabanata 62

40 1 0
                                    

Asking for more

My wound is slowly hurting my whole being. Unti-unti na akong nanghihina dahil dito at wala man lang magawa upang gamutin ito. Nanuyo na ang mga dugo roon maging ang nasa damit ko. Pakiramdam ko ay anumang-oras, mawawalan na ako ng malay dahil doon. I'm also thirsty and hungry at the same time! Hindi ko na alam kung anong unang mararamdaman. Hindi ko alam kung anong unang iisipin at pagtutuunan ng pansin.

Inilibot kong muli ang tingin sa buong kuwarto. It's a small room. Maayos pa ang mga gamit na naroon at malinis ang paligid. Komportable ngunit ramdam na ramdam ko ang pag-iisa nang mga oras na iyon. No one is showing up again mula pa kanina. Nagsisimula na naman akong makarinig ng mga boses sa isip ko at alam kong hindi iyon maganda para sa aking sarili. Pakiramdam ko ay unti-unti akong binabaliw ng sitwasyon ngayon.

Maya-maya pa, biglang bumukas ang pintuan ng silid kung nasaan ako at iniluwa no'n ang lalaking isa sa mga dahilan kung bakit naghihirap ako. Hindi ko ito matingnan kaya nanatili ang tingin ko sa kawalan, thinking about my Zick habang inaalala rin ang kalagayan ni Kiel. My mind is full of painful memories. Na kahit ilang beses kong piliting kalimutan iyon ay hindi ko magawa. Unti-unti ako nitong sinisira.

"Kumain ka muna." Dinig kong sambit niya at inilapag ang tray ng pagkain sa side table ng kama kung nasaan ako.

Nakatali pa rin ang mga kamay maging ang mga paa ko. Nanatiling tikom ang bibig habang pinakikiramdaman ang paligid ko. Wala akong ibang nais gawin ngayon kundi mag-isip ng paraan kung paano ako makakaalis sa lugar na ito.

"Eat, Acel, at pagkatapos ay gagamutin ko ang sugat mo," malumanay na sambit niyang muli.

"I don't fucking need your help," mariin kong sambit sa kaniya at tinutok ang tingin ko sa kaniya.

Umigting ang panga nito habang nakatitig sa akin. Tila sinusukat nito kung hanggang saan na lang ang pasensya niya. I don't know what he is thinking. Hindi ko mabasa ang ekspresyon na ipinapakita niya sa akin ngayon, ngunit alam kong nababasa niya ang sa akin. Lahat ng galit at poot ko ay alam kong nagsusumigaw sa buong katauhan ko kaya mas tinitigan ko pa siya.

Marahas itong bumuntong-hininga at akmang lalapitan ako kaya naging alerto ako. Lumayo kaagad ako sa kaniya dahil sa galit nanararamdaman.

"Tatanggalin ko ang bala sa sugat mo-"

"Don't you ever fucking touch me, I am warning you. I don't fucking want to be held by you, so please . . . stay away from me," mariin kong banta sa kaniya.

Suddenly, anger bursts out inside my heart. It is burning as well as my eyes that I couldn't help it anymore. Tahimik akong humagulgol dahil sa labis na poot na nararamdaman sa puso ko para sa mga taong ito na walang ibang ginawa kundi ang saktan ako. Nais kong itanong sa kanilang lahat kung anong matinding kasalanan ko sa kanila para gawin nila ito sa 'kin, ngunit kahit ang pagsasalita ay tila kinapapagod ko na rin.

I gasped air as I was trying to calm myself but it triggers my feelings more mostly when I suddenly remembers everything. I sighed violently and looked up at him that kept on staring at me still.

"W-why do you even want to cure my fucking wound?! Bakit gugustuhin mo pa akong gamutin?! Ano pa bang kailangan ninyo sa 'kin?!" I hissed as my voice is breaking.

Umiwas ito ng tingin sa 'kin at tumalikod. Kinagat ko ang ibabang labi ko at pinakawalan na ang malakas na hagulgol ko. Hindi ko na mabigyang deskripsyon ang sakit na nararamdaman ko. Hindi ko na alam kung ano pa ang tawag sa bagay na ito.

"W-what?! I am more than empty right now! Wala nang natira sa 'kin kundi ang anak ko na lang at si Kiel! Bakit patuloy niyo akong sinasaktan?! Anong naging kasalanan ko sa inyo?! A-anong ginawa kong mali, h-ha?! S-sabihin mo sa 'kin, Calix, kasi wala na akong maintindihan!"

Listens to Memories | Voiceless Duology 2 | COMPLETEDOnde as histórias ganham vida. Descobre agora