Chapter 25

941 23 6
                                    

CHAPTER 25

Aurelia's POV

MASAKIT ang ulo ko ng magising, dagdagan pa ng  tumatama ng sinag ng araw mula sa glass wall, napa balikwas ako ng bangon mula sa itim na king size bed habang hawak ang kumikirot kong ulo, napatingin ako sa paligid black and gray ang theme nitong kwarto at base sa theme nito lalaki ang may-ari.

"Ahhh shit!" mura nang mas sumakit ng ulo ko at may nakitang mga imahe.  

Nanlaki ang mata ko ng maalala ko na ang nangyari kagabi, mayro'n hindi kilalang mga lalaki ang kumuha sa akin. Shit ang anak ko! Inilibot ko ang mata ko sa buong kwarto, wala masyadong gamit dito, agad kong kinuha ang creame micro bag ko sa itaas ng lamesa, halos baliktarin ko na ang bag ngunit wala akong makitang cell phone.

"Shit! Shit! Shit! Nasaan na 'yon?" inis kong bulong habang sinusubukan hanapin ito nang hindi ko makita ay napamura ako ulit. "Sino ang kumuha no'n? Kailangan kong makausap ang anak ko, sana naman okay siya."

Nilibot ko ng tingin ang buong kwarto, agad akong bumangon at sinubukan buksan ang glass wall ngunit kahit ano'ng pilit kong buksan ay hindi ko mabuksan, sinubukan ko ang pintuan papalabas ng kwarto ngunit sarado rin. "Shit kailangan kong makaalis rito!" Huminga ako ng malalim at pinakawalan ito. "Alexa open this door," utos ko.

"Denied," si Alexa, yong robot na may access sa security ng mansion ni Ashish.

"You can't open it, you just wasting your energy," malamig at nakakakilabot ang kanyang malalim na boses, nagtayuan ang balahibo ko sa katawan.

That deep cold voice, it's him.

Napabaling ako sa likuran at halos manigas ako ng magkasalubong ang mga mata namin, ang kanyang dark gray eyes na titig na titig sa akin, napababa ang tingin ko at napalunok ko ng makita kong half naked siya sa harap ko, halatang bagong ligo pa ito, tumutulo ang tubig mula sa basa niyang buhok pababa ng kanyang mukha at matipunong dibdib, mas lalo pang gumanda at nag matured ang hulma ng kanyang katawan, mas lalo pa akong napalunok ng bumaba ang aking paningin sa kanyang hulmadong anim na pandesal, sagana pa rin siya sa work out.

"Done checking?" biglang tanong niya, napaangat ang tingin ko sa kanya, mayro'n nakakalokong ngiti sa kanyang maninipis na pulang labi.

Ilang beses ko pang minura ang sarili ko dahil sa katangahan. Huminga ako ng malalim at matalim siyang tiningnan.

"Ikaw ang may pakana nito? Paalisin mo na ako rito Ashish, this is kidnapping! I'll report you," naiinis kong saad habang sinusubukan muli buksan ang pinto.

He shook his head. "This is not. Hindi ka makakasumbong dahil hindi naman kita papalabasin rito na hindi ko nalalaman ang totoo mula diyan sa labi mo," matigas niyang anas, natigilan ako at napalunok.

Alam ko ang ibig sabihin niya at yan ang kinatatakutan kong mangyari, napailing ako.

"Hindi ko alam ang sinasabi mo, pakawalan mo na nga ako, wala kang karapatan gawin ito sa akin," sigaw ko, naiinis na ako sa kanya may sarili na siyang pamilya pero nangingialam pa rin siya sa akin.

Sarkastiko siyang tumawa na parang nakarinig siya ng nakakatawang biro, humakbang siya papalapit sa akin kaya napaatras ako hanggang sa maramdaman ko ang pinto sa likuran ko. "Hanggang ngayon ba naman Aurelia ay magsisinungaling ka sa akin ha? Fuck just tell me the fucking truth or you'll regret it later," pagbabanta niya sa akin na ikinataas ng balahibo ko sa katawan.

Huminto siya ng halos magkadikit na ang katawan namin, nanunuot sa aking ilong ang panlalaking amoy niya at ginamit na sabon at shampoo, sinalubong ko ang kanyang mga titig. "Kahit kailan hindi ako nagsinungaling sa 'yo Ashish, itigil mo na itong kabaliwan m—"

Ashish's Obsession (DIS#2)Where stories live. Discover now