Chapter 27

812 19 3
                                    

CHAPTER 27

Warning: Spg

Aurelia's POV

"LET me carry that." Bigla na lang sumulpot si Ashish sa gilid ko at kinuha ang dala kong basket na may lamang pagkain.

Nandito kami ngayon sa isang beach resorts kung saan magkakaroon ng swimming party, kasama ito sa birthday ni Mama dahil minsan lang daw mabuo ang pamilya namin kaya pumayag na ako at isa pa na-miss ko rin sila kasama.

Naka puting white sando na hapit na hapit sa kanyang matipunong pangangatawan, dark blue beach short at nakatali rin ang kanyang golden brown na buhok. Mula ng pinayagan ko siyang bumawi at mas naging clingy siya sa akin, napapansin na rin ito ng pamilya ko, alam ko naman na yon rin ang gusto nilang mangyari.

May isang bagay na lang talaga akong hindi nagagawa. Mayro'n humawak sa kaliwang kamay ko, si Ashtriuo pala ito, tulad ng kanyang ama ay pareho sila ng suot, hindi ko alam kung pinaghandaan ba nila yon o nagkataon lang.

"Mama let's swimm!" masigla niyang aniya, kumikinang ang mata niyang nakatingin sa asul na dagat, napangiti ako at ginulo ang kanyang buhok.

"Mamaya na anak, magpahinga muna tayo almost 1 and half ang byahe hmm," paalala ko, alam kong pagod kami lahat pero dahil sa ganda at payapa ng tanawin ay nakaka-relax, nakakawala ng pagod.

Tumango siya at ngumiti. "Opo mama."

Nasa isang malaking cottage kami, mayro'n rin ibang naliligo rito, maputi at purong buhangin, malamig ang hangin na galing sa karagatan na dumadampi sa aking balat. Isinalansan na lahat namin ang mga pagkain sa malaking lamesa, bawat cottage ay mayro'n CR, sa hindi kalayuan ay mayro'n mini hotel na pwede mag overnight. Kasama rin pala namin ang pamilya ng tatlo kong kuya.

Ang mga lalaki ay naka beach short lang, half naked, samantalang kaming mga babae ay maikling short at sando, hindi ko na kailangan mag bikini habang naliligo, nandito ako upang bantayan ang anak ko at makasama ang pamilya ko. Itinali ko na lang ang buhok ko dahil nagiging sagabal ito, tinulungan ko muna silang ayusin ng mga pagkain, matapos no'n ay hinila na ako ng anak ko papunta sa pangpang.

Ilang minute na naliligo ang anak ko, tuwang-tuwa ito habang nagtatampisaw sa malamig na tubig dagat. Mayron rin mga batang nakikilaro sa anak ko, dahil sa medyo tanghali na rin kaming nakarating rito ay napag pasyahan muna naming kumain ng tanghalian. Matapos naming kumain ay agad na nagtampisaw ang anak ko, naligo na rin ako habang binabantayan siya, ramdam ko may kanina pa na nakatingin sa akin, at nang tumingin ako doon ay nakita ko si Ashish na nakatingin rin sa akin, hinubad nito ang suot na sando at tumambad sa akin ang kanyang makisig na katawan, napaiwas agad ako ng tingin sa kanya, pinasa sa akin ng anak ko ang beach ball na nilalaruan nito.

"Uncle laro po tayo," nakangiting saad ng anak ko, napatingin naman sa akin si Ashish at ngumiti.

"Sure, mas masaya nga naman kung kasali ako sa laro niya ng mommy mo," ngising aniya. Napailing naman ako.

Nakisali na rin ang ilan kuya ko at nagkaroon kami ng mga palaro, nandoon na yong taya-tayaan, habulan, pabilisan lumangoy at at by partner na tulakan, tawa at saya lang ang naramdaman naming buong maghapon.

Nang sumapit ang gabi ay nagsimula na ang party, natutulog na ang anak ko at hinatid namin siya sa kwarto na nirentahan namin, nakatulog na ito sa subrang kalaro sa mga pinsan niya at mga kuya ko, naabutan namin si mama sa sala na katatapos lang maligo. Napabaling ito sa anak ko na buhat ni Ashish.

Ngumiti si mama. "Nakatulog na pala yan apo kong pogi, ihatid nyo na muna siya sa kwarto at ako na ang magbabantay sa kanya," aniya at napasulyap pa kay Ashish at sa akin, sa ngiti at titig ni mama ay alam kong nanunukso na siya.

Ashish's Obsession (DIS#2)Where stories live. Discover now