Chapter 13

884 20 4
                                    

Aurelia's POV

"GUSTO kita bilang kaibigan," seryosong sabi niya.

"H-Ha?"

"Gusto kita dahil hindi ka tulad ng iba, you're my friends nothing more. I'm just being gentleman Ms. Aurelia," ngiting aniya at kinindatan pa ako at sinabayan pa niya ng tawa.

Nakahinga ako ng maluwag, buti naman dahil hindi ko alam ang gagawin kong totoo man ang sinabi niya kanina, he's a good man at mayroon na mas babagay sa kanya, and that's not me.

Napailing ako. "Tara na, baka lumamig pa ang pansit na niluto ko," aya ko sa kanya.

"Wow, pansit niluto mo, matagal na rin ako hindi nakakain no'n, sa wakas makakatikim din." Nababakasan ng excitement at tuwa ang kanyang boses.

Tinulungan din niya ako ihanda ang niluto ko, sa isang hindi kalakihan mangkok nandoon ang pansit, kanin at juice.

Nagtaka ako kung bakit hindi pa siya kumukuha, halata naman sa kanyang mukha na gutom na siya, katatapos lang ng kanyang trabaho at alam kong hindi pa siya kumakain ng tanghalian.

Nangunot ang noo ko. "May problema ba, Adrious? Kumuha kana, alam kong gutom ka sige na," ngiting aniya ko at inilapit pa sa kanya ang mangkok.

Umiling siya at ngumiti ng bahagya. "Ladies first."

Napailing ako at tumayo, nangunot ang noo niya nakatingin sa 'kin. Kinuha ko ang mangkok at ako na mismo ang nalagay sa kanyang plato.

"Ms. Aurelia?!" gulat na aniya.

"Kumain kana Adrious, alam kong hindi ka pa kumakain mula ng tanghalian, ugali mo na 'yan. Sige na kumain ka ng marami kung gusto mo magdala ka pauwi sa inyo," offer ko. Bumalik ako sa pag-upo ako kumuha rin ng sa 'kin.

Napakamot siya ng kanyang batok. "Naku wag na, nakakahiya naman sa 'yo, makikikain na nga lang ako magdadala pa," tangi niya.

Napailing ako. "No it's okay, hindi rin natin ito mauubos."

Habang kumakain kami ay may naalala ako. "Sa opening ba ng foundation week ay may band kayo?"

Napaangat siya ng tingin sa 'kin at tumango. "Oo nga pala, sa opening manonood ka ba? I want you to be there, sana manood ka," ngiting aniya.

"About that, gusto ko man pumunta pero may gagawin ako, may trabaho ako sa foundation week," mahinang saad ko.

Nangunot ang noo niya at napa buntung-hininga. "Sa boss mo ba?"

Tumango ako. Napatango siya at muling ngumiti. "Sayang naman, mas importante ba 'yan kaysa sa foundation week?" muling tanong niya.

Napalunok ako, gusto ko talaga na pumunta at makita siyang tumugtog ngunit hindi pwede, halata naman sa mga mata ni Adrious na malungkot siya na hindi ako maka. Since hindi ako makakapunta ay may naisip ako pangbawi.t8

"Ganito nalang, since hindi ako makakapunta sa foundation week at makita kang tumugtog ay friendly date nalang tayo sa susunod," ngiting aniya ko.

Nagliwanag ang kanyang matamlay na mga mata, nagkaroon ng sigla ito na kanina ay parang walang gana. Ngumiti siya ng matamis kasabay noon na lumabas ang kanyang magkabilang dimples.

"Talaga?" hindi makapaniwala na tanong niya. Tumango ako.

Kumuha ako ng lalagyan at nilagyan ko ng pansit na naiwan, marami pa ito at hindi ko rin naman makakain kaya ibibigay ko nalang sa kanya. Binigay ko ito sa kanya kahit na tumanggi pa siya, wala na rin siyang magagawa kaya tinanggap din niya sa huli.

"Salamat sa pabaon mong pansit Ms. Aurelia," ngiting pasasalamat ni Adrious at tinaas pa ang plastic ng pansit.

Natatawa ako at tumango. "Sige na, ingat sa pagmamaneho ha," habilin ko. Tumawa siya at kinindatan pa ako.

Ashish's Obsession (DIS#2)Where stories live. Discover now