Prologue

2.9K 61 10
                                    

PROLOGUE

Aurelia's Medija POV's

NANGINGINIG ang mga kamay ko habang hawak ang pregnancy test, hindi ako sure pero duda ako na nagdadalang-tao ako. Madalas din akong nagigising sa umaga dahil parang hinahalukay ang sikmura ko at nagduduwal ako, halos isang Linggo na rin. Madalas din akong mahilo at nawalan ng malay sa school, dahil siguro sa nag-aaral ako ng husto pero iba ang pakiramdam ko.

Hindi lang yon mayro'n pang ibang dahilan. Madalas din akong nakakatulog sa klase at inaantok kahit tama naman ang oras ng pagtulog ko, napapagalitan narin ako ng mga professors ko dahil nakakatulog ako sa klase nila at ang dating paburito kong menudo at kare-kare ay inaayawan ng sikmura ko, napakapangit ng amoy nasusuka ako kaya hindi na ako kumain pa.

At ito ako ngayon sa loob ng cubicle ng isang convenience store, bumili ako ng pregnancy test kit, tatlo na upang makasiguro ako. Binasa ko lang ang instructions una kong sinubukan ang una, nag-aantay lang ano ng isang minuto at halos huminto ang mundo ko ng lumabas ang resulta.

Hindi. Baka mali lang, muli akong sumubok sa pangalawang pagkakataon ngunit pareho ang resulta ng nauna. Hindi mali, mali lang. Muli akong sumubok sa ikatlong pagkakataon at halos gumuho ang mundo ko ng parehong-pareho ang lumabas na resulta sa PT.

There's two red line on it.

Fuck! No. Hindi maaari. I'm freaking P-Pregnant?!

Isang Linggo kong pinag-isipan kong sasabihin ko ba kay Ashish na buntis ako at siya ang Ama. Oo karapatan niyang malaman pero mali eh, hindi pa ako tapos mag-aral ng kolehiyo. Sigurado akong magagalit sa akin si Papa at mama. Ngunit wala na silang magagawa nandito na ito kaya paninindigan ko na.

Nag pacheck up narin ako sa OB-Gyne at nalaman ko na dalawang Linggo na akong buntis at mahina ang kapit ng bata sa sinapupunan ko kaya't kailangan kong mag ingat. Binigyan niya rin ako ng vitamins, pangpakapit sa bata at pinayuhan n'ya rin ako ng mga dapat at hindi dapat gawin kapag nagbubuntis.

Nandito ako ngayon sa park nagpasyang maglakad lakad upang makalanghap ako ng sariwang hangin at makapag-isip ng mabuti. Umupo ako sa beach na malapit sa akin at tinawagan ko siya. Nanginginig man ang kamay ko ay nagawa kong matawagan siya. Malakas din ang tibok ng puso ko na mas lalong dumadagdag sa kaba ko ngayon.

"Hello."

Malamig at walang buhay ang kanyang boses ng sagutin niya ang tawag ko, nanlamig ang kamay ko. Bakit malamig ang boses niya? Ang sweet naman niya sa akin pero bakit ngayon ay iba? No baka pagod lang siya.

Humugot ako ng malalim na hininga. "N-Nasaan ka, may mahalaga akong s-sasabihin sa 'yo Ashish."

"In my house, and I have something to clarify to you, Aurelia. Come here in 5 minutes."

Binabaan niya ako ng tawag bago pa man ako maka salita.

No. Hindi ganito sa 'kin si Ashish, hindi niya ako binababaan ng tawag pero bakit ngayon ginawa niya? Sweet siya sa akin pero bakit ngayon ay bumabalik ang dating Ashish na kilala ko? Anong nangyayari sa kanya? I need to see him to tell that he gonna be Father soon.

Agad akong pumara ng taxi na dumaan sa harapan ko.

"Saan po kayo, Ma'am?" tanong ni Manong driver tumingin sa akin mula sa side mirror ng sasakyan.

"Sa El De Lucas Subdivision, manong."

Habang nasa daan papunta sa subdivision kong saan ang bahay ni Ashish ay kinakain ako ng matinding kaba, hindi ko alam kung saan nanggagaling. Siguro dahil nag o-overthink lang ako sa pakikitungo sa akin ni Ashish pero kasi may nag iba sa ugali niya. Wala na yong sweet at malambing na Ashish na kilala ko. Nagbago siya.

Ashish's Obsession (DIS#2)Opowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz